Chapter 11 - Over Thinking Mind, Unreachable Heart

521 Words
Hinatid na ni Sean si Caroline sa kanilang bahay. " Thank you Sean sa libreng dinner mo. Nabusog ako. " Ngiting sabi ni Caroline. " Your welcome Lyn. Sana maulit. Next time group friendly date naman." Masayang sabi ni Sean sa kanya. " Oo ba! Pag may time. Sige ha, pasok na ako sa bahay namin." Paalam ni Caroline. Huminto si Caroline sa pinto at hinatid ng tanaw si Sean na pinaandar ang sports car nito. Patalikod na sana si Caroline ng biglang may tumawag sa kanya sa labas ng hanggang dibdib na bakod nila. " Lyn! Lyn! " Tawag sa kanya. Ano ba yan! Ang ganda na nga ng mood niya mukhang masisira pa ata. "Oh bakit? " Masungit na sabi niya kay Christian. Ito pala ang tumawag sa kanya sa labas ng gate nila ng maka-alis na si Sean na sakay ang sports car niya. "Ito naman ang sungit! Huwag kang ganyan mag kaka wrinkles ka niyan sa mukha, sige ka." Pananakot ni Christian sa kanya. " Ano na ba kasi ang kailangan mo at kinukulit mo ako ngayon? It's late in the evening na and I need to go inside my house." Napa English na wika ni Caroline kay Christian. "Hala! Nosebleed ako sayo ha. By the way, I just want you to know that you are so beautiful tonight. Hahaha English 'yun ha! Naka tsamba ako. " Ngiting sinabi ni Christian sa kanya. " 'Yun lang ba sasabihin mo? Well, Thank you! Okay na?" Sabi naman ni Caroline dito. " Taray naman! Miss you kahit ganun! Punta ako sa inyo bukas ha?" Christian told her with devilish smile. Kinabahan naman si Caroline sa sinabi ni Christian. Mukhang may binabalak talaga. "Ano na naman ba ito Christian?" Cross arm na sabi ni Caroline na humarap sa kanya. " Wala lang, pasyal-pasyal lang. Masama ba? Sige na, payagan mo na ako." Ngiting mabait naman na sagot nito sa kanya. " Bahala ka na nga. Papasok na ako sa bahay." Paalam naman ni Caroline. " Okay...Good night! Until tomorrow, we will meet again." Ginalingan ni Christian ang pag English. Padabog na sinarado ni Caroline ang kanilang pintuan. Hay! Kapagod, iniinis pa ako ng Christian na 'yun. Ano naman kaya pag usapan namin? Isip-isip niya, habang nag tatanggal ng sandals na naka upo sa kama niya, na sa loob na siya ng kanyang silid tulugan. At pabaksak na humiga sa kama niya. Iniisip niya kung paano na bukas, pag kaharap si Sean sa school at pag kaharap naman si Christian dito sa bahay. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya sa posisyon na 'yun. Samantalang si Christian naman ay nag- iisip habang na sa terrace na kahoy at may upuan at lamesita. Nakaupo siya sa pasimano at iniisip niya ang pustahan nila ng mga kaibigan niya. Mukhang mapapasubo ata ako sa mga kaibigan ko. Ayaw ko pa naman magalit na ng tuluyan si Lyn sa akin, dahil nakipag bati na ako sa kanya. Huwag sana niya malaman ang pustahan namin. Isip-isip ni Christian habang naninigarilyo ito. Nang maubos ang sigarilyo ay pumasok na ito sa kanyang silid at nag pahinga na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD