"Girl, alam mo balita ko... may paliga ng basketball dito sa lugar natin." Excited na sinabi ni Jessica Abad, isa sa best friend ni Caroline.
"Oo nga Girl, balita ko din 'yan. May dadayo daw para makipag laro dito sa lugar natin." Dugtong naman ni Riz.
"Talaga? Maganda 'yan para sa pampalakasan ng pangangatawan. Sports favorite kong panoorin 'yan, basketball." Winika naman ni Caroline.
"Volleyball naman 'yung nilalaro natin. Mukhang meron din atang paliga para sa atin." Sabi ni Jessy.
"Sali tayo sa paliga ng Volleyball!" Singit ni Riz at excited na saad nito. Sumang-ayon naman sila Jessy at Lyn dito.
Pinag uusapan nila ang design ng uniform at saan nila ito oorderin.
Na sa lawn sila at naka upo at nag memeryenda.
Nang dumaan sila Christian at ang mga kabarkada nito na nag dri-dribol habang nag lalakad. Nag tatawanan ito at masayang nag kukuwentuhan.
Napatingin si Christian sa gawi nila Caroline na ikinatingin ng mga kabarkada din niya sa gawi nila.
Ganun din sila Caroline, habang umiinom ng juice si Riz ay hinampas nito sila Jessy at Lyn.
Na ikinalingon naman nila sa gawi na tinignan ng Beshy nilang si Riz.
"Tol, mukhang lalaban sila sa volleyball ng paliga sa lugar natin." Bulong ng naka flat tops na hair kay Christian na narinig naman ng isa na kulot ang buhok.
" May hawak nga silang pang volleyball. Mukhang nag practice." Bulong din nito.
" Mukha nga. " Tumango- tango namang sabi ni Christian.
"Girl, mukhang sasali sila sa liga ng basketball. May hawak na bola." Mahinang sabi ni Jessy sa dalawa, para hindi marinig sa labas ang pinag uusapan nila mag beshy.
"Eh di wow!" Namimilog ang mata na sagot naman ni Caroline sa mahinang boses.
Nag tawanan sila pag katapos nilang mag apearan na mag kakaibigan.
Nag taka ang mga kabarkada ni Christian. Natawa na lang sila sa reaction ng mga 'to.
" Cheers!" Sabay sabay naman na sabi nila Caroline at ng mga kaibigan niya na sila Jessy at Riz.
Kakamot-kamot naman na lumagpas na nag lalakad sa kalye sila Christian at ang mga tropa nito. Halatang nag papa-cute.
Kinagabihan......
" Caroline! Pumanaog ka nga dito. Lumabas ka nga sa kuwarto mo. May bisita ka!" Tawag sa kanya ng Mama niya.
" Po?! Opo, baba na po! " Sagot niya sa kanyang Mama.
Nagtataka man ay lumabas siya ng silid niya. Inayos muna niya ang kasuotan bago bumaba ng hagdanan nila.
Nakababa na siya nang lumingon ang bisita niya.
"Ikaw?! " Namimilog ang matang gulat na gulat na sabi niya.
" Oh sige na anak maiwan ko na muna kayo at may ginagawa pa ako sa kusina natin." Paalam naman ng Mama niya.
" Okay po Mama." Nasabi na lamang niya.
" Maupo ka. " Buntonghininga na sabi ni Caroline.
" Kamusta ka na? 'Di ba sabi ko sayo na dadalaw ako dito sa inyo. Kaya nandito na ako." Ngiting wika ni Christian.
" Hindi ko naman alam na totohanin mo sinabi mo." Depensa ni Caroline.
" Wala namang masama kung totohanin ko ang pag punta ko dito, diba?" Nakangiti pa ring sabi nito sa kanya.
" Ano na ba kasi ang sadya mo sa akin? Ang alam ko hindi tayo close." Nakasimangot na sabi ni Caroline dito.
" Kaya nga, exactly! Hindi tayo close...." sabi ni Christian.
" Open tayo. 'Di ba open tayo sa isa't isa?" Paliwanag at dagdag pa nito na sabi niya kay Caroline.
" Ano?! Nag papatawa ka ba? Kailan ? " Pinandidilatan ng matang sabi ni Caroline dito.
" Ikaw naman, nag bago ka na. Ibang iba ka na talaga." Nagtatampo-tampuhang sinabi ni Christian kay Caroline.
" Ikaw pa ang may ganang mag tampo diyan? Ikaw nga itong mahilig mang inis sa akin at nag bago, madalas mo akong pinaiiyak noong bata pa tayo." Inis na sabi pa ni Caroline dito.
" Okay.... mag mula ngayon hindi na kita aasarin. Promise 'yan! " Pangako ni Christian.
" Sinabi mo yan ha?! Promise hindi mo na ako aasarin?" Tanong ni Caroline dito.
"Basta bati na tayo. Okay?" Tanong naman ni Christian kay Caroline.
"Okay. B't ka nga pala bumisita dito? May sadya ka ba?" Mahinahon na sabi ni Caroline dito.
" Ayan ganyan nga! Relax ka lang. Balak kasi namin ng tropa ko na bumuo ng team ng basketball at ikaw ang gagawin naming muse. " Paliwanag ni Christian sa kanya.
"A-ako?! Bakit ako? " Nabiglang nasabi ni Caroline.
"Sige na naman oh. Wala ka namang gagawin kundi lumakad kasama kami at bit-bit ang banner ng team natin." Paki-usap ni Christian at sabay luhod sa harapan niya.
"Hala! Huwag ka ngang lumuhod diyan. Tumayo ka nga diyan." Naaasiwang sabi ni Caroline dito.
" Hindi ako tatayo hangga't hindi ka pumapayag." Pangungulit ni Christian.
"Oh sige na! Okay, payag na ako na maging muse ng team nyo." Sabi na lang ni Caroline kay Christian.
" Talaga?! Yahooo! Kami nah!!!! Tayo na ha?! Walang bawian 'yan!" Tuwang tuwang tumayo na sabi ni Christian kay Caroline.
" Hala ka! Mag mumuse lang ako ng team nyo sa basketball. Hindi 'yung maging girlfriend mo ako." Tarantang paliwanag ni Caroline.
" Ay, akala ko tayo na. Okay. Masaya na ako kasi, you support us and one of the team ka namin." Ngingiting-ngiti na sabi ni Christian sa kanya.
" Ano ka sinusuwerte? Hindi ka naman nanliligaw diyan. Mag hirap ka muna sa panliligaw." Nakangusong inis naman na sabi ni Caroline.
" Puwede ba? " Tanong ni Christian.
" Na anong puwede ba?" Maang maangan na tanong naman ni Caroline.
" Na manligaw sayo." Tanong muli ni Christian.
" Bahala ka nga diyan. Umuwi ka na kaya, kasi lumalalim na ang gabi." Sagot ni Caroline.
" Basta, dadalaw ulit ako sayo. Sige tuloy na ako Lyn. Pakisabi na lang sa Mama at Papa mo na umuwi na ako. Maraming salamat sayo." Magalang na wika ni Christian sa kanya.
"Sige, ingat ka." Paalam naman ni Caroline dito habang sinasara ang pintuan ng bahay nila.