Parang basang sisiw si Caroline sa suot niya at luha, sipon at dugo ni Christian na kumapit sa damit niya.
Iyak pa rin siya ng iyak. Sinisisi ang sarili. Dahil sa kanya nasaksak si Christian.
Lumabas ang Doctor na nag opera kay Christian .
" Ligtas na po siya Ms. Tinamaan lamang po ang upper muscle tissue niya sa bandang kanan Ng dibdib niya sa bandang under arm. Malibang doon Wala na. Medyo marami lamang naubos na dugo sa kanya, pasalamat lamang po tayo may kaibigan siya na kapateho Ng blood type niya. " Mahabang paliwanag ng Doctor kay Caroline.
" Doc. Sure na po talaga na ligtas na po siya?" Humihikbi na sabi ni Caroline. Hinihimas ni Jessy ang likod ni Caroline.
" Huwag na po kayo mag alala ligtas na po siya." Sabi ng Doctor at nag paalam na sa kanila.
Napahagulgul si Caroline.
"Maraming salamat po Lord." Nabanggit nya sa mga kaibigan.
" Bestie ang mabuti pa umuwi na muna tayo at maligo at magpalit ng damit nang makatulog tayo. Hayaan muna natin ang family ni Christian ang mag bantay sa kanya. Alam na sa kanila at pasalamat tayo na hindi siya napuruhan." Mahabang paliwanag ni Riz. Parang wala paring sa sarili si Caroline na sumunod na lang sa kanila. Nauunawaan naman ng mga kaibigan niya ang nararamdaman nito. Pinasyang ihatid ng mga kaibigan si Caroline sa bahay ng mga magulang ni Caroline. Nagulat man ang mga magulang ni Caroline ay naliwanagan naman ang mga ito nang ipaliwanag ng mga kaibigan niya ang mga pangyayari.
Samantalang si Caroline ay umakyat na sa hagdanan at nag tungo sa kanyang kuwarto. Hindi na siya umiiyak sa kadahilanang wala na siyang mailuha. Pumasok siya sa kubeta at nag shower na suot pa rin ang damit niya. Tulala pa rin siya at hindi makapaniwala sa mga pangyayari. Parang napaka bilis nang mga pangyayari. Habang tumutulo ang shower sa ulo niya kumalat ang make up niya at eyeliner niya. Kumalat din ang maskara sa mata niya at ang dugo ni Christian sa damit niya ay unti unting kumakalat sa sahig ng shower room nya. Napasandal at padausdos siyang humahagolgol ng marealized niya na mahal pala niya si Christian. At di niya kayang mamatay o mawala ito sa mundong ibabaw.
" Knock! Knock! Knock! Anak tapos ka na ba maligo? Kanina ka pa diyan. Baka malamigan ka na diyan sa loob ng shower room mo." Nag aalalang boses na winika ng Ina ni Caroline.
"Mama, okay lang po ako. Lalabas na po ako." Sabi ni Caroline na nag hubad at pag katapos ay nag tapis ng tuwalya. Palabas na siya nang salubungin siya ng Ina niya.
"Eto ang damit mo. Mag bihis ka at blower mo ang buhok mo at matulog ka. Para bukas dadalaw tayo sa Hospital. Lumiban ka na muna sa school mo ngayon." Maunawaing wika ng kanyang Ina.
Tumalima naman si Caroline sa sinabi ng kanyang ina. Nang maka bihis na at pinatutuyo na lamang niya ang kanyang buhok sa hair blower, napabuntonghininga na lamang siya. Nakalabas na ang kanyang ina ng kanyang kuwarto at alam niya na mamaya sisilipin siya ng kanyang ina kung nakatulog na ba siya. Ngayon lamang ginawa ng kanyang ina ang mag worry sa kanya ng ganito. At alam niya na kaya sila pupunta sa Hospital ay upang mag pasalamat ng personal kay Christian sa pag sagip nito sa kanya sa isang harrasment or r****t na mga kalalakihan.
Nang matuyo na ang kanyang buhok ay pumuwesto na siya sa kanyang kama upang matulog. Nakahiga siya nang maisip niya na mag pasalamat sa Diyos sa kalangitan na nandoon sila Christian upang tulungan sila laban sa kapahamakan. Dahil sa pinag halong pagod puyat at samo't saring takot ay nakatulugan na ni Caroline mag isip tungkol sa nang yari sa kanila.
Kinabukasan ....
Sa Hospital, naiwan sa hallway ang mga magulang at mga kapatid nila Christian at Caroline. Wala na sa I.C.U.
( Intensive Care Unit ) si Christian. Pinapasok si Caroline sa Private Room ni Christian sa Hospital upang kamustahin ito.
Lumapit siya kay Christian habang napapahikbing tinitigan itong natutulog naka dekstros at hubad ang kalahating katawan na nababalutan ng benda ang kalahati ng katawan nito. May oxigen mask sa mukha nito. Napaiyak na nang lubusan si Caroline na napaupo sa tabi nito at sinubsob ang mukha sa gilid ng braso ni Christian. Nasa ganun siyang puwesto ng biglang gumalaw ang daliri ni Christian at hawakan ang mga daliri rin ni Caroline. Nagulat si Caroline at pabiglang inangat niya ang kanyang ulo. Nakita niyang gising si Christian at nakangiting nakatingin ito sa kanya habang may oxygen mask pa rin ito.
Akmang babangon si Christian pero pinigilan ni Caroline ito.
" Huwag ka munang bumangon, baka mag dugo ang sugat mo." Inalalayang sabi ni Caroline dito. Humiga muli si Christian ng makaramdam ng kirot sa sugat nito sa tagiliran.
" Huwag ka munang mag salita. Mag pahinga ka na muna. Tatawagin ko muna ang nurse para ma check ka." wika ni Caroline habang buzz niya ang isang buzzer button sa wall para tawagin ang nurse na naka toka sa private room ni Christian.
" Nagising na pala ang pasyente. Teka lang po tatawagin ko lang po si Doc." Wika ng Nurse.
Chineck up ng Doctor ang kalagayan ni Christian pati na ang pag hinga nito. Pansamantalang inalis ang oxygen mask sa mukha niya at lumabas na ang Doctor nang masabihan silang lahat na okay na ang kalagayan ng pasyente. Hinawakan ni Christian ang kamay ni Caroline ng akmang lilipat siya ng puwesto.
" Gusto ko dito ka muna sa tabi ko." Hiling ni Christian kay Caroline. Nanatiling sa tabi ni Christian si Caroline hanggang sa makatulog ito.
Nang magising ito ay nasa tabi pa rin niya si Caroline. Natutuwa si Christian sa kadahilanang pinag lalaanan siya ng panahon at attention ni Caroline. Sinusubuan siya ni Caroline para makakain ng sopas ng tanungin siya ni Christian.
" Wala ka bang pasok sa school mo? Baka nakaka abala na ako sayo? " Sabi ni Chrisitan sa kanya.
" Sa hapon naman ang pasok ko, kaya okay lang pag nandito ako sa umaga para dalhan ka ng pag kain ng agahan. " Wika ni Caroline.
" Maraming salamat sa pag aasikaso mo sa akin. " Hinawakan ni Christian ang kamay ni Caroline at nag pasalamat na pinisil ito.
Ngumiti naman si Caroline.
" Ako nga dapat mag pasalamat sayo, sa pag tatanggol niyo sa aming mag kakaibigan laban sa mga lasengero na may balak na masama sa amin noong gabing nangyari ang malagim na pangyayari. " Bakas pa rin ang takot sa mukha ni Caroline nang sabihin ito.
" Huwag kang mag alala. Hanggang nandito pa ako, babantayan kita para hindi ka mapahamak. Ako ang bodyguard mo. Yun lang kung gusto mo lang. Payag ka ba?" Tanong ni Christian na masiglang sinabi ni Christian kay Caroline.
" Hindi ka pa nga magaling diyan. Bodyguard ka na agad diyan. " Irap ni Caroline dito.
" Aba sinong may sabi sayong hindi pa ako magaling? Magaling na ako. Ouch! " Mas pinasigla pang sabi ni Christian habang pilit na bumabangon ito at inaalalayan naman ni Caroline.
" Huwag ka na kasi makulit at sumandal ka na lang diyan sa dashboard ng higaan." Sabi ni Caroline.
" Pumayag ka na kasi. " Pangungulit ni Christian kay Caroline.
" Oo na nga payag na ako. Basta ayusin mo lang ang sarili mo diyan. Huwag ka nang magulo at baka mag dugo pa ang sugat mo. " Inayos ni Caroline ang kumot at sinabi ito.
Masayang hinawakan ni Christian ang kamay ni Caroline at sumandal ito sa dashboard.
" Hindi ka mag sisisi na pumayag ka. Iingatan kitang mabuti at aalagaan. " Pangako pa nito kay Caroline. Nag taka naman si Caroline sa sinabi nito. Binalewala na lang ni Caroline ang mga sinabi nito. At ngumiti na lamang.