"What?" napaupo ako bigla nang dahil sa aking narining. "Paanong hindi na tuloy ang kasal nila?" Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nang huli kong makita si Chantle ay sigurado na siya sa desisyon niyang magpakasal. Papaanong hindi na tuloy ngayon? "You should watch the news, son," kalmadong sabi ni daddy mula sa kabilang linya. Dali-dali akong tumayo at binuksan ang TV para malaman kung ano nga ba ang ibig sabihin ni daddy. Balita kaagad ang bumungad pagbukas ko pa lang nito. Ang larawan ni Chantle at ng magiging asawa niya ay laman ng balita. "Nakatakdang ikasal si Miss Reyes at Sen. Tiu sa susunod na buwan. Ngunit napagpasyahan ng dalawa na ipagpaliban na muna ang kanilang kasal matapos masangkot ang senador sa kasong human trafficking,

