“I mean, I need someone to PRETEND as my girlfriend.” Paglilinaw nito.
Awww.. Bigla siyang na-disappoint na ewan. Akala pa naman niya ay interesado ito sa kanya. Sayang. Kahit hindi siya nakipaghiwalay ng maayos sa boyfriend niyang si Patrick ay pwede niya sana itong patulan.
“Instead of paying me money, why don’t you pretend as my girlfriend then we can be even?”
“Iyon lang pala. For how long?” mas kaya niyang magkunwaring girlfriend nito kaysa ang bayaran ito. May experience naman siya sa pakikipagrelasyon kaya hindi siya mahihirapan. Isa pa ay napakagwapo nito para maging choosey pa siya.
“For about a month.” Anito sa kabilang linya na tila magaan na ang mood.
Maybe he badly needed someone to pretend as his girlfriend. At nagkataon namang may pagkakautang siya rito kaya siya ang nakita nitong pagpanggapin bilang girlfriend nito. Then both of them can solve their own problems!
Agad siyang napangiti sa sinabi nito. Sisiw lang iyon sa kanya kaysa ang mag ipon siya ng libu-libong pera na malamang ay aabot pa ng ilang buwan.
Isa pa, hindi naman siguro araw-araw niyang kailangang magkunwari kaya makakapagtrabaho pa rin siya.
“Deal!” agad niyang sabi.
Sa wakas ay may solusyon na ang malaki niyang problema. Pagkatapos ng isang buwan ay malaya na siya sa utang niya.
Napangiti siya at napabuntong hininga. Gwapo naman si Mr. Customer kaya hindi siya magsisisi na maging girlfriend nito sa loob ng isang buwan.
Marahil ay pareho lang sila ng sitwasyon. Hanggang ngayon kasi ay uso pa rin ang arranged marriage sa mga mayayaman. Siguro ay ipinagkasundo rin ito sa babaeng hindi nito gusto. Tsskk. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na kung sakaling ito ang lalaking ipinagkasundo sa kanya ay baka pinag-isipan muna niya kung lalayas siya o susundin na lang ang parents niya.
“Let’s meet tomorrow to talk about our deal properly.” Magaan ang boses nitong sabi.
“Ok.” Masigla rin niyang sagot dito.
Pagkatapos nitong sabihin sa kanya ang address at kung anong oras sila magkikita ay agad na nitong pinutol ang pag-uusap nila. Mabuti na lang at hindi masasagasaan ang oras ng trabaho niya bukas dahil hapon naman sila magkikita ni Mr. Handsome customer.
Natulog siyang magaan na ang pakiramdam niya at may ngiti pa sa mga labi niya.
Kinabukasan ng hapon, dalawang oras bago ang oras ng trabaho niya ay nagpunta na siya sa meeting place nila ng gwapong customer.
Naroon na ito sa isang semi-class restaurant at kasalukuyan nitong tinitingnan ang menu.
Napangiti agad siya nang matanaw pa lang niya ito mula sa labas. Ang swerte naman niya at siya pa ang napili nitong magpanggap na girlfriend nito! Malayo pa lang ay napakagwapo at napakalakas na ng dating nito. Well, wala naman sigurong mag-aakala na hindi talaga siya nito girlfriend dahil maganda rin naman siya at sexy, at may class din siya dahil nagmula rin siya sa may kayang pamilya. Bata pa lang kasi sila ng mga kapatid niya ay tinuruan na sila to become a fine woman when they grow up. They all studied in private schools since Nursery at may iba pa silang personality improvement lessons. Good girl naman talaga siya sa pamilya niya, sadyang medyo matigas lang ang ulo niya lalo na kung pinipilit siya sa isang bagay na hindi niya gusto.
Ilang saglit pa ay pumasok na siya sa restaurant at diretso upo siya sa tapat ng lalaki.
“You’re on time.” Nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa relo nito at ibinaba na ang hawak na menu.
Now she could see him in broad daylight and she couldn’t deny to herself that he’s really gorgeous. Makinis talaga ang balat nito ngunit hindi nawawala ang masculinity nito. Mapuputi pantay-pantay ang mga ngipin nito at mamula-mula ang mga labi nito at parang ang bango ng hininga nito. He has a sharp jawline and a pointed, tall nose. And his eyes….
Napakurap siya bigla nang mapagtatwang nakatitig na rin ito sa kanya.
“Did I pass?” naaaliw nitong tanong sa kanya.
Mabilis na lang niyang iniba ang tingin niya at tumikhim siya.
“Kailan ako magsisimula?” seryosong tanong na lang niya rito. But she could feel her cheeks reddening. s**t! Sana hindi nito napansin na nagba-blush siya.
“Let’s order first.” Nakangiti pa rin nitong sabi.
Masyadong… gwapo!
Habang kumakain na sila ay muli itong nagsalita.
“You have to come with me.” Anitong seryoso na habang patuloy sa pagkain.
“Saan??”
“In my house. We will stay there for a month. From time to time we will visit my parents and there will be a huge party 2 weeks from now together with the rest of my relatives and some family friends.”
Napatitig siya rito saglit dahil sa sinabi nito.
“Do I really need to stay with you in one roof for a month?”
“Of course. I already told my family about you. I mean, about my ‘fiancée.’ This will be the right time for them to meet my special one. They had been waiting…” Nakangiti pa nitong sabi sa kanya bago muling sumubo habang nakatingin pa rin sa kanya.
“Pero… Paano kung hanapin nila ako after one month? Paano kung mabuking tayo?”
Saan ba ang bahay mo? Paano kung may koneksiyon pala sila sa pamilya ko? Paano ang trabaho ko?
Ang dami pa sana niyang gustong itanong ngunit bigla na lang nitong hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa.
“Don’t worry. I’ll handle it.” Pinisil pa nito ang kamay niya at kinindatan siya kaya napaawang ang bibig niya sa gulat. Nagpa-practice na ba ito agad?!
“Don’t look so surprised. I might even kiss you in front of my family if I have to.” Tila saglit pang naging malagkit ang tingin nito sa kanya ngunit agad din itong ngumiti na tila naaaliw na naman ito sa kanya.
“So, kailan tayo magsisimula?” Binawi na lang niya ang kamay niya at ipinagpatuloy niya ang pagkain niya.
“Bukas, aalis na tayo. So you will have to say goodbye to your job tonight. Don’t worry, I’ll pay for your salary for a whole month.” Kinindatan pa siya ulit nito ngunit binalewala na lang niya iyon.
Hindi niya rin maunawaan ang ugali ng lalaking kaharap niya. Kung minsan ay masyadong seryoso, minsan naman ay parang laging nagbibiro.
Naidalangin na lang niya na sana ay hindi siya mapasubo sa gagawin niyang pagpapanggap na ‘fiancée’ nito.