Chapter 7

2136 Words
I was fixed to the idea that age matters in a relationship. I knew the history of my parents. Nang magkaisip ako ay hindi naman nila itinago sa akin ang mga nangyari, kung bakit sila naghiwalay at hindi nagkatuluyan. Growing up, my Mom told me a lot of things. Love isn't all about finding your other half. It requires deeper meaning. Love is when you feel nothing but love. They say it is the unconditional kind. Mom was very in love with Dad at a very young age. Thirteen years old lang siya noon, well, as a kid she thought that what she felt was real. They loved each other so much, alright. I know that. I was made out of love, not by accident. But then, I am confused. Bakit hindi nila sinibukan na ipaglaban ang isa't-isa. Dad waited for my Mom for 10 years. I mean, that's too long. Bakit sa mga panahon na iyon ay hindi siya gumawa ng hakbang. Bakit noong pwede na sila ni Mommy ay hindi niya ulit sinubukan? They tried, yes, but they did not fight for the love that they want... for the love that they deserve. Ayos sa akin ang asawa ni Mommy at ayos rin naman sa akin ang asawa ni Daddy, pero bakit gano'n? Hindi ba nila ginusto na, kahit minsan, maging isang buong pamilya kami? Isinama ba nila ako sa mga desisyon nila noon? Inisip ba nila ang mga pwede kong maramdaman? Hindi ko maintindihan iyon noon pero nang magkaroon na ako ng muwang sa mundo ay napagtanto ko kung ano nga ba ang ibig sabihin ng lahat. My father told me that my Mom was his one great love. If so, then why they didn't end up with each other? One great love means giving unconditional love. But then... My Mom's one great love is not my father. First love lang niya si Daddy dahil si Tito Carl ang one great love niya. My Dad already knew that they will not end up with each other because of the changes, the uncertainties. Siguro'y dahil bata pa si Mommy noon, akala niya ay si Daddy na ang makakatuluyan niya. But when she met Tito Carl, everything has chaged. She may be confused at first, but she was able to sort out her feelings very well. Kasi, kung baka ipinilit niya ang pagmamahalan nila ni Daddy, sa huli ay magsisi rin sila. Siguro ay ganoon rin dapat ang gawin ko... Chantle's too young. I don't want her to be confused with her feelings. I know, this is not right and it's disgusting to the eyes of judgmental people. Come on, I am 13 years ahead of her. Itatago ko na lang ito at isa pa, hindi naman talaga ako sigurado kung ang nararamdaman kong ito ay magtatagal. Kailangan ko munang kumpirmahin ang lahat dahil mahirap madaliin ang ganitong sitwayson. "Ano, nakapag-isip ka na ba?" tanong ni Caleb. Muntik ko nang makalimutan na nag-uusap nga pala kami bago ako mahulog sa malalim na pag-iisip. Napailing na lang ako sa tanong ng aking kaibigan dahil wala rin naman akong maisip na solusyon. Kanina kasi'y tinatanong niya sa akin kung ano nga ba ang gusto kong mangyari ngayon. Nabanggit ko kasi sa kanya na gusto ko munang kumpirmahin itong nararamdaman ko para kay Chantle bago gumawa ng isang malaking hakbang. "Mas mabuti kung subukan mo munang makipag-date." Kunot noo akong napatingin sa kanya, hindi maintindihan kung bakit iyon ang kanyang naisip. "Hindi ka kasi makakakuha ng sagot kung puro ka lang isip, kung puro ka lang hingi ng payo. Dapat gumalaw ka rin," aniya. "Subukan mong makipag date. Baka sakaling malaman mo ang sagot d'yan sa mga tanong mo." "Ano?" "Naku, Lester..." bahagya siyang tumawa at napailing. "Isipin mo kung 'yung nararamdaman mo ba sa ka-date mo ay nararamdaman mo rin kapag nasa harapan mo si Chantle. Ikaw nang bahala do'n... diskarte mo na 'yan para malaman mo ang lahat." "Hindi ba't parang panggagamit ng ibang tao 'yan?" Bakit kailangan ko pang makipagdate sa iba para lang malaman kung ano ba ang totoo kong nararamdaman? "Hindi ko alam kung matalino ka ba o ano," napakamot siya ng batok. "It's called sorting out your feeling, idiot!" Magsasalita pa sana ako, kaso'y bigla na lang dumating si Aly dito sa coffee shop kung nasaan kami ni Caleb. Yumuko kaagad ako para hindi niya makita ngunit ang magaling kong kaibigan ay tinawag pa ang pangalan ni Aly. Gago talaga ang Caleb na ito. Lumapit si Aly sa amin, malapad ang ngisi niya habang nakatitig at kumakaway sa akin. Umupo siya sa bakanteng silya na nasa tabi ko. "Nandito lang pala kayo," aniya, sa akin pa rin nakatuon ang kanyang antensyon. Ngumiti na lang ako ng tipid bago mag-iwas ng tingin. "Hinahanap mo ba kami?" tanong ni Caleb. "O si Lester lang?" Gusto kong murahin ngayon ang kaibigan ko dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. "Kayong dalawa naman ang hinahanap ko," ani Aly. "Pero madalas kasing nawawala si Lester, eh. Hmm..." "Mas mabuti siguro kung iwan ko na muna kayo para makapag-usap," kinuha ni Caleb ang cellphone niya sa mesa at binulsa ito. "Maiwan ko na muna kayo dahil susunduin ko pa si Kia." Hindi na niya ako hinayaan pang makapagsalita dahil agad na siyang umalis. Napatayo ako ngunit hinila ulit ako ni Aly paupo sa kanyang tabi. Nagkatinginan kaming dalawa, kita ko sa mga mata niya ang pagkapahiya at lungkot. "Hindi mo naman kailangan ipakita at iparamdam na ayaw mo talaga sa akin," ngumiti siya ng tipid. Binitawan niya ang kamay ko. "Alam ko naman na ayaw mo sa akin dahil palagi mo akong iniiwasan." Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Pakiramdam ko'y napakasama kong tao dahil sa sinabi niya. Mapait siyang ngumiti bago ako iwan dito sa coffee shop. I was stunned for awhile, pero nang matauhan ay sinundan ko kaagad si Aly. "Wait..." I grabbed her wrist. Napatingin siya doon ng dahil sa ginawa ko. "Bakit?" "I'm sorry." "For what?" nag angat siya ng tingin sa akin. "For being mean." "It's okay," marahan niyang binawi ang kanyang kamay mula sa hawak ko. "Alam ko naman na ayaw mo sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa 'yo." I was out of words, but yes, she's right. Ayoko kasi na babae ang unang gumagawa ng hakbang, gusto ko ay ako muna. Because I think, a man was meant to please a woman, not the other way around. "Sige na... uuwi na akop" paalam ni Aly. Napailing ako sa sinabi niya. Kahit na papaano'y gusto ko rin makabawi sa mga nagawa ko. "Ihahatid na kita." "Hindi na--" "Please?" pakiusap ko. Ilang pilit pa ang ginawa ko bago ko mapapayag si Aly na ihatid sa kanila. Hindi ko ginagawa ito para lang sundin ang sinabi ni Caleb dahil hindi pa rin ako sang-ayon sa naisip niya. Gusto ko lang gawin ito para makabawi sa hindi magandang asal ko. Aly was very quiet during the trip, so I tried to c***k a conversation. "Kumusta iyong project niyo ni Ramon? Malapit nang matapos, ah." Tumikhim siya bago sumagot. "Oo nga, eh. Baka sa katapusan ng buwan ay tapos na iyon," aniya. "Kayo ni Caleb, kailan kayo mag-uumpisa doon sa project niyo sa Batangas? Balita ko si Anika Versoza ang Engineer doon sa project." "Kilala mo siya?" bahagya akong napasulyap sa kanya. "Hindi masyado, pero ang alam ko'y pareho kayo ng University na pinanggalingan. Hindi mo ba siya kilala?" Umiling ako at itinuon na ang atensyon sa kalsada. I was too focused on my studies back then, hindi na rin ako nagkaroon pa ng oras para makipagkaibigan sa Engineering department. Oh, well... Sa mga lumipas na araw ay naging malapit na kami si Aly sa isa't-isa. Hindi na ako umiiwas sa kanya, ganoon din naman siya, hindi na masyadong lumalapit sa akin. Mas mabuti na iyong ganoon, hindi kami nakakaramdam ng ilang sa isa't-isa. Today is Sunday and it's my rest day. Maaga akong nagising para ipaghanda ng almusal si Chantle, ganoon naman palagi ang ginagawa ko. Sa tuwing hapunan naman ay siya ang nagluluto. Araw-araw rin akong tinatawagan ni Tito William, tinatanong kung may pagbabago na ba sa mga kilos ni Chantle. Isa pa ito sa mga kinakatakot ko. Ayokong masira ang tiwala ng pamilya ni Chantle sa akin. Nagtiwala sila pagkatapos ay sisirain ko lang iyon dahil lang nararamdaman ko? Hinding-hindi nila ako mapapatawad kapag nalaman nila kung ano nga ba ang nararamdaman ko para kay Chantle ngayon. Knowing Tito William, baka kahit hanggang kamatayan ko ay hindi niya ako mapatawad. "Hmm... ang bango naman ng niluluto mo Kuya Lester." Napatingin kaagad ako kay Chantle nang marinig ang boses niya. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti habang pinagmamasdan siya. Medyo magulo ang kanyang buhok habang kinukusot niya ang kanyang mga mata at humihikab, tila inaantok pa rin. She's wearing a plain pink t-shirt and a pink pajama filled with tiny heart print. Cute... Dumiretso siya sa ref para kunin ang gatas. Kumuha naman kaagad ako ng baso at inabot iyon sa kanya. She poured the milk into the glass and then she smiled at me. Ininom niya ang gatas pagkatapos ay umupo na. Binalik ko ulit ang atensyon ko sa fried rice na niluluto. "Nagugutom ka na ba?" tanong ko. "Hindi pa naman." "Nga pala, gusto mo bang mamasyal ngayon? I'm free... so..." Mabuti na lang ay nakatalikod ako ngayon sa kanya kaya hindi niya nakita ang ngiti sa aking labi. Oh, my Chantle... "Of course, I want," batid ko ang pagpipigil niya ng tuwa. "Gusto sana talaga kitang yayain ngayon pero akala ko kasi ay busy ka." "I'm not and I know you're bored. Gusto ko rin naman na ma-enjoy mo ang bakasyon mo rito. Ayokong masayang ang mga oras mo habang nandito ka. We'll make our time every Sunday." Sinara ko na ang kalan at isinalin na sa lalagyan ang aking mga niluto. Nang wala rito si Chantle, ayos lang naman sa akin kahit na hindi ako mag-breaksfast. Pero nang dumating siya, doon ko nalaman na importante pala ito sa akin. We shared random jokes and conversations during breakfast, at inaamin ko, sa mga bagay na iyon ay nabubuo na ang araw ko. She often talks about her dreams. Ang sabi niya'y gusto niyang maging isang nature or wildlife photographer o kaya naman ay isang fashion designer. I can see the passion in her eyes whenever she talks about these things, it's like she owns the universe. Noong ako ang nasa edad niya, hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Hinayaan kong magdesisyon si Chantle sa gusto niyang mangyari ngayong araw. Kahit ano namang mangyari ay siya pa rin ang masusunod. Chantle loves amusement parks, she loves adventure. Gusto niyang gawin ang mga bagay na delikado. While I'm the opposite, I don't like adventures, as well as the rides on amusement parks. I hate taking risks, I prefer the safe path. Pero dahil nag ang gusto si Chantle ang masusunod sa lakad naming ito, pumunta kami sa paborito niyang amusement park. Madalas akong isama nila Tita Jess noon kapag pumupunta sila rito. Kahit na ayaw ko ay napipilit pa rin nila ako dahil nga kay Chantle. Hindi ko talaga kayang tanggihan ang lahat pag siya na mismo ang nakisuap sa akin. "I want to ride roller coaster first!" deklara ni Chantle pagpasok namin. Damn... "Uh," I don't like the idea, but then... "Okay," sagot ko. Nakipila kami ni Chantle sa roller coaster at halos teenager ang mga nasa pila. Ako nga yata ang pinakamatandang sasakay, eh. Di bale na, basta para kay Chantle ay ayos lang. Ang tanging gusto ko lang naman ay mapasaya siya, na kahit ang mga bagay na hindi ko naman talaga ginagawa ay handa pa rin akong gawin maiparamdam ko lang sa kanya ang saya. Pinilit kong pigilan ang sigaw ko habang nakasakay na kami sa roller coaster. Parang hinahampas ang buong katawan ko dahil sa bilis at taas-babang galaw nito. Samantalang si Chantle, tanging tawa lang ang naririnig ko sa kanya. Malamang ay pinagtatawanan niya ako dahil hanggang ngayon ay ganito pa rin ang reaksyon ko kapag sumasakay ng roller coaster. "You're the best!" nagulat ako nang bigla na lang niya akong yakapin pagkababa namin sa roller coaster. I was surprised but hugged her too. "Alam kong ayaw mo ito pero salamat dahil pinagbigyan mo pa rin ako." Of course, Chantle. Basta ikaw... I have met different girls with different personalities but I never felt this way before. I've never been this happy. Chantle has given me this raw happiness, it's natural and pure. And... I never thought that a simple hug could answer my question. God, please forgive me, but I think I'm in love with this little girl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD