Chapter 18

2535 Words
He woke up feeling dizzy. Napahawak sya sa kanyang ulo. "Hey! Here we go again" Inis na sabi ni Jake habang pinipigilan ang kaibigan na bumangon. Unti unting minulat ni Kiero ang kanyang mga mata. He is in the hospital. He has a neck brace and dextrose. May bandage rin na nakabalot sa kanyang ulo. "What happened?" Taka nyang tanong. "Wow. Hindi mo alam ang nangyari? Uminom ka pa baka maalala mo!" Jake sarcastically said saka namewang. "Si Chienne?" Humina ang boses nya. "I don't know. Nag-impake sya ng gamit pagkatapos nyang makausap ang mommy mo. Sinubukan kong pigilan sya pero hindi nagpapigil eh." Seryosong sagot ni Jake. "What the heck?! Bakit mo pinabayaan?" Sigaw ni Kiero mas lalong sumakit ang kanyang ulo kaya napakapit muli ito doon. "Tinext ko na sya kanina pa. Baka papunta na yun dito. Noong isang araw pa yun nag aalala sayo. Hinanap ka namin kung saan saan. Anong bang nangyari?" Natahimik si Kiero. Umiwas ito ng tingin kay Jake saka pumikit. He took a deep breath saka nagsalita. "Buhay pa si Erika." Mangiyak ngiyak nyang sagot. "WHAT?! You're are kidding, right?" Tatawa tawang sabi ni Jake kahit gulat ito sa sagot ni Kiero. "Sana nga nagbibiro lang ako but yes. She's still alive. Si Sab ang unang nakakita sa kanya, tinawagan ako ni Sab para makita mismo ng mga mata ko." Kiero said trying to hold his tears. Huminga ng malalim si Jake at saka napakagat sa kanyang index finger. Tumalikod pa ito saka napamura ng malakas. Muli syang humarap kay Kiero. "Paano si Chienne? Anong plano mo?" His voice is worried. "I don't know. Naguguluhan na ako." Malungkot na sagot ni Kiero. Napatingin silang dalawa ng may kumatok sa pinto. Bumilis naman ang t***k ng puso ni Kiero nang makita si Chienne na pumasok sa loob. Bakas sa mga mukha ng dalaga ang pag aalala lalo na ng makita nya si Kiero sa hospital bed. Pinilit ni Kiero na kumalma at saka sya sumimangot. He's not looking to Chienne. Lumapit naman sa kanya ang dalaga saka mahigpit na hinawakan ang kamay. He can hear her crying and it breaks his heart. "Are you okay? Ano bang..." "Be real with me, or just leave me alone!" He said trying to hold his tears. Nagulat si Chienne sa kanyang narinig. Bumitaw ito sa kamay ni Kiero at bahagyang lumayo. Pinunasan nya ang kanyang luha saka huminga ng malalim at yumuko. "I am always real with you, Kiero! Ikaw itong hindi." Mahina nyang tugon. Dahan-dahan itong tumalikod para lumabas. Hawak na nya ang doorknob ng muling magsalita si Kiero. "Then why are you leaving?" Seryoso ang boses nito kahit gustong gusto nyang umiyak. "Lalabas muna ako." Ani Jake saka naglakad patungo sa pinto. Tinapik nya ang balikat ni Chienne. "It's okay. He needs you now. You should stay." Bulong ni Jake saka ito tuluyang lumabas. "I'm sorry." Mahinang sabi ni Kiero pero hindi pa din ito makatingin kay Chienne. Bumuhos ang luha ni Chienne but she try to cry silently. She wipes it with her hands. "Can you come here?" He added. Tumango lang si Chienne at humarap kay Kiero. Unti unti itong naglakad palapit sa kanya. Parang sinasaksak ang pakiramdam ni Kiero habang pinagmasdan nya ang mukha ni Chienne na umiiyak. Nang makalapit ang dalaga ay agad nya itong hinila at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry kung pinag alala kita." Muli nyang sambit. Ilang minuto silang ganoon ang pwesto. Mahigpit na magkayakap. Nakaramdam naman nang comfort si Kiero habang yakap ang dalaga. Tumingin ito sa mukha ng dalaga saka dahan dahang hinalikan sa noo. He smiled kaya ngumiti din sa kanya si Chienne. "Where did you stay? Sabi ni Jake umalis ka daw ng mansion?" He said saka sumeryoso ang mukha. Umiwas naman ng tingin si Chienne. "I'm okay. Nagcheck-in ako sa murang hotel habang naghahanap ng..." "Stay in the mansion. Walang karapatan si Mommy sa mga properties ni Dad kaya wala syang karapatang palayasin ka sa mansion." He holds Chienne's hands. The mansion belongs to you... Kaya please wag mo na ulit susubukang umalis ng hindi ko alam." He added saka hinalikan ang mga kamay ng dalaga. Tumango lang si Chienne at hinawakan ang mukha ni Kiero. "Ano bang nangyari sayo?" She said habang pinagmamasdan ang mga pasa nito sa mukha. Kiero hold her hands again. Hindi nya alam ang isasagot. Ayaw nyang masaktan si Chienne dahil mas nasasaktan ito para sa dalaga. Hindi rin nya kasi maintindihan ang tunay nararamdaman ngayon nalaman nyang buhay pa si Erika. "Kiero?" Ani Chienne dahil natulala si Kiero sa harap ng dalaga. "Ahhmm... Kasi... Diba sabi mo huwag na akong makikipag away. I got into a fight again kaya... kaya hindi ako umuwi sa mansion. I'm sorry kung pinag alala kita." He squeezes her hands. "I'm really sorry." Bahagya syang pinalo ni Chienne sa braso. Yumakap pa ito ng mahigpit at muling umiyak. "Huwag mo ng uulitin yun ha? Mababaliw ako kakaisip sayo. Kahit mapaaway ka pa basta uuwi ka pa din. Akala ko kasi hindi kana babalik. Akala ko nagbago na ang isip mo... Akala ko hindi mo na ako mahal" Iyak ni Chienne. Niyakap naman sya ni Kiero. "Don't say that. Bakit ko naman gagawin yun?" Iniharap nya si Chienne para punasan ang luha ng dalaga. "Stop crying, lalo akong nagiguilty. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Sorry na, wag ka ng umiyak." He added. Tatlong araw ding namalagi si Kiero sa Hospital at si Chienne lang ang nagbabantay sa kanya. Paminsan minsan ay sinasamahan sya ng mga pinsan ng binata. Nang makauwi sila sa mansion ay tuloy pa din ang pag aasikaso sa kanya ni Chienne. Dahan dahang naupo si Kiero sa kama habang pinagmamasdan si Chienne na binubuksan ang aircon sa kwarto. Naramdaman na naman nya ang kirot sa puso nya. Ayaw nyang masaktan si Chienne. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya basta ang alam nya lang ay ayaw nyang malayo sa kanya ang dalaga. "Kailangan kong pumunta mamaya sa office. Nagrereklamo si Mr. Han sa mabagal na processo ng kanyang building. Okay lang bang iwan kita?" Hinila nya palapit sa kanya ang dalaga at mahigpit na niyakap saka hinalikan ang kanang balikat. "Yeah. Sure. Kaya ko naman ang sarili ko. You don't have to worry." Saglit itong huminga ng malalim saka tumingin sa mga mata ni Chienne. "I'm sorry babe kung kailangang ikaw pa yung mag asikaso ng kumpanya ngayon. Don't worry, pag naayos ko yung kailangan kong ayusin... Everything will get back to normal." Napakagat labi si Chienne sa sinabi ni Kiero. Tila naintindihan nya ito pero ayaw lang nyang ipahalata. Ngumiti ito ng pilit at hinaplos ang mga pisngi ni Kiero. "It's okay. Kaya ko naman. Anyway, ano ba yung... yung kailangan mong ayusin?" Nag-iwas tingin si Kiero. "Myself." Tipid nyang sagot. Tumango tango nalang si Chienne saka humalik sa noo ng binata bago umalis. Matagal na nakatitig sa kawalan si Kiero ng pumasok si Jake sa kanyang kwarto. "What's up? Ang lalim yata ng iniisip mo?" Tumingin ito sa suot ni Kiero. "Aalis ka?" Saka lang bumalik sa katinuan si Kiero ng magsalita si Jake. Tumingin ito sa kaibigan saka tumayo mula sa kinauupuan. "I want to see Erika." Maikli nyang sagot. Napailing naman si Jake. "Crazy! Hinabilin ka sa akin ni Chienne. Dude, paano pag hinanap ka nya sa akin?" "Ikaw na ang bahala. Tell her may binili lang ako or bumisita ako sa site." "I bet she will not believe me." Napakamot si Jake sa kanyang ulo. Dinampot ni Kiero ang susi ng kotse sa ibabaw ng computer table saka walang imik na lumabas ng kwarto. "Uy Kiero. Aalis ka talaga?" Hindi na nito pinansin si Jake. Hindi nya alam kung saan pupuntahan si Erika. Walang tao sa bahay nila. Si Stella nalang ang kanyang pag asa kaya mabilis nyang pinatakbo ang sasakyan patungo sa bahay nila. Kakalabas lang ni Stella sa gate ng dumating sya kaya nagmadali itong bumaba ng sasakyan para lumapit at pigilan ang dalagang umalis. "Kiero?" Gulat nyang sabi. "A-Anong ginagawa mo dito?" "Gusto kong makita si Erika. Please sabihin mo sa akin kung nasaan sya. Please Stella." Napaatras si Stella sa narinig saka umiling. "You know I can't. Magagalit sa akin sina tito at tita kapag ginawa ko yun. Hayaan mo nalang sya Kiero. Isipin mo nalang na wala na talaga..." "P*tang ina naman! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Napasuntok si Kiero sa sementong bakod at mariin na tumingin kay Stella. "Ilang taon kong pinagdusaan ang pagkawala nya. Ilang taon kong tiniis ang sakit Stella...Kahit sarili kong buhay gusto kong tapusin dahil sobra kong pinagsisihan ang pagpunta ko noon sa Paris at iwanan sya dito tapos sasabihin mong isipin kong wala na talaga sya? Hindi mo alam kung gaano ako nagdusa sa loob ng ilang taon kaya please... I'm begging you Stella. Please... please... please... Bring me to Erika. Parang awa mo na!" Kusang tumulo ang mga luha ni Kiero. Stella sighed saka yumuko. Naiiyak na din ito sa mga sinabi ni Kiero. Naiintindihan nya ang binata dahil isa din naman sya sa mga saksi sa pagiibigan ng dalawa. She knows how they love each other. "Fine." Mahina nyang sabi. "Isasama kita sa Villa but please, kailangan umalis ka din bago dumating sina tito at tita dahil I'm sure magagalit sila kapag naabutan ka nila doon. Baka hindi na rin ako makadalaw sa kanya sa gagawin kong ito kapag nahuli nila tayo." Tumango lang si Kiero. Nagtungo sila sa isang liblib na Villa 5 hours away mula sa Manila. Huminga muna ng malalim si Stella bago bumaba ng sasakyan. Sumunod naman si Kiero. "Haist! Kinakabahan ako sa mga mangyayari." Ani Stella saka pumasok sa loob ng Villa. Nasa sala palang sila ng makarinig sila ng sigaw mula sa kwarto ni Erika. It was her nurse, mukhang inatake na naman si Erika kaya patakbong pumasok si Stella sa kwarto ng kaibigan. Balisa naman si Kiero sa mga nasaksihan. Hindi nya alam ang gagawin kundi panoorin sila na pakalmahin ang nanginginig na katawan ni Erika. Nanlambot sya nang makita nya ang mga swerong ikinabit sa dalaga at kung paano itusok ng nurse ang mahabang karayom sa likod ng dalaga. Napasabunot sya sa kanyang sarili at dahan dahang umupo sa sahig at doon humagulgol ng iyak. He can't believe he will witness this thing to Erika. Tinapik sya ni Stella at inabutan ng isang basong tubig. "Drink this. She will be fine. Malimit syang magkaganyan simula ng magising mula sa pagkakacoma." Ani Stella. Tumayo si Kiero at nanatiling nakayuko. Hindi rin nya tinanggap ang tubig na inaabot ni Stella. "I want to know what really happened. Please I want to know the truth." Mahinang sabi ni Kiero. Huminga lang ng malalim si Stella at ipinatong ang hawak na baso sa end table malapit sa kanila. "Okay. Pero wag dito. I'm sure papunta na dito sina tito at tita." Walang imik na naglakad si Kiero palabas ng Villa at sumakay sa kanyang sasakyan. Mabilis naman syang sinundan ni Stella at sumakay din sa sasakyan. Hindi pa man sila nakakalayo ay itinigil na ni Kiero ang sasakyan at malakas na hinapas ang manubela at paulit ulit na nagmura. "Calm down Kiero." "How can I f*cking calm down, Stella? I can't stand to see her in pain. Para akong sinasaksak ng paulit ulit kanina. Kasalanan ko ito!" Sigaw nya without looking to Stella. Ilang minutong namutawi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hinayaan muna ni Stella si Kiero hanggang sa kumalma na rin ito. "Noong nalaman nyang bumalik ka sa France for Good. Sobrang nasaktan sya, pero sabi nya, tanggap nya naman kung bakit dahil mas pinili nya ang kagustuhan ng magulang nya kaysa ipaglabanan ang sa inyo. After a week. She decided to follow you. Susunod sya sayo sa France, pero naaccidente sya bago ang flight nya. She is ready to fight for you." Saglit na tumahimik si Stella ng muling magmura si Kiero. "I'm so stupid!" "Ang buong akala ng lahat ay hindi na makakaligtas si Erika sa aksidente dahil sobrang napuruhan ang kanyang ulo. 3 days palang sya sa ICU ay nagdesisyon silang dalhin ito sa America para doon operahan. It was a successful operation pero 6 months na at hindi pa din sya nagigising. She's in coma kaya ibinalik na sya sa Pilipinas para dito na hintayin ang paggising nya. It took her 2 years to woke up and another year to recover. Mas pinili ng pamilya nya na ipalabas na patay na talaga sya because they are blaming you on what happened to her." "Ako naman talaga ang dapat sisihin sa lahat." Matipid nyang sagot. "Gustong gusto kang makita ni Erika. Ikaw ang una nyang hinanap ng magising sya. She can't walk anymore kaya wala syang magawa." Tulala si Kiero habang umiinom ng brandy sa kanyang kwarto. Ilang araw na syang ganun mula ng puntahan nya si Erika sa Villa. Hanggang ngayon kasi hindi mag sink in sa utak nya ang mga sinabi ni Stella. Sinisisi na naman nya ang sarili nya. Erika is in pain at alam nyang masasaktan na naman nya ito kapag nalaman nya ang relasyon nya kay Chienne. Nadatnan na naman sya ni Chienne ng ganoon kaya naman agad na inagaw ng dalaga ang basong hawak ni Kiero. "What are you doing?! Bakit ka ba araw araw nagpapakalasing? It won't help you kaya tigilan mo na yan!" Sigaw ni Chiene. Sumulyap lang si Kiero sa dalaga saka inagaw muli ang baso. "Leave me alone." Malamig nyang sagot saka uminom mula. "Ano bang problema mo, Kiero? Please tell me para hindi ako nanghuhula dito. Sabihin mo sa akin lahat para alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko!" ani Chienne habang nagpipigil sa pagiyak. Ibinato ni Kiero ang hawak nyang baso saka nagmura. "I said leave me alone! That's all I need!" Pasigaw nyang sabi kay chienne saka nya inihilamos ang mga kamay sa kanyang mukha. Walang imik na lumabas ng kwarto ang dalaga bakas ang takot sa mukha. Pagkasara nito ng pinto ay saka nya ibinuhos ang luha nyang kanina pang pinipigilan. Agad naman syang nilapitan ni manang len at niyakap. "Hindi ko na alam ang gagawin ko Manang Len." Ani Chienne. "Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanya na alam mo na ang totoo?" Manang Len. "Ayoko. Hindi ko kayang marinig ang isasagot nya. Kahit sobrang sakit na kaya kong magtiis dahil sobra ko syang mahal manang." Mas humigpit ang yakap ni manang sa dalaga. Nagluto ng umagahan si Chienne. Ito ang malimit nya gawin kapag maaga syang nagigising. Hinahalo nya ang niluluto nyang fried rice ng makaramdam sya ng init mula sa kanyang likod at may kamay na pumulupot sa kanyang bewang. "I'm sorry...again." Bulong ni Kiero saka humalik sa balikat ng dalaga. "Nagugutom kana ba? Tamang tama luto na itong fried rice." Nakangiti nyang sagot saka pinatay ang stove. Iniharap nya si Chienne sa kanya para magtama ang mata nila. He holds her hands and kiss it saka mahigpit na niyakap. "I'm really sorry, babe. Sana mapatawad mo ako." His voice is sincere and that made chienne cry. She got it. Kahit hindi nya sabihin ang totoo ay ramdam na ramdam naman nya ito sa mga kinikilos ng binata. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD