Chapter 1

1523 Words
Chapter 1 "I Love You"   Nakipagsisikan talaga ako papasok ng university convention center. Kailangan kong mauna sa first row. Mabuti na lang talaga at SSC officer ang kaibigan kong si Lucky dahil na bigyan niya ako ng chance na pumwesto sa harap. Ang SSC kasi ang nagorganize sa event na ito parte ng foundation day ng school.   "Padaan..." Sabi ko habang sumisiksik. Nahuli kasi ako dahil sa part time job ko.   "Excuse me. Padaan." Hindi ko na pinansin ang mga reklamo ng mga nadadangil ko.   Tumunog ang hawak kong phone. Tumatawag si Lucky. Agad ko naman itong sinagot at nagpalinga linga saan ako pwedeng dumaan. Madilim na kasi dahil kanina pa nagsisimula ang event.   "Hello?"   "Nasaan ka na Santi?" Bungad niya.   "Nandito na. Naipit lang sa dami ng tao." Sagot ko at muling nagexcuse me.   "Bilisan mo. Patapos na tong nagpi-perform. Kampo Juan na ang susunod." Pagpapaalam niya.   "Oo. Malapit na ako. Saan ka ba banda?"   "Sa kanan."   "Sige. Sige." Lalo akong naging mapangahas sa pagsuong sa dagat ng mga tao.   Tonight is the battle of the band. Representative from the different colleges of the university ang magtatagisan pero hindi talaga iyon ang pinunta ko dito. Sa katunayan ay kanina pa natapos ang competition. I am here for Kampo Juan, an alumin rockband of this university. Magpeperfrom sila.   "Thank you!" Sabi ng performer sa stage. Tapos na ito sa solo performance niya.   Sakto namang nakarating na ako sa harapan. Nagpalinga-linga ako at hinanap si Lucky. One of her co-officer saw me kaya siya na mismo nagturo kung nasaan ang kaibigan ko.   "Ang tagal mo." Sabi ni Lucky nang makalapit ako.   "Natagalan sa trabaho eh." Sagot ko.   Napuno ng tilian ang buong convention center. Nagangat ako ng tingin sa stage at nandoon na nga dahilan sa biglaang pagwawala ng mga tao. Nakitili na din ako. Isa-isang pumwesto ang mga myembro ng banda pero kulang ng isa. They tested their instrument, hindi pa man sila tumutogtog nagwawala na ang mga tao.   Well, Kampo Juan is a famous local band after all. Marami ang humahanga sa kanila sa galing nilang tumgtog at kumanta not to mention all of them are handsome. Pero isa lang talaga ang pinaka hinahangaan ko sa kanila, si Juancho Casrojas. He is the lead vocal. I don't know but the first time I heard and saw him sing nahulog na agad ako sa kanya.   "Juancho!" I screamed at the top of my lungs nang nakita ko siyang lumabas ng stage. The screams and squeals doubled. "Juancho I love you!" Halos mangisay na ako sa kilig.   "Day kalma." Tumatawang pigil sa akin ni Lucky. Nginisihan ko lang siya.   Sinukbit niya ang guitar niyang palaging gamit saka nagstrum.   "Good evening!" Bati niya.   Sayang talaga wala akong banner ngayon gahol na kasi sa oras at marami pang school requirements. Nakontento na lang ako sa pagtili. Natatawa na lang talaga sina Lucky at mga kasama niyang officers sa kabaliwan ko. Baliw na nga yata ako kay Juancho. Who would not ngiti pa lang niya, makalaglag panty na.   "Kami ang Kampo Juan. Are you all ready to jam?" Tanong niya at ngumiti. Wala na mahihimatay na ako. Naghiyawan ang mga tao. Tumango-tango siya. He strummed his guitar.   "Para sa inyo to." Lourd, their drummer give the cue through hitting the drum with his drum sticks.   "Lumayo ka na sa akin Wag mo kong kausapin Parang awa mo na Wag kang magpapaakit sa akin Ayoko lang masaktan ka Malakas ang ako mambola Hindi ako santo..."   Pumailinlang ang malamig niyang boses sa convention center. s**t! Ang ganda talaga ang boses niya.   "Day, salohin mo ako. Mahihimatay na yata ako." Sabi ko kay Lucky napailing naman siya sabay hampas sa akin.   "Ewan ko sayo Santi."   "I love you Juan Cholo!" Umalingaw ang boses ko kasama ng ibang sinisigaw ang pangalan niya. He looked at my direction and wink. Naginit ang pisnge ko. Para ba sa akin iyon? s**t talaga! Malalaglag na yata ang garter ng panty ko.   "Pero para sa'yo Ako'y magbabago Kahit mahirap Kakayanin ko Dahil para sa'yo Handa kong magpakatino Laging isipin Lahat ay gagawin para sa'yo..."   "Rufus akin ka na lang!"   "Lourd ang hot mo!"   Kanya kanyang cheer ang mga humuhanga sa Kampo Juan. Sayang lang talaga at hindi ko sila naubutan. Graduate na kasi nang magfirst year college ako.   "Ahhh!!!" Tili ko. Wala akong pakialam kung maputol man ang litid ko. Dinig din naman ang ibang tumatawag sa pangalan sa mga memyembro ng banda pero kay Juancho lang talaga ang buo kung atensyon.   "Hindi ikaw yong tipong niloloko At hindi naman ako Yung tipong nagseseryoso At kahit sulit sana sa'yo ang kasalanan Lolokohin lang kita Kaya't kung pwede wag na lang dahil Ayoko ngang masaktan ka Wag kang maniniwala Hindi ako santo..."   "Juancho! Ang gwapo mo!" Narinig kong tili ng mga bakla sa likod ko.   "Guys sabayan niyo kami..." He encourage the crowd. Lalong nagkagulo ang mga tao at nakikanta na nga. Todo kanta naman ako kahit nagtutunog bakang nawawala ang boses ko. I admit sentunado ako, saklap ng life diba?   "Pero para sa'yo Ako'y magbabago Kahit mahirap Kakayanin ko Dahil para sa'yo Handa kong magpakatino Laging isipin Lahat ay gagawin para sa'yo..."   The instrumental part came. Pinaglaruan ni Juancho ang kanyang guitar. There is no doubt with his skill in playing the guitar. Gwapo, maganda katawan, maganda boses at magaling tumugtog ng gitara, saan ka pa? Kaya nga marami talaga ang nagbabaliw sa kanya. I sighed dreamily.   "Bakit nakikinig ka pa Matatapos na ang kanta Pinapatakas na kita Mula nong unang stanza Hindi k aba natatakot Baka ikaw ay masangkot Sa mga kasalanan ko..."   Nakataas ang mga kamay sa ere habang sumasabay sa pagkanta niya. Hindi parin humuhupa ang sigawan at tiliin para sa mga taong nasa stage.   "Dacer akin ka na lang!"   "Lourd!" Walang humpay sa pagchi-cheer ang mga tao.   Itinigil ni Juancho ang pagkanta at ikinumpas ang kamay sa ere para hayaang kumanta ang mga naririto. Tuloy naman siya sa pagstrum ng kanyang guitar. His long hair swayed as he bangs his head.   "Pero para sa'yo Ako'y magbabago Kahit mahirap Kakayanin ko Dahil para sa'yo Handa kong magpakatino Laging isipin Lahat ay gagawin para sa'yo..."   "JUANCHO! I LOVE YOU!" Muli kong sigaw na nagpalingon sa mga kasama kong officer. Nagtawanan sila sa pagwawala ko pero wala talaga akong paki kung mukha na akong tanga dito.   Once again the great Juancho turned to my direction and flashed his perfect white teeth. Nangingisay na ako sa kilig kahit hindi naman talaga ako sure kung nakikita niya ako. Wala namang masamang mangarap kaya go lang!   "Ako'y magbabago Kahit mahirap Kakayanin ko Dahil para sa'yo Handa kong magpakatino Laging isipin Lahat ay gagawin para sa'yo."   "Thank you!" Sabi ni Juancho sabay kindat. Nagwala ang mga tao sabay ang masigabong palakpakan.   Nagsimula na ang rave party pagkatapos ng performance ng Kampo Juan pero heto ako nakaabang sa backstage. Pinilit ko pa si Lucky at ang SSC President na si Alstheur para lang makapasok ako. I can't miss this opportunity para malapitan si Juancho.   Kaya lang pagkapasok namin kung nasaan daw sila ay wala na ang mga ito, ang manager na lang nila ang naiwan. Nanlulumo naman ako.   "Nasa van na..." Narinig kong paguusap ng kung sino.   Pinandilatan naman ako ni Lucky. "Wag mong sabihin..." Hindi ko na siya pinatapos at nginisihan saka kumaripas ng takbo sa exit dito sa backstage.   Tinawag ako ng ilang organizer na nakakita sa akin pero hindi ako nakinig. I ran as fast as I can. Nakalabas naman ako at nakitang paandar na ang puting van na sigurado akong sakaya ang banda.   I sprinted and ran after the van.   "JUANCHO!" Buong lakas kong sigaw dahil mukhang hindi na ako aabot. Napatigil na lang ako dahil hindi na kaya ng tuhod ko.   Hingal na hingal ako. Nakatukod ang dalawa kong kamay sa tuhod ko habang hinahabol ang hininga. Pambihira talaga! Gusto kong maiyak. I badly want to see him up close, pero heto nga at mukhang hindi sang ayon ang universe sa pagdadaupang palad namin.   Tatalikod na sana ako kaya lang may nakita akong paa. Nagtatakang nag-angat ako ng tingin. Napasinghap ako at nanlalaki ang mga mata ng makita kung sino ang nakatayo sa harapan ko.   "J-juancho..." Kapos sa hininga kong usal. Napakurap-kurap ako.   "Ako nga." Nakangiti niyang sabi.   "s**t!" I cursed habang nakatanga sa gwapo niyang pagmumukha at hindi malaman ang gagawin. Tumawa naman siya saka lang ako natauhan.   "Juancho!" Tili ko na para pang maiiyak.   "You are?" Naglahad siya ng kamay sa akin. Naglahad siya ng kamay. Nakikipagkamay siya. Mahihimatay na yata ako sa kilig.   "Santi... Santina." I said almost in awe that he is here standing in front of me nakikipag kilala. Inabot ko ang kamay ko na mabilis naman niyang tinaggap, Para akong nakuryente. Ang init ng kamay niya. My heart beat fast instantly, mas mabilis pa noong tumatakbo ako. Para itong sasabog.   "Juancho tara na!" I heard someone called him. Lumagpas ang tingin ko sa likod niya. Nakatigil pala ang van nila.   Shit! He stop the van para lang sa akin?   "Paano. I have to go. Nice meeting you Santina." He winked at me and kissed my cheek.   Wala na. Nanigas na ako sa kinatatayuan ko. Nang matauhan ako ay naglalakad na siya palapit sa van nila.   "s**t!" Mura ko.   "PUTANG INA, I LOVE YOU JUANCHO!" Sigaw ko na ikinalingon niya. Kahit sa malayong distansya ay kita ko ang pagngisi niya bago tuloyang pumasok. Agad namang umandar ang van paalis.   "Santi." Narinig ko ang boses ni Lucky sa likod ko. Nandito nap ala siya.   "Lucky, pakisalo ako. Mahihimatay ako." Sabi ko na parang tanga. I let myself fall na nagpatili sa kanya.   "Day buang ka!" Usal niya sa sobrang gulat. Mabuti na lang at nasalo niya ako pero kahit siguro hindi niya ako nasalo at humandusay ako sa sahig, okay lang.   Fuck! Hinalikan ako ni Juan Cholo Casrojas. Pwede na akong mamatay! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD