Parang wala si sarili si Erina na pumasok kinabukasan. Naglalakad siya papasok na para bang nasa ere pa din siya. She's still in a cloud nine. Siguro dahil kay Reigner at sa mga binitawan nitong salita.
Hindi niya tuloy alam kung ano ba silang dalawa ngayon. He confessed his feelings, how about her? Magjowa na kaya sila? Pero hindi pa siya nanliligaw.
"Erin!" nagulat siya nang ambahan agad siya ng yakap ni Anabeth. "Buti nakapasok kana! Nag-alala kami sayo!" sabi nito at chineck kunwari ang mukha niya at braso.
"Okay na ako. Magtatrabaho na nga ako e." sarkastiko niyang sagot dito. Hinawakan niya sa braso ang kaibigan. "May sasabihin ako pero wag kang magugulat." pabulong niya dito.
"Ha! Ano ba yon?"
Lumingon muna sa paligid si Erin bago magsalita."Si Reigner kahapon, sinabi niya sa akin mahal niya ako.."
"Ahhhhhh!" halos pagtinginan sila ng mga empleyado na papasok din. Mabilis na tinakpan ni Erina ang bibig nito.
"Sabi ko na wag kang sisigaw eh!" galit niyang sambit dito at hinila papasok sa loob.
"Paanong di sisigaw!Sinong hindi magugulat! Edi kayo na!" napaisip bigla si Erina. Sila na ba ? Parang wala naman siyang sinabi dito kagabi. Napakamot siya sa ulo.
"Kami na ba?" tanong niya sa sarili.
"Malamang. Mga tipo ni Sir Lexus napapaoo agad ang babae. Malamang kayo na." nanlaki ang mga mata niya.
Hindi pwede!
"Hindi pwede agad agad kami na!Hindi niya pa ako nililigawan!" natawa si Anabeth. Kahit kailan talaga old fashioned ang kaibigan niya.
"Kaya ka hindi nagkakaboyfriend kasi ang makaluma mo! Foreigner ang jowa mo iba sila ng tradition sa atin. Walang ligaw ligawan don." paliwanag pa ni Anabeth.
Umiling ang dalaga at nagmatigas.
"Pupuntahan ko siya sa office niya! Sasabihin ko sa kaniya na hindi pa kami! Hindi ibigsabihin um-oo ako kahapon meaning non sinasagot ko na siya. Minsan na nga lang ako magboyfriend hindi pa ako magpapaligaw." aniya sa sarili.
"Seryoso ka? Sasabihin mo yan kay Sir Lexus?"
"Oo bakit! Hindi niya ako pwede itulad sa mga naging girlfriend niya sa Italy." natawa ang dalaga.
"Sige. Ano kaya magiging reaksyon ni Sir Lexus? Sabihan mo ako ah." pang aasar ng dalaga. Umalis si Erina para magtungo kay Catherine. Habang si Anabeth dala ang bag ng kaibigan para ilagay sa locker nito. May isang oras pa naman silang bakante bago magsimula ang duty nila.
Nagtatakbo si Erina patungo sa office ng supervisor nila. Pagdating niya ay kumatok muna siya bago pumasok sa loob. Nakita niya itong nagkakape, at halos kakarating lang.
"Oh, ang aga mo Erin? May kailangan ka?" tanong nito, at tumayo para salubungin ang dalaga.
"Um, itatanong ko lang po sana kung nasaan po si Sir Reigner ngayon?" nagulat ang bisor niya.
"Probably he's still in the lounge. Alas-nuebe yon pumapasok sa opisina niya." tumango agad ang dalaga at bigla nalang umalis. Nagtaka si Catherine dahil ito ang unang beses na nagkusa si Erina na hanapin ang binata. Natawa tuloy siya kapag naalala ang nangyari kahapon. She just saw the soft spot of Reigner. Bibihira ito mataranta at mag-alala.
Bumalik siya sa pagkakaupo at tila may pumasok sa isipan niya.
"That picture!" naalala na niya kung saan niya nakita si Erina.
***
Nakarating ang dalaga sa lounge kung saan madalas naghihintay ang mga importanteng kliyente ni Reigner. Walang tao sa front desk kaya wala din siyang mapagtanungan. Naglibot siya sa paligid, walang empleyado. Pumunta sya kung saan makikita ang opisina ni Reigner. Sumilip siya sa salamin pinto nito.
"Walang tao dito?" tanong niya habang nakadikit ang mukha niya sa pinto at pilit sinisilip kung may tao sa loob.
"Sino ba ang hinahanap mo diyan ng ganito kaaga?" nagulat siya at hinarap ang binata sa likod niya. She saw Reigner brushing up his hair. Nakasuot lang ito ng plain polo at fitted black jeans.
"Um, ikaw?" nagtaka ang binata.
"Me? This early?" tumango ang dalaga. Hindi niya alam paano magsisimula pero kakainin siya ng hiya at hindi niya masasabi dito ang gusto niya sabihin.
"Ano kasi, diba umoo ako kahapon? Um.. hindi ibig sabihin non tayo na!" naguluhan ang binata sa narinig.
"Ha? What do you mean?"
"I mean, hindi pa kita sinasagot. Baka kasi isipin mo tulad ako ng mga naging girlfriend mo sa Italy. Iba ako. Kailangan mo muna manligaw bago kita sagutin? Diba?"
Reigner still puzzled but he can't resist Erina's cuteness.
"Okay, okay. We are not a couple, but I need to court you, right?" mabilis na tumango ang dalaga.
"Oo! Um, yon lang! Yun lang gusto ko sabihin.." medyo kinakabahan na siya dahil dahan-dahan lumapit ang binata sa kaniya. He grabbed her waist.
"And after I court you, can you give me a reward?" he smirked and tried to kiss Erina pero hinarang nito ang palad niya. Nagulat siya.
"Hindi mo pa ako pwede i-kiss kasi hindi pa tayo. Kaya bawal muna yan okay." sambit ng dalaga at tinanggal ang kamay niya sa bewang nito.
"Really?" hindi siya makapaniwala na ganito kaestrikta ang dalaga. But he kissed her last night, what is the difference?
"Basta yon ang rules ko, okay. I-ikaw na bahala paano ka manligaw.. alam mo yon." sabi pa nito at nagmamadaling umalis. Hindi maiwasan matawa ni Reigner.
She came here this early to tell him that. Gusto tuloy niyang yakapin at halikan ang dalaga, pero nagbigay na ito ng rules na dapat niyang sundin. Mainipin pa naman siya at ayaw na ayaw na pinaghihintay. Hindi tuloy niya alam kung hanggang saan siya tatagal. But he wants Erina, so he'll do everything to get her yes.
***
Hingal na hingal na nakabalik si Erina sa pwesto niya. Para siyang hinahabol ng kabayo kanina. Lakas-loob talaga niyang sinabi iyon kay Reigner.
Ito ang unang beses na may manliligaw sa kaniya at gusto niya na maranasan ang lahat. She's going on her thirties at ayaw niyang tumanda sya na hindi man lang binibigyan ng bulaklak or ihatid sundo ng manliligaw. Sa loob ng fifteen years palagi lang siyang third wheel, oras na para siya naman ang maging bida.
But its Reigner were talking about. He lived in Italy for many years, iba na ang kinalakihan niyang tradition. He gets what he wants easily. Paano kaya sya manliligaw?
Parang nanlata si Erina sa narealize niya. Gusto nalang niya bawiin ang sinabi kanina.
"Lagot ako nito.." aniya sa sarili at nagsimula na siyang buksan ang makina. Napansin siya ni Theo na parang balisa at wala sa sarili.
"Okay ka lang?" nagulat pa siya sa pagsambulat ng binata sa kaniya.
"Ah oo. Kumain na ba kayo? Hindi ako nakakain ng agahan." sabi niya at hawak hawak ang tyan. Inilabas ng binata ang hawak na biscuit at palihim na pinatong sa basket nito.
"Kainin mo. Oo nga pala may get together ang Mashing Department sa darating na weekend. Sumama kayo ni Anabeth." pag-aya niyang muli sa dalaga.
"Inuman ba yan, hindi talaga ako umiinom." pag ulit ng dalaga.
"Hindi kana man papainomin don. May pagkain doon, pwedeng kumain ka lang. Saka sagot ni Mam Cathy, kasama din naman siya." nagulat si Erina. Kung kasama si Catherine, sasama siya. Ibig sabihin lang non pinapayagan sila ng bisor nila.
"Parang welcome party yon sa inyo." sunod pa ni Theo. Naisip niyang sumama na din, lalo at mababait naman ang mga tao sa Mashing Department, saka unang beses niyang sasama sa get together.
But what about Reigner?
Hindi tuloy niya alam kung kailangan niya itong sabihin sa binata lalo at opisyal na itong manliligaw niya.
Kailangan ba magpaalam ako sa manliligaw ko kung saan ako pupunta?
Patanong sa isipan niya.
"Madami ba tayo don?" pag uusisa niya.
"Mashing Dept lang saka si Mam Cathy. Tayo tayo lang." umiling bigla si Erina, walang kasamang Reigner kaya okay lang na hindi na magpaalam. At hindi naman siya mapapahamak doon, magsasaya lang siya na parang ginagawa ng mga adults.
"Sige, sasama ako!" nakatawa niyang sagot dito.
"Kainin mo na tong biscuit dali. Look out ako." at tumawa si Theo habang binubuksan ang pakete ng tinapay.
"Huy, mamaya makita ka dyan, bahala ka." pagsita sa kaniya ng dalaga.
"Sasabihin ko, pinabukas mo sa akin." nagkatinginan sila at sabay natawa.
Hindi napapansin ni Erina na nakatingin sa kanila si Reigner mula sa opisina nito.
"Tsk, why is he always with Erin.." tanong niya sa sarili at sabay napatadyak sa lamesa na kaharap niya. "Doesn't she told that guy na may manliligaw na siya, why does she still entertaining him?" sunod sunod niyang tanong sa sarili.
"Baka naman kasi kaibigan niya lang yon at hindi manliligaw din.." sabat agad ni Lloyd habang nagbabrowse sa cellphone niya. "Hindi maganda ang sobrang praning.."
"Bakit ka ba nandito? Don't you have work?" inis pa siya dito.
"Wala. Wala kang pinapagawa kaya nandito ako. Saka I heard Catherine they will go out after work." sabi pa nito at sabay tumayo para kumuha ng inumin sa mga nakahilerang wine sa winebar ni Reigner.
"Go out? With whom?"
"Hindi nagpaalam sayo?Malabo yon sabi niya nagpaalam siya sayo. Sasama ako mamaya kasi libre daw niya." anito at bumalik sa sofa saka itinaas ang dalawang paa.
"Really, not inviting me?" napalingon ang binata sa kaibigan na nakatingin pa din kay Erina.
"Ikaw? Baliw ka no! Hindi ka sumasama sa mga ganito eversince. Ilan beses ka namin niyaya, you always said busy ako. Tapos mag iinarte ka diyan ngayon dahil hindi ka inaya?"
"I was just.. Is Erin with her?" biglang napaisip ang binata.
"Hindi ko alam. Pero nabanggit ni Cathy na ayaw sumama ni Erin kasi hindi daw siya umiinom." parang nakahinga siya ng maluwag sa nalaman.
"Good thing.. I will take her home later." sagot niya sa sarili. Bigla naman tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa side table. Kinuha niya ito at sinagot ang isang unknown number.
"Why!" pagalit niyang sagot dito.
Nakikinig naman si Lloyd dahil nag-iba ang mukha ni Reigner nang marinig ang nasa kabilang linya. It sounds serious.
"Okay. We'll go there." he just said after ending the call. Tumingin siya agad kay Lloyd at agad itong bumaba ng sofa para mag-ayos.
"They found something?" tumango si Reigner.
"Let's go." wika nito at mabilis silang umalis. Nakalimutan pa ng binata ang suot niyang coat at hindi na naubos ang iniinom na alak.
***
Alas-singko ay nasa labas sina Erina para maghintay ng sasakyan nai-book ni Catherine na magsusundo sa kanila. Si Anabeth ay abala sa pag-aayos habang sina Theo ay may kakwentuhan. Pabalik balik siya ng tingin sa phone niya. Parang hindi siya mapakali, she didn't told Reigner where she was going.
Para tuloy naguguilty siya.
"I-message ko kaya siya.." aniya sa sarili at hinanap ang number nito sa cellphone. Bago niya sana tawagan ay binawi niya dahil naalala niyang madaming tumatawag kay Reigner.
"Itetext ko nalang.." sabi niya at lumipat sa siya sa pagcocompose ng text.
Sumama ako kina Mam Catherine.
Iyon lang ang text niya. Sabay isinend. Naghintay siya ng reply pero wala hanggang sa dumating na ang sasakyan magsusundo sa kanila.
Nagkayayaan sila sumakay, katabi niya si Anabeth at si Catherine sa upuan habang sina Theo naman ay nasa likod. Tahimik lang siya hanggang sa makaalis sila. Sumulyap pa siya sa bintana para makita kung nandoon si Reigner at hinihintay siya.
"Are you looking for Sir Lexus?" nahulaan agad ni Catherine ang iniisip ni Erina.
"Ah opo! Wala po ba siya?"
"I saw them leaving his office. Lloyd told me na malelate siya sumama sa atin so I thought na may pupuntahan sila." kwento ng bisor. Napasimangot bigla si Erina, hindi man lang nagsabi sa kaniya ang binata na may pupuntahan ito at kanina pa siya praning kakaisip kung nasaan siya.
"Did you tell him you're coming with us?" dahan dahan umiling ang dalaga.
"Naku!" nagulat siya sa reaksyon ni Catherine.
"B-Bakit po?"
Hindi alam ni Catherine paano ipapaliwanag kay Erina ang pag-uugali ni Reigner. He is very sensitive when it comes to her, he is lack of patience and she knows how Reigner can be aggravated in everything. Para bang umiiksi lalo ang pasensiya niya sa lahat ng bagay basta tungkol kay Erina.
"He'll get mad, Erin. And its not good.."
***
End of Chapter 6