“Nauna pa kayo sa may ari mag unpacked ng gamit ah.” Natatawa kong sambit matapos makitang nag hahalungkat si Ryen at Annaya sa luggage ko.
“Mag aagawan kasi kami sa gamit mo.” Biro ni Ryen.
“Meron kayo, may pangalan para walang lamangan.” Biro ko sakanila pero talagang may mga pangalan ang pasalubong ko para hindi mag halo halo at mag kapalit palit.
“Ay seryoso nga siya.” Tumatawang sambit ni Annaya matapos mabasa ang kaniyang pangalan sa unang luggage.
“Meron nga, makakalimutin ako e.” Tugon ko habang pinag mamasdan silang dalawa na mag unpacked sa mga gamit ko na para bang mga bata.
“Kuha lang ako pag kain, wag niyo guluhin hoy tinatamad ako mag tiklop.” Nakanguso kong sambit.
“Kami na mag lalagay sa closet mo. Ilulusot mo pa e tamad ka naman.” Sambit ni Annaya.
“One week na nga yang luggage mo hiindi pa nailalagay sa closet mo.” Pambabara naman ni Ryen kaya mas lalo akong napanguso.
Umalis na ako sa kwarto at kumuha ng pag kain sa ref. Papanoorin ko nalang sila total ginusto naman nila. I have 3 luggage, lahat yun may nakalagay na pasalubong for them kaya ma uubliga silang iligpit. Thank God, sa tamad kong ‘to nag karoon ako ng paraan para hindi gawin ang mag unpacked.
Pag balik ko ay agad akong napahinto sa naalala ko. “Holy shít! Yung singsing.”
“Hoy! Hehehehe ako na pala mag uunpacked, layas diyan.” Tumatawa kong sambit habang pili tang ngiting tinataboy si Ryen at Annaya.
“Tumigil ka nga, nakita na naming.” Napapailing na sambit ni Ryen.
“Isang beses lang pwede maka bili neto dahil sa ID at name diba?” Tanong ni Annaya.
“Oo, isang beses lang pwede makabili.” Seryosong sambit ni Ryen habang hawak hawak ang lagayan ng singsing.
“Promise ring ba ‘to?” Tanong ni Annaya kaya napaiwas ako ng tingin.
“Mhm.” Tugon ko habang kumakabog pa rin ang aking dibdib sa sobrang kaba at gulat.
The moment I saw that Darry Ring again, parang bumalik nanaman ako sa nakaraan. That DR JUST YOU ROUND Side-stone Starry Sky na binigay niyang promise ring sa akin.
Simple but super classy. Pag binuksan ang box, mababasa agad sa loo bang famous line ng Darry Ring na nakasulat, “Once in a lifetime diamond for your once in a lifetime love. May round diamond sa gitna ang singsing at sobrang kinang, para siyang start. Sa gilid naman ay may mga maliit na diamonds na parang mga bituin sa kalangitan. Yung band ng singsing ay simple lang din, shiny at smooth. Usually white gold or platinum pero ang sa akin ay white gold.
“Wait, diba ang Darry Ring is once in a lifetime? Kumbaga kapag nabigyan ka niyan parang ang mine meant is sigurado na siya sayo, parang ano ikaw na yung babaeng pinipili niya sa pang habang buhay kasi once in a lifetime nga lang siya.” Gulat na sambit ni Annaya.
“Oo, para siyang assurance sa mga babae na ikaw na pang habang buhay.” Sambit ko kaya mas laalo akong kinabahan.
Ngaayon ko lang narealize yan, at ngayon ko lang din napagtanto. “May meaning kaya kung bakit Darry Ring ang binigay niya sa akin?” Noon kasi ay wala akong alam ssa mga ganyan kaya hinahayaan ko lang at hindi bini bigdeal.
“Kanino galing Darry Ring mo?” Tanong niya muli kaya agad akong napakagat sa aking labi.
“Kay Someone’s Safest Secret.” Mahina kong sambit saka mabilis na uminom ng tubig na hawak ko.
“TAPOS WALA NAMANG KAYO?!” Gulat na sigaw ni Ryen at Annaya.
“Alam niyo, hindi na natapos yang kinalat niyo hoy.” Pag iiba ko ng topic pero mukhang wala silang balak dalawa na pakawalan ako.
“Kami mag aayos niyan, diyan ka lang.” Seryosong sambit ni Ryen.
“Sooo???” Tanong ni Ryen muli.
“Oo, walang kami.” Sambit ko.
“In my defense, wala akong alam sa mga alahas o sa singsing na yan kaya I didn’t know kung may something ba yan na meaning o normal na singsing lang.” Nakanguso kong sambit.
“Hinayaan ko laang, ayoko mag tanong kasi baka kung ano malaman kong sagot. I just go with the flow. Hindi ko alam na ganito pala meaning niyan.” Sambit ko muli.
“Hindi mo man lang sinearch or everything?” Tanong ni Annaya.
“Hindi, kasi I thought branded lang siya and promise ring, walang meaning.” Pa gamin ko sakanila.
“Dámn it, anong katangáhan yan.” Napapailing na sambit ni Annaya.
“I didn’t know okay??? Ngayon ko lang napag tanto.” Kamot ulo kong sambit.
“Ang dami palang signs noon, bulag ka lang.” Seryosong sambit ni Ryen.
“Hindi ko tinake as sign kasi nilimit ko sarili ko na hindi kami aabot sa ganoong punto.” Seryosong pag amin ko.
“Grabe ang katangáhan umaapaw. Buti at hindi ka nalunod.” Biro ni Annaya.
“Hindi nga nalunod, nahulog naman.” Sambit ko.
“I really wanna know kung sino yang Someone’s Safest Secret na yan.” Kuryosong sambit ni Annaya.
“Makikilala niyo rin yan.” Sambit ko at kibit balikat.
“Bakit inuwi mo pa?” Tanong ni Ryen.
“I don’t know, I just found myself na nilalagay sa bagahe ko yan, hindi ko na rin inalis.” Seryosong sambit ko.
“Hindi ko kayang hindi iuwi.” Sambit ko muli.
“At bakit?” Tanong ni Ryen.
“Hindi ko alam, basta parang kulang kapag wala yan sa akin, kapag hindi ko nakikita at hindi siya malapit.” Sambit ko.
“Admit it, kaya hindi mo mapakawalan kasi ayan nalang yung natitirang alaala niyang Someone’s Safest Secret na nag hohold sayo ng memories niyo.” Seryoso ng sambit ni Annaya.
“I don’t know. Siguro? Baka? Oo?” Sambit ko.
“Kasi kung balewala na sayo yan iiwan mo Australia yan.” Sambit ni Annaya.
“Nung nag welcome party, ayan ba yung suot mo?” Tanong ni Ryen na nakapag patigil sa akin.
Pati pala yun ay napansin niya.
“I used to wear that ring kapag may mga special events o occasions.” Pa gamin ko.
“Why?” Tanong ni Ryen.
“I am not fond sa maraming tao, it gives me anxiety pero sa tuwing suot ko yung singssing para bang may powers siya na nakakapag pa divert sa overthinks and anxiety ko.” Sambit ko.
“It gives me comfort na hindi ko maramdaman sa kahit na sino, kahit sa saeili ko.” Dagdag ko pa.
“So mahal mo nga?” Tanong naman ni Annaya.
“Hindi ko aalam, basta ang focus ko, nakakakuha ako ng comfort sa promise rig niya.” Sambit ko.
“Limang taon na nakalipas tapos anak ng tokwa hindi mo pa rin alam ang sagot.” Biro ni Annaya.
“Alam niya yan, ayaw lang tanggapin ng sarili niya. Natatakot at ayaw niyang haayaan.” Sambit ni Ryen.
“Kailan ka huling naging mahina?” Tanong ni Ryen.
“Bago umalis.” Sambit ko. I remember writing a letter para kay Achilles, iniwan ko yun sa walk in closet ng bahay nila. Hindi ko alam kung nabasa niya baa yun pero mukhang Malabo dahil hindi siya sumunod sa Australia para bisitahin o mag paramdam sa akin.
“I wrote a letter for him that day din, yun ang huling paagkakataon na naging mahina ako. After that inalis ko na sa sarili ko. Kasi, balewala nalang dahil aalis na ako. Wala na yung kakampi ko at yung sumbungan ko. Naiwan nalang sakin yung mismong singsing na naging comfort ko up until now.” Pag amin ko.
Pansin ko naman na natahimik si Ryen at para bang may inaalala. “Does she know kung sino talaga tinutukoy ko? May alam ba si Ryen?” Tanong ko sa sarili ko at nakaramdam nanaman ng muling kaba.
Kaba hindi dahil sa malaman niya kung sino ang tinutukoy ko. Kaba dahil alam kong kapag nalaman niya ay mapapa amin na ako sa katotohanan na pilit kong iniiwasan at tinatalikuran.