Nahihiyang lumabas ng silid si Erina matapos magpalit ng damit. Halos isang oras siya sa loob kakaisip ng dapat niyang matandaan sa mga nangyari kagabi.
“How was your hang over?Masakit pa ba ang ulo mo? I have here some tea you can drink to ease that.” sabi ni Reigner at nagsalin ng tsaa sa isang maliit na tasa. Nakatayo ito sa may kusina at ipinatong ang isang plato ng cinnamon bread sa mismong kitchen island. Dahan dahan lumapit si Erina at humila ng isang silya.
“You have plans for today?” umiling lang siya. Wala naman talaga siyang ginagawa pag Sunday. Usually nagegeneral cleaning lang siya.
“Um, wala. Ikaw ba?”
He pull a seat, before answering her. “I have a meeting, but its a golf meeting. You can go with me.” nagulat ang dalaga at hindi natuloy ang pag-inom ng tsaa.
“Ha! Eh ano naman gagawin ko don?”
“Watch? Or don’t you want to know what I do?” She realized that she wants to know what Reigner do. Matagal nawala ang binata, wala siyang alam tungkol sa mga business nito, sa nga ginagawa nito. Kung liligawan siya nito dapat may alam din siya tungkol sa binata.
“Um, o sige. Ako lang ba kasama mo don?” nag-aalala si Erina na baka ma out of place siya lalo at mga mayayaman ang nandoon.
“I’m with Lloyd. Don’t worry. He won’t leave you.” nakahinga siya ng maluwag. Isa nalang ang problema, ang susuotin niya.
Isang oras siyang nasa sala at naghihintay. Palibot libot ang mga mata niya sa buong living room. The house feels warm kahit na parang mag-isa si Reigner na nakatira dito. Wala siyang makitang katulong o kahit butler man lang.
Maganda at kamangha mangha din ang nga mwebles na nakikita niya. Halatang gawa pa ito sa ibang bansa at talaga sinadyang dalhin dito. Ang isa sa kinatutuwa niya ang malaking chandelier sa gitna ng hagdan. Nakakabulag to kung pagmamasdan. Gawa ito sa iba-ibang uri ng salamin na ngayon lang niya nakita.
Isinasayaw niya ang mga paa habang naghihintay sa binata. Nagbibihis na ito habang siya hindi alam kung angkop ba ang suot niyang damit. Lumingap siya sa kaliwang bahagi ng sala. Nakakita siya ng isang hallway at nakuha nito ang atensyon niya. Tumayo siya at pumasok don.
“Bakit kaya may maliit na daan dito?” aniya sa sarili. Sa dulo ng daanan ay may pulang pinto. The door’s design was greek inspired. Pero naka lock ito.
“Pulang pinto?Ano kaya ito?” hinawakan niya ang door knob. She felt a little chill. Parang may lumalabas na malamig na hangin mula sa kabila. Kinakain siya ng kuryosidad, madami siyang hindi alam sa binata. Isa na kaya ang pinto na ito.
“Erin..” nabigla siya nang maramdaman ang paglapag ng kamay ng binata sa balikat niya. Halos mapatalon siya sa kaba.
“What are you doing here?” malamig ang tinig nito at tila natakot siya sa biglang pagsulpot nito.
“Um, tapos kana magbihis?” tanong ni Erina at hinarap ang binata.
“Oo, lets go. We need to buy something for you to wear.” Reigner pulled her away from that red door. Hindi naalis ang tingin niya doon, something is bothering her.
Nagmaneho si Lloyd papunta sa isang boutique na halos limang kilometro lang ang layo sa golf course na pupuntahan nila. Pagpasok nila sa loob ay sinalubong ang mga binata ng mga sales clerk.
“Choose what you want to wear.” utos ng binata kay Erina na panay libot ang mga mata sa mga nakasabit na damit.
Hindi talaga niya alam ang sense of fashion. Kung papipiliin siya, she will wear a pair of jeans and plain shirt. Dapat kasama niya si Anabeth to style her. Matagal siyang nakatingin sa mga damit. Hindi niya alam kung pipili ba siya o nahihiya siya magtanong kay Reigner kung bagay ito sa kaniya.
“Would you want me to choose for you?” nagulat siyang ng mapansin ang babaeng nag eedad na sa forties, nakapalda ito at puff sleeves. May ID siyang suot at nakalagay na Manager.
“Hindi ko po alam ang dapat na suotin. Pupunta po kami sa meeting niya sa golf course.” kwento ng dalaga, natawa ang babae.
“This is the first time Sir Lexus brought a woman here.” parang nakaramdam pa siya ng kilig habang sinasabi yon.
“Talaga po?” She’s surprised. Is Reigner not that popular to women?
“Oo, usually he go here to get some gifts for his clients na mga babae. Alam mo na to flex his riches, but he never brought women here to buy clothes for them. Are you his girlfriend?” tanong nito habang namimili siya ng susuotin ni Erina. Mariin siyang tumanggi, hindi pa naman niya ito sinasagot.
“Nanliligaw po.” nahihiya siyang sumagot at natawa ang babae. “So old fashioned way, thats nice. Kilalanin mo muna ang magiging boyfriend mo, mas okay sa akin yan.”
Ngumiti si Erina at nakaramdam ng relief. So she’s not the only one.
“Here, this will go nice with your size. Wear this inside the golf course and then change of plans when you eat outside. ” dalawang pares ng damit ang ibinigay sa kaniya. Binigyan din siya ng dalawang set ng sapatos na susuotin.
“Tie up your hair kapag nasa loob na kayo ng course, it will compliment your clothes. Bagay sayo ang naka tie up, lalo at wavy ang buhok mo.” dagdag pa ng babae at sinunod niya. Sinamahan siya nitong pumasok sa fitting room para magpalit. Napansin niya si Reigner na napapalibutan ng mga babaeng customer.
“Kilala po ba siya dito?”Tanong niya sa babaeng manager habang tinutulungan siya magpalit.
“Everyone knows him. Si Sir Lexus pa..” she felt a little pain, inside her stomach. Madami siyang karibal, at wala man lang siya sa kalingkingan nila.
Lumabas ang babae sa fitting room para hintayin siyang matapos magbihis. Nagsuot siya ng palda na maiksi na kulay gray at polo shirt na may tatak ng isang sikat na golf player. Nagpalit din siya ng sapatos na kulay puti na halos sakto sa paa niya. She got curious of the price kaya sinilip niya ang price tag ng bawat damit. Nanlaki pa ang mga mata niya sa nakita.
“Ang mahal..” halos napakagat siya sa kuko niya sa nakita.
Lumabas siya ng fitting room, at napalakpak ang babae sa kaniya. “Sabi na eh, bagay sayo.”
bati niya at tinulungan siyang itali ang buhok nito.
Nakita niyang papalapit sa kanila si Reigner na wala man lang reaksyon nang makitang nagpalit siya ng damit.
“Ang cute mo, Erin!” sigaw agad ni Lloyd sa kaniya at namula ang pisngi niya. Naiiksian siya sa suot na palda, kanina pa kasi nakatingin sa mga hita niya si Reigner.
“Does it really need that, short?” narinig niya sa binata habang kausap ang Manager na kasama niya kanina.
“Yes sir. Para makagalaw siya ng husto,” sabi pa nito at binalikan siya ng tingin saka ngumiti. Naalala ni Erina ang sinabi nito habang pinamimilian siya ng damit.
We need to make him look at you everytime. Dapat medyo maikli so he will get concious whenever someone look at you.
Natatawa siya sa sinabi ng Manager at mukhan ngang umeepekto ito.
“Bagay naman kay Erin, Lex. Ang cute nga niya e, tuturuan ko siya mamaya ng golf habang busy ka sa mga kausap mo.” sabi pa ng kaibigan niya at hinila niya ang dalaga palabas ng boutique. Walang nagawa si Reigner kundi sundan sila matapos niyang magbayad.
Nagtungo sila sa isang resort and golf course sa Contreras. Sabi ni Lloyd na usually people go here to go business, and golf is the best way to get clients. Kaya kailangan bukod sa magaling ka makipag-usap, magaling ka din mag golf.
“Don’t worry hindi kita iiwanan sa ere. Lexus will be busy kaya papanoorin lang natin siya.” aniya ng binata habang inaabot sa kaniya ang isang golf club, at bag.
“Hindi naman ako marunong nito.” sabi niya habang tinitignan ang hawak na golf bag.
“Tuturuan kita para mag enjoy ka.” nakatawa pa si Lloyd at inalalayan niya ang dalaga na sumakay sa golf cart. Nakita niya si Reigner na naglalakad sa damuhan at may kausap na negosyante. Gusto niyang mag enjoy pero wala naman sa tabi niya ang binata.
“Are you okay? Kanina ka pa tahimik?” sambit ni Lloyd habang lumilibot sila sa buong course . Humahampas sa kanila ang malakas na hangin. Hawak naman ni Erina ang sumbrero na nakasuot sa ulo niya.
“Hindi ko alam bakit isinama ako dito ni Reigner pero hindi naman natin siya makakasama. Parang nasa trabaho pa din siya.” aniya habang nakatingin sa malayo.
“Lagi kasing focus sa trabaho yan si Lexus, matagal na siyang ganyan mula ng ipamana sa kaniya lahat ng tatay niya ang mga negosyo na to.” sagot niya sa dalaga.
“Nag eenjoy ba siya?”
“Maybe, sometimes? But he has his own way to enjoy himself. ” sagot nito at tumatawa. Napansin iyon ni Erina at nacurious siya kung ano ang sinasabi ni Lloyd.
“Ano yon? Sabihan mo naman ako. ” umiling iling ito at tila nang aasar.
“Maganda tanungin mo siya,” sumimangot ang dalaga sa sagot nito sa kaniya.
“Hindi naman niya sasabihin. Yon nga na pulang pinto sa bahay niya hindi niya sa akin sinabi kung anong meron don.” biglang nagbago ang reaksyon ni Lloyd.
That red door has a lot of secrets.
“Wag kang papasok don kapag hindi niya sinabi.” sumeryoso ang mukha ni Lloyd.
“Ah bakit naman?” hindi siya natuloy sa paguusisa nang tumigil ang sinasakyan nilang golf cart. Sa isang downhill nandoon sina Reigner kausap ang isang investor at isang babae na naglalaro ng golf. Tinulungan ni Lloyd, si Erina na mag ayos ng gamit nila para makapaglaro.
“Paano ba ito nilalaro?” aniya habang hinahampas sa hangin ang golf stick.
“Tatamaan mo lang yon bola tapos dapat ma shoot siya don!” itinuro ni Lloyd ang isang maliit na butas na nakabaon sa lupa.
“Parang madali lang..” natawa ang binata.
“Kapag ikaw hindi naka shoot, lagot ka sa akin.” sagot ng binata na tumatawa tawa pa.
Naririnig sila ni Reigner mula sa tawanan ng dalawa. Hindi tuloy siya makapag focus dahil sobrang lakas kung humagikgik si Lloyd. He regret on asking Lloyd to come with him, napakakulit at napaka ingay nito.
“How was your wine distillary, Lexus?” narinig niya si Mr. Dallington habang iwina-wasiwas nito ang golf club sa ere bago siya tumira.
“Good, but we are still open for expanding.” sagot niya habang pinagmamasdan ang matanda. Mr. Dallington owns a distribution company, kailangan niya ang alliance nito kung gusto niyang maging magaan ang paglabas masok ng mga produkto niya. He aims to be his shareholder.
“Good thing. Gusto ko yon mga ganyan ang mindset, Lexus.” sabi nito bago tamaan ang bola. “Oo nga pala, have you met my daughter, Trixie?” aniya ng matanda at tinawag ang babaeng naglalaro din ng golf, naka golf dress siya na kulay peach, at pormadong pormado ang katawan ng dalaga sa hapit ng damit niya. Nakatali ang buhok nitong kulay chestnut brown at medyo umaangat ang pink na lipstick nito.
“Hi,” nakangiti sa kaniya si Trixie at inabot ang kamay ng binata.
“They told me you’re in your thirties. Pero hindi halata, you look like my age.” pinilit ngumiti ni Reigner sa compliment sa kaniya.
“Thank you.” he answered bago tumingin mula sa pwesto nina Erina. Naglalaro pa din at nagkukulitan ang dalawa.
“I heard you’re still open to dating.” aniya Trixie at bahagya siyang nilapitan.
Ibinulsa niya ang kanan kamay sa jeans niya bago magsalita. “I don’t know. Its just not my priority right now.” pagdadahilan niya. He couldn’t answer if he’s taken or dating someone. Masiyado pa kasing maaga para i-aannounce niya na may babae na siyang dine-date. Isa pa kailangan niya sa negosyo ang mga babaeng tulad ni Trixie.
Women whose too naive to take the bait.
“Mas misteryoso yon mga tulad mong lalake na ayaw sa commitment, why? Someone broke your heart once?” pangungulit pa ng dalaga. Lalo itong nagpupumilit na dumikit sa kaniya. Wala naman pakealam ang matanda sa kung ano ang ginagawa ng anak niya.
Sa ganitong industriya, kung sino ang unang kumakakagat, siya ang nabibitag.
“Well, yes once. Why, can you heal it?” pagkagat niya sa bitag ng babaeng ito. Halatang gumihit ang ngiti sa labi ni Trixie, naniniwala siyang walang makakatanggi sa ganda niya. Including Lexus.
“If yes, would you like to date me? Would you want to get to know me better?” tila may kiliti na ang bawat pahayag nito.
“Aah!” nagulat silang dalawa nang nakarinig sila ng sigaw. Paglingon niya, its from Lloyd and Erina na naglalaro. Nakaupo na sa damuhan ang dalaga habang patawa tawa ang binata dito.
“Nakakainis ka Lloyd! Na out of balance ako!” sigaw ng dalaga habang hawak ang balakang niya dahil sa pagbagsak. Naluluha naman ang binata habang pinipilit itago ang pagtawa niya.
“Sabi sayo, tirahin mo, hindi! Hindi tirahin yon paa mo! ” sabi nito habang humahagalpak sa tawa. Pinagtitinginan sila ng ibang naglalaro, ang iba ay natatawa at ang iba ay napapailing.
Hindi maiwasan makaramdam ng inis ni Reigner, masiyado kasi silang maingay. Kinukuha pa niya ang loob ni Trixie.
“You better took care of that..” nanlaki ang mga mata ni Reigner nang lumapit ang isang binata at tinulungan makatayo si Erina. Pinagpag pa nito ang suot na damit at inabot ang nabitawan golf club.
“Are you okay? You’re new huh?” nakangiti ito at hindi makatingin ng maayos si Erina. Para kasing anghel ang mukha ng binata, nakangiti ito at napakaputi ng nga ngipin, plus his eyes has a calming vibe.
“Um, oo. Sorry maingay ba kami?” nahihiya pa siya.
Umiling ito. “No, its cute nga e. By the way, I’m Noah, from Luther Aviations.” magalang na pagpapakilala ng binata at kinuha ang kamay ni Erina para makipagshake hands.
“Ah, thank you..” nasagot ng dalaga at natawa naman ang binata.
“Naglalaro ka din dito Noah?” kaswal na bati ni Lloyd sa dating kaklase.
“Oo. Nakarinig ako ng tawa ng tawa e and I thought its you. Where’s Lexus?” pagkatanong niya ay saktong nakita niya si Reigner sa uphill kasama ang isang matanda at dalaga. Kumaway siya pero hindi siya pinansin nito.
“I guess he’s in bad mood.” ngiting sinabi ni Noah at lumingon sa natahimik na si Erina. Pilit niyang pinapagpag ang skirt na suot.
“You want me to teach you, golf?” nagulat ang dalaga at lumingon kay Lloyd na patango tango.
***
End of Chapter 8