FALLING INLOVE WITH ENGKANTO
AUTHOR: IANNA
CHAPTER 6
Dinner date
"Maghahanap kaya ako ng trabaho Zah" Habang nagkakape sila at nag aalmusal
"Gusto mo ba talaga? Ok kana man Dito ah. Kung iniisip mo na pabigat kana Sakin puwes Hindi"
"Hindi naman yon Ang iniisip ko. Gusto ko lang maranasan Ang trabaho ng mga tao Dito at gusto ko din maging normal kahit pansamantala lang, Hindi naman ako magtatagal Dito pag nakikita ko ng nanay ko"
Nalungkot si Zooey sa narinig niya Dito, Hindi mag tatagal? Parang Ayaw na niyang umalis si Hamad iniisip pa nga lang niya natatakot na siya.
Napa buntong hininga siya at uminom ng tubig
"Ok, Sasama ka Ngayon sa Sakin hahanapan kita ng trabaho don sa office. Mabuti na Rin yon Kasama kita at mabantayan" aniya
"Nandoon Boss mo, baka Ano pang masabi Sakin" komento niya
"Ok na kami ni Zach, humingi na siya ng paumanhin Sakin huwag niya uulitin...sige na magbihis kana hihintayin kita dito" Nakangiting sabi niya
Tumango naman si Hamad at agad pumunta sa kwarto nito para mag bihis Ng biglang lumiwanag at lumabas Ang Isang parang kambing na hugis katawan ay tao.
Bigla siyang natakot Hindi dahil sa pangit nitong Mukha Kung di natuntun na siya ng ama niya.
"Turo!?" Gulat niya Dito
Napangisi naman Ang kambing ng nakakaloko dahil nag tagumpay ito na mahanap siya
"Mahal naming prinsipe, Sa wakas natunton din kita" Pagbati nito sa kanya
"Alam ba ito ng ama Kung saan ako?
"Oo at alam niya Rin Anong pakay mo Dito at Kung sinong tumutulong sayo"
"Puwes itanong mo sa kanya bakit siya nag sinungaling Sakin at Sabihin mo Hindi ako uuwi ng mahalaya pag Hindi ko nakikita nanay ko" Galit niyang sabi Dito
"Naintindihan ka ng ama mo prinsipe May dahilan siya bakit siya nagsinungaling pero wala ako sa pusisyon para Sabihin sayo. Gusto ka niyang pauwiin pero alam niyang Hindi ka papayag kaya niya ako pinapunta Dito para paalalahanin ka"
"At ano naman iyon?" Giit niya Dito
"Huwag Kang mag kagusto sa tao, Iyon Ang sinumpaan mo prinsipe at Hindi mo pwedeng baliin iyon. Isa pa magbabantay ako sayo kahit saan ka mag punta at yon Ang bilin ng mahal na hari para narin sa kaligtasan mo" salaysay nito
Hindi siya kumibo, Paano niya pipigilan Ang puso na kusa na lang titibok, Paano niya titigilan na Ang nilalaman ng puso niya si Zooey Kung pwede lang gamitan ng kapangyarihan na mawala na sa puso niya si Zooey ginawa na niya.
***
Sa kabila ng paghihirap ni Hamad sa kalooban sumama parin siya Kay Zooey para mag apply ng trabaho mas mabuti Kasi ito para ma libang siya at mawala saglit Ang problema niya
Natanggap siya bilang janitor ng company at nagsimula na din siyang nagtatrabaho ng Araw na iyon.
"Sir gusto ko lang mag thank you sa pag tanggap Kay Hamad" Sabi ni Zooey pagkatapos niyang papirmahan Ang papeles Kay Zach
"Your welcome, Gusto ko lang maka bawi sayo at sa kaibigan mo" Saad nito na bumalik naman Ang pag ka seryoso
Tumango lang si Zooey at Akma ng aalis ng pigilan siya ni Zach
"Miss Zooey" Tawag niya Dito at lumingon naman si Zooey
"Bakit ho?"
"Gusto Sana kitang maka date tonight, Kung ok lang sayo"
Nabigla siya sa sinabi ni Zach, Date? Ang Isang CEO makipag date sa secretary niya. Ano kayang nakain nito bakit makipag date
"Ok sir" Tugon niya
"really? hmm ok sige papasundo kita Kay Mang Ramon Mamayang Gabi. see you." Excited na sabi nito
Tumango naman siya at lumabas na, Hindi naman maipaliwanag ni Zach Ang saya.
***
Isang minuto nalng 7:00 pm na, nakaayos na si zooey sa Sarili at light lang na make up Ang nilagay niya sa Mukha at liptint lang din. litaw na kasi Ang Ganda niya kahit Wala pa siyang make up at sinuot Ang black dress na hapit sa kanyang bewang at back less pa ito na kitang kita Ang kanyang makinis na likod.
Naka sandals din siya ng black na Hindi gaanong mataas Ang takong, Kinuha niya din Ang sling bag na black at agad humarap sa salamin para Makita Ang final look.
"Zalliya andyan na sundo mo" Katok ni Hamad sa kanyang kwarto kaya agad niya itong binuksan.
Napa nganga naman si Hamad ng Makita niya si Zooey, Hindi na niya talaga maiwasan Ang puso, titibok at titibok talaga
"Hmm baka pumasok Ang langaw" Biro ni Zooey sa kaniya sabay sarado sa bunganga ni Hamad
"Napakaganda mo zalliya" Seryosong sabi nito na nakatitig sa kanya,
"Salamat...sige na alis na ako. bawi ako nextime sayo sabay tayong mag dinner" Promise niya
"sige.ingat ka." Anito at umalis na si zooey,
tanaw na tanaw ni Hamad Ang sasakyan palayo, napabuntong hininga siya ng mag sikip Ang kanyang dibdib. Inaamin niya sa Sarili na nagseselos siya dahil una palang niya Nakita si zooey gusto na niya ito at ng matagal siya sa Bahay ng dalaga ay unti unting minahal na niya ito at handa siyang protektahan at ibuwis Ang Buhay para lang Dito.
***
Isang mamahaling restaurant dinala si Zooey ni Mang Ramon at naka reserved talga ito sa kanila, bumaba siya at nagpasalamat Kay Mang Ramon bago ito umalis.
Pinihit niya Ang pinto ng restaurant at Isang romantic sound Ang biglang tumugtog napaka sarap sa tenga. Marami ding bulaklak at sa dulo ay Isang mesa na may wine,kandila,at pagkain na sa kanilang dalawa ni Zach.
Dahan dahan siyang lumapit Dito, inaaral Ang feelings Kung kinikilig ba siya or what noong una gusto niya boss niya pero ng makilala niya si Hamad, iBang Iba sa pagka gusto niya Kay Zach.
"Bakit ka tulala?" Tanong ni Zach sa kanya, Nasa harap na Pala siya nito Hindi niya napansin. "Hmm Wala may iniisip lang" Aniya na nakangiti
"Napaka Ganda mo" Sabay abot sa bulaklak sa kaniya kinuha naman niya at pinaghila naman siya ni Zach ng upuan
"salamat, hmm can I ask you something?" Sabay upo, umupo Rin si Zach sa kabilang upuan
"Ikaw ba nag lalagay ng roses sa table ko Araw araw" Assume niya
"Yes and why?" Ngiting Saad nito napangiti naman siya dahil naiilang siya sa titig nito
"Thank you Pala, Bakit mo Pala yon ginagawa?" Habang naghihiwa ng steak
"Because I like you, Gusto kita matagal na Miss Zooey" pag Amin nito
Agad namang napahinto si Zooey sa pagkain at tumingin kay Zach at talagang seryoso Ang pagkakasabi nito.
"I'm sorry nabigla lang ako" kinakabahang sabi niya sabay uminom ng tubig
"it's ok, Hindi naman kita minamadali. Gusto ko lang Malaman mo Kung ano Ang nararamdaman ko. Matagal ko na tong gustong Sabihin sayo, ngayon lang ako binigyan ng lakas ng loob"
"sir Zach..."
"It's Zach, Wala Tayo sa office para tawagin mo akong sir. at gusto kitang ligawan miss Zooey "
Malakas na talaga Ang kabog sa dibdib ni Zooey Hindi niya alam Anong sasabihin.
"Just let me" Dugtong nito
Hindi na niya alam na napatango na Pala siya dahil sa halong emosyon at pag iisip. nagulat na Lang siya ng na pa yes ito at Ang saya saya dahil sa pag tango niya.
Napangiti na Lang siya ng tipid Dito, Hindi na niya pwede bawiin kita Kasi niya na masayang masaya na si Zach.
***
10:00 na Wala parin si zooey, nasa veranda parin si Hamad naghinhintay. Hindi siya matutulog pag Hindi pa ito dumating.
Pwede naman niyang gamiton Ang powers niya mag teleport Kung saan Ang dalaga pero manghihina siya pag ginawa niya iyon.
"Saan kana ba Zalliya?" Nag alalang Tanong niya sa Sarili at palakad lakad. Hindi Kasi siya sanay umuuwi ito ng late ng Gabi nasanay Kasi siya 7:00 o'clock ito or 8 umuuwi.
Nabuhayan lang siya ng loob ng may sasakyan na huminto sa labas ng gate nila kaya agad agad siyang lumapit Dito. alam Kasi niyang si Zooey na iyon, napahinto lang siya sa kalayuan ng bumaba din Ang boss nito na pinagbuksan pa ng pinto si Zooey at hinalikan pa si Zooey sa pisngi bago umalis.
Kita niya din Ang kasiyahan sa Mukha ni Zooey habang tumitingin pa ito sa palayo na sasakyan. kaya bumalik nalng siya sa loob at pumasok sa silid niya, umiiral naman Kasi Ang selos niya kahit kiss lang iyon sa pisngi
"Hamad" Tawag ni Zooey pag pasok niya sa Bahay niya, pero Wala Ang lalaki. napa kunot noo siya usually Kasi hinihintay siya nito pag uwi sabi pa nito kahit Anong Oras maghihintay ito sa kanya pero Ngayon Wala. pero isiniwalang bahala niya lang iyon baka inaantok na.
Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig sa ref, napansin niya sa lamesa ang naka takip na kanin at ulam na niluto ni Zach kanina.
"Hindi ba yon Kumain, Hindi naman ito nagalaw ahh" Tanong niya Sarili, kaya nagtaka siya Hindi naman Ganon iyon.
Pati na sa pagkain dahil napakatakaw nito pag Kumain, kaya pumunta siya sa kwarto nito para tingnan.
Napaka himbing ng tulog nito kaya dahan dahan siyang lumapit Dito para hawakan Ang leeg baka may lagnat at walang ganang Kumain. pero Wala naman itong sakit normal naman Ang init nito, kaya tiningnan niya ito malapitan at napangiti ng kaunti.
"Tulog na tulog pero walang kain, lagot ka Sakin bukas" aniya habang nakatitig Dito
Napaka gwapo talaga pero nasagi sa isip niya si Zach. paano niya masabi Dito na Iba Ang gusto niya, paano niya masabi na Hindi ito masasaktan.
Napapikit siya sa isipang iyon sabay buntong hininga
"Goodnight" Sabay halik sa noo nito at agad lumabas sa kwarto ni Hamad.
Napamulat naman ng mata si Hamad pag karinig ng pag lock ng pinto Hindi alam ni Zooey na nagkunwari lang siyang tulog. hindi niya alam Kung bakit tinitigan siya nito ng matagal at hinalikan pa siya sa noo.
Napangiti siyA sa eksenang iyon,sobrang saya niya. pero nawala iyon ng maisip na Hindi Pala siya pwedeng magmahal ng tao dahil siya ay Isang ENGKANTO.