Chapter 4 - Alaala ng lumipas

1365 Words
Nag punta si Caroline at Endang sa kama kung saan nandun si Sean at Juvy. Tumalon talon  sila habang nag lalaro at nag tambling. Pero laking gulat ni Caroline ng ihagis ni Sean ang  kumot nang palapad at patalukbong sa kanila ni Juvy at Sean, bago ito bumaksak ay  kitang-kita ni Caroline na nag hahalikan si Sean at Juvy sa loob ng kumot na ikinalungkot  ni Caroline sa buong araw.Maggagabi na nang mag-desisyon si Caroline na umuwi. " Uuwi na ako. Gabi na, pagalitan ako sa amin." wika ni Caroline sa kanila. "Hatid na kita." Sabi  naman ni Sean. Akmang isusuot na ni Caroline Ang sapatos niya nang tinulungan siya na isuot ni Sean.  Habang sinusuot ni Sean ay unti until namang gumagapang paitaas sa binti niya ang mga  kamay nito. Padabog niya na sinabi na ang kamay mo alisin mo na. "Ay, sorry. Tara na baba na tayo." Sabi ni Sean. Pababa na sila at madilim sa hagdanan. " Natatakot ako." wika ni Caroline. " Hawak ka sa kamay ko. " Sabi naman ni Sean. Nang malapit na sila sa kanila Caroline, humingi Ng kiss si Sean na tinanggihan naman niya. Patakbo nang umuwi si Caroline at iniwan si Sean na nag kakamot sa ulo. Sa kaarawan naman ni Caroline.... neregaluhan siya ni Sean ng kawayan alkansiya upang mag-ipon ng pera. Masama pa rin ang loob ni Caroline dahil sa nakita niya sa kanila Juvy  and Sean. Lumipas ang mga araw at nabalitaan na lang niya na si Sean ay nag punta sa  America at doon nanirahan at nag aral ng Elementary. Naging bugnutin si Caroline mag  mula noon. At hindi na nakipag laro sa ibang bata. Naging loner siya pero napag sasabihan  naman ng mga magulang niya. " Anak, may itatanong ako sa inyo. May dating lupa si Papa  mo na pinatayuan namin ng bagong bahay. At doon tayo titira. Sana, okay sa inyo mga  anak." winika ng Ina ni Caroline. " Lilipat po tayo Ma?" malungkot na sabi niya. "Oo, anak  para makatipid na rin tayo."sabi ulit ng Ina niya. Tahimik na lang na sumang ayon si  Caroline, kahit na may munting labag sa kalooban niya ang lumisan sa lugar na  tinutuluyan nila. " Hindi na talaga sila mag kikita ni Sean." malungkot na sabi na lang sa  isip ni Caroline. Araw ng pag lipat nila sa bagong bahay nila, nag paalam ako sa mga  kaibigan kong mga bata. Sila Juvy, Endang at Emily mga kababata ko. Sabi ko sa kanila na  dalaw sila sa bahay namin at wag nilang kalilimutan 'yun. Umiiyak si Caroline na nag  papaalam sa kanila habang palayo na siyang nag lalakad at sumakay ng sasakyan. "Ms. Delos Santos, are you alright?" winika ng Librarian. " Mukhang may problem ka iha." "Huh!" nagulat na sabi ni Lyn. " Ma'am, sorry po nag babasa po ako kanina. At nakalimutan ko  po ang oras." sabi ni Lyn. " It's alright. Mag ta- time out pa lang naman ang mga student. Siya  nga pala may nag aabang sayo sa labas ng pinto." wika ng Librarian kay Lyn. "Okay, Ma'am  lalabas na po ako pag katapos ko pong asikasuhin ang mga student na mag time-out po ng mga  books." nag kukumahog na saad ni Lyn. Tapos na siya sa pag time-out ng books ng last student  at kinakabahan siya. Natanong niya sa sarili kung sino kaya 'yung nag hihintay sa labas.  Alangan naman si Riz mamaya pa kami mag kikita 'nun. Palabas na siya ng Library nang makita  niya si Sean. " Hey Caroline I'm here! It's me Sean." sabi ni Sean na naka sandig ang isang shoes  sa pintuan at nakasandal ito doon. "Oh it's you? Sorry, pinaghintay kita. What can I do for you?"   Lyn ask. "I was suppost to invite you for a dinner, but it still early. Sa coffee shop na lang tayo if  you don't mind?" sabi naman ni Sean. " Ah.... Okay, sure. Let's go." on the go naman na sabi ni  Lyn kahit kinakabahan.  Na sa looban na sila ng coffee shop at nakapag order na ng mag- umpisa silang mag-usap. "  Parang hindi ka masaya na nakita mo ako." malungkot ang mga matang sabi ni Sean pero  nakangiti naman. "Hindi naman sa ganun. Kailan ka pa dumating? I mean kailan ka pa nag-aaral  dito?" naitanong naman ni Lyn na iniba ang topic ng pag-uusap nila. "Dito ako nag first year  collage. " nakangiting sabi naman ni Sean. "Ah.... Pasensiya ka na ha. Kasi ka eenroll ko pa lang  this enrollies para mag first year collage." wika naman ni Lyn. "Kamusta na nga pala sila Juvy,  Emily, at Endang?" tanong ni Lyn kay Sean. " Ano ka ba?! 'Di ba naka alis na kami para pumunta  sa America para manirahan doon noong elementary pa lang tayo. Wala na akong balita sa  kanila." sabi ni Sean. Kinagat ni Lyn ang ibabang labi sa dahilan namali siya ng mag open topic. "Oh sorry akala ko may balita ka pa sa kanila. Ako rin wala na akong balita tungkol sa kanila.  Hindi na sila nag pupunta sa amin." sabi naman ni Lyn. " Teka b't ba sila ang pag-uusapan  natin? Pag-usapan natin yung ikaw at ako." sabi ni Sean. "Saan ka ba nag punta, b't hindi ka nag  rereply sa mga sulat ko?"dagdag pa ni Sean na sabi kay Lyn. " A-ah kasi hindi ko ata natanggap  yung sulat mo. Dahil wala na kami sa dati naming bahay." wika naman ni Lyn. " Sean, I need to  go now. Thanks for the coffee and egg pie. May importante pa kasi akong pupuntahan." nag  mamadaling sabi naman ni Lyn. "Okay, puwede ko bang makuha ang mobile number mo?" sabi  naman ni Sean. No choice naman si Lyn kundi ibigay ang mobile number niya. At nakangiting  kumaway si Sean kay Lyn nung mag-hiwalay sila ng pupuntahan. Uwian na..... Nakipag-kita siya kay Riz at sabay na silang sumakay ng sasakyan para makauwi na sa kanilang  lugar at kaniya-kaniyang tahanan. First day nila sa lugar na nilipatan nila. Ang pakiramdam niya ay sobrang tahimik at  nakakabingi ang katahimikan nito. Pero masarap ang sariwang hangin na nalalanghap  niya sa mga halamat puno na nakatanim sa paligid ng bahay sa lugar nila. Kinahiligan ni  Caroline ang mag tanim ng mga halaman lalo na ang mga namumunga at namumulaklak.  Nang dumating sa lugar nila si Christian na ang batang gusgusin. " Bata, bata, anong  pangalan mo? Laro tayo." nakangiting wika ni Christian habang pinapahid ng likod ng  kamay ang sipon na tumutulo. Inirapan naman ni Caroline si Christian at winikang sinabi  ang kanyang pangalan."Caroline." maikling sabi nya. Nag tatanim siya ng halamang may  bulaklak sa harapan ng bahay nila, malapit sa gate at sa puno ng aratilis. (Aratilis ay isang  puno na may maliit na bunga na bilog at pula na matamis pag ito'y kinain. Usually  kinakain din ito ng mga ibon.) "Huwag kang mag oover the bakod, dahil marami kaming  aso na alaga dito." masungit na sinabi ni Caroline. "Ang sungit mo naman. Nakikipag  kaibigan lang naman ako sayo, inaaway mo na ako." nawala ang ngiti sa mga labi ni  Christian at napalitan ng lungkot ito habang tuloy pa rin ang pahid niya sa sipon niya at  paminsan-minsan dinilaan pa ang mga labi na may sipon na kinadiri ni Caroline.  "Eww....hahahaha." sabi ni Caroline na natatawa. " Ang arte mo naman. Ikaw nga eh, lupa  ang hinahawakan mo at hinuhukay mo diyan." natatawang sabi ni Christian. "Teka ano rin  ba ang name mo?" tanong ni Caroline dito na pareho nang nangangamoy araw sa  kabibilad. "Ako nga pala si Christian, magandang binibini. Ikinagagalak kitang makilala." sabay lahad ng kamay na may sipon. Alanganin naman na inabot ni Caroline ang kamay ni  Christian. Nag shake hand sila na parang business partner as in monkey business. Mag  mula noon naging malapit silang mag kaibigan. Pinahid na lang ni Caroline sa damit niya  ang malagkit na sipon at ngumiti na lang ito dito. "Bili ka nga pala mamaya ng Krispop.  Masarap 'yun. Isang bote lang ang ipalit mo para sa isang cup noon." wika ni Christian.  "Wow, sige ba mag iipon ako ng bote ng toyo at suka para may pambili ako.  Hahahahhahhaha." masayang sabi ni Caroline dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD