Nanlaki ang mga mata ni Erika ng mamukhaan ang lalaking nakatayo at umiiyak na nakatitig sa kanya. Nanikip naman ang dibdib ni Kiero habang pinagmamasdan si Erika. She's so pale and thin. Napayuko sya while he clenched his fist. He can't believe on what he just saw. Is he dreaming? Buhay pa si Erika? Paano nangyari yun?
Huminga ng malalim si Kiero. Tumalikod ito sa kanila saka tuluyang humikbi. Hindi mag sink-in ang mga ito sa utak nya. Sobrang sakit ng kanyang nararamdam. Parang literal na sinasaksak ang kanyang puso na sa sobrang sakit ay nahihirapan na itong huminga.
Naglakad ito para lumabas ng hospital. Wala na sya sa sarili. Hindi na nya pinapansin kung sino ang mga nababangga nya. Ang gusto lang nya ang makalabas sa hospital dahil para syang sinasakal doon. Did they fool him?
"Kiero!" Sigaw ni Sabrina habang hinahabol sya nito.
Papasok na sana si Kiero sa loob ng kanyang sasakyan ng pigilan sya ni Sabrina. Inilagay ng dalaga ang kanyang cellphone sa kamay nito. Tumitig ito sa mukha ng binata.
"I'm sorry." Ani Sab na basang basa na din ang mga mata. She feels sorry for his cousin.
"Please. Just leave me alone." Ani Kiero saka tuluyang sumakay sa kanyang sasakyan.
Hindi nito alam kung saan sya pupunta. Nang hindi na nya kaya ay itinigil nya ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka nagbreakdown. Paulit ulit pa syang nagmura habang inuumpog ang ulo sa manubela. Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng mga kalokohang ginawa nya? Wala na yatang mas sasakit pa sa nararamdaman nya ngayon. This is the worst day of his life.
Humagulgol lalo ito ng iyak ng muling rumihistro sa isip nya ang mukha ni Erika kanina. Sumubsob sya sa manubela at doon umiyak ng umiyak. He feels angry, confused, hurt, and numb. Everything is kind of shuts down like he is looking out at the rest of the world through a fog. Lumabas ito ng sasakyan at sumuka. Sa sobrang sakit ng kanyang sikmura ay napaluhod ito at patuloy na umiyak.
"WHY?! WHY ARE YOU DOING THIS TO ME?!" Sigaw ni Kiero habang umiiyak.
****
Ilang minuto itong nakaupo sa gilid ng kalsada at nakatulala habang nakasandal sa gulong ng kanyang sasakyan. Dahan dahan syang tumayo at pumasok sa loob ng sasakyan. Wala syang maisip na pwedeng puntahan. Ayaw nyang umuwi ng mansion dahil baka lalong hindi nya kayanin kapag nakita nya ang maamong mukha ni Chienne. He have no choice but to went in his Mom's place.
Ipinarada nya ang kanyang sasakyan sa harap ng ancestral house. Umaakyat na ito patungo sa main door ng bahay ng may makasalubong syang batang babae na tumatakbo at kung hindi sya nagkakamali ay nasa walong taong gulang na ito. Kasunod ng bata ay ang hindi katandaang babae na sa tingin nya ay yaya ito ng bata. Nagkatinginan lang sila pero hindi nya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakita nya ang kanyang ina na tahimik na umiinom ng tsa'a sa kusina. Bahagya syang napangiti nang makita ang ina. Papalapit na ito ng may lumapit na lalaki sa kanyang ina at mahigpit na yumakap at hinalikan ang noo ng kanyang ina. That made him stop.
"Hon, nakita mo ba ang dinorowing ng anak mo? Ang kulit talaga ng batang iyan." Ani ng lalaki saka tumawa.
Kiero clenched his fist and jaw while watching them. Unti unti na namang tumulo ang kanyang luha.
"Ipinagluto kita ng paborito mong turon." Tumayo ang kanyang ina. "Tatawagin ko lang si Keera." Nakangiti itong naglakad hanggang sa magtama ang kanilang paningin.
Bakas sa mukha ng kanyang ina ang pagkagulat. Halos manlambot ang kanyang tuhod at bahagya pang napahawak sa kanyang bibig dahil sa pagkagulat.
"Kiero." Sambit ng kanyang ina.
"Honey." Ani ng lalaki na ngayon ay nasa likod na ng kanyang ina.
Pati ang lalaking nasa likod ng kanyang ina ay nagulat ng makita si Kiero. Kumapit sya sa balikat ng ina ni Kiero at marahan itong pinisil. Her mom hold the mans hand at pinisil din ito.
"Iwanan mo muna kami." Seryosong sagot ng kanyang ina at agad din namang umalis iyon at nagtungo sa labas ng bahay.
"Anak... A-Anong ginagawa mo dito?" Her voice is shaking.
"Kaya ka pala busy." He sarcastically smile saka pinunasan ang luha. "This is so f*cking unbelievable!" Mariin nyang sambit.
"Anak. Hayaan mo akong magpaliwanag."
"Sure. Go ahead. Let me know how you fooled me." He sarcastically laughed.
Napasabunot nalang si Kiero sa sarili nya saka nagmura.
"I'm sorry, anak." Hindi alam ng kanyang ina kung paano magsimula at kung paano nya ito sasabihin habang pinapanood ang kanyang anak na umiiyak.
"Damn it!" Sigaw nya. "Sorry? You feel sorry now? Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan ngayon! You don't know how guilty I am! Buong buhay ko kinamuhian si Daddy dahil akala ko sya ang sumira sa pamilya natin. Pinilit kong ayawan ang lahat ng gusto ni Dad para sa akin kahit half of it ay gusto ko para lang maipakita sa kanya kung gaano ako kagalit sa kanya. I am so f*cking guilty sa lahat ng mga masasakit na sinabi ko noon kay dad na dapat ay sayo ko pala sinabi. Sayo pala dapat ako nagalit." He breakdown.
"Anak. Patawarin mo ako." She said saka pilit na niyakap si Kiero pero tinulak nya ito.
"Why everybody fooled me?" He laughed while tears keep on falling. "I'm so stupid!" He added.
"Ang daddy mo ang may gustong ilihim ito sayo. Pinilit lang akong ipakasal noon sa daddy mo. Sinubukan ko syang mahalin pero hindi ko kaya. Si Henry pa din ang nasa puso ko kaya ng malaman ng daddy mo na may lihim pa din kaming relasyon ay pinabayaan na nya ako wag ko nalang daw sabihin sa iyo ang totoo dahil ayaw ka nyang masaktan." Humagugol ng iyak ang kanyang ina.
"Kaya pala pilit mo akong ikinuha ng sariling apartment noon sa Paris." Pilit syang tumawa "May pagkakataon ka ng sabihin sa akin ang totoo noon pero pinili mo pa ring lokohin ako. I didn't noticed it. Ngayon ko lang narealize kung bakit ayaw mo akong samahang tumira sa mansion, its because of them. Mas pinili mo silang samahan kaysa sa anak mong mag isa lang at pilit na lumalaban sa kalungkutan." Tumingin ito sa kanyang ina.
"Ang sama nyo. Napakasama nyong ina!" He raised his voice. "Natuwa ka siguro ng mamatay si Daddy dahil sa wakas pwede ka ng magpakasal ulit at bumuo ng masayang pamilyang pinapangarap mo. A happy family that I never had." He said.
Malakas na sampal ang pinakawalan ng kanyang ina at agad din itong nagulat sa kanyang ginawa. Kiero sarcastically smiled and looked at her. Humakbang ito ng dalawang beses paatras.
"I'm here just like the other kids to their mom... Gusto ko sanang magsumbong. Erika is still alive, just so you know." He said saka tuluyang naglakad palabas ng bahay.
Hinabol sya ng kanyang ina pero hindi nya ito pinakinggan. Mabilis nyang pinaandar ang sasakyan. He got nowhere to run. Para syang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi nya alam ang gagawin. Pinagkaitan na yata si Kiero ng karapatang lumigaya. He is just starting pero ang bilis naman itong binawi sa kanya.
He ended up in UBar. Buong gabi itong uminom ng alak at wala na itong pakialam sa kanyang sarili. Dalawang beses na itong nabugbog dahil sa pangungursunada sa loob ng bar. Buti nalang at kakilala na nya ang may ari ng Bar kaya kahit papaano ay may umaawat sa kanya.
Dalawang araw na syang nasa Bar ng hindi umuuwi. Dalawang araw na din itong lasing. Kahit hindi na kaya ng katawan nya ay pinipilit pa ding uminom.
"Listen, Bro. You need to go home. Look at yourself, hindi mo na kaya. Ayokong dito ka pa sa Bar ko mamatay." Ani Randy. The owner of the Bar.
"F*ck you!" Ani Kiero saka gegewang gewang na naglakad habang hawak ang isang boteng brandy. Naglakad ito papunta sa kanyang kotse.
Kahit lasing na lasing at alam nyang hindi nya kaya ay pilit pa rin itong nagdrive patungo sa kanyang condominium. Maayos naman itong nakarating sa kanyang unit pero madami din itong nabanggang sasakyan at poste.
Pabagsak syang naupo sa sofa at pumikit. Ang bigat ng pakiramdam nya. Parang may malaking bato ang nakadagan sa kanyang dibdib at ulo. Huminga ito ng malalim saka ipinatong ang kanyang kanang kamay sa noo. He can hear nothing but silence. He feel like his heart sinking to his stomach. His tears rolled down.
"When will this end? Wasak na wasak na ako. Hindi ko na kaya!" Sambit nya at mas lalo pang bumuhos ang kanyang luha.
Pagmulat ng mata nya ay ang malaking larawan nila ni Erika ang bumungad sa kanya na nakasabit sa dingding. Kuha ito noong kasal ni Dustin. Mabilis itong tumayo at malakas na sinuntok ang frame. Kasabay ng pagkabasag ng salamin ay ang pagdugo ng kamao ni Kiero. He can't feel the pain anyway. Manhid na sya sa sakit. Napatingin sya sa nag iisang family picture nila sa isang picture frame katabi ng mga picture nila ni Erika. Dinampot nya ito at ibinato. He screamed habang hinawi nya lahat ng picture frame na nasa foyer table.
Tumakbo naman sya sa kwarto. Doon nya nakita ang mga Polaroid pictures na korteng puso. Si Erika mismo ang nagkabit ng mga iyon. All their memories are there kaya mabilis itong lumapit doon at isa isang tinanggal ang mga larawang nakadikit sa pader. He broke down habang nasa kamay nya ang mga pictures.
Unti unti itong napaupo sa sahig at doon umiyak ng umiyak. Hindi talaga nya maintindihan ang mga nangyayari. Sana ay nananaginip lang sya. Sana ay magising na sya sa kanyang bangungot.
****
Nagising si Kiero sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kanyang kwarto. Tinakpan nya ang sinag ng araw gamit ang kanyang kamay saka naupo mula sa pagkakahiga sa carpet na sahig. Saglit itong natulala at tiningnan ang paligid. Sobrang sakit ng kanyang ulo na parang anytime ay sasabog ito sa sakit.
Pinilit nyang tumayo at saka dinampot ang cellphone sa sofa. Nagtungo ito sa ref para sana uminom ng tubig pero dahil matagal ng hindi iyon natitirahan ay wala kahit anong laman ang ref nya. Dismayado nya itong isinara saka natungo sa banyo bitbit pa din ang cellphone. He take off his clothes habang tinitingnan ang cellphone. Puro voice message ang nandoon at ilang miscalls and text. He plays all the voice messages at saka ipinatong ang cellphone sa tabi ng lalagyan ng shampoo. Binuksan nya ang shower.
"Bro? Where the hell are you?" – Ricky.
"Hey! Hinahanap ka ni Chienne dito. Nasaan ka ba? Hindi ka daw umuuwi?" – Dustin
"I'm sorry, Kiero. You still deserved to know the truth right? Nandito lang kami for you." – Sabrina
"Babe, nasaan kaba? Dalawang araw ka ng hindi umuuwi. Nag aalala na ako sayo. Please naman sagutin mo yung tawag ko." - Chienne
Napapikit si Kiero nang marinig ang boses ni Chienne. Parang kinukurot ang puso nya. He feel so guilty in everything.
"Babe, please answer your phone." - Chienne
"Babe, Umuwi ka na. Please? Hindi ako mapakali. Okay ka lang ba?"-Chienne
"Hoy! Nasaan ka? Bakit hindi ka na nagparamdam? Kawawa naman si Chienne oh. Napupuyat dahil sayo. Uwi na f*ckboy! *Jake laughed*" – Jake
"Babe? 3am na. Bakit hindi ka pa umuuwi?!" –Chienne.
"Babe, I cooked your favorite food. You're not answering my call and text. What time ka uuwi? I love you!"- Chienne.
Napakapit si Kiero sa pader saka yumuko. Hindi rin naman nya kayang pigilan ang kanyang luha. Mas lalong pinipiga ang puso nya dahil kay Chienne. I'm sorry, Chienne. He said. Hindi nya alam kung paano haharapin si Chienne. Hindi nya nga din alam kung paano sasabihin sa dalaga na buhay pa si Erika.
He still used his car kahit na sira sira na ang bumper nito. Wala na din ang kaliwang side mirror. Gusto nyang puntahan si Erika para kausapin. Pinipilit nya ang sarili nyang magdrive kahit masakit ang kanyang ulo. Nasa intersection na sya. Hindi nya napansin ang stop light dahil nanlalabo na din ang kanyang paningin. Ikaw ba naman dalawang araw nagpakalasing at hindi pa din kumakain. Mahigit apat na oras lang din ang tulog ni Kiero kaya medyo groggy pa ito.
Mabilis ang sasakyang kasalubong nya kaya kahit itigil nya ang kanyang sasakyan ay wala na ding magagawa. Sumalpok ang kanyang ulo sa manubela kasabay ng pagsalpok ng kanyang kotse sa isa pang kotse. Hindi nya naramdaman ang sakit kahit dumudugo na ang noo nya, pero unti unting dumidilim ang paningin nya hanggang sa mawalan ito ng malay.