“Daddy, pwede ba kaming sumama?” Paalis na si Jarren para sa isang meeting with a new investor at kinukulit pa rin siya ni Pauline. Gusto kasi nitong sumama pero hindi naman pwede dahil tungkol sa business ang pupuntahan niya. “Ilang oras lang namang aalis si Daddy tapos babalik din ako agad.” Masuyo niyang paliwanag dito sabay haplos sa maliit nitong pisngi. “Don’t worry anak, lalabas ulit tayo bukas kasama si Daddy. For now, si Daddy muna ang aalis kasi di pwede sa meeting ang mga bata.” Sabat naman ni Belle at lumapit pa kay Pauline. Napanguso na lang ang kanilang maliit na prinsesa saka ito nagpakarga kay Belle. “Promise Daddy, uuwi ka agad ha?” malungkot nitong pagpayag. “Yes, princess. Kaya kumain kayo ng marami mamaya kasi pag uwi ko may dala akong ice cream and cake, ok

