KABANATA 10

1347 Words
Nang matapos kaming mag usap ni Ryen ay bumalik na siya sa loob at hinayaan na muna akong mapag isa. This is too much for me to be honest, pero wala naman akong magawa kasi nandito na. Hindi ko na rin naman matatakasan pa ito, all I can do is admit it, just go with the flow and leave things be. After all hindi ko naman alam kung may gusto ba siya sa akin, or is it casual for him to do that. Was it casual, when he touched my hair randomly and kiss it, randomly sitting beside me, headpatting me? Was it casual when everyone shipped us and neither of us denied it? Was it casual when we’re cuddling and kissing each other but we are just fúcking ‘friends’? Was it casual when I told you about all my fav foods, and even songs and you bought and learned it the next day on the guitar? What do you mean going to our rooftop, star gaizing while talking about our future was just a casual? That one last forehead kiss after graduation… I immediately shooked my head matapos muling maalala. Kakaiyak ko lang, iiyak nanaman ba ako. “f**k it, was it casual?” Mahinang bulong ko habang umiinom ng beer at akala mo may hinihintay na sumagot. I’m back again sa same situation na akala ko nilisan ko na sa Australia palang. Hindi ko namalayan na nilalaro ko nanaman ang singsing na bigay ni Achilles. Napahinto ako at pinag masdan ang singsing. I remember how geneuine he was noong binigay niya sa akin ito. Napailing nalang talaga akong muli aat nag focus nalang sa city lights. Nakakamiss, kahit puro ganito sa Australia at Manila, iba pa rin kapag nasa Baguio na. Hindi naman nag tagal ay pumasok na ako sa kwarto, bahala na sila kung aalis kinabukasan, wala naman ako sa mood kaya baka mag stay nalang ako ditto sa bahay. Nang magising ako ay pasado ala una na ng hapon. Hindi na rin ako ginising nila Ryen, ay pinuntahan nga silang apat. From: Someone’s Safest Secret Who????? – Ryen Hindi ka na naming ginising, nag punta kami saglit sa bayan para mamalengke. Nag desisyon ng biglaan ang mga loko, mag whole month na raw tayo ditto as vacation, Is it okay sayo? To: Someone’s Safest Secret Who????? – Saraiah Wala naman akong sasakyan para mag ka choice huhu. From: Someone’s Safest Secret Who????? – Annaya May gusto ka bang ipabili? To: Someone’s Safest Secret Who????? – Saraiah Bakit ba ganito gc name? Walanghíya nay an. From: Someone’s Safest Secret Who????? – Ryen HAHAHAHAHAAH ooops! To: Someone’s Safest Secret Who????? – Saraiah Chips please, alam na nyo na yon. Kayo na bahala. From: Someone’s Safest Secret Who????? – Ryen Alright. To: Someone’s Safest Secret Who????? – Saraiah Ingat!! For sure ay mga mag di-date pa yon kaya solo ko ang bahay. Pumasok ako sa kwarto ni Achilles at nag tingin sa kaniyang closet, and yes, may mga damit pa siya rito, kumpleto rin sa gamit dahil pinapa maintain ko. Kumuha ako ng damit sa closset niya at bumalik na ako sa kwarto ko para maligo. I like wearing his shirt, kahit sa Australia ay may dala dala akong set ng damit niya, pati cologne. Wala e, kapag talaga comfort hirap pakawalan. Willing to let my guard down kapag si Achilles na mismo. “Saraiah!” Sigaw agad ni Annaya. “Miss mo nanaman ako.” Biro ko habang naka dungaw sa railing ng second floor naming. “Andito na pag kain mo, binilhan ka naming shawarma.” Sambit ni Ryen at iniangat naman ni Davian ang kaniyang hawak. “Love you all!” Sigaw ko at mabilis na bumaba. I totally forgot na suot ko ang damit ni Achilles at gamit ang kaniyang pabango. Holy freáking shít. *cough* *cough* *cough* “Shut up.” Mabilis kong puna ng mapansin na mag sasalita si Annaya. “Oo alam ko, shhhh.” Sambit ko at hindi na sila hinayaang makapag salita. “Hindi pala magandang iniiwan ka mag isa.” Biro ni Noah kaya napanguso ako. “May mga gamit pala siya ditto?” Takang tanong ni Favian. “Kung chineck niyo kwarto niya, kumpleto yon. Kahit toiletries na ginagamit niya noon kumpleto diyan sa kwarto.” Paliwanag ko at nag focus na sap ag kain ko. “Alagang alaga ah, naka maintain?” Tanong ni Ryen habang nag pipigil ang tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Oo, pinapalitan yan basta na before ma expired, ginagamit ng care taker namin.” Paliwanag ko. “E yung mga damit? And everything?” Tanong ni Annaya. “Hindi siya nag alis ng gamit ditto sa bahay, basically nandyan lahat. Naka maintain lang din at ako lang ang gumagalaw.” Sambit ko. “Seryoso ba?” Tanong ni Noah. “Mhm. Walang nagalaw na kahit ano ditto bukod sa pinapalitan lang mga stocks. Isa sa habilin ko yan, bawal.” Seryosong sambit ko. “Pero bakit muna may ‘Sah’ na word sa pintuan ni Achilles?” Hindi na napigilan ni Ryen ang kaniyang pag tawa sa tanong ni Annaya. “Ganito kasi, nalilito si kuya sa kwarto naming before kasi sobrang identical pa niyan. Hindi pa naka purple pintuan ko.” Paliwanag ko. “Tapos kapag nandito si Kuya Iyo palagi niya nabubuksan na kwarto yung kay Achi kaya nag kakagulatan kaya ayon, naisipan lagyan ng name.” Sambit ko. “E bakit yung kay Achilles ang may pangalan mo?” Tanong ni Noah, halatang kuryoso rin. “Hindi kasi dapat name ko nakalagay diyan, parang keychain siya sa door knob, yun dapat nakalagay diyan kaso nakaligtaan bumili. Sakto may customize na name ko yun ang ginamit. Sa pinto ko talaga dapat ilalagay yan kaso ang Kuya Iyo inituos kay Ate Haya na ikabit kaya ayon. Akala ni Ate pintuan ko nakabitaan.” Mahabang paliwanag ko. “Hinayaan na rin naming, okay lang naman kay Achilles, natuwa pa nga e.” Mahinang sambit ko at hindi na tinignan ang reaction nila sa sobrang busy ko kumain. “Hindi ka nanaman kumain pag kagising mo kaya gutom ka no?” Reklamo ni Ryen. “Don’t know how to cook.” Nakanguso kong sambit. “Kaaway ko yang kusina e.” Sambit ko kaya agad na napasapo sa ulo nila si Ryen at Annaya, habang ang boys ay natawa nalang. “Seryoso ka ba?” Tanong ni Ryen. “Oo, kung noon pa man bakit may pag kain ako? Si Achilles nag dadala, siya nag luluto. Sa Australia nandoon ang Mommy at sila Kuya.” Nakanguso kong depensa. “I tried cooking okay? Kaso.” Sambit ko at huminto. “Kaso ano?” Tanong ni Noah. “Muntik ko na masunog bahay naming.” Nakanguso kong sambit dahilan para mapatawa silang lahat. “Totoo ngang hindi lahat ng maganda perpekto.” Biro ni Annaya. “E paano ka kumakain kapag wala kami?” Tanong ni Ryen. “Order sa fast food or karinderya, pag tinamad nag re-re heat lang ako ng foods.” Sambit ko. “Kahit prito or nilaga hindi mo kaya?” Tanong ni Davian. “Nasusunog ko.” Reklamo ko sakanila kaya mas lalo silang natawa. “Hay nako, hindi ka talaga pwedeng maiwan sa condo mo mag isa.” Napapailing na sambit ni Ryen. “E hindi rin naman kayo naalis don.” Depensa ko at saka bahagyang ngumiti. “Hindi ka pwedeng iwanan.” Sambit ni Noah sabay tingin kay Davian. Hindi ko na sila pinansin pero nang marinig ko ng sabihin ni Noah yon ay nakaramdam ako ng kaunting kaba at hope sa hindi ko malamang dahilan. “Nga pala, eto na rin yung pinabili mo. Check mo kung ayan lahat.” Sambit ni Annaya. Agad kong tinanggap ang kaniyang inabot at chineck ito. I was surprised, nandito lahat, kahit yung mga dati ko pang paborito. “Paano niyo nalaman?” Takang tanong ko at medyo gulat pa rin. “We just know.” Sambit ni Noah at nag kibit balikat nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD