Ilang buwan nalang ay magpapasukan na sina Chiero. His dad enrolled him to an exclusive school. Ilang oras mawawala si Chiero kaya naman maboboring ako nito so I decided to look for a job. Ayokong umasa kay Kiero. Yung feelings ko nga umasa noon kaya ito wasak na wasak at mas lalo pang nawawasak kapag nakikita ko sila ni Katrina na magkasama. Kung hindi lang dahil sa anak ko baka matagal na akong nagpakalayo layo. Hindi ko kasi talaga kayang malayo sa anak ko. Bumaba ako ng hagdan at nakita kong tumayo si Kiero mula sa pagkakaupo sa malaking sofa at lumapit sa akin. "Gusto ko sanang ipasyal si Chiero ngayon pero ayaw nyang sumama sa akin." He said. "Ganun ba. Don't worry kakausapin ko sya. Ngayon na ba?" "Oo sana." Maikli nyang sagot. "Okay. Bibihisan ko na sya. Mag-aayos na din ako."

