“Tara kaya umuwi baguio?” Biglang sambit ni Annaya sa gitna ng pakikipag daldalan niya sa amin.
“Kelan ba?” Tanong ni Davian.
“Ngayon.” Sambit ni Noah.
“Tarantádo ba kayo.” Reklamo ko.
“Porke may mga driver na kapalitan.” Nakanguso kong sambit na agad namang tinawanan nilang apat.
“Ayaw mo nga kamong Makita.” Naka taas kilay na sambit ni Ryen.
“Haha, wala akong naririnig. Sabi ko nga pupunta na tayo Baguio.” Pag suko ko para hindi na sila mag dagdag at mang asar sa akin tungkol kay Achilles.
It’s been so long since I heared his name. Nakakapanibago but if feels so safe at the same time strange.
“Sumabay ka nalang samin.” Sambit no Ryen.
“Okay, mabilis ako kausap.” Sambit ko at ngumiti, pabor sa akin para hindi na ako mag dadrive.
“Pabor na pabor, ganyan kapag fifth wheel.” Biro ni Annaya.
“Epál kayo ah.” Sambit ko sabay haggis ng unan kay Annaya.
“Kayo naman nag on the spot, saka duh? Gabi oh.” Reklamo ko.
“Oo na oo na. Kawawa naman yang fifth wheel.” Biro ni Davian.
“Walang kupas ugali mo, pet peeve pa rin kita.” Reklamo ko.
Wala na pala akong kakampi, wala si Achilles.
“Natahimik.” Nakangising sambit ni Noah.
“Wala, uuwi na ko at mag gagayak ng gamit. Sunduin niyo ko ha.” Tumatawa kong sambit.
“Diyan din naman kamu uuwi, tara na convoy.” Sambit ni Ryen at tumayo na sa kaniyang pagkaka upo.
“Pumunta lang ata tayo ditto sa opisina mo para tumambay e.” Biro ni Annaya nang mapansin kung anong oras na.
“Medyo lang. Reunion with mga hindi ko kilala.” Sambit ko habang tumatawa.
“Mag papakilala kami isa isa.” Nakangising sambit ni Davian na agad namang kinurot ni Ryen.
“Manahimik ka na.” Banta ni Ryen habang naka taas ang isang kilay.
“Opo na, mananahimik na.” Kamot ulong sambit ni Davian at nginisihan pa talaga ako.
They are lowkey including Achilles kahit wala pa siya ditto. At dapat lang, hindi pa ako ready.
Simula ng bumalik ako sa Pilipinas ay hindi pa ulit ako nakakabisita sa Baguio. Ngayon nalang ulit.
“Bakit parang kabado ka?” Tanong ni Ryen sa akin.
“After graduation, ngayon palang ako uuwi sa Baguio.” Seryosong sambit ko kay Ryen.
“Kinakabahan ka ba na Makita mo siya o kinakabahan ka na may maalala ka?” Tanong ni Ryen.
“Pwede bang both?” Nakanguso kong sambit.
“Kahit hindi mo aminin, alam kong si Achilles yang Someone’s Safest Secret mo.” Sambit ni Ryen na ikinatigil ko.
“How? Why?” Tanong ko.
“I found a letter on his closet.” Sambit ni Ryen.
“Kami nila Noah ang kasama niya na mag ayos noon, and accidentally may nalaglag na letter. Nung kinuha ko nakita ko penmanship mo si I assumed.” Sambit ni Ryen.
“Tapos yung Darry yung, aside sa famous line ng DR nan aka sulat sa box, may Initials na nandoon.” Seryoso niyang sambit.
“And how can you be so sure?” Tanong ko kahit na huli naman na talaga ako.
“Siya lang naman kasi e.” Natatawang sambit ni Ryen.
“Siya lang ang pwede.” Dugtong niya at ginulo ang buhok ko.
“Halika na.” Tumatawang sambit niya at inaya na ako palabas since nauna naman ng lumabas si Annaya.
“No need to worry, I won’t tell anyone. Your secret is safe with me.” Sambit niya habang nakangiti.
“Wag mo na isipin yun. Bibisita tayo hindi ka mag rerelapse.” Biro niya kaya napailing nalang ako.
Nang makabalik ako sa Baguio ay halos hindi na ako makahinga sa kaba. Not because baka nandito siya, but because, hindi ko pa pala kaya.
Hindi ko pa pala kayang pumunta sa sarili naming hometown ng hindi siya ang maaalala.
“Natahimik ka yata?” Tanong ni Annaya.
“Antok lang.” Palusot ko kahit na ang totoo ay natulog lang naman ako buong byahe.
Hating gabi na rin kami nakarating at talagang ang desisyon ay sa bahay naming umuwi.
“Dito nalang muna tayo kila Saraiah, mag palipas muna tayo ng gabi bago lumibot at dumalaw.” Sambit ni Noah na ngayon ay nakahiga sa isang couch.
“Grabe, wala pa rin pinag babago bahay niyo.” Manghang sambit ni Annaya.
“May caretaker, pinapa maintain. Ako nag habilin na walang mababago, walang mapapalitan.” Seryosong sambit ko.
“Bakit?” Tanong ni Ryen.
“Para kapag umuuwi kami, hindi kami makaramdam na oaring may iba, na may nag bago.” Tugon ko sakanila.
“Maayos naman na yung rooms sa taas, doon nalang kayo boys matulog sa kwarto ni Achi.” Papahina kong sambit at nag iwas ng tingin.
“Luh? May kwarto rito yun?” Gulat na sambit ni Davian.
“Oo e.” Sambit ko at napainom nalang talaga ng tubig dahil sa kaba. Paniguradong hindi ako titigilan ni Ryen at Annaya mamaya sa kwarto neto.
“Tara na, umakyat na kayo.” Sambit ko habang nag liligpit.
“Katabi ng purple na pinto sa right kwarto ni Achi. May nakalagay na ‘Sah’ sa harap ng pintuan.” Sambit ko.
Hindi na nag abala pang mag tanong ang boys dahil pagod na rin sila sa byahe.
“Hoy Saraiah.” Panimula ni Ryen nang makapasok na ako sa kwarto ko.
“Seryoso bang kaaniya yon?” Tanong ni Annaya.
Tumango naman ako at nag kamot ng ulo, “Nandito palagi si Achi noong college, pinagawan nila Mommy ng kwarto. Wala e, sobrang napamahal.” Mahina kong sambit sakanilang dalawa.
“Edi ano reaction nung?” Tanong ni Ryen.
“Syempre, hinanap nila pero basta yun na yon.” Naiilang kong sambit.
“Maliligo na muna ako.” Sambit ko sa dalawa at pumasok na sa CR dala ang aking damit.
Kailan ko kaya makakayang ikwento sila?
Kailan ko makakaya na banggitin siya ng walang nararamdaman? Nang hindi nasasaktan? Nalulungkot?
Napailing nalang ako habang nag shoshower.
Nakakamiss sa Baguio, it gives me such comfort pero bakit parang kulang? Ang daming memories, kahit saang sulok o parte ako pumunta ng Baguio, siya lang talaga ang naiisip at naalala.
“Saraiah!”Sigaw ni Ryen sa labas ng CR habang kumakatok.
“Yes?” Sigaw ko pabalik.
“Bilisan mo diyan, nag aaya sila mag food trip sa labas.” Sambit ni Ryen.
“Sige! Patapos naman na ako.” Sambit ko at habang nag bibihis ng aking damit. Naka terno lang ako na panjama at tshirt ngayon.
“Ayan na pala si Saraiah e.” Nakangiting sambit ni Annaya pagkababa ko sa sala.
“Saan tayo pupunta?” Tanong ko.
“Kakain sa labas, hindi rin kami makatulog e.” Sambit ni Noah.
“Libre niyo?” Biro ko.
“Oo, kawawa naman kasi yung fifth wheel, wala na taga libre.” Pag paparinig ni Ryen kaya mabilis ko siyang sinamaan ng tingin habang silang apat naman ay tumatawa.
“Papangít ng ugali niyo. Hindi kaya kayo karmahin niyan?” Reklamo ko sakanila habang nakanguso.
Alam na alam nila paano ko titiklop sa asaran.
“Parang dati may kakampi ‘to?” Biro naman ni Annaya.
“Dedma sa mga basher, pag pa naman mayabang pinatatahimik ni Lord.” Biro ko kaya agad na nanahimik si Annaya.
“Mabilis ang karma.” Tumatawang sambit ni Davian.
“Saan ba? Burnham baa?” Tanong ni Noah nang makalabas na kami sa bahay naming.
“Saan niyo ba gusto?” Tanong ni Davian.
“Basta may ihaw ihaw o shawarma.” Sambit ni Ryen sabay akbay sa akin at talagang nakuha pang tumingin ng may kahulugan.
“Wag ka magulo, pinapaalala mo e.” Reklamo ko sakanya habang nakanguso dahilan para bahagya siyang matawa.
“Sinabi ko lang kung ano favorite mo, hindi siya tinutukoy ko.” Napapailing na sambit ni Ryen.
“Malala ka na.” Dagdag niya pa bago kami pumasok sa sasakyan.