“Basta libre niyo ha.” Paninigurado ko kila Davian.
“Oo, wala ka naman na taga libre.” Biro ni Ryen kaya mas lalo akong napabusangot.
“Kupál ka ah, kapag ako nakahanap ng pang ganti sayo.” Reklamo k okay Ryen at wala na talagang nagawa kung hindi tanggapin ang pang aasar niya.
Hanggang sa makarating na kami sa Burnham Park.
“Akala ko baa hindi ditto?” Tanong ni Ryen kay Davian.
“Wala ng bukas na mga food park ng ganitong oras, Burnham nalang.” Kamot ulong sambit ni Davian.
Agad akong napatahimik sa gulat. As much as I want him na mawala sa isip at Sistema ko, hindi ko naman magawa.
Kaya nga kami nag Baguio para bumisita, para mag saya. Pero bakit nalulungkot ako? Bakit nasasaktan ako? At bakit ang dami kong memories na naalala.
Akala ko nakalimutan ko na e. Akala ko burado na sa Sistema ko lahat kaya ang tapang kong umuwi sa Pilipinas. Yun pala kaya lang ako matapang kasi alam kong hindi ko siya makikita sa Australia.
“Nilalaro mo nanaman yung singsing mo, ayos ka laang ba?” Tanong ni Ryen sa akin.
Nasa likod kami nila Davian na busy mag hanap ng stalls na unang mabibilhan.
“Kahit saan ako pumunta siya naalala ko Ryen, kahit hindi ko sadyaain, nakikita ko siya sa bawat sulok at parte ng Baguio. Lahat may memories namin.” Mahina kong pag amin sakanya.
“Nadadala ka ba ng mga biro naming?” Tanong niya at mabilis akong umiling.
“Hindi naman dahil doon e.” Depensa ko.
“Dahil mismo sa lugar, kasi kahit saan tayo mag punta, galing na kaming dalawa.” Pag amin ko.
“Mag libang ka nalang, ifocus mo sarili mo sa pagkain at humanap ka na ng bibilhin mo. Sagot naming.” Seryosong sambit ni Ryen kaya tumango ako.
“Uy shawarma Saraiah.” Sambit ni Noah kaya napalingon ako sa stall.
“Uy! Ate!” Sigaw ng isang babae at mukhang teenager na siya.
“Hala! Mimi!” Sigaw ko ng mamukhaan ko na siya.
“Natatandaan mo pa pala ako.” Natatawa kong sambit at mabilis siyang niyakap.
“Syempre naman ate, hindi ko po kayo makakalimutan ni kuya Achilles.” Masaya niyang sambit.
“Hi ate Ryen, ate Annaya, kuya Noah aat kuya Davian.” Bati ni Mimi sa mga kaibigan ko.
“Ang galing mo naman maka alala Mimi, ang tagal na naming hindi umuuwi ditto pero hindi ka pa rin nakakalimot.” Nakangiting sambit ni Annaya.
“Syempre mga ate, kuya. Favorite ko kasi kayong anim.” Masaya niyang sambit.
“Nasaan nga po pala si kuya Achilles?” Rinig kong sambit ni Mimi. Umalis na kasi ako sa pwesto nila para umorder ng shawarma kasama si Ryen.
“Isang order po ng rice bowl shawarma and buy 1 take 1 na shawarma.” Sambit ko.
“Kamusta ka na Saraiah?” Nakangiting sambit ng nanay ni Mimi.
“Hala! Hello po! Ayos lang po ako.” Nakangiti kong sambit.
Madalas kasi kami ni Achilles ditto sa stall nila Mimi noon dahil bukod sa masarap ang shawarma rito ay naging tambahan na naming dahil kay Mimi.
“Bakit parang kulang yata kayo ng isa?” Tanong niya kaya nag katingin kami ni Ryen.
“Apat nga po rice bowl saka po dalawang buy 1 take 1.” Pag iiba ni Ryen sa topic kaya hindi na rin nakapag tanong pa ang Nanay ni Mimi.
Nang magawa na ang order naming ay dumiretso na kami sa mga bangkuan na nasa harap ng stall nila Mimi.
“Mimi kamusta ka na? Anong grade na ikaw?” Tanong ni Noah.
“College na po ako Kuya Noah. Maliit lang talaga.” Biro niya kaya napatawa kaming lahat.
“Anong course kinuha mo?” Tanong ko.
“Business Ad po at 4th year na rin po ako.” Nakangiti niyang sambit.
“SLU ba?” Tanong ni Annaya.
“Opo ate, pinag ipunan po talaga naming para diyan ako makapag aral.” Nakangiti niyang sambit at halata sa mukha niya ang pagka proud.
“Kapag ka graduate mo sabihin mo samin ha.” Sambit ni Davian.
“Bakit po kuyaa?” Tanong ni Mimi.
“Kukuhanin ka namin.” Natatawa kong sambit.
“Ay hala ang daming offer.” Biro niya kaya napatawa kami.
“Huling punta po ni Kuya Achilles ditto inaalok niya rin po ako.” Sambit ni Mimi dahilan para mapahinto ako.
“K-kailan siya pumunta ditto?” Tanong ko.
“Ah? Mhm.” Sambit ni Mimi at nag isip.
“Matagal na po ate, 1st year college palang po ako nun.” Sambit niya habang tumatango tngo.
Napahinga naman ako ng malalim at nawala ang kaba ko. Thank God.
“Wala bang sinabi sayo si Achilles kung nasaan siya?” Tanong ni Davian.
“Wala po e, ang sabi lang po niyaa babalik po siya dito kapag umuwi po siya.” Naguguluhang sambit ni Mimi.
“Babalik siya ditto kapag umuwi siya?” Pag uulit ni Ryen sabay tingin kaay Noah.
“Opo ate, nakakalito nga po kasi umuuwi naman po siya pero bakit babalik? Ha?” Natatawang sambit ni Mimi.
Hindi nag salita si Ryen at lumapit kay Mimi saka bumulong. Hindi ko na sila pinag tuunan ng pansin at nag focus nalang ako sap ag kain ko. Mas lalo lang akong matatakot at kakabahan kung mangungulit pa ako. Gets ko rin naman ang sinabi ni Mimi, ang hindi ko lang alam, nasaan siya?
“Walang kupas, mabilis ka pa rin kumain.” Puna ni Noah nang mapansin na ubos na ang shawarma rice bowl ko.
“Walang pinagbago, masarap pa rin kasi luto nila Mimi.” Nakangiti kong sambit.
“Bumisita lang po ba kayo ditto sa Baguio?” Tanong niya.
“Oo Mimi, bisita lang. Nasa Manila na ang buhay naming.” Sambit ko.
“Ate diba po galing ka Australia?” Tanong ni Mimi na ikinaagulat ko.
“Paano mo nalaman Mimi?” Takang tanong ko.
“Sabi po ni kuya Achilles. Nandito po kaasi siyaa noong graduation niyo po.” Sambit ni Mimi.
Hindi nanaman ako nakapag salita, para bang may kung ano sa kalooban ko na gusto ko malaman ang sinasabi ni Mimi ngunit natatakot ako sa magiging susunod niyang sasabihbin.
“Mimi tawag ka na ata.” Sambit ni Annaya sabay turo sa Nanay ni Mimi na nasa stall at kumakaway.
“Opo nga, mga ate, kuya, una nap o ako.” Sambit ni Mimi kaya nag tanguan naman sila bilang sagot.
“Kumalma ka.” Bulong ni Ryen at marahang itinulak ang isang bottled water sa akin.
Nang makainom aako ay medyo gumaan ang paakiramdam ko.
Ibang iba pa rin sa pakiramdam kapag naririnig ko ang pangalan niya, hanggang ngayon sobrang lakas pa rin ng epekto niya sa akin.
Hindi ko man siya nakikita pero pangalan palang niya, nanginginig na ako sa kaba. Lakas pa rin ng dating kahit kailan.
“Okay sana tayo next?” Tanong ko.
“Hanap tayo stall, gusto ko ihaw ihaw.” Sambit ni Ryen habang nakangiti.
This is why I am so thankful na sila ang kaibigan ko. Hindi nila ko hinahayaang ma down, hindi man ako umamin sakanila isa isa pero alam kong ramdam nila.
“Tara. Anong gusto mo Saraiah?” Tanong ni Noah habang namimili ng pagkain.
“Okay na yung kaniya, na-i pa ihaw ko na.” Sambit ni Davian kaya napangiti ako.
Nasanay na rin sila sa routine ko. Alam naman talaga nila kung ano gusto ko, nataon lang na nandyan si Achi noon kaya hindi sila ang gumagawa sa akin nito.
Sa aming mag kakaibigan ay ako ang pinaaka binebaby nila. Hindi dahil sa nakasanayan kundi dahil alam nilang ganon si Achilles sa akin. Kahit sinusuway ko sila o pinipigil ay kusa nalang talagang lumalabas sakanila yon dahil na rin sa napapansin nila. They want me to feel comfortable kahit na wala si Achilles ngayon.
Nasaan kaya siya ngayon at bakit wala sa Pilipinas?
O baka hindi lang talaga kami nag tatagpo?