“Iligpit niyo lahat ng mga makikitang ebidensiya. Call Sergeant Vasquez, report this crime scene immediately.” utos ni Reigner kay Jeston habang isa isang pinupulot ang mga baril at pakete ng drugs na nakakalat. Hinubad ng binata ang suot na gwantes na itim at saka itinapon.
“Grabe parang may gyera dito.” sabi na may halong pandidiri ni Lloyd.
“If we didn’t came here. They get massacred.” sabi ni Reigner at kinuha sa bulsa ang isang cuplings na natanggal sa suot niyang coat.
“May dala ka bang extrang damit diyan? Natalsikan ako kanina ng dugo e. Didiretso na ako don kina Cathy..” Lloyd said while rubbing his shirt with a white cloth. Kinuha niya sa bulsa ang phone nang umilaw ito.
“Hala!” nagulat si Reigner sa reaction nito kaya sinilip niya ang tinitignan nito sa phone. Nanlaki ang mga mata niya sa isinend ni Catherine na picture kay Lloyd.
It was Erina..
Nakatawa siya sa picture habang kakwentuhan ang ibang katrabaho. Pero ang kumuha ng atensyon ni Reigner ang katabi nito.
It was Theo.
“Let’s go!” hinila niya sa kwelyo si Lloyd at nagmamadaling makasakay ng kotse.
“Saan tayo pupunta! Magpapalit pa ako. Amoy bangkay ako e.” aniya Lloyd at pinipilit pigilan ang binata.
“To Catherine!” sigaw ni Reigner at natahimik siya. Hindi niya nagugustuhan ang susunod na gagawin ng kaibigan.
***
“Oh, tikman mo to, Erin. Kanina pa kumakain nito si Anabeth e. Naubos niya na nga isang plato.” at tumawa ito sabay na ibinaba sa harapan ng dalaga ang isang plato ng buttered shrimps.
“Wow ah. Parang hindi ka din kumain kanina..” sabat ni Anabeth habang hawak nito ang isang beer in can.
Natatawa lang si Erina dahil napakakulit ng mga kasama niya. Nakainom na din ng konti si Anabeth at ayaw na nito magpaawat.
“Subukan mo kaya uminom kahit konti?” pagyaya sa kaniya ni Theo, at ibinigay dito ang isang mojito. “Mild lang yan, like 5 percent? Hindi ka malalasing parang soda lang yan.” sabi niya at tinitigan ni Erina ang kulay pink na alak.
“Oo nga Erin, matanda kana. Kaya pwede kana uminom. Wala naman magbabawal.” usig pa ni Anabeth at inilapit pa din ang bote.
She really wants to try. Ayaw niya kasi umabot siya ng trenta na wala man lang na eenjoy sa buhay.
“Okay okay.” nakatawa pa siya at kinuha ang bote. Nagsigawan ang mga katabi niya na tila chine cheer siya.
Go go Erin!!
Nilagok niya ang nasa bote. Manamis namis ang lasa at medyo may panghuling atake ito na nagustuhan niya. It taste strawberry and mint.
“Sir Lexus!” namutla siya nang marinig niya si Catherine na parang nakakita ng multo. Pagbaba niya ng bote ay nakita niya ang binata na nakatayo sa may entrance ng resturant kasama ang isa pang binata na palingap lingap.
“Sir Lexus! Hindi ko ineexpect na dadating ka?” nakatingin si Catherine kay Lloyd na sumesenyas na wala siyang alam.
“You’re drinking and didn’t invite me?” sabi nito at lumapit sa mesa. Kumuha agad ng isang bakanteng silya si Nerissa para upuan ng boss nila.
“We invite you as always Sir Lexus. Nagulat lang ako na nakarating ka ngayon.” sabi ni Catherine at tinawag ang waiter para ikuha siya ng pagkain at inumin. Naupo naman si Lloyd sa tabi ni Reigner at sabay kumuha ng isang beer in can.
“Well, change of pace.” sabi nito at sabay matalim na tinitigan ang dalagang nakaupo sa tapat niya. He was facing Erina who couldn’t looked at him. Umiiwas ito ng tingin sa kaniya dahil siya nagulat sa pagpunta nito.
“Kain lang kayo. Wag niyo kami masiyado pansinin. Enjoy lang.” sabi ni Lloyd at kumaway kina Erina na nasa katapatan lang nila.
So that was Lloyd.
Hindi makakilos ng maayos si Erina dahil pakiramdam niya hindi siya inaalisan ng mga mata ni Reigner. She felt guilty of not telling him. Lalo at nahuli siya nito na umiinom.
Napansin niya ang ilan katrabaho na nilapitan ang binata at sabay sabay inaalok ito ng kung ano-ano.Gusto din niyang tabihan ito pero nahihiya siya.
“Masarap to Sir Lexus..” sabi pa ng dalagang si Aileen na sadyang idinikit ang braso sa kamay ng binata. Kitang kita niya iyon at nakaramdam siya ng inis.
“Thank you Aileen..” matamis ang pagkakangiti ni Reigner sa dalaga na halos ikahimatay nito. Natawa naman si Lloyd na parang alam na alam ang nangyayari.
“Kilala niyo pala ako Sir Lexus?” pagkakamangha naman ni Aileen. Ngumiti si Catherine na nakikinig lang sa kanila.
“Of course, hindi lang siya masiyadong nagpaparamdam but he knows all of you..” nagbulungan ang mga dalaga halatang amaze na amaze sila sa binata.
“Makangiti naman siya don akala mo naman..” pabulong bulong ni Erina habang nginunguya ang mixed nuts sa isang platito.
“Huy, nagmumukmok ka diyan, uminom ka pa!” binaba ulit ni Theo ang isang bote ng mojito. Kinuha agad iyon ng nakasimangot na si Erina at sabay nilagok. Natulala sina Theo sa ginawa niya.
“Ay wow ah! Makalagok ka girl! Malalasing ka kaagad..” aniya Anabeth at inabutan ng tissue ang kaibigan.
“Eh ano naman, ngayon lang ako iinom kaya hayaan niyo na..” patawa tawa siya at humingi pa ng isang bote kay Theo. Lalong nakaramdam ng inis si Reigner sa nakikita.
What is she thinking?
Gusto na niyang tumayo at kunin ang dalaga para pigilan uminom, but he can’t. She’s enjoying herself. Kaya lang naman siya sumama ay para bantayan ang dalaga. Isa pa namumuro na sa paningin niya si Theo. Kanina pa siya pigil na pigil sa tinidor na hawak.
“Easy ka lang, Lexus. Baka bumaha ng dugo dito..” siko sa kaniya ni Lloyd.
“I’m trying to.” sabi pa niya at tinungga ang iniinom na whiskey sa harapan niya. Alcohol doesn’t affect him pero hindi siya pwedeng uminom ng sobra dahil magmamaneho pa siya.
“Gustoooooo ko paaaa…” pagsusumamo ni Erina pagkatapos niyang maubos ang apat na bote. Pilit niyang kinukuha sa kamay ni Theo ang susunod na bote pero pinigilan na siya ng binata.
“Huy, tama na! Lasing kana! Anabeth ganito ba to paglasing!” natatawa ang kaibigan niya na may tama na din ng alak.
Nagtatawanan ang mga katrabaho nila sa itsura ni Erina. Umiiyak na kasi ito dahil ayaw na siya pagbigyan pa ni Theo na uminom.
“Tama na Erin, uuwi ka pa. Baka mapano ka sa daan niyan.” nag-aalala na si Catherine lalo at kanina pa tahimik si Reigner. Halos mag aalas-onse na at ang ibang empleyado ay nagkakayayaan ng umuwi. Kinuha ni Adessa ang bag ni Anabeth na halos pagewang gewang na sa pagtayo.
“Aalalayan na kita, Erin.” hahawakan sana ni Theo ito nang pigilan siya ni Lloyd.
“Ako na Theo, kami ng bahala kay Erin.” nagtaka ang binata dahil nagpresinta pa si Lloyd na siya na ang magtatayo sa dalaga.
Lloyd was the Chief Executive of Finance. And this is the first time, Erin met him.
Tinapik ni Catherin ang tauhan at sabay umiling.
“Umuwi kana Theo, samahan mo na sina Anabeth at Nerissa. Ako nang bahala kay Erin. Wag kana mag-alala.” aniya ng bisor at pumayag naman ang binata. Hindi maalis ang tingin niya kay Reigner na tahimik at umiinom pa din. Nakadekwatro ito at walang reaksyon ang mukha.
Sumunod siya kina Anabeth na naghihintay ng masasakyan sa labas. Habang si Catherine agad naghanap ng panyo para punasan ang mukha ng lasing na si Erina.
“Oh my god, why you let yourself get wasted..” kinakabahan si Catherine dahil halos walang lakas si Erina na itayo ang sarili niya.
Biglang tumayo si Reigner mula sa kinauupuan at mabilis na kinuha ang braso ng dalaga.
“I’ll take her home. Lloyd, assist Catherine and others in getting home.” utos niya at agad sumaludo si Lloyd.
“Magiging okay lang kaya si Erin?” nag-aalalang bulong ni Catherine kay Lloyd. Nagthumbs up ang binata.
Pinanood nila ang dalawa hanggang sa makalabas ng restaurant. Pagewang gewang kung maglakad si Erina habang inaalalayan naman siya ni Reigner. Inilabas agad niya ang susi ng kotse para maisakay ang dalaga. Pero tuloy tuloy ito kung lumakad.
“Where are you going!” sigaw niyang nang dire diretso si Erina sa paglalakad. Tumatawa pa ito na parang wala na sa sarili. Mabilis niyang sinundan ang dalaga. Dala pa niya sa kaliwang balikat ang bag nito.
“Uuwi na tayo Erin.” matigas niyang sinabi dito. Pero parang walang naririnig ang dalaga ang tuloy pa din sa paglalakad.
“Ayoko pa umuwi. Mas gusto ko pa lumakad.” aniya kahit na parang may lalabas na kung ano sa bibig niya.
“Lasing kana. Hindi kana nga makapaglakad ng maayos..” tumawa ang dalaga. At huminto siya sa paglalakad.
“Bakit ka ba bumalik! Ang tagal tagal mo nawala tapos ngayon sasabihin mo mahal mo ako.” nagulat si Reigner sa pinagsasabi nito. Pinagtitinginan sila ng mga nakakasalubong nila sa daan.
“Erin, stop it. Your drunk..” sabi niya at hinabol ang dalaga. Hinawakan niya ito sa braso.
“Ngayon lang ako nalasing kaya pagbigyan mo na.” she smiled and caress Reigner’s cheeks. “Madami ka siguro naging girlfriend sa Italy no! Kaya ang tagal mo bumalik..” sabi pa niya at tumawa.
“A few. I’ve dated a few.” pag amin ng binata. Tumigil na muli si Erina sa paglalakad.
“Buti ka pa, nakipagdate ka. Ako heto, naubos ang fifteen years ko na wala.” kwento niya at tila para siyang nasa ere. “Kasi hinintay kita..” parang iiyak na si Erina habang nagsasalita.
“Tapos kanina ang yabang mo pa, gusto mo talaga ako pagselosin..” nagulat si Reigner sa sinabi nito. Is she referring to what Aileen did?
“What are you trying to say?” napahikbi si Erina bago magsalita.
“Hinintay kita Reigner! Nagtiis ako maging virgin para sayo! Hindi ako nagpaligaw, lagi akong third wheel! Wala akong alam sa kahit ano kakahintay sayo! Aaaaah!” at matapos niyang sumigaw napaupo siya sa sahig. Mabilis siyang nilapitan ng binata.
“Dahil sayo!” aniya at hinampas ang binata. “Kaya dapat ligawan mo ako! Kasi first time ko maligawan!” pagmamaktol nito na parang bata. Hindi maiwasan matawa ni Reigner.
Erina is something else. She’s irresistable.
“Okay, I will do everything for you. Just please, let’s go home..” pakiusap nito at hinaplos ang buhok ng dalaga. Bigla itong yumakap sa leeg niya.
“Ayoko. Baka mawala ka ulit.” at pagkatapos non, Erina fell asleep. Nanatiling nakayakap ang dalaga sa kaniya. Hinawakan niya ang likod nito at dahan dahan hinahaplos. He carried Erina like a bride habang pabalik siya sa kotse niya. Ibinalot niya dito ang suot na coat.
Inihiga niya ang dalaga sa may passenger seat para mabantayan ito. Pagkasusi niya ng kotse nilingon niyang muli ang dalaga na natutulog. Naalala niya ang pagtawa at pagngiti nito kanina.
“I will protect those smiles and laughs, Erina.” aniya sa sarili at nagmaneho na.
***
Dahan dahan iminulat ni Erina ang mga mata. Tumatama sa mukha niya ang napakataas na sikat ng araw. Damang dama din niya ang nanunuot na sakit ng ulo dahil sa kalasingan noon isang gabi. She can’t remember anything. The last thing she recognize was her friends were cheering to her.
Hindi nga niya alam kung nakauwi ba siya ng maayos. Ganun pala ang malasing.
“Aray..” aniya sa sarili pagbangon sa higaan. Paglapag niya ng kamay, ay naramdaman niya ang napakalambot na kumot na nakabalot sa kaniya. Biglang nanlaki ang mga mata niya.
Its not her room!
“Nasaan ako!” pagsigaw niya at sumambulat sa kaniya si Reigner na nakaupo sa kaharap na center table. Nakadekwatro ito at may hawak na tasa sa kamay.
He wears a cargo shorts and plain white shirt.
“Good thing your awake.” nakangiti ang binata habang pinagmamasdan ang bagong gising na si Erina.
“Nasaan ba ako!” ulit pa ng dalaga.
“You’re in my house.” matipid niyang sagot dito. Inilibot ni Erina ang mga mata, hindi nga niya ito bahay. And then she realized something. Mabilis niyang sinilip ang suot na damit.
“Ah!” napasigaw siya dahil iba na ang suot niya. She wears plain pajamas.
“Don’t think of something nasty. I changed your clothes dahil amoy suka at alak ka kagabi.” paliwanag agad ni Reigner bago pa pumasok ang kung anu anung ideya sa utak ng dalaga.
“Hindi mo ako nakitang nakahubad?” paninigurado nito. Hindi sumagot si Reigner. It’s impossible for him to not see her nakedness while he change her clothes. But he didn’t stare. At wala naman kahit anong malisya ang naisip niya.
“No.” matigas niyang pagtanggi. Tumayo siya at lumipat sa isang silya para kunin ang isang pares ng damit na binili niya para sa dalaga.
“Magbihis ka after you rest. Its sunday and you can take all the rest you want, wala naman pasok.” sabi pa nito bago lumabas ng silid. Nanatiling nag-iisip si Erina. Wala talaga siyang maalala kagabi.
At kung meron man, sana maalala niya ang ginawa niyang kagagahan habang kasama si Reigner.
***
End of Chapter 7