CHAPTER FOUR

1656 Words
“Matagal ka na dito?” umiling siya at iniinom ang baso ng juice na binili nito para sa kanya.   “Isang taon pa lang.” He nodded and put down his drink on the center table.   “May iba ka pang trabaho, bukod dito? Estudyante ka pa ba?”   “Meron, uhhh, sa convenient store na malapit dito.  Huminto ako, maagang nagtrabaho.”   Sa ilang minutong paguusap nila ay nalaman niyang marunong itong magtagalog dahil Pilipina ang nanay nito at dito siya lumaki.   Wala naman silang ginawa kung hindi ang magkwentuhan patungkol sakanya.   “Financial problem?” tumango siya.   “Sa probinsya ako lumaki, pumunta lang ako dito sa Maynila para makahanap ng maayos na trabaho.”   “Pag nakapagipon ka na, balak mo ba ulit mag-aral?” ngumuya ito ng nachos bago siya hinarap.   “Oo,”   “Mas maganda pa din ang may pinagaralan.” Dagdag niya   “Anong taon ka nung huminto?” tumingin siya dito at pinagmasdan ang maloko nitong mukha. Pansin niya na madami itong tanong mula pa kanina.   “May pagkachismoso ang isang ito.”   Tinagilid niya ang kanyang ulo habang nakatingin pa din dito.   “Ikaw, huminto ka ba sa pag-aaral?” balik tanong niya kahit alam niya na ang sagot doon. Kung pera ang paguusapan malamang hindi—   “Huminto ako.”   Bahagya siyang nagulat sa sinabi nito. Bigla itong nagseryoso na ikinabahala niya.   “Personal reason?”   “Yeah.” Sabi nito bago muling naglagay ng diva vodka sa baso at ininom ‘yun ng buo.   Pinagmasdan niya ang biglang pananahimik nito.   “If you don’t want to say it, okay lang.” Nginitian niya ito. Sumulyap ito sa kanya bago muling nagsalin ng vodka at hindi na nagsalita.   Tinignan n’ya ang bote ng diva vodka na nilabas ng kanyang Auntie Bethel para sa araw na ‘yun na galing pang England.   Binigay lang ito sa kanya nang isang negosyante from England dahil natuwa sa unang beses na pagtapak nito sa bar.   Napalunok na lamang s’ya ng laway nu’ng nalaman kung gaano ito kamahal.   Ibinaksak n’ya ang tingin sa juice na hawak. Inikot ikot ang straw habang malalim ang iniisip.   “2nd year college.”   Naramdaman n’ya ang tingin nito sa kanya na hindi n’ya pinansin.   “Namatay ang nanay namin kaya tumigil ako. Para na rin hindi kami mabaon sa utang dahil sa pagasikaso nang libing. Mas magandang ako na ang magsakripisyo kesa ang kapatid ko.”   Humarap siya kay Adam na may malungkot na ngiti. Tahimik lang siya nitong pinagmamasdan.   “Nakakainis lang na, namatay s’ya ng walang laban. Hit and run, nasagasaan.” umiwas siya nang tingin at napabuntong hininga. Pinipigilang mapaluha sa harapan nito.   “Nakilala ba kung sino?”   “Nakilala kung sino pero wala kaming laban kaya hindi namin napakulong.”   “I’ll help. Just contact me the name and address. Ako nang bahala sa lahat.”   Biglang gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ‘yun. Kahit kakakilala pa lang niya kay Adam ay nagalok na kaagad ito nang tulong sakanya.   “Thank you.”   Halos maluha luha niyang sabi. Nginitian lang siya nito at nagalok sakanyan’ kumain pa.   She gladly accept his offer and start eating, still having a conversation with him.   “Saang branch ka?”   “Makati area pero minsan dito sa Maynila.”   “Owner?”   “Not really.”   “Still humble, huh?” ngumisi ito sakanya.   “Just enough to make a woman fall for me.”   “Meron na ba?”   “Madami na. But they are not my type, so...”   “Playboy.”   “No. Sadyang nahulog sila. Not my fault. Hindi ko naman sila inaakit.”   “If you say so.”   “You don’t believe me?”   Tumagilid siya ng umupo at pinagmasdan ang mukha nito. Nagpagwapo naman ito agad ng makitang nakatitig siya.   “From your attractive eyelashes and blue eyes, pointed nose and red lips. Flowery words and silly acts that can make a girl or woman laugh—”   “Thank you—”   “Yes, you are a official playboy. Itsura at galawang playboy.”   “Judger.” Sabi nito na nginitian niya lang.   “By the way” – kagat niya muna sa nachos – “may lahi ka ba?”   “Yes. Half Russian.”   “Nakapunta ka na nang Russia?”   “Yes. Bakit? Sama ka?” nagtaas baba ang kilay nito, nangaasar. Napangiwi siya sa itsura nito’t natatawa.   “Pero why not? Libre ba ‘yan?” sakay niya dito.   “Of course, not.”   “Kuripot.”   “May pinagiipunan lang.” Sabi nito na ikinangiti niya. Naka-relate dahil maski siya ay kuripot paminsan minsan.   “Ikaw ba?”   “Pure Filipino.”   “Gusto mo lahian kita?” biglang may narinig silang nabasag malapit sa kanila. Napahinto ang DJ sa pagtugtog at napatingin halos lahat ng tao kung saan ‘yun narinig.   Nakita niya ang papalayong likod ‘nito’ mula sa basag na baso sa sahig. Agad naman itong nilapitan ng janitor at nagpatawad sa nangyari. Bumalik na sa kanyang kanya gawain ang mga tao na parang walang nangyari.   Napabuntong hininga siya bago tinignan ang katabi. Napataas siya nang kilay nu’ng makitang tumatawa ito.   “Bakit?”   “Wala.” Iling nito habang natatawa pa din.   Inismiran niya ito.   After a minute on just watching the performer, napagdesisyunan n’ya na pumunta muna ng banyo.   Pumasok s’ya sa walang katao taong banyo. Walang bisitang babae na kasama ng mga business man kaya gan’un.   Binuksan niya ang isang cubicle at doon pumasok. Sakto naman na biglang nag-vibrate ang phone niya. Kinuha niya ito mula sa suot na bra at tinignan kung sino ang nagpadala nang mensahe sa kanya.   From: Papa   Eliz, ingat diyan. Sabihin mo sa akin kung nakauwi ka na. Miss ka na ng kapatid mo. Kelan ka ba uuwi?   To: Papa   Ingat din po kayo diyan. Hindi pa ako makakauwi. Sayang kasi kung magl-leave ako, ‘pa. Pangdagdag din sa gastos natin ‘yun.   Lumabas siya ng cubicle at humarap sa salamin para ayusin ang sarili habang hinihintay ang sagot nito.   From: Papa   Masyado mong pinapagod sarili mo. Umuwi ka nalang anak. Maayos naman tayo kahit hindi ka na magtrabaho diyan. Mag-aral ka ulit. Magtatapos na ng elementarya ‘yung kapatid mo.   To: Papa   Sa susunod ‘pa, uuwi na talaga ako. Hindi lang po ngayon, sorry.   Ibinaba niya ang phone na hawak pagkatapos itipa ‘yun. Tumingin siya sa salamin at tinignan ang sarili.   Hindi alam ng tatay niya ang naging trabaho niya dito. Hindi niya masabi dahil magagalit ito sa kanya.   Ibinalik na ang hawak na phone sa suot na bra. Alam niyang hindi na ito sasagot.   Ilang beses na siyang kinukulit na umuwi pero tinatanggihan n’ya.   Napahinto s’ya nang makita kung sino ang na sa harapan ng pinto.   Seryoso itong nakatingin sa kanya, lining against the wall habang nakakross ang mga braso.   “Yes, uhh, mister?”   “Xander.” Mariin nitong sabi bago umayos ng tayo.   Pumalakpak bigla ang kanyang tenga ng marinig ang sinabi nito. She taught that he will not dare to know his name.   “Need anything, Mr. Xander?” malambing niyang sabi dito. Being friendly in instance that make his eyes widened.   Ayaw niya nang magtaray. Wala siyang karapatan na tarayan ito dahil wala naman itong ginawang masama sa kanya, in the first place, hindi siya nanlaban at ginusto niya. She needs to open her mind with that thought. Sumasakit na din ang ulo niya, She’s just stressing herself.   He let out a small groaned which makes her body hair tingled.   “Xander, Elizabeth.” He said with a hint of irritation.   “Bakit?” kaswal niyang sabi.   Tumabi siya sa daanan ng may dumaan sa harapan nila. Tinabihan niya ito bago muling nilingon. His eyes remain glue in her.   “Did something happened?” she asked again.   Umiwas ito nang tingin sa kanya. Inangat ang hawak na vape na ngayon niya lang napansin at humithit doon.   Her crooked nose moves as the sweet scent of the juice spread on the hallway. Bahagya siyang napalayo dahil sa usok na ibinuga nito. Napatingin ito dito pero agad ding binawi.   “That’s bad for you.” Sabi niya.   “Now you’re concern. Kanina lang ay halos hindi mo na ako pansinin.” Natawa siya sa boses nitong parang nagtatampo.   “Hmm” –she hummed— “I just don’t want to make it a big deal anymore.” Because in the first place, ginusto ko din naman.   Muli itong nagbuga nang usok bago tinapon sa basura ang bawak nitong vape na ikinagulat n’ya. With just one big step, nakapalit na ito agad sa kanya, nakayuko at nakapwesto ang bibig sa kanyang tenga. Bahagya siyang napatalon sa gulat ng hinatak nito ang laylayan ng dress n’ya na parang may ihahaba pa ito.   “One wrong move, your butt will show, honey.”   She flinched as his hot breath touches her ear. Bahagya siyang napaiwas dahil doon.   Napasunod siya sa kilos ng kamay nito sakanyang bewang, paikot para madiin ang katawan niya sa dingding. Ang isang kamay ay nanatili sa laylayan ng kanyang damit.   Her head slanted a bit ng pilit isiniksik ni Xander ang mukha sa leeg nito. She rest her head on his cheek.   Ramdam niya ang galaw ng ilong nito na inaamoy amoy ang balat niya.   “Xander...”   Tinitignan na sila nang mga dumadaan sa harapan nila. Ang iba ay nahihirapan pangdumaan dahil sa laki ni Xander.   “Xander, nakaharang tayo.”   Kumapit na pareho ang dalawang kamay nito sa kanyang bewang bago umayos ng tayo.   “Sorry...let’s go.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD