>NARRATION "They already booked your stay in the resort. Like what you've requested, yung bungalow house ang pinareserved ko." Ani Dustin saka iiling iling itong tumingin sa kanyang pinsan. "Thanks" Matipid namang sagot ni Kiero. "Seryoso ka talaga? I don't get it. Bakit hindi nalang sa hotel si Chienne at kayo ni Katrina sa bungalow? You are torturing her Kiero." Kumento ni Dustin. "Gusto ko lang makasama ang mag-ina ko. Hindi din ako mapapakali kung ibubukod ko sya ng kwarto. Isa pa baka magsama sya ng iba." Inis nitong sabi. "Ang gulo mo ha? Kung gusto mo silang makasama bakit kailangan mo pang isama si Katrina? My God!" Singit ni Sab. "Gusto ko syang pahirapan! Gusto kong maramdaman nya yung mga naranasan ko noon. That's it." Inis na sagot ni Kiero. Tinapik naman sya ni Dustin

