Chapter 12

4209 Words
"OMG! It's so very hot in here!" Reklamo ni Maxine ng makababa sya ng sasakyan. Tanghali na kaya sa isang drive thru sa NLEX nalang sila kumain. Nang makababa na ang lahat ay nagtungo agad sila sa isang sikat na fastfood restaurant lalo na sa mga bata. Chienne is wearing a yellow floral dress with spaghetti strap. Lalong nangibabaw ang mapuputi at makinis nyang balat. Magkakasama ang mga babae habang pumipili ng kakainin habang ang mga lalaki naman ay magkakasama din sa isang pila. Sila na yata ang pinaka magulo at maingay sa pila na halos ang ibang customer at crew ay napapatingin sa kanila. Lalo na sa mga nag gagwapuhang magpipinsan. "Pasalamat kayo umuwi ako, kung hindi walang gwapo dito ngayon. Kung sinama mo naman si Baby Max edi dalawa na kaming gwapo." Yabang ni Zack saka humagalpak ng tawa. "Shut up Zack! Actually, ikaw ang pinaka pangit dito eh." Kontra naman ni Dustin. "Hi Miss can I get your number?" Ani ng isang baritonong boses. Napalingon ang mga lalaking magpipinsan para tingnan kung kanino sa babae nilang kasama ang hinihingan ng number ng lalaking nakaputing sando na may katangkaran. Nagtaas ng kilay ang mga ito at saka tumikhim at tumingin kay Kiero. Tinapik pa sya ni Ricky sa balikat. "How about you miss beautiful can I also get your number? I'm his brother." Ani ng kasama ng nakaputing sando kay Kara. "Aba siraulo to' ah!" Inis na sabi ni Dustin. Sa kanya naman ngayon nakatingin ang kanyang mga pinsan. Iiling iling nalang na tumawa si James. "Buti nalang wala pa akong chick. Kung ako yan baka nasapak ko na." Nakangiting sabi ni James. Walang imik na lumapit si Kiero kay Chienne, ganun din naman si Dustin kay Kara at pareho nila itong inakbayan. "Why don't you get my number instead?" Matabang na sabi ni Kiero sa lalaking nasa harapan nila. "Ikaw dude, wanna get my number?" Inis namang sabi din ni Dustin sa lalaking humihingi ng number ni Kara. Ngiting hilaw ang tanging naisagot ng dalawang lalaki saka umalis sa harap ng mga ito. Mariin namang tumingin si Kiero kay Chienne saka umalis at bumalik sa umpukan nina Ricky. Bumalik din naman si Dustin pero kabig kabig pa din nito ang bewang ng kanyang asawa. Hapon na ng makarating sila sa Ilocos. Magkakasama sa isang kwarto ang mga babae same with the boys maliban sa mag asawang sina Dustin at Kara. After they prepared their things ay bumaba na din ang mga ito para simulan ang night party. Topless lahat ang mga lalaking magpipinsan. Halos lahat ng guess sa resort ay napapalingon sa matitipunong katawan ng mga ito. Daig pa ang mga artista kung pag tilian ng mga babae. Hindi din naman papahuli ang mga babae lalo na si Maxine at Sab na naka 2 piece. Naka 2 piece din naman sina Kara at Chienne pero pinatungan nila ito ng beach see-through dress. Long dress ang kay Kara at kay Chienne naman ay above the knee. "Susunod ba si Clarence?" Tanong ni Kara kay Maxine. "Yup. Bukas." Ngumiti ito at tumakbo palapit sa mga lalaki nyang pinsan. "Naku may mag aaway bukas. Pose ka nga pipicturan kita. Pauusukin ko lang ang ilong ni Clarence." Natatawang sabi ni Zack sabay kuha ng kanyang cellphone sa bulsa. "Ang hilig mo talagang pag awayin ang mga couple no?" Singit ni Dustin saka inakbayan ang kanyang kapatid. "Yah. Pagtanggol mo pa ako kuya." Malambing nitong sabi kay Dustin. "Bakit hindi mo nalang pag awayin sina Kiero at Chienne? Testingin natin yang karisma mo." Natatawang sabi ni Dustin saka tumingin sa papalapit na si Kiero at may bitbit pang beer. "Deal." Ani Zack saka ngumise ng nakakaloko. Nasa mini bar na ang mga ito katabi ng infinity pool at jacuzzi. Kumakanta naman si Maxine sa videoke kaduet si James habang sinasabayan ito ng sayaw ni Sabrina. Tahimik namang nanonood sa isang sulok si Chienne kaya nilapitan ito ni Zack. Mukhang uumpisahan na nya ang deal nila ni Dustin. "Hi Chienne. Kumusta?" Zack smiled saka naupo sa tabi ng dalaga. "I'm good. Thanks. Ikaw?" Nakangiting sagot ni Chienne. "Ito, single pa din? Wanna change it?" Ngumiti si Zack. Napatawa naman si Chienne sa pickup line ng binata. Maya maya pa ay lumapit na sa kanila si Kiero kaya lalong ngumisi si Zack habang nakatingin kay Dustin. Tila nagkakaintindihan na ang dalawa. Sinadya itong hindi pansinin ni Zack at patuloy na kinulit si Chienne. "Balita ko favorite mo daw ang vanilla cake? Let's bake a cake tomorrow? Pwede nating hiramin ang kusina ng resort." Pagpapatuloy ni Zack sa usapan. "Sure. Pwede ko din naman kayong ipagluto ng breakfast bukas. Madami dami din akong natutunan kay Jake." Chienne smile saka ininom ang hawak na pina colada. "Woah, Wife Material. Can I marry you?" Tumawa si Zack saka nakipag cheers kay Chienne. Kiero clenched his jaw ng marinig ang sinabi ni Zack. Hindi na din maipinta ang kanyang mukha. Naiinis sya na parang gusto nyang sapakin ang kanyang pinsan. Hindi rin nya maipaliwanag kung bakit sya nakakaramdam ng ganun. Ganun din kasi ang naramdaman nya kay Fabio at sa lalaking nakaputing sando kanina. No I'm not! Hindi ko sya gusto! Calm the f**k down Kiero! He thought while he drinks the remaining Vodka Gimlet in his glass. "Tara, swimming tayo?" Yaya ni Zack. "No Thanks. Dito nalang ako. Wala ako sa mood mag swimming eh." Mabilis namang tanggi ng dalaga. "Okay. Kumanta nalang tayo. Gusto kong marinig ang maganda mong boses." Yaya nya ulit. "Huh? Hindi naman maganda ang boses ko. Baka umulan lang. Nakakhiya." Namula na si Chienne. Sa di kalayuan ay humahagalpak na ng tawa si Ricky at Dustin habang nag uusap at paminsan ay tumitingin sila kay Zack. Mukhang hindi umuubra ang karisma ng binata. "Sige na. Please? Pabirthday mo na kay Sab. Right sab?" Pamimilit ni Zack. Nag thumbs up lang si Sab at ngumiti. "O sige, pero ako ang pipili ng kanta?" Ngumiti si Chienne ganun din si Zack saka tumango. Nang makapili si Chienne ay lumapit ito kay Zack. "Never seen nothing like you. Alam mo yun?" Kumunot ang noon g binata at nag slow-motion pang umiling. "No. Iba nalang." He pouted kaya napatawa si Chienne. "I know that song. Let's sing it." Singit ni Kiero saka kinuha ang mic kay James. Napanganga naman si Chienne pero lumapit na din ito sa binata at kinuha ang isang mic kay Maxine. Napakamot nalang ng ulo si Zack. Pumalakpak naman ang iba nitong pinsan. Music start. Napalunok si Chienne habang nakatingin kay Kiero. Sa flat screen TV naman nakatuon ang tingin ng binata. Duet: No, I've never seen nothing like you No one else makes me feel like you do, yeah I've searched across the universe I've seen many things so beautiful, it's true But I've never seen nothing like you... Chienne: Been all around the world see everything From the North, South, East, West But I've never found Someone with you're heart of gold From Paris to Rome to places I've never known Nothing felt as right as you and I And I never wanna let you go I've looked so long in every face and place I've gone Even in my dreams... Duet: No, I've never seen nothing like you No one else makes me feel like you do, yeah I've searched across the universe I've seen many things so beautiful, it's true But I've never seen nothing like you... Kiero: If I travel through time I still could never find a future past that I've had Someone who compares to everything you are From Mona Lisa's smile to angels' up in heaven's sky You're the one who saved my heart... Napatingin si Kiero sa dalaga. Chienne is also staring at him kaya ngumiti si Kiero. I've looked so long to every face and place I've gone Even in my dreams Kiero: No, I've never seen nothing like you Chienne: No one else makes me feel like you do, yeah Duet: I've searched across the universe I've seen many things so beautiful, it's true But I've never seen nothing like you... Chienne: I've finally found what I was looking for The first time I saw your face, yeah Kiero: Say you'll stay forevermore This love can never be replaced Naghiyawang muli ang mga pinsan nito na animoy nanonood ng concert. Sabrina chant "I shipped! Chierooooooo!" habang nakataas pa ang kamay. "Taba ng utak, Sab. Go Chiero!" Ani Maxine. Duet: No, I've never seen nothing like you No one else makes me feel like you do, yeah I've searched across the universe I've seen many things so beautiful, it's true But I've never seen nothing like you... Nang matapos kumanta ay bigla nalang umalis si Kiero pabalik sa kanilang kwarto. Nagka-tinginan nalang ang mga naiwan nya sa mini bar. Nang makapasok ng kwarto ay agad nyang sinuntok ng malakas ang pader at saka paulit ulit na nagmura. His tears start to flow. Pinunasan nya ang luha nya ng makita nya si James na nakatayo sa pinto. "I'm sorry. Are you okay bro?" Nag aalala nyang tanong. "Yeah, Wag mo nalang akong intindihin." He said saka tumalikod. Nilapitan sya ni James at iniangat ang kanang kamay ni Kiero na dumudugo saka nya pinatungan ng tissue para tumigil ang pagdurugo. "You like her? Don't you?" Seryosong tanong ni James. Saka binitawan ang kamay ng pinsan. "No." Matipid nyang sagot. Yumuko ito. Madilim sa kwarto at tanging liwanag lang mula sa bintana ang nagsisilbing ilaw nila. "Alam mo bro, mahirap magpaggap na mahal mo yung tao kahit hindi naman. Pero mas mahirap magpaggap na hindi mo sya mahal but the truth is you really do. It's sucks bro! Trust me." Ani James saka sya tinapik sa balikat. Palabas na si James ng muling magsalita si Kiero. "Ang hirap palang magmahal muli. I want to try but I am afraid." His voice is full of emotions. It's shaking kaya muli syang napasuntok sa pader. Nilingon sya ni James. Lumapit ito at muling tinapik ang kanyang balikat. "Tama na." Pinaupo nya ito sa kama. "Love isn't supposed to be easy; it is supposed to be worth it." Ngumiti si James. Bumukas ang ilaw sa kwarto kaya yumuko si Kiero. Tumayo naman si James at namewang. "May kukunin lang ako." Ngumisi si Zack saka dumaretso sa cabinet at kumuha ng towel. "Let's go. Baka hanapin tayo ni Sab." Yaya ni James kay Kiero. "Sige. Susunod ako." Tumayo si Kiero at pumasok sa banyo. Nagkatinginan lang si Zack at James. Lumabas na rin ang dalawa at bumaliks sa mini bar. After 30 minutes ay bumalik na din si Kiero. Seryoso lang ang mukha nya. He's not even laughing kahit sumasakit na ang tyan ng mga kasamahan nya sa pagpapatawa ni Zack. Sinundan nya ng tingin si Sab at Chienne na umalis patungo sa main lounge ng resort. Lihim nya itong sinundan. "Chienne, wait me here nalang, kakausapin ko lang ang manager ng hotel." Ani Sab saka umalis. Naupo naman si Chienne sa sofa saka tiningnan ang kanyang cellphone. "Are you alone? O may hinihintay ka?" Tumunghay si Chienne para tingnan ang lalaking nasa harapan nya. "May hinihintay ako." Sagot nya saka ngumiti. "Kasama mo ba yung magandang babae kanina?" Ani ng lalaki saka ngumiti ng mapang-akit. Nailang tuloy si Chienne kaya tumango nalang ito bilang sagot. Naupo yung lalaki sa kaharap nyang sofa. "Can I get her number?" The guy is still smiling. "No. I can't. Bakit hindi mo nalang sa kanya hingin? Excuse me." Mataray nyang sagot. Tatayo na sana si Chienne pero hinila sya ng lalaki kaya napabalik ito ng upo. "Kinakausap kita ng maayos kaya wag kang bastos!" Inilapit pa nya ang mukha nito sa dalaga. Noon lang naamoy ni Chienne ang alak kaya sa tingin nya ay lasing ito. "Ano ba! Bitawan mo ako!" Sigaw ni Chienne. Malakas ang lalaki kaya hindi nya magawang makawala dito. Wala pang ilang Segundo ay tumalsik na ang lalaki sa sahig. Buti nalang at kakaunti ang tao sa main lounge dahil past 12 midnight na. "Stop jerking her around dude!" Pagalit na sigaw ni Kiero. Hinila ni Kiero ang dalaga papunta sa likuran nya. Pinunasan ng lalaki ang dugo nya sa labi using his back hand saka tumayo. "Man! Are you trying to be a hero?" Tumawa ito. "Sige, sayo na yan. Yung kasama naman nya yung gusto ko." Tumingin ito sa babaeng papalapit sa kanila. "Ayan na pala sya. Sexy talaga!" Lalong uminit ang ulo ni Kiero saka nya muling sinuntok ang lalaki. "What happened?" Alalang tanong ni Sab ng makalapit ito sa kanila. "Bumalik na kayo Sab." Seryosong tugon ni Kiero without looking to them nakatingin lang ito sa lalaking tumatawa. Naglakad na palayo ang dalawa. Nakasunod naman ng tingin ang lalaki. "Tangina! Lupet mo dude. Threesome!" Tumawa ulit ito. Hinila ni Kiero ang kwelyo ng lalaki. "She's my cousin! Kapag hindi ka tumigil babasagin ko yang mukha mo." Mariing sabi ni Kiero. "Edi akin nalang yung maputing chicks kanina. Sexy din naman sya eh. Kinis pa. Sarap!" Sumipol pa ito. Mas lalong uminit ang ulo ni Kiero kaya sunod sunod nya itong pinagsusuntok sa mukha. Saka lang sila inawat ng mga guard. "Tama na po sir Kiero. Kami na ang bahala dito." Ani ng guard saka binibit nila ito palabas ng lounge. "Ayokong makita ulit ang pagmumukha ng gagong yan dito!" Sigaw nya saka huminga ng malalim. Nang makabalik sila sa mini bar agad na inabutan ni Sab si Chienne ng tubig para kumalma. Pinaupo nya ito sa isang sulok ng bar kung saan hindi sila pansin ng mga kasamahan. "Are you okay? Ano bang nangyari?" Mahinahong tanong ni Sabrina. Uminom muna si Chienne bago sumagot. "That guy wants your number. Syempre hindi ko binigay. Mukhang nakainom yata kaya nagalit ng tarayan ko sya." Sagot naman ni Chienne. "Okay. Then what is Kiero doing there?" sunod na tanong ni Sab. "I don't know. Bigla nalang syang dumating at sinuntok yung lalaki." She sighed. Ngumiti si Sab at sumandal sa pader while looking at Chienne. She crossed her arms. "Aside from Dustin, mas malapit din kami ni Kiero sa lahat ng babaeng nyang pinsan and I know him very well. Si Erika ang una nyang naging girlfriend and after she died, halos lahat ng nagiging girlfriend niya in Paris at dito ay kilala ko. I know he didn't take any serious relationship with them. But he treats you differently. Knowing kiero for so long, He never speaks her heart out... Except to you and Erika." Nanlaki ang mata ni Chienne. Bahagyang nakabuka ang bibig nya. Pilit itong ngumiti ang nag iwas ng tingin. "Paano mangyayari yun? Palagi syang masungit at galit sa akin. Kung hindi naman ay pinagtitripan nya ako. Oo mabait sya paminsan pero napakalamig ng pagtrato nya sa akin. He's really confusing me. Baka dahil araw araw nya akong nakakasama mula sa mansion hanggang sa opisina kaya ganun." Paliwanang ni Chienne. "Pero pinoprotektahan ka nya." She said. Sumeryoso ang mukha ni Chienne. Napalunok ito saka muling ngumiti. "Walang feelings sa akin si Kiero. She's into Erika pa din. Baka... Baka nagkakamali ka lang nang..." "It's okay... We want you for Kiero." Sab said at hindi na nya pinatapos ang sasabihin ni Chienne. Tinapik nya ang balikat nito saka lumapit kay Kiero nakakarating lang. Tanghali na nagising ang lahat. Sabay sabay silang nag-umagahan at si chienne ang nagluto ng kanilang kinain. Maliban sa Vanilla cake. Hindi na nya ito nagawa. Pagkatapos nilang mag umagahan ay nag prepared na sila para pumunta sa Blue Lagoon ng pagudpud. "Wow! It's so relaxing here!" Sigaw ni Kara sabay hinga ng malalim. "You like it here Honey? Bibilhin ko na ito?" Ani Dustin saka pumulupot sa bewang ng asawa. "Kuya, Hangin mo. Malakas ka pa sa hangin dito."Asar ni Maxine. Nilabas nito ang kanyang sunblock mula sa bag. "James Lagyan mo naman ako ng sunblock sa likod. Please?" "Sure. Hindi ba ako bibigwasan ni Clarence?" Humagalpak ito ng tawa. "Nakakainis nga. Mamaya pa syang hapon makakarating." Inis na sagot ni Maxine. "Hon, lagyan mo rin ako." Ani Kara at agad naman sumunod si Dustin sa asawa. "Me too!" Hinila ni Sab si Ricky para magpalagay ng Sunblock. Nagkatinginan naman si Chienne at Kiero at kapwa namula. "Lagyan na kita Chienne." Ngumise si Zack saka kinuha ang hawak na sunblock ni James. "I'll do it." Mabilis namang singit ni Kiero saka inagaw ang hawak na sunblock ni Zack. Lumapit ito sa dalaga. "Turn around." Ani Kiero. Nahihiya namang sumunod ang dalaga sa sinabi nito. "Okay. Maghahanap nalang ako ng malalagyan ng sunblock." Natatawa si Zack sa sarili nya saka umalis. Napatitig si Kiero sa makinis na likod ng dalaga saka napalunok. What the f**k? He thought habang papalapit ang kanyang kamay na puno ng sunblock sa likod ni Chienne. Nagsimula na namang bumilis ang t***k ng puso niya. Mas lalong pa itong bumilis nang dumampi ang kanyang mga palad sa balat ng dalaga. Paulit ulit na syang nagmura sa isip nya. Dahan dahan nya itong pinahiran ng sunblock. This is crazy! Tinakpan ni Kiero ng towel ang lap nya saka tumigil sa ginagawa. The f**k! You turned me on! He said on his mind saka tumingin sa asul na dagat. "Are you done?" Ani Chienne saka humarap sa kanya. Pansin na pansin naman ang pamumula ni Kiero. "It's just starting!" Inis na sigaw ni Kiero. Hindi naman sya na gets ng dalaga kaya lumapit ito sa kanya. "Anong ibig mong sabihin? Tsaka bakit ang pula pula mo? Lalagyan din kita." Inagaw nito ang sunblock sa kamay ng binata at pinahiran sya sa likod. "What the f**k! Stop! You're driving me crazy!" Sigaw ni Kiero. Nagulat si Chienne pero hindi nya ito pinansin itinuloy nya ang paglalagay ng lotion sa likod ng binata ng umabot ito sa kanyang batok ay hinawakan nya agad ang kamay ng dalaga. "I said stop! If you continue this... I'm not responsible for what will happen next!" Mariin nyang sabi kahit mahina ang boses nito. Binitawan nya agad ang kamay ng dalaga. Yumuko nalang si Chienne saka tuluyang lumayo sa kanya at sumunod na sa mga kasamahan nila na nagtatampisaw na sa dagat. Napasabunot nalang si Kiero sa sarili nya. "Are you a Jimenez? Heck!" Bulyaw ni Ricky na nasa likod ni Kiero kaya agad itong lumingon. "Kanina ka pa ba dyan?" He asked without any emotion. "Oo. Bakit mo sya pinagtutulakan palayo? Are you crazy? We all know that you damn like her so stop pretending bro." Ricky added saka umiling. He is disappointed. "No!" Mariin nyang tanggi. "C'mon! She even turned you on without her doing anything. You jerk" Tumawa si Ricky saka sumunod sa kanyang mga pinsan. Sa isang cottage sila kumain ng tanghalian na malapit sa baybay dagat. They enjoyed Filipino seafood cuisine. Feel na feel naman ni Sabrina ang paghigop ng buko juice while she mouthed na masarap ang kanyang iniinom. After lunch sumugod ulit sa dagat ang magpipinsan maliban kayna Kiero, Zack at Chienne. "Bro. Tara hanap tayo ng chicks. Doon sa dulo ng cottage madami akong nakita eh." Yaya ni Zack saka tumawa. Inirapan lang sya ni Kiero at hindi pinansin. "Sige na. Samahan mo na si Zack. Ako nalang ang magbabantay ng mga gamit dito." Ani Chienne saka ngumiti. Tumingin ito ng masama kay Chienne. Nakahalata naman si Zack na mainit ang ulo ng kanyang pinsan kaya sumipol ito at pasimpleng umalis ng cottage. "Galit ka ba sa akin? May nagawa na naman ba akong mali?" Tanong ni Chienne at malungkot ang boses nito. Umiwas ng tingin si Kiero at huminga ng malalim. He crossed his arms saka umiling. Hindi sya galit sa dalaga kundi sa sarili nya. Naiinis sya dahil pakiramdam nya ay anytime hindi na nito mapipigil ang kanyang sarili. "Si Sab ba ang nagpasuot ng swimsuit na yan?" Kiero is not looking at her pero pansin pa din ang pamumula ng kanyang mukha. "Huh? Oo, Pinilit nya ako eh. Pabirthday ko na daw sa kanya... How did you know?" Chienne smiled kahit hindi nakatingin si Kiero sa kanya pero deep inside ay nacoconsious sya sa suot nya ng pansinin ito ni Kiero. "Sya lang naman ang mahilig sa ganyang style." Tumingin ito kay Chienne. "Hindi bagay sayo." He added. Kumunot tuloy ang noo ni Chienne saka inirapan si Kiero. "Halos lahat sila ang sabi bagay na bagay sa akin. Why don't you admit na mas lalo akong sumexy sa suot ko?" She pouted at muling umirap. Humakbang na ito palabas ng cottage. "Saan ka pupunta?" Ani Kiero habang tumatawa. Nagtagumpay kasi sya sa pang aasar sa dalaga at napikon nya ito. "Irarampa ko ang kasexyhan ko dito. Bakit sasama ka?" Inis na sagot ni Chienne kaya lalong tumawa si Kiero. Nilapitan nito ang dalaga at pinitik ang noo. "ARAY!" Sabay hipo sa noo. "Naniwala ka kaagad sa mga pinsan ko? Pinapalakas lang nila ang loob mo. Sa akin ka maniwala." Tatawa tawa nyang sabi. "Oo. Madali akong magtiwala at maniwala. This is my damn weakness! Okay na?" Inis pa din nyang sagot. Natigilan sa pagtawa si Kiero. Umiwas ito ng tingin. What she said is true kaya rin siguro mas pinoprotektahan nya si Chienne dahil sa mabilis syang magtiwala sa mga taong akala nya ay mabuti sa kanya. Kabaliktaran nito ang ugali ni Erika. Mahirap makuha ang tiwala ng dalaga lalo na kapag sinira mo ito. "O bakit ka tumahimik?" Lumapit sa kanya si Chienne at malakas na pinagpapalo si Kiero sa dibdib. "Aray! Ano ba?! Chienne. Masakit! Stop it!" Ani Kiero habang sinasalag ang bawat hampas ng dalaga. "I hate you! Suplado! Mataray! Babero! Liar! Pikon! Mainitin ang ulo! I really hate you!" Napatawa si Kiero sa mga lumalabas sa bibig ng dalaga kaya hinila nya ito at niyakap para tumigil sa paghampas. "Anything else Ms. Monteverde?" He whispered with a husky voice. Kinilabutan tuloy si Chienne at mas bumilis pa ang t***k ng kanyang puso. Ramdam ito ni Kiero kaya napapikit ito. "I shipped na talaga. Chiero na talaga ako mga cousins. What do you think?" Kilig na sabi ni Sabrina na hindi kalayuan sa pwesto nila. "Nice one bro!" Ricky said at pinakita pa ang cellphone nya na may picture nila saka ngumisi at siniko si Dustin. Sa sobrang awkward ni Chienne ay agad nitong tinulak si Kiero at naglakad palayo sa kanila. Nag hands up naman si Kiero saka umiling. "Sundan mo na bro. Dapat pagbalik nyo BABE na tawagan nyo ha?" Kantyaw ni Zack. Nagtawanan naman ang magpipinsan at sabay sabay na nag thumbs up. Napa facepalm nalang si Kiero. "What are you guys saying? Wag kayong OA." Sagot naman ni Kiero saka bumalik sa cottage. "You know bro." Ani Zack saka inakbayan ang pinsan. "I'm not a photographer but I can picture you and her together e." Ngumisi ito. Siniko naman sya ni Kiero kaya agad bumitaw sa kanya si Zack. "Pero honestly. Sundan mo na bro. Lapitin pa naman yun ng hunks. Naka swimsuit pa naman. Bahala ka ikaw din. Diba mga pinsan?" Dugtong ni Zack sa pang aasar. Nag agree naman ang magpipinsan. Saglit na tumahimik si Kiero. Saka padabog ni dinampot ang towel sa mesa ng cottage at umalis. Habang naglalakad palayo ay rinig na rinig pa din nya ang tawanan ng mga ito. Akala ni Kiero ay mahihirapan syang hanapin ang dalaga pero kabaliktaran ito ng iniisip nya. Nakita nya agad ito sa tuktok ng malaking bato at nanonood sa paglubog ng araw. Ilang minuto din nyang pinapanood ang dalaga habang pilit nyang iniintindi kung ano nga ba ang nararamdaman nya para kay Chienne.  Am I really falling for her? He thought habang pinapanood nya ang likod ng dalaga.  Pumikit ito at mga ngiti lang ni Chienne ang rumirihistro sa utak nya.  Damn it! Chienne, I really damn like you!  Finally! Natanggap na din nya ang matagal na nyang dinideny sa sarili nya. Muli itong tumingin sa dalaga.  Ang hirap pala magtago ng nararamdaman kapag kaharap kita. The more I hold them back, the stronger they are. Can you accept the fact that I'm slowly or fastly falling in love with you? Napatingin si Kiero sa buhangin at napansin nyang may nakasulat doon. "If I Fall, will you catch me?" Agad syang napatingin kay Chienne. Parang kinukurot ang puso nya.  I want to love you but I don't know if I can... Napayuko nalang sya.  His tears started to fall. Parang syang hindi lalaki. Napakadali nya kasing umiyak. "Kiero" Sigaw ni Chienne. Nakatayo na ito sa tuktok ng bato. Tumunghay si Kiero at ngumiti. Hindi nya maaninag ang mukha ng dalaga dahil sa sikat ng papalubog na araw. Pinunasan nya ang luha nya saka lumapit sa malaking bato. "Bumaba kana dyan. Baka mahulog ka pa." Ani Kiero. "Sasaluhin mo ba ako kapag nahulog ako?" Seryosong tanong ni Chienne. Hindi sumagot si Kiero kaya bumaba na si Chienne mula sa itaas ng malaking bato. Pumunta ito sa harapan ng binata at kinuha ang hawak nyang towel at ibinalot ito sa sarili nya. "Are you still mad?" Nahihiyang tanong ni Kiero. Ngumiti lang si Chienne at umiling. "Let's go back. Baka hinihintay na tayo ng mga pinsan mo." She said saka naunang maglakad. "That smile makes me happy." Bulong nya saka sumunod kay Chienne sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD