Ilang linggo nang paiba iba ang mood ni Kiero. Minsan malambing ito minsan naman ay masungit pero mas madalas na malamig ang pakikitungo nya kay Chienne. It's hurt but she understand what he's coming through. Alam nyang buhay pa si Erika dahil narinig nya ito noon sa Hospital but she wants to confirm it kaya sinundan nya si Kiero.
Parang sinasaksak ng milyong beses ang puso nya habang pinagmamasdan silang dalawa na magkasama at masaya. She wipes her tears at unti unting tumalikod. Huminga sya ng malalim at dahan dahang naglakad palayo. Si Kiero nalang ang meron sya and she have to fight for it.
"Hey Chienne, are you even listening?" Untag ni Sab sa kanya.
"I'm sorry Sab. Ano nga ulit yon?"
"Ano bang iniisip mo at sobrang lalim naman yata?" Ani Sab saka naupo sa sofa at humigop ng kape na inihain ni Chienne sa kanya.
Napakagat sa pang ibabang labi si Chienne saka huminga ng malalim. Yumuko ito dahil ramdamn nyang nagbabadya na namang tumulo ang luha nito.
"Si Erika..."
Sa narinig ni Sab ay nabilaukan ito sa iniinom.
"I'm sorry. Anyway, what's with Erika?" Kinakabahan nyang tanong habang pinupunasan ang labi.
"She's still alive, right? I know because I saw them." Nanginginig ang boses ni Chienne.
Lumapit sa kanya si Sab at niyakap. Tuluyan namang tumulo ang luha nito.
"I'm sorry Chienne. I'm really sorry..."
"It's okay... Alam kong maraming dahilan para sumuko pero masama bang lumaban kahit alam kong sa huli ay matatalo lang ako? I love him so much Sab kahit ang sakit sakit na."
Maagang umuwi si Chienne dahil masama ang pakiramdam nito. Nasa kwarto lang ito buong hapon. Hindi rin nya ginalaw ang meryenda na dinala sa kanya ni manang len. Ang daming tumatakbo sa isip nya at pakiramdam nya ay mababaliw sya sa mga iyon. Narinig nyang bumukas ang pinto kaya agad itong nagkulubong ng kumot. Madalim sa kwarto kahit liwanag mula sa bintana ay hindi nya hinayaang makapasok sa loob. Ramdam nyang may umupo sa kama, it's probably Kiero.
"May sakit ka daw sabi ni manang len. Uminom kana ba ng gamot?" ani Kiero sa malamig na tono. Hindi kumibo si Chienne.
Tumayo si Kiero at binuksan ang lampshade na nasa gilid ng kama. Tumabi ito sa kanya at niyakap sya kahit balot na balot sya ng kumot.
"Saan ka galing?" Mahina ang boses ni Chienne.
"Sinamahan ko si Jake." Tipid nyang sagot. Hindi na kumibo si Chienne.
Nakatulog na si Chienne sa ganoong posisyon. 8am ng magising sya. Sobrang liwanang sa kwarto dahil nakahawi na ang lahat ng mga kurtina ng bintana. Bahagya itong naupo at nang makita nya si Kiero na lumabas mula sa banyo. Bagong ligo ito and his upper body exposed.
"Aalis ka?"
"Yup" Sagot ng binata habang patuloy sa pagpupunas ng buhok.
"Pwede ba akong sumama?" Malungkot na tugon ni Chienne.
Natigilan si Kiero sa kanyang ginagawa saka lumapit sa dalaga at humalik sa kanyang noo.
"I'm sorry..." Nakatitig ito sa mga mata ng dalaga at bakas ang pagiging sinsero sa paghingi nito ng tawad. "Dito kana lang muna sa bahay, diba may sakit ka?"
"Okay na ako. I'm just bored here."
Huminga ng malalim si Kiero at bumalik papunta sa walk-in closet nya para magbihis.
"You can invite your friends here. Magpapaluto ako kay manang ng mga pagkain nyo."
Hindi na sumagot si Chienne. Humiga nalang ito muli sa kama at nagkulubong ng kumot.
Halos araw araw ay minsan nalang nya makausap at makita si Kiero. Minsan sa opisina, minsan ay sa bahay bago matulog. Kahit sobrang sakit ay nagtitiis pa din ito dahil sobrang mahal nyang ang binata.
Tulala ito ng lapitan sya ni manang len.
"Wag mong isipin yun, mahal ka nun." Ani manang lens aka nilapag ang kape sa harap ng mesa ni Chienne.
"Mahal pa ba nya talaga ako?" Wala nyang ganang sagot. "Siguro hindi naman talaga ako ganon kahalaga sa kanya, kasi natitiis nya ako eh o baka ako lang ang nag iisip na mahalaga at mahal nya ako, kahit alam ko naman ang totoong 'Hindi talaga." Mangiyak ngiyak nitong dugtong. Nilapitan sya ng matanda at niyakap.
Papasok na ng opisina si Chienne nang may tumawag sa kanyang unregistered number. Ayaw pa nya itong sagutin ng una pero dahil nakakalimang tawag na ay napilitan na din sya. Umupo muna sya sa swivel chair saka sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Chienne?"
"Who's this?"
"It's me Erika..." Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Chienne nang marinig ang pangalan na iyon. "Can we talk?"
They meet at the near coffee shop. Erika is with Stella pero nasa kabilang table ito. Hindi mapakali si Chienne, alam nya kung ano at sino ang pag uusapan nila at pakiramdam nya ay parang pinipiga ngayon ang dibdib nya.
"Thanks for taking care of him noong mga panahong wala ako. I don't know how can I pay you but can you do me a favor?"
Hindi sumagot si Chienne. Erika grabs her hands and hold them tight.
"Can you please give Kiero back to me? You know he's mine from the start and I know he still loves me kahit nandyan kana..."
"No!" Hindi na nito pinatapos ang sasabihin ni Erika. "Sya nalang yung natitirang meron ako kaya I'm sorry Erika... I can't. I have to go."
Nagmadaling umalis si Chienne at agad na pumara ng Taxi. Nang makasakay ito ay tuluyang bumuhos ang luha nya na kanina pa pilit pinipigilan.
"Uy girl saan kaba galing kanina ka pa hinahanap ni Sir Kiero." Salubong ni Lanie sa kanya. Ngumiti lang ito saka dumaretso sa kanyang table.
"Girl, okay ka lang? umiyak ka ba?" Dugsong ni Lanie.
"No. I'm okay. Napuwing lang ako habang pasakay ng elevator." She smiled and took a deep breath saka pumasok ng opisina ni Kiero.
"Where have you been? Galit na galit si Mr. kho dahil hindi mo sinipot ang meeting nyo kanina." Pagalit nitong tanong sa kasintahan.
"I'm sorry. I forgot."
"You forgot? What the heck, Chienne?! Ano bang problema mo? Hindi na kita maintindihan!" He added.
"Paano mo maiintindihan ang nararamdaman at iniisip ko eh you don't have the time to read and to know on what's going on... Kase nga, wala ka namang pakialam!" Sigaw nya saka lumabas ng opisina.
"Chienne! I'm still talking to you!" Habol ni Kiero. Halos lahat ng empleyado ay nakatingin sa kanya ng umalingawngaw ang boses nya sa buong department. Lumapit ito kay Chienne saka bumulong...
"Let's go home, sa bahay tayo mag usap." After that ay lumapit naman sya kay Lanie at hinabilin ang opisina saka tuluyang umalis.
Nang makauwi ang dalawa ay hindi naman umiimik si Chienne. Wala itong kibo at nanatili nalang na humiga sa kama.
"Babe, what's wrong?"
Umiling lang ang dalaga at nag iwas ng tingin. Tumabi si Kiero sa kasintahan at mahigpit syang niyakap saka hinalikan sa noo.
"Don't think too much. Magpahinga kana." Tumango lang si Chienne habang nakapikit pa din. Muli syang hinalikan sa noo ni Kiero kaya umisod ito sa tabi ng binata at mahigpit syang niyakap.
"Dito ka lang. Wag mo akong iiwan, babe." Ani Chienne si Kiero naman ang tumango. "Nariyan ka pa ba paggising ko?" She added while staring at Kiero. Hindi na umimik si Kiero at yumakap lang ng mahigpit.
Nagising si Kiero sa tunog ng cellphone nya. Isang oras palang itong nakakatulog. Dahan dahan itong bumangon para hindi magising si Chienne saka tumayo at sinagot ang tawag.
"Yes, Stella?"
"Erika can't sleep. She wants you here. Pwede ka bang sumaglit dito? I'm sorry. I know sinabi mong hindi ka muna dadalaw ng isang linggo pero si Erika kasi... bawal syang mapuyat and she badly want to see you."
"How can I say no?" He said with a frustrated voice.
"I know Chienne will understand the situation."
"Hindi pa nya alam. I don't want to leave her but Erika needs me so I don't have a f*****g choice. Okay, papunta na ako dyan." He said habang nakatingin sa natutulog na kasintahan.
Nadatnan ni Kiero na nagwawala si Erika at inaaway ang nurse na magpapainum sa kanya ng gamot. Tumakbo palapit kiero sa dalaga para pakalmahin ito. Kahit ayaw ng mga magulang ni Erika sa binata ay wala itong nagawa, sya lang kasi ang nakakpagpakalma sa dalaga.
"Shhhh... Please calm down. Nandito na ako." Tumingin ito sa nurse at kinuha ang dalang gamot. "Here take it." Mabilis namang sumunod si Erika na parang bata saka mahigpit na yumakap kay Kiero habang patuloy sa pag-iyak.
Mahigit isang oras bago tuluyang kumalma ang dalaga. Yakap yakap lang sya ni Kiero sa mga oras na yun, sila nalang din ang tao sa kwarto.
"Bakit hindi mo pa sinasabi sa kanya ang tungkol sa akin?"
"Ayoko syang masaktan."
"Nasasaktan mo na sya." Nanghihinang sagot ni Erika saka tumingin kay Kiero.
Hindi man nya sabihin ay kitang kita nito sa mukha ni Kiero ang kalungkutan sa tuwing babangitin nya ang pangalan ni Chienne.
"Kiero, I finally know whom your heart is on now. It's not me anymore. I am no longer in your heart. Masakit but I have to accept it, although I still want to stay beside you...Just like before... Nakakalungkot... Nalulungkot ako at nasasaktan pero gaya ng sinabi ko, kailangan kong tanggapin ang katotohanan."
"I'm sorry." Ani Kiero na pinipigilang umiyak.
"It hurts to know that you love someone else now. Hindi na ako yung lucky charm mo...yung prinsesa mo. But what hurts most is you love someone else because of me. Because I gave up so easily and I will regret it for the rest of my life..."
Kiero hug her tight and kiss his head. Pinipigilan nyang magsalita si Erika dahil baka samain ito sa pag-iyak.
"Alam kong napipilitan ka lang na pumunta dito araw araw." Dugtong ni Erika saka huminga ng malalim.
"No. It's not like that..."
Erika points her index finger to Kiero's lips so he can't continue to talk. Pumikit ito saka yumuko.
"Stop lying. Stop hiding your feelings... I know you Kiero. Kahit anong tago mo sa tunay mong nararamdaman para lang pareho kaming hindi masaktan ay kitang kita pa din sa mga mata mo ang katotohanan. You forgot your eyes speak."
"Stop it!" Malamig nyang tugon.
Saglit na namutawi ang katahimikan sa kwarto. Tumayo si Kiero at kinuha ang susi ng kanyang kotse hudyat na aalis na ito but Erika grab his hand.
"Please. Wag kang umalis..."
Lumalambot talaga ang puso nito pagdating kay Erika. Kahit guilty sya ng iwanan nya magisa ngayon si Chienne ay hindi nya magawang tumanggi sa dalaga. Muli itong naupo sa kama at tinabihan si Erika. Minsan naiisip ni Kiero na sana panaginip lang lahat ng ito pero hindi nya alam kung alin sa dalawang kwento ang hahayaan nyang maging panaginip nalang.