Nang dahil sa pag-uusap namin ni Daddy noong nakaraang araw, naisip kong kailangan ko nga talagang harapin ang mga bagay na hindi ko kayang gawin. Dahil kapag hindi ko ito sinubukan, hindi ko malalaman kung ano nga ba ang mga maaaring mangyari. Hindi ko naman itatago ang katotohanan na may pangamba pa rin sa puso ko hanggang ngayon. Kahit sampung taon na ang lumipas ay may takot pa rin sa aking puso. Takot akong tanggapin ang katotohanan na kahit kailan ay hindi na magiging akin ang nag-iisang babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Siguro nga, panahon na para palayain ko na rin ang aking sarili mula sa nakaraan. Maybe, I was meant to be like this... my fate was meant to be like this. Ang kapalaran ko siguro ay kagaya rin ng sa aking mga magulang. Pero ako… hindi na magmamahal pa ng iba.

