"Chienne, tara lunch na tayo." Yaya sa kanya ni Lanie.
She smiled. Nag aayos na sya ng gamit ng biglang lumabas ng opisina si Kiero.
"Babe, Let's go." He said.
Lumingon si Lanie sa kanyang likod para tingnan kung sino ang tinutukoy ng bos nya pero wala itong nakita kundi pader. Muling napatingin si Lanie kay Kiero na ngayon ay nasa harap na ni Chienne.
"Saan?" Tanong ni Chienne. Nasanay kasi ito na si Lanie at Jovy ang kasabay kumain tuwing lunchbreak.
"Let's have lunch together." He smiled.
Napanganga nalang si Lanie sa kanyang nasasaksihan. She can't believe it but at the same time ay kinikilig din ito. Hinawakan ni Kiero ang kamay ng dalaga. Napatingin naman si Chienne sa katrabaho.
"Lanie, next time nalang ako sasabay sa inyo. Mauna na kami." She smiled at her at ganun din si Lanie sa kanya. Nag wave pa ito at nagmamadaling tinawag si Jovy na noon ay nasa CR.
They had lunch together. After that dumalaw naman si Kiero sa pinapagawang warehouse sa Laguna. Buong araw itong wala sa opisina to meet clients and suppliers. Binisita na din nya ang mga proyekto nitong stripmall sa Batangas. Around 5:30pm ng magkaroon sya ng oras para tawagan si Chienne.
"Wag kang aalis sa office. I will pick you up. Sabay na tayong umuwi. I'm almost there." He said at halata sa boses nyang excited itong makita ang kasintahan.
"Sorry. Hindi mo naman agad sinabi. Sumabay kasi ako kay Marco. We are here now in ATC." Nahihiyang sagot ni Chienne.
Napahinto si Kiero saka hinampas ang manubela. Marco is one of her boy close friend at isa rin ito sa pinagseselosan ng binata. Halos naman lahat ng kaibigan nitong lalaki ay pinagseselosan nya. Sa dami kasi ng sasabayan ni Chienne ay doon pa talaga kay Marco.
"Bakit hindi ka nagsabi bago ka umalis? Susunod ako dyan. Itext mo ako kung saan kita pupuntahan." Malamig nyang sabi saka pinutol ang tawag.
Pinaharurot nya ang sasakyan papunta sa ATC. Buti na lamang at hindi traffic kung hindi ay mas madadagdagan ang inis nito. Sa isang coffee shop nya pinuntahan ang dalaga at naabutan pa nyang nagtatawanan ang dalawa at mukhang masaya silang magkasama. Mas lalong uminit ang ulo ni Kiero. Lumapit ito sa dalaga at mabilis na hinila patayo.
"Let's go!" Mahina nyang sabi.
Kinabahan si Chienne sa ikinilos ng binata lalo na sa mga tingin nito. Dinampot nya ang kanyang bag at napapahiyang tumingin kay marco.
"Aalis na pala kayo. Ingat Chienne!" Marco smiled and she smiled back.
Naunang maglakad si Kiero. Bago ito sumunod sa kasintahan ay muli itong tumingin sa kaibigan and she mouthed that she'll text him and sorry. Nasa loob na sila ng kotse and Kiero is still ignoring her.
"Kiero, nadalaw mo na ba ang mommy mo?" Tanong ni Chienne to cut the silence between them pero hindi pa din sya nito pinapansin. Kiero started the engine.
"C'mon Kiero! What's wrong with you?" Pagalit na sigaw ni Chienne ng mawalan ito ng pasensya sa binata.
Inihinto ni Kiero ang sasakyan at tumingin kay Chienne ng masama.
"I'm f*cking jealous with Marco, okay?" Tumaas ang boses nito saka tumingin sa daan. "Tapos hindi mo pa ako tinatawag na babe." His voice low down.
Hindi alam ni Chienne kung anong magiging reaksyon nya but she choose to grinned. Agad namawala ang inis nya sa binata. He's so cute. Para syang batang nagtatampo ngayon.
"You're so cute, babe. Sorry na. Magtetext or tatawag na ako sayo bago ako umuwi. Hindi na ako sasabay kay marco." Itinaas pa nito ang kanyang kanang kamay sabay sabi ng "PROMISE!"
"Good." Sagot ni Kiero saka kinikilig na ngumiti. Hinawakan nya ang kamay ng dalaga at hinalikan. "Gusto mo bang dumalaw kay mommy?" He added.
"Maybe this weekend. Let's invite her dinner or puntahan nalang natin sya sa ancestral house?" Sagot ni Chienne.
"If that's what you want." He said and smiled.
Pinaandar na nya muli ang sasakyan. Chienne smiled back saka itinuon ang tingin sa bintana. Bakas sa mukha ng dalaga ang pag aalinlangan.
"Bakit biglaan mong naitanong si Mommy? Did she texted you? Huling nagkausap kasi kami ni Mommy ang sabi nya ay magiging busy daw sya this week kaya wag muna akong pumunta sa kanya. But anyway... papayag naman siguro syang mameet ang girlfriend ko." Ani Kiero saka ngumiti. Ngumiti din si Chienne pero mabilis na nagbago ang expresyon ng kanyang mukha. Napansin naman agad ito ni Kiero.
"May gusto ka bang sabihin?" Seryosong tanong ni Kiero.
Nanlaki ang mata ni Chienne sa tanong nito. Hindi nya alam ang sasabihin. Hindi nga nya alam kung dapat pa nyang sabihin ito sa binata. Umiling ito.
"Wala. Wala naman. Bakit?" She tried to relax para hindi ito mahalata ng binata.
Kiero smiled again. "Mukha kasing may gusto kang sabihin sa akin. Just let me know. I will listen." Ngumiti lang si Chienne at napakagat sa kanyang lower lip.
Maagang nagising si Chienne. Gusto nyang ipagluto ng breakfast si Kiero kaya naman excited ito sa kanyang ginagawa. Habang hinihintay nyang tumunog ang oven ay tulala itong nakatingin doon. Naalala na naman nya ang nakita nya kahapon sa ATC. Hindi rin sya masyadong pinatulog nito. Should I tell him? Baka naman alam na nya ang tungkol doon? She tought saka napabuntong hininga.
"Masyado yatang malalim ang iniisip mo iha? Si Kiero?" Ani Manang Len saka lang sya bumalik sa katinuan at ngumiti sa matanda.
"Tulog pa po sya manang. Ipinagluto ko na din po sya ng umagahan."She smiled again at muling tumingin sa oven.
Tumango lang ang matanda at saka lumapit sa kitchen cabinet para magtimpla ng kape.
"Manang... If you don't mind pwede ko bang malaman kung bakit naghiwalay ang mga magulang ni Kiero?" Hindi na matiis ni Chienne ang pagiisip.
Natigilan sa pagtitimpla si Manang Len at tumingin sa dalaga na para bang kinakabahan.
"B-Bakit mo naitanong iha?" kinakabahan nyang tanong.
"Nakita ko po kasi si Tita kahapon sa ATC. May kasama syang lalaki at batang babae. They look family. Tinawag pa ng bata si Tita na Mommy. Wala naman pong kapatid na nababanggit sa akin si Kiero. Nagmamadali pang umalis si tita ng makita nya ako and I wondered why." Kwento ni Chienne. Seryoso itong nakatingin sa matanda.
Nabitawan ni Manang Len ang hawak nyang kutsarita saka namilog ang mga mata at nagulat sa narinig.
"Si-Sinabi mo na ba kay Kiero ang nakita mo?" Umiling lang si Chienne. Doon lang nakahinga ng maluwag ang matanda "Wag mo ng sabihin iha." Malungkot nyang dagdag.
"Ang alin Manang Len?" Singit ni Kiero.
Napanganga ang dalawa sa biglaang pagsulpot ni Kiero. He's in the Kitchen entrance. Topless ito and he just wearing boxer short. Nagkatinginan si Manang Len at Chienne. Napalunok si Chienne at muling tumingin kay Kiero.
"Kanina ka pa ba dyan?"Ani Chienne.
Lumapit si Kiero sa dalaga at saka isinampay ang kanyang chin sa balikat ng dalaga at yumakap ng mahigpit. Hindi na ito nahiya sa harap ng matanda habang si Chienne ay naiilang naman. Hindi kasi sya sanay na ganoon sila sa harap ng matanda.
"No. Kakagising ko lang. Ano yung pinag uusapan nyo na dapat wag mo ng sabihin sa akin ang nakita mo?" Muling tanong ni Kiero.
Napalunok na naman si Chienne at tumingin kay Manang Len. She don't know what to say. Itinuloy ni manang ang pagtitimpla ng kape. Mukhang pinabayaan na sya ni manang kung sasabihin ba nya o wag nalang. Half of her want to say it dahil ayaw nyang maglihim sa kasintahan pero nag aalinlangan pa din syang sabihin ito.
"Ahm... Wala babe. Kumain kana. I cooked breakfast for you." She said saka lumapit sa oven tamang tama naman at tumunog na din ito.
Sinundan sya ni Kiero at muling niyakap mula sa kanyang likuran.
"Did manang len said na ayoko ng pinag lilihiman ako? Now, spill it." Utos nya sa dalaga.
Napabuntong hininga nalang si Chienne at tumingin sa binata.
"Niyaya kasi ako ni Fabio makipagkita sa kanya. Gusto nyang ako ang personal na tumingin sa mga bago nilang supplies. Nalaman nya kasing kulang tayo sa bakal." Ani Chienne. Totoo din naman ang sinabi nito and that's the best excuse para sa kanya. Hindi nya kasi kayang sabihin ang nakita nya kahapon. She's also ready for his reaction.
Mabilis na kumalas sa pagkakayakap si Kiero.
"That asshole! Hindi pa sya nadala!" Galit nyang sabi. "Mukhang dalawang gago ang makakatikim ng kamao ko ngayon ah!" He added at padabog na naupo sa dining.
Napatingin nalang si Chienne kay manang at inabutan ang binata ng kape na bago nyang timpla.
"Kaya ayokong sabihin sayo eh! Please. Baka mapaano kapa. Hayaan mo na sya. We will check it together, okay?" Ani Chienne.
Kahit inis na inis ay kumalma si Kiero at tumingin sa dalaga.
"Yeah. Iyon na din ang huling order natin sa kanila!" Mariin nyang sagot.
Pumunta si Kiero sa Banzai Builders para makita si Fabio. Hindi nya tinupad ang sinabi nya kanina sa dalaga na sabay silang titingin ng supplies. Well, hindi din naman supplies ang ipinunta ni Kiero doon kundi si Fabio.
Tatawa tawang bumaba ng kotse si Fabio habang may kalandian sa cellphone. Walang imik itong nilapitan ni Kiero at sinuntok sa mukha ng malakas. Tumalsik si Fabio sa lupa at agad na dumugo ang kanyang labi. Tumalsik din pati ang hawak nitong cellphone.
"What the hell is your problem man!" Galit na sigaw ni Fabio. Agad itong tumayo para gumanti. Tinamaan nya si Kiero sa mukha. "Are you f*cking crazy?" Sigaw nya ulit.
Pinunasan ni Kiero ang dugo sa labi nya using his backhand. Muli nyang sinuntok si Fabio nang ilang ulit at hindi na nya hinayaang makabawi pa. Nakahiga na sa lupa si Fabio at sinasalag ang bawat suntok ng binata. Nang mapagod ay hinila nya ang kwelyo ng polo ng kalaban.
"I warned you pero hindi ka nakinig." Lalong humigpit ang kapit nito sa kwelyo. "You really want to die?!" Mariin nyang sabi.
Napalunok si Fabio sa sinabi ni Kiero. Naalala nya ang sinabi noon ni Ricky. His eyes burning of anger. Mas lalong nakaramdam ng takot si Fabio kaya malakas nyang itinulak ang binata.
"Ano bang pinuputok ng butse mo? Chienne is your secretary kaya walang masama kung alukin ko syang tingnan ang mga bakal dito!" Paliwanag nya.
"She's my girlfriend." He said with a flat voice and he is still glaring at Fabio.
He smirked. Tumayo ito sa pagkakaupo sa lupa. "Girlfriend? O laruan? Para namang hindi kita kilala Kiero. Stop acting like you are one of a kind." Sarkastiko nitong sabi. "Kelan ka pa naging mahilig sa mumurahing laruan?" he continued saka tumawa.
That made him more mad. Hinila na naman nito ang kwelyo ni Fabio. Hindi na ito nakaiwas at hindi na rin ito binigyan ni Kiero ng pagkakataon na makaganting muli. Paulit ulit nya itong sinuntok sa mukha. Fabio's face is now full of fresh blood. Walang paki si Kiero kahit mapuno rin ng dugo ang kamao at ang puting polo na suot nya.
Kung hindi sila inawat ng mga tauhan nina Fabio ay baka napatay na nya ito. Gigil na gigil na lumayo si Kiero sa binata at walang imik na naglakad pabalik sa kanyang kotse.
"Idedemanda kita! Hayop ka!" Rinig nitong sigaw. Natigilan ito saka bahagyang ngumiti. Lumingon ito kay Fabio na akay akay na ngayon ng kanilang mga tauhan.
"Just do what you want." He said saka itinuloy ang paglalakad.
Hindi sya takot na idemanda ni Fabio. Alam nyang walang kwenta kung idedemanda sya nito. His uncle is a judge at ang asawa nito ay attorney. Alam nyang makakalusot pa din ito kaya malakas ang loob nya. Highschool palang ay sanay na syang makipag basagan ng mukha. Sanay na din syang masama sa gulo at sa bawat gulong iyon ay walang sawang pinagtatanggol sya ng kanyang tito at nasanay sya sa ganoong gawain.
Galit syang pumasok sa kanyang opisina. Halos lahat ng kanyang empleyado ay nagulat sa itsura ni Kiero. Nabitawan naman ni Chienne ang hawak nyang mga envelopes at mabilis na sumunod sa kasintahan.
"Anong nangyari sa mukha mo?" Alalang tanong ni Chienne. Nanlambot ang mga tuhod nito ng makita pa nya ang mga dugo sa damit ng binata. "B-Bakit may mga dugo sa damit mo?" Naiiyak nyang tanong.
Hindi sya pinansin ni Kiero. Hinubad ni Kiero ang polo nya at itinapon sa basurahan. Kinuha nya ang extra tshirt nya na nasa cabinet ng kanyang opisina at mabilis na sinuot. Pabagsak itong naupo sa kanyang swivel chair. He opens his computer.
"Care to explain Kiero?" Inis nyang sabi. "Are you ignoring me?!" She raises her voice dahil ayaw pa din itong pansinin ni Kiero. He continues checking his emails.
"So you're ignoring me? Fine! Matulog ka mag-isa sa kwarto! Wag mo na din akong isabay mamaya pag uwi!" She's really mad. Nag aalala sya sa binata pero hindi man lang nya sagutin ang mga tanong nito.
Humakbang ito para lumabas ng opisina pero pinigilan sya ni Kiero at hinila sya palapit sa kanya.
"What are you saying?" Hinila nya ulit ito at ikinalong. He hugged her tight.
"Are you mad?" Malambing nitong tanong.
Lalong nainis si Chienne gusto nyang tumayo pero pinipigilan sya ni Kiero.
"What do you think?!" Inis nyang sagot at tumingin sa mukha ng binata.
"Sorry na. I'm a Jimenez. Nasa dugo yata namin ang pagiging sobrang seloso." He pouted at mas lalo pa nitong hinigpitan ang yakap sa dalaga. She's not satisfied to his answer kaya tinaasan lang nya ito ng kilay.
"What happened?" Malamig na tanong ni Chienne.
"Binugbog ko si Fabio." Mabilisan nyang sagot saka hinalikan ang braso ng dalaga.
"Bitawan mo ako, Kiero!" Utos nya sa kasintahan. Agad naman sya nitong sinunod.
"Are you crazy? Bakit mo ginawa yun? Muntik mo na sigurong mapatay si Fabio dahil ang daming dugo sa polo mo? My God!" She raised her voice again. Napasapo nalang ito sa kanyang ulo sa sobrang inis.
"Yeah. You're right. Mapapatay ko talaga sya kapag lumapit pa sya sayo." Mariin namang sagot ni Kiero.
"So sa Sy mo ba nakuha yang pagiging bayolente mo?" Sarkastikong tanong ni Chienne and she's trying to calm herself.
"I think both. You wanna meet my relatives on my Father's side?" Sagot naman nito.
She sighed. Napapikit ito at tumango tango. He's so impossible. Nag aalala sa kanya si Chienne pero mukhang hindi nagpapatinag ang binata. Mas lalo nya pa itong iniinis.
"Sure! I like that idea!" Inis nyang sagot saka lumabas ng opisina. Padabog pa nyang isinara ang pinto. "You're unbelievable!" Sigaw nya saka sinipa ang pinto at galit na galit na bumalik sa kanyang desk.
Binaling nalang ni Chienne ang pagkainis sa pag scanned ng kanyang f*******: newsfeed. Wala rin kasi sya sa mood gumawa ng report. Halos masira na nga nya ang keyboard at mouse ng kanyang computer.
"Haay! Ang kapal naman nitong mag live video hindi naman famous! Isa pa ito panay ang selfie hindi naman kagandahan! Nakakainis! Wow! Feeling gwapo mukha namang tulingan!" Kumento nya sa bawat picture at video na nakikita nito sa kanyang newsfeed.
Napapailing nalang si Lanie dito. Pati mga walang kamalay malay na f*******: friend nya ay nadadamay sa kanyang galit.
"Good Afternoon Attorney Sy." Bati ni Jovy sa paparating na hindi katandaang babae. Ngumiti ito sa kanya at tumigil sa harap ni Lanie.
"I want to see my nephew. Nandito ba sya?" Magalang na tanong ng babae.
"Yes, Attorney. Pumasok na po kayo sa loob." Nakangiting sagot ni Lanie.
Humabol ng tingin si Chienne kay Attorney Sy. Nang makapasok sa loob ang babae ay kay Lanie naman ito tumingin.
"Bakit nandito si Attorney Sy?" Taka nyang tanong.
"Aba ewan ko. Dapat ikaw ang may alam nyan." She smirked. "Bakit hindi mo alamin? Dalhan mo sila ng maiinom. Attorney Sy wants black coffee. Go!" Ani Lanie saka ngumiti.
Tumango si Chienne at agad na tumakbo patungo sa kitchenette. Buti na lamang at sanay syang magtimpla ng black coffee dahil iyon din kasi ang hilig ng kanyang yumaong ama. Dahan dahan syang naglakad patungo sa office ni Kiero. Ngumiti sya ng makapasok sa loob.
"I'm sorry to disturb you. Nagdala ako ng maiinom." Nilapag nya ito sa end table at sinerve.
Chienne smiled to Attorney Sy. Ngumiti din naman sa kanya ito. Nakatayo si Chienne sa tabi ng sofa na kinauupuan ni Kiero. Dapat na syang lumabas pero ayaw ng kanyang mga paa. Napatingin ulit sa kanya si Attorney Sy. Napilitan itong ngumiti ulit at inihanda ang kanyang sarili upang lumabas.
"Maiwan ko na kayo. Enjoy your black coffee attorney." Ani Chienne saka humakbang.
Kiero grabbed her wrist kaya napatigil si Chienne. Nanlaki ang mata ni Chienne na napatingin kay attorney at kay Kiero.
"Auntie. I want you to meet my girlfriend, Chienne. Babe, she's my beautiful Auntie Lian." Introduced ni Kiero sa dalawa. Nagulat naman ang Auntie nya saka napangiti.
Chienne smiled and extended her hand na agad tinanggap ni Attorney Sy.
"What a beautiful young lady. Maupo ka." Ani Atty Sy. Tumingin ito kay Kiero "Pareho talaga kayo ng pinsan mong si Huojin, maganda ang taste sa babae." She added.
Namula naman si Chienne sa narinig. Hindi tuloy ito makatingin sa Auntie ni Kiero.
"May girlfriend na pala si Huojin." Tumawa si Kiero.
Ito kasi ang malimit kalaro at kaaway ni Kiero noong bata pa sila sa tuwing magkakaroon ng reunion ang kanyang family sa father side. Hindi nya ganoon ka close ang mga pinsan nitong mga Chinese at buti nalang hindi sumusunod sa tradisyon ang kanyang pamilya na ang Chinese ay para lang sa Chinese. Dahil kung hindi sya siguro ang kauna unahang susuway sa kanilang magpipinsan. Isa pa hindi din naman sya mukhang Chinese dahil mas nananalaytay ang dugong Jimenez sa kanya and he got her looks from his mother.
"Yes. Kaya dumalaw ka minsan sa compound at ipakilala mo sya sa mga kamag anak natin. Matutuwa din si angkong na makita ka ulit." Ani Attorney Sy.
"Balak ko din pong gawin yan. Maybe nextweek. Can we continue Auntie Lian?" Sagot ni Kiero saka ngumiti.
"Sure. Like what I have said iho, idinemanda ka nila ng Physical assault. I know I can handle this pero sana ito na ang huli Kiero." Mahinahong sabi ng kanyang Auntie.
Nanlaki naman ang mata ni Chienne at napatingin kay Kiero na tatawa tawa na parang walang narinig. He's really a spoiled brat. Umirap si Chienne sa binata. Gusto nya itong sakalin sa sobrang inis.
Mas pinili ni Chienne na lumabas na lamang sa opisina at wag ng makinig sa kanilang pinag uusapan dahil lalo lang umiinit ang ulo nya sa mga reaksyon ni Kiero.
"Aray!" Sigaw ni Kiero ng diinan ni Chienne ang pagpapahid ng ointment sa sugat ni Kiero sa mukha. "Babe?" Ani Kiero saka hinawakan ang kamay ni Chienne.
"Sorry na. Wag kana magalit." He added saka nginitian ang dalaga.
Inirapan lang sya ni Chienne. Kiero smirked and pull her towards him at saka niyakap ng mahigpit.
"Ang sungit naman ng baby ko. Sige na. Kausapin mo na ako. Bati na tayo?" Paglalambing ni Kiero saka hinalikan ang balikat ng dalaga.
"Ipangako mo munang hindi mo na uulitin yun?" Ani Chienne saka tumingin kay Kiero ng seryoso.
"Hmmm..." He hold her chin at pinag iisipan ang sagot. "Depende. Kung makikinig sa akin si Fabio, then it won't happen again." He grabbed chienne's waist again at saka pinulupot ang kanyang kamay. "At kung walang magtatangkang mang-agaw sayo dahil babasagin ko talaga ang mga mukha nila." He added.
Kahit naiinis ay lihim na napangiti si Chienne sa kilig. Wala na siguro syang magagawa sa pagiging sobrang seloso ni Kiero. Sya nalang siguro ang iiwas kay Fabio kaysa mangyari pa ulit ang pagbugbog nito sa binata. She cupped Kiero's face and stared deep into his eyes. Ngumiti naman si Kiero habang nakatitig din sa kasintahan.
"Your smile is my favorite part of your face." Ani Chienne saka ngumiti.
"But your smile makes me happy." Sagot naman ni Kiero saka nya hinawakan ang mukha ni Chienne. "I'm so glad you came into my life... thank you for opening my heart to love again... it has been so long since I have smiled like this... so long since I have loved like this... so long since I wanted to share my life with another... It's all because of you."
Napaluha si Chienne sa mga sinabi ni Kiero. Slowly he pressed his lips to her. Chienne closed her eyes and her hand is in the back of his neck. They kissed until they had to pull away for a breath. Kiero is still holding Chienne's face at idinikit nya ang noo nito sa dalaga.
"I love you." He whispered as he closed his eyes.
Wala ng sasaya pa sa nararamdaman ngayon ni Kiero. Finally, he's genuinely fine. He is free of the pain and anger that he kept for a while. Mahal na mahal nya si Chienne and he can't afford another heartbreak kaya gagawin nya ang lahat wag lang mawala sa kanya ang dalaga.