" Mukang hindi pàpasok Prof. natin ngayon. Ilang
minutes na lang Break time na." Sabi ni Riz.
Bumuntong hininga si Lyn. " Vacant time mo ba
pag katapos netong subject?" tanong ni Riz.
" Oo vacant time ko. Tapos after ng vacant time ko
punta ako ng Library." Sabi ni Lyn.
" Sa canteen na lang muna tayo. Tapos, Library
sunod. Total break time Naman Ang kasunod ng
vacant time mo."Sabi ni Riz. " Sige. Tara na!" Sabi
naman agad ni Lyn.
Sa Canteen.....
" Anong ulam na orderin mo?" tanong ni Riz.
"Lechon kawali at lechon packsiw with fried rice. Hmmmm..... Yummy! Wala pa kasi akong
tanghalian kaya ginutom ako sa quizzes and kahihintay sa Prof. natin." Si Lyn na nag babayad sa
counter " Wow, sige ganyan na rin ang sa akin. Oo nga nakakagutom nga. Ginutom din ako
kanina kasi nag Recitation kami kanina." wika naman ni Riz habang nag hahanap ng mauupuan.
Nakahanap na sila ng mauupuan dahil kokonti lang naman ang tao sa canteen. Nang mag
uumpisa na silang kumain ng pananghalian nila, may biglang napansin si Lyn na groupo na
studyante pumasok sa canteen. Magaganda, sexy at guwapo. Mukhang mga nasa sports at
cheerleader pa ang isa sa kanila. Biglang natahimik ang mga tao sa canteen. Sabagay konti lang
naman ang tao sa looban ng kainan. " Riz, sino ang mga yun? Kilala mo? Grabe ang gaganda at
ang gwagwapo nila." ani ni Lyn na naka tunganga habang sumusubo ng pag kain. " Hindi mo
kilala? President ng Student council natin yan natin sila at official member ang iba sa kanila."
sabi ni Riz. Parang familiar kay Lyn ang isa sa nag lalakad na kasabay nila. Hindi na lang niya
pinansin ang nasa isipan. Nag concentrate na lang siya sa pag-kain niya at ganun din si Riz.
" Sasama ka pa ba sa akin sa Library? " tanong ni Lyn kay Riz. "Hindi na. May subject ako sa
susunod na time period. Mag kita na lang tayo pag-uwian na sa Library." sabi ni Riz nang
patapos na sa kina-kain. " Tapos ka na? Tapos na rin akong kumain. Let's go." winika ni Lyn.
Nasa feild na sila nang mag hiwalay nang pupuntahan. Si Riz ay sa Biology Department para sa
sa subject nyang Biology. At si Lyn naman ay nag punta sa National Library Department para sa
part-time niya as Librarian Student Assistant habang tahimik na nag aaral at nag reresearching
na rin doon. Nasa hallway siya ng may makabunggo siyang tao. " Ouch! Watch out your way!"
asik ni Lyn. "Hey, I'm so sorry.... hindi ko sinasadya." pinulot nito ang dalang bag at books ni Lyn.
" Naku! Sana hindi nasira ang laptop notebook computer ko." pag-aalalang sabi naman ni Lyn.
Inabot naman ng nakabangga sa kanya ang bag at books niya. Napatingin si Lyn sa tao habang
tinatanggap ang inabot na mga gamit niya. Nanlaki ang mga mata niya na dating almond eyes
ito. " Sean is that you? " tanong ni Lyn. " Wow! Caroline ikaw ba yan? Sexy mo ha...." nakangiting
sabi ni Sean. " Wow ganun?! Hahahahahaha.....dito ka rin pala nag-aaral. I'm glad to know."
nakangiti na ring sabi ni Lyn. " Long time no see and heard from you. Hahahahaha..... What
happend?" may hinanakit sa matang mababasa na sinabi ni Lyn. " It's a long story. By the way,
need to go now. Can you promise me na mag kikita pa rin tayo dito sa Library? Kasi needed
tawag na ako sa Council Office. Okay?" hindi na hinintay ni Sean ang sagot ni Lyn. At nag
mamadaling umalis na ito." He still the same. Same Sean na nakilala ko noong mga bata pa
kami. " Napayukong sabay ng pag alis ni Sean at hindi na nakita neto ang pag-tulo ng luha ni
Lyn. Pinahid ni Lyn ang mga luha niya at pumasok na sa looban ng Library at nag report na sa
Head Librarian sa Office sa looban mismo ng Library.
Umupo siya sa Desk habang nag-aabang ng student na mag-baborrow ng books.
Nag pahinga siya at dahan-dahang dumaloy ang mga alaala ng mga nakalipas noong mga bata
pa sila.
Magkababata sila Caroline at Sean. Sabay din nangarap sa munti nilang tree house at gulong na duyan,
sa ibaba ng tree house nila sila nag lalagi. " Sean, anong pangarap mo sa pag laki mo?"
nakangiting sabi ni Caroline habang dinuduyan ito ni Sean sa gulong." Ako Gusto ko
maging Capitan ng Eroplano!" nakatawang sabi nito at sabay ugoy ng malakas sa duyan na
ikinabigla ni Caroline. "Ikaw anong gusto mo maging?" tanong ni Sean habang nakangiti.
" Ang gusto ko ay maging Business Woman. 'Yung nasa Office ako at may sariling Desk at
Computer." masayang sabi ni Caroline. Humahangos na dumating naman ang kapatid ni
Caroline at sinabi na umuwi na daw sila dahil papagabi na. Kaya nag paalam na siya kay
Sean. " Uuwi na ako bukas naman." sabi nito." Sige, basta bukas sa rooftop naman tayo
mag-laro. Mag-luto-lutuan tayo isama natin sila Endang at Juvy. " Sinabi ni Sean. " Sige
na. Bahala na pag pinayagan ako. Buh-bye! Good night!" kaway pa ni Caroline.
Kinabukasan..... "Asaan na sila. " hanap ni Sean sa mga kalaro pa namin na kaibigan.
" Susunod na daw sila. Kinukumpleto pa nila ang mga recado para sa lulutuin nating pag-
kain. Excited na ako sa picnic natin. Dapat masarap 'yan." tuwang-tuwang sabi ni Caroline.
"Ayan na sila. Papasukin mo na sila. Tamang- tama wala ang mga magulang ko dito, si
Manong lang nandito at si Yaya Ising." wika ni Sean. Pinapasok ni Sean sila Juvy , Endang at
Emily. "Hello Sean. Tagal na nating hindi nakapag laro. Buti may time ka na ngayon."sabi
nila. "Oo nga eh. Tara punta tayo sa kusina para mahanda na natin ang lulutuin natin para
sa tanghalian natin at picnic ng bahay bahayan natin." masayang sinabi ni Sean.
Nag luto kami ng mungo na may kamatis at ginisa sa isdang galunggong. At adobong
baboy. Pagkasaing namin ng kanin ay kumain na kami at masayang nag laro ng bahay
bahayan at tatay tatayan at nanay nanayan at kami ang mga anak. Si Emily ang lola,
si Sean at Juvy ang mag asawa at kami ang kanilang mga anak. Na hindi ko inaasahan na
magiging ganun ang laro namin. Inignore na lang ang nararamdaman sakit ni Caroline at
nag patuloy sa pag lalaro. Nakita niya ang piano at binuksan niya ito at nag play ng piano.
Pinuntahan si Caroline ni Sean at tinabihan siya sa upuan at nag play sila ng piano.
Tinuruan si Caroline ng piano ni Sean. Nang matapos nag usap sila." Ang galing mo palang
mag piano." wika ni Caroline. "Natuto lang ako sa school. Enenroll ako sa music school."
naka ngiting sabi ni Sean. " Ah ganun ba. Gusto ko pumunta doon sa terrace niyo na kita
ang ibaba ng bahay ninyo."nakangiting sabi naman ni Caroline. " Okay, tara punta tayo.
Upo ka na." aya ni Sean. Naupo naman si Caroline at nakatingin sa langit habang ang mga
paa naman ay nakalawit sa grill ng terrace nila Sean. "Wala ka bang napapansin sa iyong
kapaligiran?" tanong ni Caroline. "Madumi na ang hangin, wala nang mga ibong nag
liliparan at mga punong aakyatin." kanta naman ni Sean na natatawa naman. " Ikaw ha!
Seryoso ako sa tanong ko sayo kasi naman naawa ako sa mga alaga kong hayop
namamatay na lang bigla." malungkot na sabi ni Caroline na napahampas sa braso ni Sean.
" Hahahahahahhaha Ikaw naman kasi. Kami nga nag huhunting pa ng makakain sa gubat."
masayang sabi pa ni Sean. " Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Caroline. " Hunter kami
or nangangaso or namamaril ng mga ibon." sabi ni Sean. " Ay ganun?!" namimilog ang
mga matang sabi ni Caroline. " Teka may kukunin ako na niluto namin ni Manong at Yaya
Ising. Sabi ko sa kanila na ipatitikim ko sayo dahil hinuli ko yun para sayo." wika ni Sean
habang tumayo at pinuntahan na ang kinaroroonan ni Manong at Yaya Ising. Pag balik ay
may dala na itong mangkok na may lamang pritong sisiw na orange ang kulay. " Ano
'yan?" kinakabahang sabi ni Caroline. "Tikman mo muna. Masarap 'yan." alok ni Sean.
Kumuha si Sean ng isa at inabot kay Caroline. Nanginginig na inabot naman ni Caroline
ang sisiw upang busisihin muna bago kainin. Tinikman nya ito at nilasahan. " Masarap
naman. Lasang Chicken. Thank you ha." ngumunguyang sabi ni Caroline. Ngiti lang ang
ginanting sagot ni Sean. " Tara na balik na tayo sa kanila." aya ni Caroline na sinang
ayunan naman ni Sean. "Oh saan naman kayo galing na dalawa?" tanong ni Emily.
" Doon lang po lola Emily." wika ni Caroline. " Tara na doon na tayo sa bahay natin." aya
naman ni Emily sa kanila. Pumunta na kami para kumain na ng tanghalian. Nang matapos
nag hugas ng plato si Emily, habang sila Sean at Juvy nag uusap naman. Naisip ko na baka
tinanong si Sean kung saan si Sean galing.