chapter 7

1467 Words
FALLING INLOVE WITH ENGKANTO AUTHOR: IANNAH CHAPTER 7 HIDDEN LOVE "Anong balita turo?" Tanong agad ng hari pag pasok palang ng taong kambing sa silid niya, Yumuko naman ito na pagbigay galang sa hari "Nasa mabuting kalagayan naman si prinsipe mahal na hari masama lang Ang loob niya sa Inyo kaya siya lumayas" "Sino naman Ang Kasama niya, imposible kasing makapunta siya sa Lugar ng mga tao Hindi naman niya kabisado Ang Lugar" "Sa katunayan Isang babae Ang tumutulong sa kanya mahal na hari at Doon din siya sa Bahay nito nakatira" Nagulat Ang hari sa sinabi ni turo kaya napa hampas niya Ang tungkod na hawak at lumikha ito ng isang kidlat. Napa talon naman sa gulat si turo, muntik na siya don. "Bumalik ka Doon turo, Sabihin mo na pinapayagan ko siyang mahanap Ang kanyang Ina pero huwag siyang magmahal ng Isang tao Kung ayaw niyang pabalikin ko siya Dito at ipakain sa lupa" Sigaw nito sa Galit "M..masusunod mahal na hari" Sabay kumpas sa kanyang kamay at naglaho *** Zach often sends flower for Zooey at alam iyon ni Hamad alam niya Rin na nanliligaw ito sa kaibigan niya. Masakit sa kanya dahil mahal na mahal niya ito gusto niyang Sabihin Dito Ang naramdaman pero laging pinapaalala sa kanya ni turo Ang bilin ng kanyang Ama na hayaan siyang hanapin Ang kanyang Ina wag lang siyang magmahal ng tao. "Miss Zooey, Malapit ng mag Isang buwan nanliligaw si sir Zach sayo Hindi mo pa ba yon sasagutin" Tanong ni Lia sa kanya habang nag memeryenda Sila "Excited kayo noh?" Natatawang sabi niya sabay inom ng kape niya "Abay syempre kami Ang fanclub niyo" Si Clark Hindi na siya umimik, Hindi sa Hindi niya gusto si Zach mabait naman ito minsan walang emosyon Ang Mukha,seryoso. Pero nong nalaman niya Kay Pete na Marami Pala itong tinutulungan tulad ng pulubi,Bahay ampunan,simbahan, at Marami pang Iba Dito siya napa hanga Akala niya isa itong taong matigas Ang puso. Wala siyang alam sa tinutulungan nito kahit secretary siya, mismo si Pete kasi Ang katulong nito sa mga tinutulungan. "Zalliya, Kain Tayo Mamaya. treat ko" Ani ni Hamad ng binisita niya ito sa office. Dinaanan lang niya si Zooey dahil paalis nadin siya, tapos na Kasi Oras niya sa pag jajanitor. "Sige bha, doon parin sa dati nating kainan" Aniya na nakangiti "Sige" Habang Ang mata niya nasa bulaklak "Uuwi kana?" Tanong niya Dito "Oo kita na lang Tayo Mamaya za.paalam" Tipid niyang ngiti Dito tumango na lang din si Zooey may Sabihin pa Sana siya pero mukhang nagmamadali si Hamad kaya hinayaan niya na lang *** "Son, magluluto aKo ng dinner mamaya imbitahin mo secretary mo. Gusto ko na siyang ma meet" Sabi ng kanyang mommy sa kabilang cellphone "Ok mom, And I'm sure you'll like her" paninigurado niya "You do not have to worry I have no problem with your secretary hijo" "I know, I just want to know you" Ngiting sabi niya "Ok, 7:00 o'clock Dapat andito na kayo. Habang mainit pa Ang pagkain" "ok mom.bye.loveyou" Hindi na niya inantay pang magsalita ang mommy niya, agad niyang binaba Ang cellphone *** Excited ng nagbihis si Hamad kahit simpleng kainan lang ma kasama niya lang si Zooey, masaya na siya. Hindi man niya masabi na mahal niya ito at least maiparamdam niya. "Prinsipe, Saan ka pupunta?" Sulpot ni turo sa kanyang likuran kaya nabigla siya at muntik na niya itong masuntok "Pwede ba turo, Kung gusto mong mag pakita wag Kang manggulat" Inis niyang Saad Dito at agad sinuot Ang sapatos "Gusto ko lang naman itanong sayo Kung saan Ang punta mo?" "Wala Kang paki alam, Diba may kapangyarihan ka. edi alamin mo" pilosopo niya Dito at lumabas na ng silid. Napakamot naman sa ulo Ang taong kambing at agad itong sinundan. *** Nakarating na Sila Zooey sa mansyon ni Zach, Namangha naman siya sa laki ng Bahay nito parang mall na Kung tutuosin. Inalalayan naman siya ni Zach papasok ng Bahay nito at agad Silang sinalubong ng mga katulong at binati Sila ng mga ito. Tango lang Ang naging Tugon niya at ngiti habang naka hawak naman si Zach sa bewang niya. Ok lang naman sa kanya na Ganon si Zach Hindi lang niya maiwasang mailang dahil nanibago siya sa pagtrato nito sa kanya. "Son, oh my god. Napaka Ganda naman ng secretary mo" Salubong agad sa kanila ni donya Emily na galing sa kusina at may bit bit itong ulam nilapag Muna nito Ang ulam sa table at nilapitan Sila Hindi niya mapigilan mapa titig sa maganda nitong Mukha at para ding nakikita na niya ito Hindi lang niya alam Kung saan. "Zooey mommy ko nga Pala" Pagpakilala ni Zach Lumapit naman Ang ginang sabay beso beso sa kanya at ngumiti "I'm Emily ,nice meeting you hija" nGiting Saad nito "I'm Zooey po maam, nice meeting din po" ngiti ding sabi niya "Oh hali na kayo ,kain na Tayo baka lumamig Ang pagkain" Pumunta na agad Sila sa table at maraming pagkain Ang inihanda. parang fiesta Kasi sa Dami ng ulam, eh! Sila lang naman Ang kakain. *** Sa kabilang Banda naman nag hihintay parin si Hamad Kay Zooey, tingin siya ng tingin sa pinto ng restaurant at bumaling naman sa orasan. Mag 7 na Kasi ng Gabi Wala parin ito at nag aalala na siya. Hanggang sumapit Ang alas otso Wala parin si Zooey kaya nagpasya siyang puntahan sa ipisina at baka nag overtime ito. "Oh Hamad, Gabi na bakit andito ka pa?" Tanong sa kanya ni Lia palabas narin ito at mukhang uuwi na "hmmm susuduin ko Sana si Zooey, may usapan Kasi kami na kakain sa labas pero Wala parin siya kaya pumunta ako Dito baka nag overtime" "Naku Hamad, Wala si Zooey Dito maagang umalis Kasama si sir Zach" Aniya Hindi naman ka agad siya nakasagot sa sinabi nito, kumirot Kasi bigla Ang puso niya. Nakalimutan ni Zooey usapan nila, Hindi na siya importante Dito, sino naman siya para bigyan ng importansiya isa lang isyang engkanto na tinutulungan ni Zooey at hanggang Doon lang yon. "Sige salamat" Paalam niya Dito at tumalikod na, magsasalita pa Sana si Lia ng tinalikuran na siya nito kaya napanganga na Lang siya. Binagsak agad ni Hamad Ang katawan sa kama niya at tumitig sa kisame Hindi niya maiwasang ma pa luha dahil sa nakatagong pagibig. *** "Nabusog kaba?" Tanong sa kaniya ni Zach habang nasa veranda Sila nagpapahangin "hmmm, Ang sarap Kasi ng mga ulam. niluto ba lahat ng mommy mo yon" "Yeah, He's fond of cooking" "Alam mo parang nakikita ko na mommy mo Hindi ko lang alam Kung saan eh" Habang pilit inaalala Kung saan niya ito namukhaan "Really? But he has long been staying in the States" "Namamalik mata lang siguro ako, hayaan Muna" "I have something to tell you" Seryosong Saad ni Zach sakanya kanya napatingin siya Dito "I love you" Deretsang pagkakasabi ni Zach kaya nagulat siya at kinabahan "Pero Zach..." "Alam Kung Hindi mo pa ako sasagutin pero Sana huwag Muna man pigilan nararamdaman ko, maghihintay ako Zooey Kung kailan" Anito Hindi na siya sumagot kaya napatango na lang siya at ngumiti. Oo inamin niya sa Sarili na gusto na niya si Zach pero mahal naman niya si Hamad minsan naguguluhan na siya sa nararamdaman niya. Hamad! May usapan Sila ni Hamad nakalimutan niya! kaya napatayo siya bigla "Anong Oras na?" "Mag aalas nwebe, bakit?" Takang Tanong ni Zach na napatayo na Rin "May usapan Pala kami ni Hamad kanina na kakain sa labas, nakalimutan ko" Maiyak iyak na saad ni Zooey, Hindi naman maiwasan ni Zach na magselos dahil sa reaksyon nito na parang importante ito sa dalaga. "I need to go, Baka na pano na yon" "Hatid na kita" Tango lang Ang Tugon ni Zooey nagpaalam na din siya sa mommy ni Zach. *** "Ang pagmamahal prinsipe may kakambal talaga yang sakit, hinding Hindi mo maiwasan." Saad ni turo habang nakaupo ito sa higaan niya, Napa buntong hininga naman siya sabay pahid ng luha "Bakit ko pa siya minahal? Bakit siya pa na alam Kung Hindi pwede" "Bakit mo hinayaan Ang puso mo, alam mo naman palang Hindi pwede" "Kusang tumibok turo nong una ko Pala siyang Nakita, Sabi mo nga Hindi mawaisan Ang sakit, Ang pagmamahal pa kaya" Hindi na umimik Ang kambing ng may narinig Silang Katok kaya agad agad naglaho si turo at nagkunwari siyang tulog. Hindi maiwasan ni Zooey na maiyak dahil sa ginawa niya Kay Hamad, Hindi niya intensyong indyanin ito. "I'm sorry, Sana mapatawad mo Ko." Bulong niya Dito kahit tulog na at pinahid Ang luha "Goodnight" Dumilat si Hamad ng makalabas na si Zooey, kailangan niya ng mahanap nanay niya para makabalik na siya sa mahalaya. masakit man sa kanya pero kailangan niyang Gawin at maisawang lumala hangga't maaga pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD