Chapter 2

1562 Words
Chapter 2 "Juancho"   "Hoy!" Someone snap a finger in front of me. Napakurap-kurap ako at bumalik sa kasalukuyan. Nag-angat ako ng tingin si Alstheur lang pala. Napabuntong hininga naman ako.   "Oh, para saan yang mukhang yan?" Tinaasan niya ako ng kilay. Napanguso ako at inabot sa kanya ang papel na dahilan ng biglaang pagbabalik tanaw ko. Tinanggap niya naman ito at sinuyod ng tingin.   It was the printed copy of our guest list para sa gaganaping music event dito sa Isla Hermosa. Taon-taon ay dito ginaganap ang 'MusiKamp'. Isang summer camp for different music artist. It's been going on for five years now. Nagpangalumbaba ako sa desk ko.   "So?" Nilapag niya ang papel na inabot ko. Napangiwi naman ako sa pagtataray niya. Kumuha ako ng highlighter at sinalungihitan ang isa sa pangalang naroon at hindi pa ako nakontento, kumuha ako ng red pen at binilogan ito. Natawa naman si Als sa ginawa ko.   "Ba, chill lang ang pussy." Sabi niya at kinuha ang red pen sabay guhit ng heart shape sa pangalan ni JUANCHO CASROJAS.   "Paano ako magchi-chill, aber?"   "Akala ko ba move on ka na?" Nakangising aso na siya ngayon. Napairap na lang ako.   "Naka move na ako noh!" High pitched kong sagot. Mas lalo tuloy siyang napangisi.   "Ano bang ikinakabahala mo ha?" Umayos na siya ng upo.   "Ayoko ko siyang makita." I said not really sure sa tamang sagot.   "Oh, edi huwag kang magpakita. Simple." I make face.   "As if namang pwede iyon."   Tumayo na siya at lumipat sa likod ko. He put his hands on my shoulder saka ito marahan na minasahe. "Ba, don't be stressed. Ikaw na ang may sabi naka move on ka na, kaya dapat hindi ka na affected."   Napatango-tango ako sa sinabi niya. Tama nga naman. Isa pa, it's been a while. Ilang taon na ba noong huli kong makita ang pagmumukha noong gago? I heave a sigh when I remember when was it. Para namang may pumiga sa puso ko. I shook my head.   "Hindi pa naman sure na pupunta iyon dito. Ang sabi hindi iyon mahilig pumunta sa mga ganitong event." Nakahinga naman ako ng maluwag kahit papaano dahil sa sinabi niya.   "Thanks, Ba. I don't know what will I do without you." Sincere kong sabi. Hinawakan ko ang kamay niya. Malaki talaga ang utang na loob ko sa kanya. "Kaya labs na labs kita eh!" I giggled. Inirapan naman niya ako.   We were interrupted with our facial conversation nang bumukas ang pinto. A little girl in her sunny dress run to our direction.   "Mommy!" Tili niya. That made me smile.   Yumuko si Als para salohin ang makulit na bata. Nang tumayo siya ay karga niya na ito. Tumayo na rin ako sa swivel chair ko. Almost dinner na din kaya maghahaponan na kami.   "Give Popshi a kiss, sweetie." Sabi ni Alstheur. Mabilis naman itong hinalikan si Als sa pisnge then she giggled.   "Tara na. Maghaponan na tayo." Sabi ko sa kanila.   Magkasabay kaming tatlo na lumabas ng opisina. Nasa labas si Alira. She's one of our employee here. Nasa bar siya nakadestino. Naging kaibigan ko na din. Nakangisi siya sa amin and I know exactly what's her smile all about. Napairap na lang ako.   "Sabay ka na sa ming magdinner." Tawag ko sa kanya. Nauna na sina Alstheur.   "Huwag na. Magfamily bonding niyo yan eh." Napailing na lang ako.   "Bahala ka. Ang sabihin mo magbo-boy hunting ka na naman. Take a break Alira. Pagpahingahin mo muna iyang labi mo." She laughed out loud.   "Grabe siya oh." Apila niya at sumunod na sa paglalakad ko.   Kinabukasan ay maaga akong nagising para i-check sa huling pagkakataon ang preparations sa pagdating ng mga bisita. So far all is good. Kinausap ko na din ang personnel in charge at handa na din sila. We've been hosting the event for five times kaya ay sanay na din.   Ang sabi ay darating ang mga participants mamayang hapon pero ang mga facilitators at iba pang malalaking tao ay darating any moment from now. Pinasadahan ko ng tingin ang mga suot ng sasalubong sa mga ito. Maayos naman. Sila ang sasalubong sa dalampasigan. Nakahanda na ang mga garlands nila.   Bumalik ako sa hotel para doon na maghintay. Sa kaalamang darating na ang mga panauhin ay ginapangan ako ng kaba. Kaya lang ibang kaba ang nararamdaman ko. Pinasadahan ko ng tingin ang suot at ayos ko sa salamin sa aking opisina. I am wearing my red body hugging cooperate dress. Inayos ko naman ang pagkakabraid ng buhok ko.   Huminga ako ng malalim. Saka ngumiti sa salamin. "Relax Santina. You're a changed woman now. More wiser and more beautiful."   "Ay s**t!" Napatalon ako nang tumunog ang telepono sa desk ko. Inis na hinablot ko ito.   "Maam, nandito na po ang VIPs." Imporma ng taga front desk.   "Okay. I'll be going down." Sabi ko at pinasadahan ang sarili sa salamin sa huling pagkakataon.   I compose myself and plastered my smile habang hinihintay na makarating ang mga bisita. I saw the same faces from last the last year. Hindi nagtagal ay nakalapit na ang organizers at ang head nitong event.   "Welcome back Miss Garren." Bati ko sa music producer at dating artist na siyang head nitong MusiKamp. Nagbeso kaming dalawa.   "It's nice to be back here Santi." Nakangiti niyang sabi. She's in her early forties. Mukha parin itong batang rockstar kahit sa edad niya.   "Where's Alstheur?" Tanong niya ng hindi ito makita.   "May emergency lang po but he will back today." Sagot ko.   "How about your daughter?" Oo nga pala at malapit din siya sa anak ko. She's so fond of her since she first met her. Wala kasing asawa't anak si Miss Garren.   "Nasa swimming lesson niya po." Sagot ko. She nodded.   Sinalubong ko pa ang ibang bisita. Some of them are music icons and music producers. MusiKamp is for the aspiring artist. They will spend a week here para magworkshop kasama ng mga invited trainors na mga sikat ding artist.   Nag-angat ako ng tingin para salubongin ang huling batch ng artist. My smile froze when I saw the man in his way wayfarer. He is wearing a white v-neck shirt nahapit na hapit sa maskuladong katawan at khaki shorts.   "s**t. Ang gwapo." Narinig kong bubulong bulong ni Harlene, isa sa staff na katabi ko. Pa simple ko siyang binalingan.   "Alin diyan?"   "P-po? Iyong nakadog tag." Sagot niya. My forehead knotted. Umismid ako.   "Hindi naman." Sagot ko. Aapila pa sana siya ng makalapit ang grupo.   "Hey!" Ako na ang naunang bumati bago pa ako atakihin ng kaba. Sila Dacer at Rufus pa lang ang nakakalapit. I diverted my attention to the two.   "Santi. Looking good ah." Papuri ni Dacer habang pinapasadahan ako ng tingin.   "I know right." Nakangisi kong sabi at niyakap siya. Si Rufus naman ang sunod kong niyakap.   "Where are the wives?" Tanong ko sa dalawa. They become our guest years ago at nakilala ko nga ang mga asawa nila. They are my friends even before kaya nakakatuwa na makita silang muli. Isa lang naman ang hindi nakakatuwang makitang muli.   "Ayaw sumama." Sagot ni Dacer.   "May summer class si Russelle." Russelle is Rufus daughter. Napangiti naman ako.   "Oh, bawal mangchicks dito ha, isusumbong ko kaya sa mga asawa niyo. Biro ko sa kanila. They shook their head. Malayo na sila sa mga dating mukhang playboy na bandista. Isa na lang talaga ang walang balak magtino. "Ang titino niya na talaga." I said laughing.   Isang tikhim ang nagpatigil sa tawa ko. Exaherada akong lumingon, expecting someone very familiar. Wala na ang shades niya at lantaran siyang nakatitig sa akin. I renewed my smile. Iyon nga lang plastic smile na.   "Lourd. Kamusta?" I greeted the drummer of the band. Tinanguan ako nito. Labag sa loob na bumaling ako sa katabi niyang nakatiim lang ang bagang. I can't read his expression.   "Of course, Juancho." Sabi ko tunog kaibigang matagal na hindi nagkita pero sa totoo lang gutso ko siyang sakalin. "How are you?" Feeling ko sa sobrang taas ng pitch nagtutunog plastic ako pero, who cares anyway?   "Tss..." Umismid siya. Gusto ko namang umirap pero where's my hospitality in that?   "Ang sama naman nito. Parang wala tayong pinagsamahan." Wika ko. Tinampal ko pa siya sa bicep niya. Damn, ang firm!   "Mabuti at pinaunlakan niyo itong event. I know you are all busy and big time even more now." Binalingan ko na ang buong banda.   "Ikaw ang big time. You freaking own this island." Sabi ni Dacer. Napatawa naman ako.   "OA masyado ha. Manager lang ako." Paalala ko.   "Nasaan nga pala si Alstheur?" Tanong ni Rufus. Napansin ko ang pagtiim ng tingin ni Juancho sa akin. His brows furrowed too. Isinawalang bahala ko na lang.   "May inasikaso lang." Sagot ko. "Paano, I will let my staff lead you to your rooms then?" Pagiiba ko sa usapan. Hindi na kasi ako comfortable sa paninitig ni Juancho. s**t talaga! Bakit ba kasi umalis pa si Alstheur sana ay kasama ko siya ngayon. Pambihira talaga.   "Mommy! Mommy! Mommy!" Isang matinis na boses ang nagpalingon sa kanila. I saw my daughter approaching wearing her robe. Nakasuot pa ang cap sa ulo niya. Nakasunod naman ang isang staff ng hotel sa kanya. Patalon talon itong lumapit sa akin hindi alin tana ang mga kasama ko. Napailing na lang ako.   Hindi na ako nagtataka na ang mga mata ng Kampo Juan ay nasa anak ko. They all have this questioning look.   "Guys, nga pala, pasensya na medyo makulit ang isang to. This is my daughter Satheryn." Ang pabida ko namang anak ay kumaway.   "Hi po!" She greeted them with her jolly voice. Nakita ko naman ang pagiba ng reaction niya nang makilala ang mga nasa harap niya. Nanlalaki ang mga mata niya at nagtakip pa ng bibig. Napatiim naman ang bagang ko.   "I know you!" Tinuro niya si Juancho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD