Habang sakay ng taxi ay kinapa ni Jarren ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya. Kinuha niya iyon at agad niyang nakita ang maraming missed calls at text messages ni Belle. Pero hindi niya muna iyon pinatuunan ng pansin kundi hinanap niya sa contacts niya ang numero ng secretary niyang si Ben at agad niya itong tinawagan. Mabuti na lang ay agad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Ben! What happened to you? Nasaan ka?” May pagmamadali niyang tanong dito. Nag-aalala rin siya para sa secretary niya dahil baka may nangyari na ritong masama. “Boss! Mabuti naman at tumawag ka. Nakauwi na ako. Hinahanap kita kanina pero wala ka na. Hindi ko alam paano ako nakatulog basta ginising na lang ako ng waiter tapos mag-isa na lang ako doon. Nag-alala ako sa’yo boss, buti ayos ka lang.”

