Chapter 8

2045 Words
I wish this moment will never end. Gusto kong manatili sa kahibangan kong ito dahil sa sayang nararamdaman ko. But soon, I know, this fantasy has to end. Darating din ang araw na ipapamukha sa akin ng realidad na hindi ako ang para kay Chantle. I should accept the fact that she's too young to be my girl. Masyado pa siyang bata para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko ngayon. Marami pa siyang pwedeng makikilala na higit pa sa akin. I will never cage her to this kind of love. I will never be selfish. She's free to explore and to do whatever she wants. Mas mabuti pang mahalin ko na lang siyang palihim, protektahan ng palihim. Masaya na akong manatili sa tabi niya, bilang isang Kuya... I'm sure, in the future, she'll never need me. She is an independent girl. No. At a young age, she is a woman to me. Hinding-hindi ko na siya titingnan bilang isang bata, ang paningin ko sa kanya ay isang ganap na babae na. Lahat ng iyon ay nag-iba dahil naamin ko na sa aking sarili na mahal ko si Chantle ng higit pa sa isang kapatid. Siguro ay ganito rin ang naramdaman ni Daddy noon. Kinailangan niyang itago ang nararamdaman kay Mommy para hindi sila masira. Bestfriend pa naman ni Daddy si Tito Richard, ang panganay na kapatid ni Mommy. They were very close back then, but things got very complicated. And so, their friendship has ended.  Ayokong maulit ang nangyaring iyon. Bestfriend ni Mommy si Tita Jessica, ayokong maging dahilan kung bakit maaaring masira pagkakaibigan nila. Mas mabuting ako na lang ang nakakaalam dahil hindi rin naman maiintindihan ng ibang tao ang tunay kong nararamdaman.  Palubog na ang araw nang umuwi kami ni Chantle. Nakatulog siya habang nasa biyahe kami pauwi dala na rin ng sobrang pagod. I'm glad that I made her happy today. Her happiness is all that matters to me now. Habang nandito siya sa akin ay gagawin ko ang lahat para maging masaya siya. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito dahil baka ito na ang una't huli... Tinigil ko ang sasakyan pagdating sa parking area. Hindi ko muna ginising si Chantle dahil gusto ko muna siyang pagmasdan. I want to memorize the details of her face. Her long, natural lashes make her eyes more eloquent. Her pinkish lips were slightly open, showing a glimpse of her perfect set of white teeth. Ang kanyang pisngi ay tila napakalambot at nakakatakot hawakan dahil baka masugat siya. Sa palagay ko ay kaya ko nang tandaan ang bawat detalye ng kanyang mukha at maaari ko na siyang iguhit kahit pa sa panaginip. Hinawi ko ang ilang hibla ng kanyang buhok na siyang naging dahilan kung bakit unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata. Agad akong lumayo sa kanya. "Uh..." tumikhim ako habang hindi nakatitig sa kanya. "Nandito na tayo." "Nakatulog pala ko," namamaos ng kaonti ang kanyang boses. "Hindi ko namalayan." "Ayos lang, tara na," nauna akong bumaba ng sasakyan. Sumunod naman siya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad. "Anong gusto mong ulam ngayong dinner?" tanong ni Chantle pagsakay namin sa elevator. Kumapit siya sa braso ko kaya medyo natigilan ako. "Uh," nagbaba ako ng tingin sa kanya. "Kahit ano, ikaw ang bahala." Iniwas ko ang tingin sa kanya dahil hindi ko kayang titigan siya ng matagal. Pakiramdam ko'y mas lalong nadadagdagan ang kasalanan ko kapag tinitingnan ko siya. Mas lalo kasi akong nahuhulog sa mga nangungusap niyang mga mata. Palihim akong ngumingiti habang tinutulungan kong magluto si Chantle. Hindi talaga ako makapaniwala na sa murang edad niya ay napakasarap na ng kanyang mga luto. Adobo ang naisipan niyang iluto ngayon. Alam niya ang tamang timpla nito, sakto sa panlasa ko. She'll be a good cook in the future, I'm sure of that. Nang maluto na rin ang kanin ay kumain na kami. Nilagyan ko ng pagkain ang kanyang plato habang nagsasalin naman siya ng tubig sa mga baso namin. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti sa simpleng pangyayaring ito. Kung nasa tamang pagkakataon lang kami, malamang ay iisipin kong mag-asawa na kami. Fck you, Lester! That'll never happen! Hanggang pangarap na lang ang lahat...  Pinalis ko ang bagay na iyon sa aking isipan. Kailangan kong pagtuonan ng pansin ang nagyayari ngayon dahil ito naman talaga ang importante. Ayoko itong sayangin nang dahil lang sa mga pangamba ko sa hinaharap. Dapat ay tanggapin ko na ang katotohanan sa pagitan namin ni Chantle. "Hindi mo ba namimiss ang mga magulang mo? Ang mga kuya mo?" naisipan kong umpisahan na ang aming usapan ngayong hapunan. "Miss din, syempre..." aniya habang iniipon ang kanin sa kanyang pinggan. "Pero ito ang gusto ko. Gusto kong makita nila na kaya ko ang sarili ko kahit na wala sila." Nakaupo siya sa tapat ko ngayon kaya naman kitang-kita ko kung gaano siya kaseryoso sa kanyang mga sinasabi. "Wala ka naman kailangan patunayan sa kanila," komento ko. "Sigurado akong proud sila sa 'yo. Sa lahat ng ginagawa mo. Ang gusto lang naman nila ay ang mapabuti ka, kaya kung minsan ay nagiging mahigpit sila sa 'yo." Hindi na siya sumagot. Tinigil ko na rin ang aking pagsasalita dahil baka magalit na naman siya. Ayoko namang awayin pa niya ako dahil lang sa usapan namin. Ayokong sirain ang takbo ng magandang araw namin. Pagkatapos naming kumain ay naligo na si Chantle habang ako nama'y hinugasan ang aming mga pinagkainan. Pagkatapos kong gawin iyon ay tiningnan ko ang aking cellphone dahil nakatanggap ako ng mensahe mula sa hindi kilalang numero. Pangalan ko lang naman ang nakalagay doon sa mensahe. Tinawagan ko ang numero para malaman kung sino ito. Sa ikawalang ring pa lang ay may sumagot na sa tawag. "Hello?" Bungad ko. Wala akong natanggap na sagot kung hindi isang mahabang katahimikan. Nagsalita ulit ako ngunit wala pa ring sumasagot. Mukhang wala naman yatang balak magsalita itong nasa kabilang linya kaya naman naisipan kong ibaba na lang ang tawag. Sakto namang pagbaba ko nito ay siyang paglabas ni Chantle mula sa banyo. Nakabihis na siya ng pantulog. "Tapos na ko. Ikaw na," aniya at dumiretso na sa kwarto. Sumunod ako sa kanya para kumuha ng damit pantulog sa aking closet. Umupo si Chantle sa paanan ng kama habang nakatingin sa kanyang cellphone. Nakangiti siya nang hindi ko alam ang dahilan. Kumunot ang noo ko, gusto kong tanungin kung bakit siya nakangiti pero baka isipin naman niya na masyado na akong mausisa sa lahat ng galaw niya. "Maliligo na 'ko," paalam ko nang makuha na ang aking mga kailangan. Hindi ako pinansin ni Chantle dahil mukhang abala siya sa kung ano mang tinitingnan o binabasa ngayon. Sobrang lapad ng ngiti sa kanyang mga labi. "Maliligo na 'ko," ulit ko. Mukhang doon pa lang niya narinig ang sinabi ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin habang nakatapat pa rin sa mukha ang kanyang cellphone. "Uh, sige. Maligo ka na. Hindi ko naman hawak ang banyo," halakhak niya at muling bumaling sa kanina pa niya nginingitian. Napabuntong hininga ako at dumiretso na sa banyo para maligo. Pumikit ako at binuksan ang shower upang damhin ang lamig ng tubig na nanggagaling dito. Ano bang nasa isip ko? Diba't tanging gusto ko lang naman ay maging masaya si Chantle? Pero bakit gano'n? Bakit ayokong may ibang nagpapasaya o nagpapangiti sa kanya? Gusto ko ay ako lang ang dahilan ng bawat ngiti sa kanyang mga labi. Pagkatapos kong maligo ay napansin ko si Chantle na nasa maliit na veranda ng aking unit. Sinabit ko sa kabilang balikat ang aking tuwalya at kumuha ng gatas para kay Chantle. Nagulat pa siya nang makita ako dahil abala pa rin siya sa cellphone niya, pero ngayon ay hindi na siya nakangiti. "Here..." inabot ko sa kanya ang gatas at umupo sa tabi niya.  "Thanks," she locked her phone and put it on the other side. Ininom niya ang gatas habang nakamasid sa kalangitan. Tumingin din ako sa langit dahil puno ito ng bituin ngayon. Kung titingin din naman sa ilalim, tila nakatingin din sa mga bituin dahil sa mga munting ilaw mula sa ibaba ng building. Umihip ng kaonti ang malamig na hangin. Nilapag ni Chantle ang baso ng gatas sa pagitan namin. Ang katahimikang namamagitan sa amin ay siyang nagpapahiwatig kung gaano nga ba siya kalapit sa akin pero napakahirap pa ring abutin. Ang nararamdaman ko sa kanya ay siyang nagpapatunay na lahat ng bagay sa mundo ay may limitasyon. Na hindi dahil mahal mo ay pwede nang maging sa'yo. "Hindi ka pa ba inaantok?" pinagmasdan ko si Chantle na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa mga bituin. Kung alam mo lang Chantle, ang mga mata mo ay siyang mga bituin sa sarili kong langit. "Hindi pa naman. Nakatulog kasi ako kanina habang pauwi tayo... kaya ayos lang," lumipat ang tingin niya sa akin. Para akong natunaw dahil sa tingin na iyon. "Ikaw ba? Malamang ay napagod ka ngayong araw. May trabaho ka pa bukas." "Ayos lang ako," ngiti ko. "Sanay naman ako sa pagod at puyat." Muling bumalik ang kanyang tingin sa langit. "Alam mo, sa tingin ko ay magiging isang mabuting ama at asawa ka pagdating ng panahon." Ang mga salitang sinabmit niya ay hindi ko inaasahan. Panandalian akong nagulat. Ngunit nang makabawi ay sinagot na rin ang kanyang sinabi. "Paano mo naman nasabi?" "Kasi responsable ka. Alam mo ang mga gusto mo sa buhay. Swerte ang magiging asawa mo pag nagkataon." Mapait akong napangiti. Nanatili akong nakatingin sa mala-anghel niyang mukha. "Wala pa naman sa isip ko 'yan. Darating din naman ang tamang oras para d'yan." "Paano mo malalaman kapag nasa tamang oras na ang lahat? Paano kung nandyan na pala ang tamang tao pero nasa maling oras ka... anong gagawin mo?" Nagkatinginan kami dahil sa kanyang sinabi. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Kung minsan talaga ay nakakagulat ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Chantle. Hindi ako makapaniwala na ang mga simpleng tanong niya ay kayang tumagos sa aking puso. "Ewan ko," sagot ko. "Kung para sa 'yo naman talaga... babalik pa rin siya kahit na lumipas pa ang maraming taon." "Hanggang saan ba ang kaya mong gawin para sa pag-ibig?" tanong niya ulit na siya na namang nagpagulat sa akin. Hindi na nga yata ako masasanay sa mga tanong niyang ganito. Bigla ko tuloy naalala ang mga pananaw ko noon. Dapat nang bumitiw at umalis kapag kailangan na. Bakit ka nga ba mananatili sa pag-ibig na wala namang kasiguraduhan? Ngunit ngayong alam ko na ang nararamdaman ko para kay Chantle ay nagbago na ang lahat ng pananaw ko sa buhay. Kaya kong gawin ang lahat para sa kanya. Lahat ng gusto niya ay susundin ko basta't alam kong magiging masaya siya. 'Yun naman ang importante sa lahat, eh. Ang maging masaya ang taong mahal mo kahit na hindi ka magiging parte ng kanyang kasiyahan. Hindi naman ako naghahangad ng kapalit. Ayos lang kung hindi masuklian ang pagmamahal ko. "Pag nagmahal ako, siya lang ang mamahalin ko... hanggang kamatayan," buong puso kong sagot sa tanong ni Chantle. Napaawang ang kanyang bibig sa aking sinabi. Mukhang siya naman ngayon ang nagulat. "Hmm..." nang makabawi ay nag-iwas siya ng tingin. Kinuha niya ang baso ng gatas para inumin ito. Umusog ako ng kaonti sa kanya, ang aming mga braso ay nagdikit na. "What about you?" balik ko sa tanong niya. "Hanggang saan ang kaya mong gawin?" "Sa ngayon..." bumaba ang tingin niya sa basong hawak. "...wala akong magagawa. Pero pagdating ng panahon, alam kong may magagawa na ako." "Anong ibig mong sabihin?" "Wala," iling niya at mabilis na iniba ang usapan. "Nga pala, may tumawag sa 'yo kanina habang naliligo ka. Sorry kung ako na ang sumagot." "Ah, sinong tumawag?" ayos lang naman sa akin kahit na siya ang sumagot at humawak ng cellphone ko dahil wala naman akong tinatago. "Number lang, eh. Hindi naka register sa phone mo. Pero Anika Versoza raw ang pangalan." Ohh... Engineer Versoza? Siya rin kaya ang nagtext kanina? "Ah, siya 'yung Engineer sa isang project namin ni Caleb," paliwanag ko kay Chantle. "Anong sabi niya?" "Wala naman. Tinanong lang niya ang pangalan ko tapos binaba na ang tawag." Tumango na lang ako. Alam niya ang number ko, huh? Maybe she called because we need to plan our project as soon as possible.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD