Chapter 15 - Basketball Jersey

1043 Words
"Tol, kamusta na ? Sinagot ka na ba ni Lyn?" Tapik sa balikat ang gumulat Kay Christian. Napalingon siya. " Ikaw pala yan Tol! " Gulat na sabi ni Christian kay Dominic Marasigan . Ang kapatid ni Christian. " Lalim kasi ng iniisip mo at buntong hininga mo, kanina pa. " Wika ni Dominic. At inakbayan Ang kapatid. " Kaya mo yan Tol. Huwag mo lang paiiyakin si Lyn, panigurado magiging masaya siya sa piling mo. " Dagdag pa nito na sabi kay Christian. " 'Yun nga ang problema ko Tol. Kababati pa lang namin ni Lyn. Baka magalit ulit 'yun kasi kapag nalaman niya na pinag pupustahan namin siya ng mga tropa ko para ligawan ko siya at mapasagot ko siya. For sure hindi na niya ako kakausapin at hindi na rin papansinin." Naguguluhan na Sabi ni Christian kay Dominic. Na sa pasimano sila sa may terrasa na kahoy. Inabutan niya nang bote ng beer ang kapatid. Napabuntonghininga si Christian ng malalim. " At kahit naman sino ayaw ng ganun. Pero hindi naman ako sigurado na mapapasagot ko si Lyn." Buwelta naman ni Christian. " Kilala mo naman si Lyn, Tol. Hindi ka naman niya siguro basta huhusgahan ng ganun ganun lang. Ang tanong lang dito ay kung mahal mo ba si Lyn at kung may nararamdaman ka sa kanya na especial? Wala naman siya sayong maipipintas kasi masipag at mabait ka naman. Kung sa pagmumukha naman tatanungin, may hitsura ka naman." Tanong at mahabang paliwanag ni Dominic sa kapatid. Natawa naman si Christian sa sinabi ng kapatid. "Balak kong dalawin ulit si Lyn Tol. Bati na kami at pumayag siya na dalawin ko siya." Sabi ni Christian. " Good Luck sayo Tol. " Tinapik tapik ni Dominic ang likod ni Christian. "Tara na nga Tol. Baka hinahanap na tayo ni Nanay sa loob ng bahay. Namalengke pa naman si Tatay para sa paninda." Aya ni Christian sa kapatid niya. Hindi na lang niya sineryoso ang sinabi nito. Pero sa totoo lang dami talagang may gustong babae sa kanya at nag papahiwatig na may pag tingin sila kay Christian. Hindi lang nito gaano pinapansin o patay malisya lang siya sa mga ito. Si Caroline naman ay nasa harapan ng laptop niya, pero ang isip naman ay na sa dalawang lalaki. Si Sean may girlfriend na pala. Kilalang celebrity pa. Ang ganda at mestisa si Penelope. Bagay naman sila. Si Christian naman... mabait naman kapag hindi nang aasar at hindi ako pinaiiyak. Ano kaya napasok sa utak ng mga tropa ni Christian at ginawa pa akong muse ng team nila sa basketball. Nahihiya tuloy ako sa kanila. Buntonghininga ni Caroline na naisip- isip niya. Tok tok tok! " Caroline na sa loob ka ba? " Mother niya " Opo Mama. Bakit po?" Binuksan ni Caroline ang pintuan ng solid niya. " May bisita ka sa baba. Bumaba ka na at kanina pa nag hihintay 'yun." Wika ng Mama niya. Nakatalikod na Ang Mama niya Ng maisipang tanungin. " Sino po?" Tanong Caroline. Hindi siya sinagot ng Mama niya. Bumalik siya sa loob ng silid at inayos ang Sarili kung lukot ba ang t shirt niya. Humarap sa salamin at nag pulbos ng baby powder at nag collonge . Bumaba na ito at hinarap ang bisita. " Ikaw pala Christian, maupo ka." Sabi ni Caroline. " Thank you Lyn." At na upo si Christian. May dala itong paper bag sa kanan ng kamay. " Para sayo nga pala. Kunin mo." Abot ni Christian sa dala - dala. " Ano naman ito? Hindi ko alam na ngayon ka ulit pupunta dito." Sabi ni Caroline kay Christian. " Iyan ang isusuot mo sa araw ng liga ng basketball." Wika ni Christian. Tinignan ni Caroline ang loob ng paper bag at nilabas ang laman neto. Nilad - lad niya ang Jersey top. Sleveless ito at silky white na may edging na black. May naka burdang basketball sa may dibdib. Ang isa naman ang tinignan ni Caroline, ang short. Tama lang ang haba, above the knee at silky white din at may edging na black sa tagiliran. " Ang ganda naman nito. Akin na ito? Libre ba ito?" Tanong ni Caroline kay Christian. "Oo sayo 'yan." Ngiting sagot nito kay Caroline. "Wow, Thanks." Masayang sabi naman ni Caroline. "Nood nga pala kayo ng liga ng Volleyball Team namin. Okay lang ba sayo?" Invite sa kanya ni Caroline. " Oo ba! Iba naman ang schedule ng Volleyball sa Basketball, dahil iisang court lang ang gagamitin natin dito sa lugar natin." Masayang sabi naman ni Christian. "Paano , uwi na ako. Hinatid ko lang 'yan." Tumayo sa pag kaka upo na sabi ni Christian. " Teka lang mag meryenda ka muna. Anong drinks ba gusto mo? Kape or Juice? " Tanong ni Caroline na napatayo na din. "Huwag na masyado nang gumagabi, mapupuyat ka pa. Balik na lang ako sa susunod. Puwede pa ba?" Ngiting tanong ni Christian. " Sure, anytime you can come here if you like." Masayang sabi naman ni Caroline. " Oh paano, uwi na ako. Sige tulog ka na, lumalalim na ang gabi." Tumalikod na si Christian at umalis. "Sige, ingat ka." Pahabol na sabi naman ni Caroline. Habang gumagabi iniisip ni Caroline ang anyo ni Christian. Guwapo pala ito pag tititigan mo ng matagalan. At desente ang suot nito na maong na Jag Jeans at polo shirt na white with edging ng navy blue ang colar. At Nike na rubber shoes na puti with puting medyas. Kung hindi lang siguro kami nag kagalit ni Christian, siguro naging kami. Mabait pala siya. Si Sean naman, friend na lang kami talaga nun. Nakatulugan na ni Caroline ang pag iisip kay Christian at Sean. Sa daanan, pauwi pa lang si Christian sa kanila ng makita niya na sa may kanto ng kalsada ang sports car ni Sean. Nakita niya na nakahinto ito at na sa loob si Sean. Nakita siya ni Sean na galing sa bahay nila Caroline. Hindi niya ito pinansin at tuloy tuloy lang ang paglalakad niya hanggang malagpasan niya ito at makauwi sa bahay niya. Pinaandar na ni Sean ang sports car niya at pinaharurot ito. Nag punta siya sa condominium ni Penelope. Nagulat man ay natuwa naman ang dalaga sa pagkakita kay Sean.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD