Chapter 16

1821 Words
Jake wipe the blood on his mouth using the back of his hand. Tinulak naman ni Kiero ang kawawang lalaki na duguan na ang mukha at halos wala ng lakas. Tumalsik ito sa lupa. "May katigasan din ang bungo ng hayop!" Ani Jake habang pinapagpag ang kamao nya dahil sa sobrang sakit. "Masyado mong binasag eh. Let's go." Ani Kiero saka tumawa. Naglakad palapit si Jake kay Daniel, Sabrina's ex-boyfriend. Sinipa nya ang sikmura nito saka naglakad palayo. Kiero followed him. Si Kiero ang nagdrive ng SUV ni Jake dahil hanggang ngayon ay masakit pa din ang braso at kamao nito. Napalaban kasi sila kay Daniel dahil kahit papaano ay marunong ng basic martial arts ang binata. Mabuti nalang at dalawa silang sanay makipag basagan ng mukha. Magkaibigan nga sila. "Ikaw na ang bahalang magtakip sa akin kay Chienne, bro." He said saka umiling. "Nagalit kasi sya sa akin dahil sa ginawa ko kay Fabio and I can't hide this f*ckin bruise on my face to her." Tiningnan nya ang mukha nya sa rear mirror ng sasakyan "That assh0le! Ang lakas nyang sumuntok." Reklamo nito ng hawakan nya ang dumudugong kilay. "Anong gusto mong palusot ang sabihin ko? Tayo ang nagsuntukan? O binugbog ka ng boyfriend ng babaeng isa sa itinake home mo?" Tumawa ito. "Ahh... binugbog ka ng mga babaeng tinake home mo?" He continued to laugh. "F*ck you!" Tumawa din ito. "Gusto mo bang ako ang mabugbog ni Chienne?" Natatawang nyang dugtong saka umiling. "Well, you better get ready to die dahil isa sa mga iyon ang sasabihin ko." He tapped Kiero's shoulder. "Subukan mo. Dadagdagan ko yang black eye mo." "Dalawa na itong black eye ko and as far as I remember dalawa lang ang mata ko, so saan mo idadagdag ang pangatlo?" Sarkastikong sagot ni Jake and they both laughed. Hindi maitatangging napuruhan si Jake dahil mas madami itong bruises at gaya ng sinabi nya, dalawa na ang black eye nito. Magaling naman sumalag at umiwas si Kiero kaya kakaunti ang natamong pasa at sugat. Kiero's phone rang and it's Chienne. "Yes babe?" Masiglang sagot ni Kiero saka tumingin kay Jake na nakangisi. "Ngayon na? Can you reschedule it? May inaasikaso pa kasi ako eh. Of course not! I'm with Jake." Sumenyas si Kiero na magsalita ito. "Hi, Chienne! Pahiram muna sa gwapo mong boyfriend ha?" Sigaw ni Jake saka tumawa. "Susunduin kita mamaya. Dadalaw din kasi ang sa warehouse para icheck ang development doon. Okay, babe. I love you. See you later." He ended the call saka ngumiti. Napapailing nalang si Jake saka tumingin sa bintana. "Still Kiero that I used to know. Magaling magpalusot. Are you really gonna go to the warehouse?" he smirked. Tumango lang si Kiero habang nakatuon ang paningin sa kalsada. Dumaan muna si Kiero sa mansion upang magpalit ng damit. Sumama na rin si Jake sa mansion dahil baka kung sa condo sya dumaretso ay paniguradong nag iisip na si Daniel kung paano ito makakaganti. Kailangan nyang magtago. Naupo si Jake sa sofa nang kwarto ni Kiero habang nagpupunas ng dugo sa mukha. Sa kanyang mini ref naman dumaretso si Kiero para uminom ng malamig na tubig. Sabay na napalingon ang dalawang binata ng bumukas ang pinto ng kwarto. Halos masamid si Kiero ng makita si Chienne. Natigilan naman si Jake sa kanyang ginagawa at iiling iling na ngumiti. Chienne crossed her arms at saka itinaas ang isang kilay. "Ano na naman ang nangyari?" Tanong nya sa kasintahan. "Napasarap ang boxing namin." Jake "We got into a car accident." Kiero Sabay nilang sagot pero magkaiba ang dahilan kaya lalong kumunot ang noo ni Chienne. "Car accident talaga." Jake smirked. "Yeah. Boxing." Kiero Sabay muli nilang sagot. Nagkatinginan nalang ang dalawang magkaibigan. Ngumisi nalang si Jake habang si Kiero naman ay pilit na ngumiti sa dalaga. "Babe, bakit ka nga pala umuwi ng maaga?" Ani Kiero na kinakabahan na. "Answer my question, Kiero." Mataray nyang tanong. Tumayo si Jake at lumapit ng bahagya sa pintuan. "Lalabas muna ako." He said. Hindi umalis si Chienne sa gitna ng pinta. "Walang lalabas! Anong nangyari sa inyo? Should I call Sab?" Inis na sigaw ni Chienne. Napaatras naman si Jake saka napalunok ng marinig ang pangalan ni Sabrina. Pilit itong napangiti sa dalaga at tumingin kay Kiero. "Honestly...We got into a fight. I'm sorry babe. Biglaan eh." Mahinang sabi ni Kiero. "Kanino?" Seryoso nyang tanong. "Sab's ex." Si Jake naman ang sumagot saka yumuko. Matagal bago sumagot si Chienne. Naalala nya kasi noong huli nyang makausap si Sab. Umiiyak ito at nag lalabas ng sama ng loob tungkol sa ginawa sa kanya ni Daniel. Nakiusap din ang dalaga na wag ng banggitin kay Kiero ang mga sinabi nya pero mukhang alam na din naman ito ni Kiero kaya napabuntong hininga nalang sya. "Okay. He deserved it." Tumingin ito sa mga mata ni Kiero. "Last na yan ha? Dahil kung hindi ako na ang bubugbog sayo." Isinara nya ang pinto ng kwarto. "Maupo kayong dalawa sa sofa. Kukuha lang ako ng gamot." Utos ni Chienne. Naglakad ang dalaga patungo sa banyo. Dagli namang sumunod ang magkaibigan at naupo sa sofa. Inis na tumingin si Kiero kay Jake. "Labo mo! Bakit boxing?" Bulong nya. "Shut up bro. Aamin ka din naman pala tumanggi ka pa. Nice try." Ani Jake saka ngumisi. Matapos gamutin ni Chienne ang dalawa ay nagprepare naman si Kiero para dumalaw sa warehouse. Inihatid muna nito si Chienne pabalik sa opisina bago sila nagtungo sa laguna. "Wow. Ang laki ng nabili mong lupa dito." Manghang sabi ni Jake habang tinatanaw ang kabuuan ng lupa kasama na ang inuumpisahang warehouse. "Yeah, and the price is good too." Sagot ni Kiero habang hinuhubad ang safety gear. Smooth na smooth ang pag uumpisa ng warehouse. Wala syang nakitang abirya maliban nalang sa madedelay na deliver ng angle bars. "Where we go next?" Nakapamewang na tanong ni Jake. "Uuwi na? Bakit may gusto ka bang puntahan?" Jake smiled sarcastically and tap Kiero's shoulder. "Look at my face? Sa tingin mo may lakas ako ng loob ibalandra 'to? Let's go home. Inom tayo." Ani Jake saka naunang naglakad patungo sa kanyang sasakyan. Ito pa din kasi ang dala nila patungo sa Laguna. Sumunod naman si Kiero na tatawa tawa nalang. "Ano kayang magiging reaksyon ni Sab kapag nakita nya yang mukha mo?" Pang aasar ni Kiero saka ini-start ang makina ng sasakyan. "Baka sampalin lang ako noon. Kailan kaya lalambot ang puso sa akin ng pinsan mong iyon?" Jake said saka napailing. " Kiero smirked at saka umiling-iling din. "Okay naman kayo ah?" Natatawang sabi ni Kiero. Jake crossed his arms saka umismid. "Yeah. We are okay kapag nasa mood sya but most of the time napaka sungit nya sa akin. She's confusing me." Reklamo ulit ni Jake. "Balik tayo sa mansion. Damayan mo akong uminom." He added. Natatawa nalang sya sa kaibigan nya. Mabilis na ininom ni Kiero ang laman ng shot glass na bagong salin ni Jake at papikit na kinagat ang lemon mula sa platito. "F*ck this tequila." Ani Kiero saka tumayo sa kanyang kinakaupuan. Nakaka limang baso na kasi ito at ayaw nyang malasing dahil may tatlong meeting ito bukas. "Isa pa." Yaya ni Jake saka nagsalin ulit sa shot glass. Jake was already drunk. "Ayoko na. Sinamahan lang kitang uminom kung gusto mong magpakalasing ikaw nalang. Tutal ikaw naman itong broken hearted eh." Natatawang katyaw nito sa kaibigan. Ganito ba palagi ang Gawain ng mga nababasted? Ang magpakalasing? Mukhang nasasanay na nga sya mabasted ng dalaga pero hindi pa din sumusuko. Susuko lang daw sya kapag kasal na ito pero sisiguraduhin nyang sa kanya ito maikakasal. Tumawa saka umiling si Jake. "Masaya pa din ako kahit papaano dahil nabasag ko ang mukha ng gagong iyon. Lakas ng loob nyang lokohin ang babaeng kinababaliwan ko." Ani Jake na pumipikit pikit na. Sya na rin ang uminom ng tequila na sinalin nya sa shot glass. Tumunog naman ang cellphone ni Kiero na nakapatong sa tabi ng bote ng tequila. Sinilip ito ni Jake at ganun din si Kiero. It's Sab. Agad itong dinampot ni Kiero para sagutin. "What's up? Wanna hear Jake's rant about his..." "Listen, Kiero. I... I don't know if I am dreaming or what pero kailangan mong pumunta dito sa SLM Hospital ngayon." Her voice is shaking kaya binalot ng kaba si Kiero. "May nangyari ba?" Alala nyang tanong. Napatingin ito sa kaibigan na pangiti ngiti nalang habang nagsasalin ng tequila sa shot glass. "Wala. Please pumunta ka nalang ngayon." Ramdam ni Kiero ang kaba sa boses ni Sabrina kaya nagmadali itong tumakbo patungo sa kanyang sasakyan. Pinaharurot nya ito patungo sa hospital na tinukoy ni Sab. Nang makarating ito sa hospital ay agad itong tumakbo patungo sa lobby. Sinalubong naman sya ni Sab. Bakas sa mukha ng dalaga ang takot at kaba. Her hands is shaking. Hinawakan ni Kiero ang dalawa nitong balikat at tinitigan. "Are you okay? Why are you shaking? Bakit ka ba nandito?"Sunod sunod nyang tanong. "H-Hindi ako sigurado but... but I think I saw her." Kumunot ang noo ni Kiero. "Who?" "Erika." She said saka napapikit at huminga ng malalim. Napailing si Kiero saka iiling iling na tumawa. He can't believe what his cousin said. Sa lahat ng makikita nya ay si Erika pa gayong tatlong taon na itong patay. Binitawan nya ang mga balikat ni Sab. "What are you talking about? Pagod ka lang siguro. C'mon! Ihahatid na kita pauwi." Kiero said saka hinawakan ang braso ng dalaga para akayin pero agad itong hinawi ni Sab. "No. I swear. I saw her. Kiero... I saw her... Dito. Nakita ko sya dito kanina." Pagpupumilit ni Sab and her voice slightly raised. Nainis si Kiero sa mga sinasabi ng kanyang pinsan kaya tiningnan nya ito ng masama. Hindi nya alam kung bakit sinasabi ito ni Sab. Hindi nya alam kung bakit gumagawa ito ng kwento gayong alam naman nyang wala na si Erika. Maybe she's tired or she's sick? Probably she's hallucinating? "Fine." He sighed and calm his self. " What are you doing here, anyway?" He added. "Hindi ka naniniwala sa akin?" Namimilog na ang mata ni Sab. She really insists on what she was just said kaya naman kinontact na ni Kiero si Ricky para magpatulong na iuwi si Sabrina. Hindi sinasagot ni Ricky ang tawag nito kaya muli nya itong kinontact. While waiting on the 2nd line ay napatingin sya sa babaeng kakalabas lang mula sa room 244. Stella? He mouthed. Napatingin din si Sab sa direksyon ng kanyang mga mata. Kasunod na lumabas ng pinto ay babaeng naka wheelchair na tulaktulak ng lalaki. Parang binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan si Kiero. Nabitawan din nya ang hawak na cellphone. His tears started to fall down. He froze while looking at the girl in the wheelchair at mas lalong bumuhos ang luha ni Kiero ng magtama ang mga mata nila. "Erika..." Sambit nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD