Chapter 11

2089 Words
"Hey! Did you have a rough night?" Tawag ni Jake sa kanya. Tulala kasi si Kiero sa isang sulok. Hindi ito nakikinig sa kinukwento ng kaibigan nya. Ngumiti na lamang ito at umiling. "Are you okay, bro?" Tanong ni Jake saka sya tinapik sa balikat. "Yes. Naparami lang yung inom ko kagabi." Sagot nya saka muling ngumiti ng pilit. "Nag bar kana naman ba? You know bro. Bawasan mo yan, use a protection." Humagalpak ng tawa si Jake. Kumunot naman ang noo ni keiro. "Shut up bro! Sa kwarto lang ako uminom." Inis nyang sagot. "With who? Sino na namang malas na babae yan?" Tatawa tawa ito habang inaayos nya ang kanyang papeles na hawak. "I'm alone." Tipid nyang sagot saka sumeryoso ang mukha nya. "Woah? Seryoso? Nagbabalik loob kana ba? Bakit? May nagpapatibok na ba muli nyang puso mong sawi?" Tuloy sa pang aasar si Jake. "Dyan kana nga. Mag kikita pa kami ni Ricky." He said saka lumabas ng opisina ng binata na nasa dulo ng restaurant nito. Pumunta sya sa restaurant ng kaibigan para humanap ng matinong makakausap pero mukhang nagkamali sya ng pinuntahan. Nagtungo si Kiero sa bahay nina Ricky. Nadatnan nyang naglalaro ang magkapatid ng xbox. Pabagsak itong naupo sa sofa katabi ni James. "Wazzup bro. Walang pasok?" Tanong ni James. "Tao ka ba? Holiday diba?" Asar na sagot ni Ricky. "Oooh. I forgot. Masungit si Kuya dahil talo ko." Paliwanag James saka tumingin kay Kiero. "Ayoko na." Maktol ni Ricky saka hinagis ang controller sa mesa. Humagalpak naman ng tawa ang kanyang kapatid. "Tara kumain, nagugutom ako." Dugtong nya saka nag inat inat ng katawan. Dahil topless ito his muscles revealed. "Ako din. Tara kuya. Libre mo." Agree naman ni James. "Doon tayo sa Restaurant ni Jake?" Ani Ricky. "Hell no! Sawa na ako sa pagkain doon." Protesta ni Kiero. "Doon nalang. Masarap yung mga pasta doon eh. Wag ka nalang kumain." Sabi ni James na nagpout pa na parang bata. Walang nagawa si Kiero kaya sumama nalang ito papunta sa Restaurant ni Jake. He just ordered wine while his cousins ordered pasta and pizza. "Carbs carbs carbs..." Excited na sabi James nang dumating ang order nila, pinagdaop pa nya ang kanyang palad at kiniskis sa isat-isa sa sobrang excitement. "Sigurado ka bro ayaw mo?" Ani Ricky sabay kagat sa pizza na animoy nang iingit. "Anong ginagawa dito ni Chienne?" Takang tanong ni James saka ituloy ang pagkain sa pasta. Sabay na napalingon si Ricky at Kiero. Pumasok si Chienne sa restaurant kasama si Jake at dumaretso sila sa office. Bumalik ng tingin si Kiero sa wine nya saka straight na ininum ito. "Nangangamoy selos." Humagalpak ng tawa si Ricky. Hindi umimik si Kiero. Halata sa mukha nya na badtrip ito. Ngumise tuloy yung magkapatid. Hindi sya nagseselos. Naiinis sya pero hindi nya alam kung bakit. "Okay ka lang?" Tanong ni James. Hindi pa rin ito sumagot. Nagsalin pa ito ng wine sa kanyang wine glass at mabilis na ininom. "I have to go." Ani Kiero saka tumayo at umalis ng resto. Nagtungo na naman ito sa UBar. Naubos na nya ang isang bote ng brandy. Tahimik lang sya sa table nya. Natigilan sa pag-inom si Kiero nang tugtugin ng banda ang "One Day" ni Angeline quinto. Napapikit sya habang ninanamnam ang bawat lyrics ng kanta. Tagos na tagos iyon sa puso nya. Hindi nito namamalayan na umiiyak na pala sya. "I like that song too." Ani ng babae nang makalapit ito sa table ni Kiero. Agad na pinunasan nito ang luha nya. "Makakalimutan mo din sya. One day you will be just fine. Can I join?" The girl smiled at him. He smiled back and nodded saka inubos ang laman ng baso nya. "Sya ang kasama ko sa mga first time experinces ko. She is my first girlfriend, my first kiss, my first love, my first make out. She is my great love... My everything so I don't know how to forget her." Sagot nya saka ulit nagsalin ng brandy sa kanyang baso. "Try to love again. Simple as that. One of the simplest ways to stay happy is letting go of the things that make you sad." Nakipag cheers ito kay Kiero saka ngumiti. "By the way, I'm Carmela and you are?" "Kiero." He extended his hand. Magdamag silang nagkwentuhan sa bar haggang pareho silang nalasing. Like what he did to the other girls, Kiero takes her home. Nagising sya sa katok ng pinto. He opened his right eye nang hindi nya makapa sa kama si Carmela. Nasa pinto na pala ang dalaga para pagbuksan ang kumakatok. Napa-iktad sya ng makarinig sya ng nabasag na kung ano. Nakita nya si Chienne na tulalang nakatitig kay Carmela na naka bra at panty lang kumurap lang ito ng makita nya si Kiero. "Are you okay? Nagulat ba kita?" Alalang tanong ni Carmela. "N-No... Okay lang ako. Sorry at naistorbo ko kayo." Yumuko si Chienne. "Wear your clothes, Carmela. Ihahatid na kita." Malamig na sabi ni Kiero. "Let's take a shower first? Ipagluluto kita ng breakfast." Malambing na sagot ni Carmela saka pumulupot sa braso ng binata. Lalong yumuko si Chienne saka pinulot ang mga nabasag na tasa at plato. "What do you want? Magaling yata akong magluto." She added. Napatingin si Kiero kay Chienne. Nanginginig ang kamay ng dalaga habang pinupuloy ang mga bubog. Hihilahin sana nya si Chienne para patigilin sa ginagawa dahil alam nyang careless ito pero it's too late... "Aw!" Sigaw nya ng matusok ng bubog. Agad na lumapit si Kiero at hinawakan ang kamay ng dalaga. Napapikit naman si Chienne ng makitang dumudugo na ang daliri nya. "Kay Marya mo na ipalinis ang mga yan." He said at inalalayang tumayo si Chienne. "Are you okay? Mukhang maliit lang naman ang sugat mo. Malayo sa bituka." Carmela said na may halong pag kairita sa boses. Huminga ng malalim si Chienne saka binawi ang kamay nya kay Kiero. Lalong nanlamig ang dalaga ng makita ang duguan nyang daliri. Bakas sa mukha nya ang nerbyos at pamumutla. She can hardly breathe. "O-Okay lang ako. B-Balik na ako sa kwarto..." Nahihirapang sabi ni Chienne. "Close your eyes. Gagamutin kita." Hinila sya ni Kiero papunta sa kanyang banyo saka hinugasan ang kamay. Nakatitig lang si Chienne sa mukha ng binata habang hinuhugasan ang kamay nya. Bakas sa mata ng dalaga ang kalungkutan. "Bakit namumula ang wrist mo?" Inis na tanong ni Kiero. Nagtama na ang paningin nila. Si Chienne naman ang umiwas ng tingin. "Wala yan. Okay na ba? Lalabas na ako, baka naghihintay si... yung..." Hindi alam ni Chienne ang sasabihin. Sanay na syang may lumalabas sa kwarto ni Kiero na ibat ibang babae pero iba ang pakiramdam nya ngayon. Masakit. She don't even know why. "Pauwi na din si Carmela." Malamig nyang sagot "Now tell me what happened to your arm?" "Wala. Hindi lang ako nag iingat." "Chienne!" Pagalit na sabi ni Kiero. Napayuko ang dalaga saka nagpout. "Natapunan ng kape. Kasalanan ko naman dahil hindi ako nag iingat." Huminga ng malalim si Kiero saka nya ito hinila at niyakap. "I'm sorry." He said with a sad voice. Parang kinukurot ang puso ng binata. Bakit palagi itong nagi guilty kapag nakikita ang maamong mukha ng dalaga? She can't resist it kaya minsan ay naiinis na din sya sa sarili nya. Matapos gamutin ang sugat at lagyan ng ointment ang paso ng dalaga ay lumabas na sila sa banyo. Si manang len nalang ang nadatnan nila sa may pinto na naglilinis ng mga bubog at mga natapon na pagkain. "Iho, umalis na yung babaeng kasama mo kagabi. Mukhang galit sya nang umalis." Ani manang len saka tumingin kay Chienne. "Ayos ka lang ba iha?" Ngumiti ang matanda sa dalaga. Tumango naman si Chienne at ngumiti. "Kung ganon. Bumaba na kayo. Naihanda na ni Marya ang inyong umagahan. Sarap na sarap si Marya sa iniluto mo. Ano nga iyon?" Nakangiti pa din ang matanda. "Ah... Sausage Casserole po." Nakangiting sagot ni Chienne. "Yun nga. Nakalimutan ko kaagad. Ang galing talaga magturo ni Sir Jake. Sa susunod ako naman ang turuan mo iha. O sya bumaba na kayo at kumain." Itinuloy na ni Manang len ang kanyang ginagawa. Nagkatinginan naman si Kiero at Chienne. Napilitan tuloy ngumiti si Chienne dahil pinagtaasan sya ng kilay ng binata saka ito unang lumabas ng kwarto. "So kaya ka nasa restaurant ni Jake kahapon dahil nagpaturo kang magluto nito? Why?" Seryosong tanong ni Kiero ng makaupo sila sa dining. Namula si Chienne sa tanong ng binata hindi rin ito makatingin. Hilaw itong napangiti saka sumandok ng Sausgae Casserole. "Chienne?" Inagaw nito ang serving spoon sa kamay ng dalaga para pigilan sya at sagutin ang kanyang tanong. "Oo, nagpaturo ako sa kanyang magluto ng mga paborito mong pagkain." Nahihiya nyang sagot. Napangiti si Kiero sa sagot ng dalaga saka nya nilagyan ng casserole ang pinggan ng dalaga. "Why?" Ani Kiero. "Para makabawi man lang ako sa pagpapatuloy mo sa akin dito. Kahit sa simpleng paraan mapasaya man lang kita. Pero kung ayaw mong gawin ko ito... Don't worry hindi ko na..." "No. I like it." Tinikman nya ang niluto ni Chienne. "And it's perfect." He added. That made Chienne smiled. They ate breakfast together then they went to the office after. Dumalaw si Sabrina sa office ng kanyang pinsan pero nasa meeting pa si Kiero kaya si Chienne ang nag asikaso dito. "Thanks, Chienne." Ani Sabrina ng abutin nya ang kape na tinimpla nito. Pareho silang naupo sa sofa ng office. "May Outing kaming magpipinsan this long weekend. Wanna join?" Yaya ni Sabrina. "Naku wag na. Nakakahiya at tsaka isa pa ma-a-out-of-place lang ako doon. Enjoy nalang kayo." Chienne smiled at her. "Hindi ka naman siguro maOop. Hindi ka din naman papabayaan ni Kiero." She grin saka humigop ng kape. Namula tuloy si Chienne dahil sa sinabi nyang iyon. "Sab. Nandito kana pala." Singit ni Kiero na kakapasok lang sa kanyang opisina. Parehong napatingin ang dalawa sa kanya. "Yup. Yayain mo nga itong si Chienne sa bakasyon natin. Baka daw ma OP sya eh. I'm sure naman na hindi diba, Kiero?" Ngumiti ito sa kanyang pinsan. "Huh? Y-Yes... Pero wag mo ng pilitin kung ayaw nya." Sagot ni Kiero na mukhang nagdadalawang isip pa sa sagot. "Okay. Anyway..." Inabot nya yung envelop na nakapatong sa lap nya. "Ito na yung hinihingi mo kay Dad. Naasikaso na nya lahat. I-check mo nalang lupa sa laguna malapit ito sa warehouse nina Zack. Sabi ni Dad sobrang laki daw noon para sa price nya. You must be lucky." Ani Sabrina. "Thanks Sab. Maybe this week ay bibisita ako sa lupang iyon para masimulan ko na din ang pagpapatayo ng warehouse." Sagot nito habang tinitingnan ang mga papeles. "I have to go. Idinaan ko lang naman yan dito. Pumunta ka mamaya sa bahay. It's my birthday, hindi pwedeng wala ka. Okay?" Tumayo na si Sab at ngumiti sa pinsan. "Sure. Ano bang gusto mong regalo." "Ahhmmmm..." Nagisip saglit ang dalaga. "Siguro... Bagong love life mo okay na ako." Humagalpak ito ng tawa. Pati si Chienne ay napatawa sa sagot ni Sabrina. "Shut up, Sab." Inis na sabi ni kiero saka sya umupo sa kanyang swivel chair. Nagwave nalang si Sabrina sa kanyang pinsan at kay Chienne and she mouthed BYE bago lumabas ng office. Tumayo na si Chienne mula sa pagkakaupo sa sofa saka bahagyang lumapit sa table ng binata. "Chienne, Did you send me the report that I am asking earlier?" Tanong nito without looking to Chienne. "Yes. Yung about sa warehouse... Iyon ba yung sinabi sa akin ni Fabio na aalisin mo na daw ang ilang supplies sa warehouse nila?" Mahina ang boses nya at nakatuon ang tingin nya sa binata. Tumigil sa pagbabasa si Kiero at pinagtaasan ng kilay ang dalaga. Maya maya ay kumunot na ang noo nito. "Nagkita kayo ni Fabio?" Inis nyang tanong. Literal syang naiinis sa tuwing naririnig nya ang pangalan ni Fabio. Kumukulo ang dugo nya sa lalaking iyon. "Huh? Ahm, Nakasalubong ko sya sa Hyper Mart kahapon. Totoo ba yun?" "Oo. Kailangan natin ng mas malaking warehouse para hindi tayo nakikilagay sa kanila. I think I need to assign you in that project kaysa sa pakikipagusap sa mga suppliers natin." Seryoso nyang sagot. "What? Nagbibiro ka lang diba?" Gulat nyang sabi. "Hindi ko sigurado kayang ihandle ang warehouse..." Hindi nito pinatapos ang sasabihin ng dalaga tumayo si Kiero at tumitig sa dalaga. "Hindi mo kaya?" Tumango lang si Chienne bilang sagot. "Okay. Then come with us this weekend." Ani Kiero saka ito lumabas ng opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD