Fiesta at araw ng paliga ng lugar nila.
Masaya ang mga kapitbahay at mga taga lugar nila sa okasyon na ginaganap sa araw ngayon.
Lahat busy sa pag aasikaso sa pag lalagay ng mga palamuti sa mga arko at entablado. Madaling araw pa lang ginagawa na nila ito at pag sapit ng mga alas diyes ng umaga nag simula na ang Mass sa simbahan nila. At pag katapos naman ay sa gabi prosisyon ng mga Reyna Elena. At kabuntot naman sa huli ang mga paliga ng manlalaro sa lugar nila.
Bitbit ni Caroline ang banner ng team nila at suot na niya ang dinala na Jersey ni Christian nung nakaraang gabi. Tinernuhan niya ng puting rubber shoes ito. Nasa unahan siya ng basketball team nila at naka Jersey Uniform din ang mga ito. Lalong tumingkad ang kaputian ni Caroline sa suot niya at lalong gumanda.
Start na ng laro. Kalaban nila Christian Team Vs. Edie Falco Team. Hinagis ng Referee ang bola at naagaw ni Edie ang bola. Sumugod si Christian at biglang naagaw naman ni Christian ang bola, itinira niya ito ng over lay at na swak sa ring ang bola. Palakpakan ang mga tao lalo na sila Caroline at ang mga kaibigan niya na katabi niya.
" Girl, bt ganun? " Si Riz.
"Anong bt ganun?" Si Jessica naman.
"Napapansin ko, napansin ko lang ha. Sa tuwing mag shoot ng ball si Christian, titingin muna siya kay Lyn." Paliwanag ni Riz. Na sinang ayunan naman ni Jessica.
" Napapansin ko rin 'yan." Si Jessica na tinignan si Caroline.
" Naku, isip nyo lang 'yan." Sabi ni Caroline sa mga kaibigan.
"Shoot mo ulit Christian!" Sigaw ni Caroline. Palakpakan silang lahat ng ma shoot ni Christian ang bola sa ring.
" Siyempre ka lugar natin ang kakampihan ko. Saan pa ba?" Paliwanag ni Caroline sa mga kaibigan.
" Asuus! Maniwala ako sayo......!" Sabay sabay na winika ng mga kaibigan ni Caroline sa kanya.
" Girl, kailan ka mag bo boyfriend? It's time na because your 18th birthday is coming soon." sabi ni Jessica kay Caroline.
" Oo nga Girl." sang ayon naman ni Riz.
" Ngeek! Kayo nga wala eh. B't ako naman ang nakita nyo?" Reklamo ni Caroline.
" Hahahaha. Sa ganda natin.... wala, zero ang lovelife natin. " Tawa naman ni Riz at Jessica.
"Okay lang naman. Basta ba maganda pa rin tayo. Hahahahaha! " Natatawang sabi naman ni Caroline.
It's a tie. One shoot for three points shot for them to win! Ang bola na kay Christian ulit. Waiting to shoot the ball. Five minutes count down to shoot the ball.
Isang tingin kay Caroline at saka sapalarang shinoot ni Christian ang ball. Umikot - ikot ang ball sa ring, saka na shoot ang bola!
" Panalo tayo! Panalo tayo! Hahahaha! " Tuwang tuwa si Caroline at ang mga kaibigan niya. Nag - tatalon at nag appearan sila. Lalo na team nila Christian.
Bigayan na ng Trophies!
"The Medal and the Trophy for Captain Ball of their team goes to..... Christian Marasigan!" The MC Host and the Referee holding the mic and the Medal and Trophy. At binigay yung Trophy kay Christian ng na sa gitna na siya ng court at katabi ang MC Host at Referee. Kasunod naman na sinuot ang Medal sa leeg niya.
"Next the Team of the Champion in the Basketball League. The winning team is Christian Marasigan Team! Let's give them applause!" Sabi ng MC Host.
Nag puntahan sa gitna ng basketball court ang mga ka team mate ni Christian at nag si pag kaway sa mga manonood ng laro. Inabot sa kanila ang Trophy nila at isa isang binigyan din ng Medal.
Tinawag ang muse ng Team nila na si Caroline. Nahihiya man pero pumunta siya sa gitna upang mapabilang sa kanilang groupo. Sigawan ang kanyang mga tropa, lalo't pa pinag tabi sila ni Christian at Caroline. Captain Ball at Muse of their team. Natapos na rin ang seremonyas at lumalalim na ang gabi. Sayawan na or Disco Party na! Nag si uwian na sila Caroline at ang kanyang mga tropa or besties. Sa kadahilanan na may pasok pa sila kinabukasan sa kanilang school. Nag lalakad sila sa kanto. Walang kamalay malay na may sumusunod sa kanilang mga groupo ng mga kalalakihan. Ninenerbiyos man binulungan ni Riz si Jessy at Caroline.
Nag mamadaling nag silakad sila habang kinakabahan sila. Ang mga kalalakihan naman ay napansin sila at na pagtripan silang sundan.
" Pare mukhang ang bango nung mga chicks sa unahan natin oh?!" sabi ng isa na namumula ang mga mata sa sobrang kalasingan at droga.
"Oo nga no pare. Tara lapitan natin. " pasuray suray naman na nag mamadaling nag patiuna nang lumapit sa kanila ang isang lasing na lasing.
Hinarangan ng mga kalalakihan sila Caroline at pilit sinasama sa kanila. Hinawakan sa braso si Caroline at napatili si Caroline at humingi ng saklolo.
Biglang may sumuntok sa mukha nang may hawak sa braso ni Caroline at tumalsik palayo ito kay Caroline. Ganun din ang nang - yari sa mga bestie at tropa ni Caroline, may tumulong din sa kanila para tigilan sila ng mga kalalakihan. Lumingon si Caroline kung sino ang tumulong sa kanya at nalaman niya na si Christian pala ito at ang mga tropa niya. Nag suntukan na sila at hindi nila maawat. Takot na takot na sila ng mga bestie nila at hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin. Nang biglang may bumunot na patalim at nilusob si Christian. Napatili muli si Caroline at sinabing sa likod mo Christian. Ngunit huli na, nasaksak na si Christian ng patalim. Tamang tama namang dumating ang mga pulis at hinuli ang mga kalalakihan at sinama sa prisinto. Tinuro nila ang mga kasamahan ng mga lalaking sumaksak kay Christian at pinakulong ang mga ito.
" Tamang tama po Ma'am. Dapat laman po silang makulong, sa kadahilanang naka droga po sila." winika ng police.
" Sige po aalis na po kami para maikulong na sila." dugtong pa nito.
" Thank you po Mamang Police. 'Yung ambulance po parating na po ba? Baka po kasi maubusan na ng dugo ang kaibigan namin na nasaksak." Iyak nang iyak na sabi ni Caroline habang nasa tabi nito si Christian na hawak ang tagiliran ng dibdib na puno ng dugo. Nang biglang nawalan ng malay ito.
Dumating ang ambulance at isinakay agad si Christian sa loob nito. sumama si Caroline at sumunod na lamang ang mga kaibigan nilang pareho para damayan sila at malaman ang kalagayan na rin ng kaibigan.