ACHILLES ( time frame : college days – present ) "Hoy seryoso ka na ba Achilles?" Tanong ni Davian sa akin. "Oo, sabi ko naman kasi sainyo e, may isang mahuhulog sa'min." Seryosong tugon ko. "Nahulog ka sa sarili mong patibong ganon." Biro ni Noah. "Siya nakipag laro, tapos in the end siya rin naman natalo." Tumatawang sambit ni Davian. "Wala ka bang balak umamin?" Tanong ni Noah. "Meron, sa graduation sana." Sambit ko. "Tagal pa pala e." Biro ni Davian. Sino ba naman kasing mag aakala na yung pinlano biglang tatagilid dahil isa sa kanila ay magkaka problema. I do not have a choice kundi ang tumulong at saluhin sila. "Katángahan mo kasi." Inis na sambit ko kay Noah. "Hindi ko nga alam gagawin." Reklamo niya. "Sasapuhin kita, pero ngayon lang ha." Sambit ko sakanya. "Oo gágo."

