Hindi na siya nagtaka kung napakagara ng bahay ni Jarren. Kotse nga nito ginastusan nito, ano pa kaya ang sariling tirahan nito? Pagpasok nila sa bahay nito ay sumalubong sa kanila ang tatlong katulong na babae at may isa pang lalaki na halatang nagtatrabaho rin sa mansiyon. “This is Belle, and she is my fiancée. From now on, dito na siya titira.” Pagpapakilala nito sa kanya at kung anu-ano pa ang ibinilin sa mga katulong tungkol sa kanya. ‘From now on’ daw, eh one month lang naman siya titira roon! “Come on babe, let’s go upstairs.” Nakangiti nitong baling sa kanya maya-maya. Lumapit pa ito sa kanya at kinabig ang baywang niya. Napatingin siya rito at tiningnan naman siya nito ng tingin na tila sinasabi sa kanya na start na talaga ng pagpapanggap nila. Ngumiti na lang siya ng

