Chapter 22

1398 Words

“Saan ka galing kahapon, Karl? Magdamag kang hindi nagparamdam sa akin,” mariing sambit ni Diana habang pinagmamasdan si Karl. “Nag-aalmusal tayo, Diane. Hindi mo ba pwedeng ipagpaliban ’yang tanong mo?” tugon ni Karl na hindi man lang tinapunan ng tingin ang asawa at patuloy lang sa pagkain. Tahimik lang kami ni Nanay Karina na nakatayo sa may gilid. Naghihintay ng iuutos nila. Pinapauna nila kaming kumain para sa oras ng kain nila ay busog na kami at mapagsilbihan namin sila ng maayos. “Pagdating mo kagabi natulog ka na agad. Ngayon naman late ka na nagising kasi nga hatinggabi ka na umuwi. Madalas kang umiwas sa mga tanong ko sa ’yo, Karl. Tuwing umaga nagmamadali kang umalis papunta sa trabaho. Sa gabi naman pagdating mo dito trabaho pa din ang inaatupag mo. Kailangan ko pa bang m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD