CHAPTER THREE

1970 Words
  Halos wala siya sa sarili buong hapon kakaisip kung paano siya iiwas mamayang gabi—o makakaiwas nga ba s’ya.    May nakaaway pa siyang isang customer dahil napagkamalan niyang ‘siya’ ito. Mukha pa ngang gusto siyang kasuhan sa ginawa niyang pagsigaw lang dito. Buti nalang ay nakalusot siya at medyo mabait ang taong iyon.   “I don’t even know his name.” Isip-isip niya habang masama ang tingin sa monitor. ‘Ni wala siyang laban pag may ginawa itong masama sa gabing iyon kung sakali dahil maski pangalan ay hindi niya alam—at may pera ito.    Naalala pa din niya ang pagngisi nito sakanya na gusto niyan’ duruguin kaso naawa siya dahil sayang naman ang mukha.    Napabalik nalang siya sa sarili ng may kumalabit sakanya.   “Huy! Magbihis ka na. Hinihintay ka na ng mga kaibigan mo sa labas.” Sabi ng boss niya na nakabalik na pala. Napatingin siya sa labas at nakita ang van nila, kinakawayan pa siya nung isa niyang kasama at yinayaya na siyang umalis.   Napabuntong hininga nalang siya at pumunta na sa kanyang locker para makapagpalit ng suot niya kanina pamunta sa store at iniwan ang iba niyang gamit doon.   “Matamlay ka yata?”   Tinignan niya ang gwapo pero mataray na mukha ng boss niya. Minsan naisip niya na, sayang ang gwapo nito dahil may itsura ang boss niya. Imbis na dadami ang gwapo, mukhang mangaagawan pa ang mga babae dahil bilang nalang ang may matitinong itsura.   “Pagod lang po...Mauuna na po ako, Sir.”   “Sige, ingat ka.” Sabi nalang nito, pinagmamasdan ang bawat kilos niya hanggang sa maakalis na siya.   “Complete na kayo girls?” tanong ng Manager pagkatapos niyang makasakay.   “Yes, Auntie Bethel.” Sabi ng iba niyang kasamahan habang may kinakalikot sa sarili nilang gamit. Siya ay tahimik lang sa gilid at nakatanaw sa labas.   “You need to be extra pretty today girls. Pupunta ang mga bigating customers natin ay pag maganda ang performance—”   “Maganda ang kita!” sabay-sabay na sabi ng mga ito at nagtawanan.   “Good good. I like the spirit. Mga blooming kayo ngayon, very good ‘yan.” Sabi nito na, napapapalakpak pa sa tuwa. Haharap na dapat ito sa unahan ng masagi ang tingin nito sakanya.   “Beth! Okay ka lang?” tanong nito. Nagtataka siguro na tahimik siya at hindi nakikisabay sakanila.   She nodded and smile, “opo.”   “Sure ka? May problema ba? Kaya mo magtrabaho mamaya?”   Kahit puro mga hostess sila, hindi sila tinatapakan ng Manager nila—maalalaga ito at mabait na ikinapasalamat niya, dahil sa ibang bar, ang mga manager dun ay strikto at hindi mo makakasundo.   “Kaya po. Medyo napagod lang kanina—”   “Oh baka naman kagabi ka napagod.” Sabi ni Ally at nagsipagbungisngis naman ang mga kasamahan siya at ang iba ay tinanong siya sa nangyari—hindi agad siya nakaimik.   “Bigla ka nalang nawala kagabi.”   “Oo nga, anong nangyari? Hindi na kita napansin nun.”   “Nagulat nalang ako nung dumating si Eve dahil sabi wala ka na.”   Pinamulahan siya ng mukha at hindi makatingin ng maayos sa mga kasama niya. Buti nalang at madilim na, hindi gaanong pansin ang pamumula ng mukha niya.   “Uhmm, may nangyari lang—”   “Let her be girls. Sasabihin niya ‘yan sainyo pagcomportable na siya.” Salo sakanya ng Manger niya. Nginitian siya nito na sinuklian niya agad at nagpasalamat.   Tumahimik nalang ang mga kasama niya at nagkwentuhan sa ibang bagay.   Hindi na s’ya nagsalita buong biyahe hanggang sa makarating sila sa bar.   May parking lot ang bar na pinapasukan nila at high class bar ito.   Tumulong sakanya Ally sa pagpasok dahil matagal na itong nagt-trabaho doon. Tatlong taon na itong nagt-trabaho sa bar na pinapasukan nila.   Kailangan niyang makapagipon ng malaki kaya dalawa ang trabaho niya dahil may ginagastusan siyang pamilya sa probinsya. Ang tatay at kapatid niyang babae.   Ito nalang ang inaasahan ng dalawa dahil tumatanda na din ang tatay niya at hindi na kayang magtrabaho. Nag-aaral  ang kapatid niya at ayaw niya itong patigil sa pag-aaral kaya naman kahit labag sa kalooban ang trabaho niya, malaking tulong naman ito sa pamilya niya.   “Still have 30 minutes to prepare before the final call. Do the best make up and wear the best outfit na meron tayo para sa araw na ito. Pag successful tayo dito mga bakla ay dagdag sweldo kaya igiling nang igiling ang bewang at pasayahin sila. Ingatan ang kilos dahil isang mali lang ay wala na lahat ng pinaghirapan natin.”   Halos lahat ng best dancers and waitress ay nandun sa araw na iyon.   There manager consider her as the best waitress because she has the looks and approachable—aforesaid.   “Do your best girls. Babalik ko kayo mamaya pagdumating na sila.” Huling sinabi nito bago umalis sa wardrobe nila. Nagkanya kanyang kilos na sila para magayos.   Inayos niya muna ang kanyang susuotin bago nag make up ng sarili. May make up artist silang kasama pero masyado silang madami kaya naman sariling make up sila at ang buhok nalang aayusin nung ibang aritist para mabilis ang trabaho.   Makapal na eyeshadow and dark red lipstick ang ginamit niya na bagay sa red backless dress na susuotin niya mamadred   Sinuot niya naman ang malaking errings niya na binigay sakanya ni Ally nuong unang pasok niya dito. Madalang niya lang itong suotin para sa genetong okasyon ay may masuot siya.   “Beth, use this!” may inabot na white heels sakanya si Monica at tinanggap niya naman agad ito.   Pagkatapos niyang magbihis ay siya naman ang inayusin ng artist. Inangat nito ang kanyang buhok at kinulot ito. Inayos lang ng kaunti ang make up niya at tapos na siya. Just right in time when their manager entered the room.   “The guest is here. Kakarating lang at in-entertain na namin ng kaunti para hindi mabagot. Pinakilala ko naman na sila sainyo nung isang araw so please be responsible on the man that have assign in each of you—and oh, beth?”   “Auntie?” pagpakita niya mula likod dahil natatakpan s’ya ng mga kasama niya.   “May pumili sayo sa isa sa guest. Hinahanap ka at kilala mo na daw siya, so, I’ll give you to him. Be nice, Elizabeth.” Kahit napapaisip kung sino iyon ay tumango nalang siya at hindi na kumontra.   May ilan’ binilin pa at paalala pa ito sakanila bago ito tuluyang umalis.   Nagsipagtinginan ang mga kasamahan niya sakanya na nakakalokong tingin pero tahimik lang ang mga ito at wala ng sinabi. Napairap nalang siya at napatingin sa salamin’ harapan niya.   She fix her hair in place and stretched her dress para umunat ito. Inayos niya ang kanyang tindig at nagpahid ng tissue sa mukha sa kaunting pawis n’ya.   Unang beses n’ya itong gagawin sa taong nagtra-trabaho siya dito. Hindi maiwasang mapakali at kabahan pero kakayanin n’ya. Ang kailangan lang gawin ay hindi ito mabaagot at mapabalik sa bar.   How hard it can be?   Makalipas ng ilang minutong paghihintay ay tinawag na sila. Nagkanya kanyang labas na sila sa dressing room at pinuntahan ang mga business man sa labas na nagaantay. S’ya naman ay kumuha ng drinks, kasama ang ibang waitress bago lumapit sa lamesa.   “—budget for the forthcoming event.”   “Me and Mr. Marquez will donate.”   Halos malagutan s’ya ng hininga ng marinig ang boses na iyon, pero hindi niya masyadong pinahalata at deretsyo pa din ang tingin sa dinadaanan kahit alam niyang may nakatingin na sakanya.   “Thank you.” The man politely said to them before looking back to the man beside him.   Bahagya siyang napangiti at medyo lumayo sa lamesa para hanapin ang guest na pumili sakanya. Sa hindi namaamalayan ay dumako ang tingin niya sa bandang kanan kung na saan ‘siya’.   His dark pair of eyes is glaring at the left side, near to him while his jaw is stiffening. Not minding a man who's talking beside him who doesn't seem to notice it because he continues to blabber his mouth.   His mood seems to change. Nagtaka siya kung bakit pero hindi niya nalang inintindi at patuloy na hanapin ang customer niya nang pumunta na ang manager sa tabi niya at muling bumati. Napatingin ang mga kalalakihan sa katabi niya, ang iba ay hindi na inalis ang tingin sa kanya kaya medyo nailang siya at hindi mapakali sa kinatatayuan.   Napatingin siya kay ‘guy’ nung bigla itong tumayo at medyo lumapit sa banda namin.   She stay her posture and didn’t mind his hawk eye glaring at her.   “Thank you for choosing this club gentlemen. Are you comfortable here or you want to change to VVIP room?”   The man on the middle ages shook his head and smile politely.   “No nocesito mi amigo (No need my friend). Your staff is very friendly and your bar have the best plato (dish) that I tasted. Estoy bastante impresionado (I’m quite impressed). Good furniture, chandeliers, music and hermosas damas (beautiful ladies)  Bueno, muy bueno (good, very good).”   Nakita niya ang kagalakan sa mata nang manager nila nang marinig ang sinabi nito. Nangingiti naman silang mga trabahenteng nakarinig.   “Es un honor Señor Trujillo (it is my honor mr trujillo), that a famous business man and chef like you like our food...”   Marunong mag-nihongo ang Auntie Bethel nila dahil may lahing espanyol ang great grandfather nito. Kwinento ito noon sakanila. Hanggang ngayon ay gumagamit pa din ang pamilya nila ng espanyol sa pakikipagusap.   “Yes yes, good good.”   “I’m glad that you like the plato that the chief made for you Señor. Our cocinero (chef) is the best in town, here in the Philippines. He even get a title in other countries. He is one of the reason why costumers come to us again.”   Pasimple ang kanyang paglayo sa dalawa para makapagusap ito nang maayos. Tumabi lang s’ya sa gilid habang nakikinig pa din sa paguusap ng dalawa.   Naramdaman n’ya ang pagtabi nang kung sino sa kanya. Paglingon niya ay si...   “Ano ba kasi pangalan nito?”   Hindi ito nakatingin sakanya. Sumisimsim lang ito ng, uhmm, kape?   Pagangat niya ng tingin sa mukha nito ay nakataas na ang kilay nito sakanya. Hindi niya inalis ang tingin dito at balik-balik na tinitignan ang iniinum nitong kape.   “Where did you get the coffee? We don’t offer coffee here, and why coffee?”   Patuloy ang paginom nito sa kape, ilang segundo ang nakalipas bago ito sumagot.   “Convenient store. I’m quite...stress today.”   “A-huh? So you drink coffee when you are stress?” sumimsim nanaman ito ng kape bago siya sinagot.   “Yeah.” Simpleng sabi nito bago biglang tinungga ang kape na iniinom. Tinitignan n’ya lang ito sa ginagawa bago niya narinig ang boses ng Auntie Bethel nila.   “Elizabeth! Excuse me, Sir.” Sabi nito sa katabi niya bago siya bahaagyang nilayo doo.   “Mr. Adam Morgan is waiting for you! He is the one on the middle right side, yung nakatingin sayo ngayon.”   Isang lalaki na mukhang kaedad niya lang ang nakatingin ngayon sakanya, nakangiti at kinawayan pa siya.   “Mabait ‘yan at ilang taon lang ang tanda nito sayo. Mukhang magkakasundo naman kayo. Tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka.”   Huling sabi nito bago siya tinulak papalapit kay Adam.   Isang tingin mula ulo hanggang paa ang ginawa niya bago tuluyang tumabi nang upo dito.   “Mr. Morgan? Hi, I’m Elizabeth.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD