Chapter 9

2370 Words
"Tinawagan ako ni Engineer Versoza kagabi. Gusto niyang makipagkita sa atin ngayon," salubong ni Caleb pagdating ko sa opisina. "Tumawag din siya sa akin kagabi. Si Chantle nga lang ang nakausap niya. Naliligo kasi ako nang tumawag siya." "Ahh," tumango si Caleb. "Sinabi ba niya na gusto niyang makipagkita sa atin ngayon?" "Hindi, eh." "May nalaman ako tungkol kay Engineer." Umupo sa tabi ko si Caleb. Napatingin ako sa kanya dahil nakuha niya ang aking atensyon. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang akong naging interesado sa nalaman niya tungkol kay Engineer. "Ano?" "Nag-aral din siya sa University na pinasukan natin noon at kasabay rin nating siyang nag-graduate." Ito ang sinabi sa akin ni Aly noong nakaraan, na nag-aral rin si Engineer Versoza sa pinapasukan naming University ni Caleb noon. Hindi lang ako masyadong nakapagtanong kay Aly sa bagay na iyon dahil marami akong iniisip nang mga araw na iyon. "Nabanggit nga 'yan sa akin ni Aly. Hindi mo rin siya kilala?" nagtatakang tanong ko. Maraming kilala si Caleb sa Engineering Department noon dahil Engineering ang kinukuha ng kanyang girlfriend na si Kia. "Hindi," iling niya. "Ngayon ko nga lang din nalaman na nag-aral siya doon. Ang kwento sa akin ni Kia, medyo weird daw si Engineer noon. Ang laki nga raw ng pinagbago niya ngayon." "Talaga?" "Ang kwento ni Kia, tambay raw si Engineer sa library at mahilig mag-isa." Napaisip ako bigla. Hindi ko akalain na pareho kami ng pinasukang University ni Engineer Versoza. Hindi ko rin akalain na ganoon siya noon. Naalala ko tuloy ang pagkikita namin sa Batangas, she's too confident and kind of intimidating. Wala sa mukha niya ang pagiging weird at pagiging mailap sa mga tao. She can handle herself and she transformed very well, huh? Gabi na nang makipagkita kami ni Caleb kay Engineer Versoza. Hinintay muna namin niyang sabihin kung saan lugar kami magkikita. Kay Caleb siya nagte-text. I saved her number, though. Wala naman sigurong masama doon dahil kailangan ko naman siyang kontakin lalo na't malapit nang magsimula ang gagawin naming proyekto. We'll be working together for at least ten months. Sa isang coffee shop sa Makati ang sinabi ni Engineer. Mabuti na lang ay nauna pa rin kaming dumating ni Caleb kahit na naipit kami sa traffic. Ayoko na kasing mauna na naman si Engineer sa amin katulad na lang noong nasa Batangas kami. Hindi muna kami um-order ni Caleb. Pagkalipas lang ng ilang minuto ay nasilayan na namin ang pagpasok ni Engineer sa coffee shop. Natigilan ako nang makita siya dahil pagpasok pa lang nagkatinginan na kami. She's wearing a casual black dress while holding a purse in her left hand. She smirked at me and then shifted her sight to Caleb. "Sorry. I'm late," umupo siya sa tapat namin habang nakatingin pa rin kay Caleb. "It's okay. Halos kadarating lang din namin," sagot ng aking kaibigan. "Let's order first? I'm sorry, I'm a bit hungry. Galing pa kasi akong Cavite," matamis siyang ngumiti. Nagulat ako sa naging reaksyon niya dahil taliwas ang galaw niya ngayon kumpara noong nasa Batangas kami. "Kumain muna tayo bago... kung ayos lang sa inyo." "Okay lang, Engineer," ani Caleb. Palihim niya akong tinadyakan sa paa dahil hanggang ngayon ay mukha pa rin akong tanga na nakatulala. "Uh, yeah," napamura ako sa aking isip. "Ako nang pipila. Anong gusto niyo?" "I'll have Croissant and Iced Americano," sagot ni Engineer Versoza. "Iyon lang?" kumunot ang noo ko. "Akala ko ba gutom ka? Mabubusog ka ba doon?" She looks at me, dazed. Bigla na naman akong nahiya dahil sa mga tanong ko. "Well, yeah. Ayos lang naman sa akin iyon." Hindi na ako nagsalita pa. Bumaling na lang ako kay Caleb para kunin ang kanyang order. Damn it! I should be professional in front of her! Pagbalik ko dala ang order namin ay naabutan kong nagtatawanan si Caleb at Engineer Versoza. We started discussing our plan while eating, or well.. si Engineer lang naman ang kumakain dahil kami ni Caleb ay parehong Black Coffee ang order. It was a little awkward talking to Engineer while she chews her food. I am distracted by the way her mouth moves. "I think I agreed with your ideas before. We should use concrete materials because we are still after the safety of our clients. However, we should also use tropical materials to consider the place. It's still near the beach, kailangan maramdaman ng may ari na malapit nga siya sa dagat." She's calmer than before. Banayad ang kanyang boses at hindi nagbabanta ng anumang argumento sa usapan. Tumango ako sa kanyang sinabi. Ito rin naman ang nais ang aming kliyente, ang pagsamahin ang tropikal at konkretong materyales. Hindi na namin kailangan pang pagtalunan ang tungkol sa bagay na ito. "Mas mabuting ganyan na nga ang plano natin," sang-ayon ni Caleb. "We've sent our portfolio to Miss Zamora. Hinihintay na lang namin ang kanyang sagot at kung ano ang napili niya bago tayo mag-umpisa sa lahat." "Sa firm din namin magmumula ang foreman at iba pang mga trabahador. Sa tingin ko'y nasabi na iyan sa inyo?" "Yes. We were already informed about that," tango ko. "I think that's all for tonight, then?" naging pormal na ulit ang boses ni Engineer habang binababa sa mesa ang kanyang inumin.  "Uhm, aalis ka na?" that was a very stupid question! Of course, Lester. Hindi ba iyon halata sa tono ng pananalita niya? "Yeah. I had a very long day," the fierceness in her eyes darted in me. Tumikhim si Caleb kaya napatingin kami sa kanya. "Nag-aral ka rin pala sa University na pinanggalingan namin ni Lester noon." The fierceness in her eyes turned to something new... like Caleb asked a forbidden question. "That was an irrelevant question, Mr. Ramos. Good night," she answered with a very, very cold tone. Pagkatapos ng sinabi niyang iyon ay iniwan na niya kami ni Caleb. Nagalit ba siya sa tanong na iyon? Yes, that question might be irrelevant. But, she doesn't have to be rude. Pwede naman niyang sabihin na ayaw niyang sagutin ang tanong na iyon. "Yaan mo na, baka ayaw niyang pag-usapan ang tungkol doon," kibit balikat ni Caleb. Pinalis ko na ang bagay na iyon nang pauwi na. Inalala ko na naman si Chantle dahil kanina pa pala siya nagte-text sa akin. Hindi ko siya nasagot dahil nasa kotse ang cellphone ko. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit sarado naman ang cellphone niya. Ang huling text niya sa akin ay magsswimming daw siya. But it's past ten now! Kanina pang alas syete ang huling mensahe niya sa akin. I am worried now! Strikto naman ang security sa building namin, at hinahabilin ko naman si Chantle sa mga guard na bantayan siyang mabuti at kontakin kaagad ako pag lumabas siya ng building. Nagmamadali akong pumunta sa aking unit ngunit pagpasok ko pa lang ay sarado ang mga ilaw. There's no trace of Chantle. Tinawagan ko ulit siya ngunit sarado pa rin ang cellphone niya hanggang ngayon. Nagsimula na tuloy akong kabahan. Pumunta ako sa pool area ngunit iilan na lang ang mga tao doon at wala si Chantle. Bumaba rin ako para tanungin sa security kung lumabas ba si Chantle ngunit ang sabi naman nila ay hindi raw. Damn... I went back to my unit only to find out that Chantle's talking with some random boy. Nakasandal sa pintuan si Chantle habang ang lalaking kausap niya ay nakatayo sa harapan niya. Kita ko sa galaw niya na unti-unti siyang lumalapit kay Chantle. They weren't even talking! They were laughing. Tiningnan ko ang kabuoan ni Chantle. She's wearing a pink tank top and a very short shorts. Ang kulay puting tuwalya ay nakasabit sa kanyang balikat. Ang kanyang buhok ay medyo basa pa. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at lumapit na sa kanila. Natigilan sila sa pagtatawanan nang maramdaman ang presensya ko at sabay na bumaling sa akin. "Kuya Lester nandi--" hindi naituloy ni Chantle ang sasabihin dahil inunahan ko na siya sa pagsasalita. "Pasok," malamig na utos ko. Napawi ang ngiti sa kanyang labi. Bumaling ako sa lalaking kausap niya na tila takot dahil hindi siya makatingin ng diretso sa akin. "Uh, sige una na ako. Baka hinahanap na ako nila Mama," tumingin lang siya kay Chantle at nagmamadali nang umalis. "Really?" sarkastikong sabi ni Chantle. Umiling siya at pumasok na sa loob. Sumunod ako sa kanya. "Sino 'yun?" tanong ko. Tumigil sa paglalakad si Chantle at humarap sa akin. Kitang kita ko ang galit na namumuo sa kanyang mga mata. "He's Gerald! May unit sila sa 6th floor. Galing ako sa kanila. Bakit?" ang talim ng titig niya ay siyang nagpapahiwatig na sobra ang nararamdaman niyang galit sa akin ngayon. Ngunit wala akong panahon para matakot sa galit niya dahil galit din ako. Galit ako, pero hindi sa kanya. Galit ako dahil kahit malapit na siya ay hindi ko pa rin siya kayang abutin. "Pumunta ka sa kanila nang ikaw lang mag-isa? Pumunta ka doon na ganyan ang suot mo?" pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggan paa. "Anong masama sa suot ko? At anong masama kung pumunta ako sa kanila? My gosh, Kuya Lester! Magkasing edad kami, gusto lang niyang makipagkaibigan sa akin. Isa pa, nandoon naman ang mga magulang niya, sa tingin mo ba pupunta ako sa kanila na ako lang mag-isa?" Napahilot ako sa gilid ng aking ulo. That's not my fcking point. "Alam mo bang kanina pa kita hinahanap? Tinawagan kita pero nakapatay ang cellphone mo! Pagdating ko dito wala ka. Hinanap kita sa pool area pero wala ka rin! Tinanong ko sa security guard kung umalis ka ba pero ang sabi nila ay hindi! Sa tingin mo anong mararamdaman ko? Nakatira ka sa akin, nangako ako kay Tito William na aalagaan kita. Tapos madadatnan kong wala ka dito?!" tumaas na ang aking boses dahil sa iritasyon. "You're overreacting!" tumaas rin ang kanyang boses. "Alam ko, okay? Kaya mo ako pinapatuloy dito dahil nangako ka kay Daddy na didisiplinahin mo ako. Na gagawin mo ang lahat para hindi na ako maging pasaway." Nagulat ako sa kanyang sinabi. "Akala mo ba hindi ko kayo naririnig na nag-uusap? I am not naive! Alam kong hindi mo ako papatuluyin dito kung walang hininging pabor si Daddy sa 'yo!" "I... we just want the best for you," huminahon na ngayon ang aking boses. "What's the best for me, then?" ang luha sa gilid ng kanyang mga mata ay namumuo. "Nagpaalam naman ako sa 'yo, 'di ba? Sorry kung hindi mo ako natawagan, lowbatt ang cellphone ko kaya hindi ko na ito dinala." Pinunasan niya kaagad ang mga butil ng luha na pumatak sa kanyang mga mata. "Hindi niyo na ako kailangan pang ituring na bata, na para bang kahapon lang ako ipinanganak. Yes, I'm still young... pero alam ko naman kung ano ang tama at mali. Alam mo ba kung gaano kasakit sa pakiramdam na hindi nagtitiwala sa 'yo ang mga taong nasa paligid mo?" Nanghihina ang mga tuhod ko. Gusto ko siyang yakapin ng sobrang higpit. Ngunit alam ko sa sarili ko na kapag ginawa ko iyon ay talo na ako. "Alam mo ba na galit ako sa 'yo?" My heart clenched because of the sudden burst of her emotions. Pero mas nasaktan ako sa kaalamang galit pala siya sa akin nang hindi ko man lang alam. "Galit ako dahil sumasang-ayon ka sa mga utos ni Daddy. Galit ako dahil tinitingnan mo ako bilang isang kapatid. Galit na galit ako dahil bakit hindi na lang tayo ipinanganak ng sabay?" Suminghap siya. "Huhusgahan mo ba ako pag sinabi ko sa 'yong gusto kita hindi bilang Kuya, gusto kita dahil gusto talaga kita?" Pakiramdam ko ay tumigil ang ikot ng mundo ko dahil sa narinig. Isang kasalanan na pakinggan ang mga salitang iyon ngunit pipiliin ko pa ring marinig ng paulit-ulit kahit na bumagsak pa ako sa impyerno. "Masaya ako pag nagagalit ka dahil may lalaking lumalapit sa akin. Pero, oo nga pala, galit ka lang dahil pinoprotektahan mo ako na parang isang Kuya, hindi dahil sa nagseselos ka." Ngumiti siya ng mapait habang ako ay hindi pa rin makapaniwala sa mga sinasabi niya. "Hayaan mo, bukas magpapasundo na ako kay Daddy. Uuwi na ako sa amin," tinalikuran na niya ako. Nang maproseso ko na sa isip ko ang kanyang sinabi ay doon pa lang ako natauhan. Uuwi na siya? Hindi. Hindi pwede. Bahala na... pero sasabihin ko na rin ang lahat sa kanya. Hindi na ako magpapakaduwag. Ayos lang kung magalit ang langit sa gagawin ko. Ang importante ay malaman ni Chantle na mahal ko siya ng higit pa sa isang kapatid. "Nitong mga nakaraang araw, naguguluhan ako sa sarili ko," siya naman ang natigilan sa sinabi ko ngayon. "Oo, inutusan ako ni Tito William na disiplinahin ka. Gusto kong turuan kang sumunod sa mga magulang mo. Pero habang tumatagal, ikaw ang nagturo sa akin. Tinuruan mo akong malaman ang tunay kong nararamdaman para sa'yo." Nakatalikod pa rin si Chantle kaya hindi ko nakikita ang reaksyon niya ngayon. "Takot akong magalit sa akin ang mga magulang mo. Pero mas takot ako na baka magmahal ka ng iba at hindi ko man lang masabi sa 'yo ang nararamdaman ko." Napayuko ako. "Mahal kita..." niyakap ko siya mula sa likuran. "Mahal kita ng higit pa sa kapatid." Lord, forgive me. I wish her family could forgive me, too. "How I wish I could pretend that you were only my little sister," I kissed her hair. "But I couldn't. I couldn't hide my heart's content. Gusto kong isigaw na ikaw ang mahal ko, kahit mali sa paningin ng ibang tao. Dahil para sa akin, tama ang mahalin ka." I kissed her hair again. "But you're too young. I don't want you to be judged by society. I will not ask you to be my girl, for now, but I will ask you to marry me and be my wife in the future." Humarap siya sa akin. Kumikinang pa rin ang kanyang mga mata dahil sa luha. "I promise, I will be your wife in the future." "I'll wait for you..." I kissed her forehead. That's the promise we made when she was thirteen. But I guess, promises were really made to be broken. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD