"Ang gaganda naman ng mga kaibigan ko." Tumatawa kong sambit. "Coming from you na agaw atensyon palagi." Biro ni Ryen kaya napangisi ako. "Well, that's my branding. Walang kahit sino man ang makaka higit o makaka gaya sa akin at sa style ko." Mayabang kong sambit dahil totoo naman. Maraming nag tayangka ngunit nabibigo lamang sila. "At dahil diyan, ganda ka e 'no? Ikaw mag drive." Sambit ni Annaya sabay hagis sa akin ng susi ng sasakyan. "Ayos pormahan tapos driver ako." nakanguso kong reklamo. "Ganon talaga, ganda ka diba?" Tumatawang tugon niya kaya napa irap ako at wala na rin nagawa. Nang makarating kami sa event ay kumpleto na ang tatlong boys, sila ang ang aasikaso sa lahat. Achilles looks effortlessly sexy and powerful in his outfit. Suot niya ang isang short sleeved black b

