“By the way, what’s your name??” bigla ay naalala niyang itanong. Pumayag na siyang magpanggap na girlfriend nito pero ni hindi pa pala niya alam ang pangalan nito. “Just call me Jarren. Or if you want, you can call me with an endearment.” Tila naa-amused nitong sabi ngunit tinaasan lang niya ito ng kilay. Pwede naman, sa loob-loob niya. Depende sa mood niya. “If I may ask, why do you need someone to pretend as your girlfriend?” prangka niyang tanong dito. She was just curious kung pareho sila nito ng sitwasyon. But if he won’t answer her question, ok lang din naman. Hindi naman siya masyadong atat malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa fake fiancé niya. “Hmmm… It’s complicated.” Sabi lang nito at seryoso pa siyang tinitigan kaya hindi na lang niya ito kinulit pa. Siguro nga, pareho

