Tinapon ko ang kulay rosas na envelope sa aking mesa. Napangiti ako ng mapait nang mabasa ko ulit ang mga salitang nakasulat doon. Parang kailan lang ay sa akin pa siya, ngayon ay pag mamay-ari na siya ng iba. Ang hirap isipin na ang mga plano ko para sa aming dalawa noon ay hindi na matutupad pa kahit kailan. Kahit anong gawin ko ay tapos na ang mga oras namin. Hindi ko na kayang ibalik ang mga panahon na nasayang. Ang akala ko noon, kapag sinabi ko sa kanya ang mga nararamdaman ko ay magiging masaya na kaming dalawa. Pero hindi pala. Nagkamali ako. Simula nang aminin ko ang tunay na nararamdaman ko sa kanya ay naging kumplikado na ang mundo naming dalawa. Hindi naging madali ang lahat para sa akin, at lalo na para sa kanya. Hanggang ngayon ay nanunuot pa rin sa puso ko ang masasaki

