Chapter 3
"Nagmana"
"You're Dacer, you play the guitar. Rufus, you play the bass and Lourd, you play the drums." Isa isa niyang tinuro ang mga ito. Manghang mangha naman ang mga nasa harap dahil sa kabibohan niya.
She then turn her gaze to her favorite man of the band. "Of course you are Juancho!"
She giggled. Gusto ko na lang tampalin ang noo ko. My child is such a confident kid. Hindi ito nahihiya kahit sa mga hindi naman niya kakilala. She knows very well how to carry herself at a young age.
"You are mommy's friend! And oh, we have the same..." Tinakpan ko na ang matabil na bibig ni Satheryn at saka akward na ngumiti. Kung ang tatlo ay namamangha sa kanya, si Juancho naman ay nakakunot ang noo.
"That's enough Satheryn. They have to rest. Say good bye to them now."
"Buh-bye po!" She said and waved her hand at them.
Binalingan ko naman si Harlene at sineyasan na para maihatid ang mga guest.
"See you around."
Pagdating sa cabin namin ay pinaliguan ko na at binihisan. She was talking non-stop about her excitement sa MusiKamp at sa presensya ng Kampo Juan sa taong ito. Growing up I have seen her passion for music. Kaya naman tuwing sasapit ang MusiKamp ay tuwang-tuwa siya. She gets to interact with a lot of artist. Madalas pa ay tinuturuan siya ng mga ito.
I fixed her wavy her into pigtails. Isang denim short at white tank top. Kinuha niya naman ang strappy sandals niya para maisuot ko sa kanya.
She grabbed her ukulele before we walk out of the cabin. Muli kaming pumasok sa hotel at dumiretso sa opisina ko. Pagdating doon ay naghihintay na ang head facilitator ng event para sa final talk. Pinaupo ko si Satheryn sa sofa at hinayaang paglaruan ang ukulele niya.
"Wala naman pong masyadong binago. Iyong bands lang ang dinagdag." Sabi ni Felyn, ang head facilitator sa taong ito.
Tumango ako. Napansin ko nga. Dati kasi ay hindi included ang mga banda, solo and duo artist lang kasali sa workshop. Kaya nga siguro nandito ang buong banda ng Kampo Juan.
"Before I forget..." May kinuha ito at inabot sa akin.
"Thanks for this." Tinaggap ko ito. It's their official shirt for this year. Napangiti na lang ako. They always give one for Satheryn. Nakakataba ng puso.
"Mas lalo po siyang gumaling tumugtog." Isang sulyap ang pinasada niya kay Satheryn na seryoso sa pagstrum ng kanyang instrument playing a familiar song.
Hindi naman nagtagal ang paguusap namin. Nagpaalam siya at darating na ang participants. Hinayaan ko na ang staff na salubongin ang mga ito.
Tuwang-tuwa si Satheryn nang ipakita ko ang tee shirt niya. It's a black round neck shirt na may logo ng MusiKamp. Hindi ko muna pinasuot sa kanya dahil mamayang gabi pa naman ang opening ceremony.
I check my assigned personnels for the event from to time para masigurong walang aberya. I also check on the other things. Nang makitang maayos naman ay ang documents ang binalingan ko. Satheryn got bored kaya hiniyaan ko muna siyang magliwaliw pinasamahan ko na lang sa isang staff. Lahat naman ng mga employee dito ay mapagkakatiwalaan at sanay na kay Satheryn.
Night came. Buhay na buhay ang sea side dahil sa pagsisimula ng acquaintance party. Dinungaw ko mula sa bintana ng aking opisina ang ibaba. I saw the staff preparing the makeshift stage. They are checking the sound system. Habang ang iba naman ay pinapasadahan ng huling ayos ang buffet sa gagawing dinner.
"Mommy I am so excited!" Satheryn squealed while I change her with the MusiKamp shirt.
Napailing na lang ako.
Gabi na at wala pa ding Alstheur na lumilitaw. Dapat ay kaninang hapon pa siya nakabalik. Isang text ang tanggap ko mula sa kanya. Hindi siya makakabalik sa Isla dahil sa aberya sa kanilang isang hotel. Biglaan kasi ang pagalis ng kapatid niyang namamahala dito.
To: Ba Alstheur
It's okay.
Iyon lang ang naging reply ko sa kanya.
"Let's go mommy." Hyper akong hinihila ni Satheryn palabas ng opisina.
Tapos na ang dinner kaya magsisimula na ang program para sa gabing ito. Kung pwede lang ay tumakbo si Satheryn para makapunta na sa seaside dahil sa excitement niya. Mahigpit ko siyang hinawakan at baka madapa pa.
"Hi little girl." Bati sa kanya ni Miss Garren.
"Hello po." She kissed Miss Garen's cheek.
"Are you excited for tonight? You're favorite band is here." Isang masiglang tango ang ginawa ng masayang bata.
I want to roll my eyes. I don't know why my daughter loves Kampo Juan. Sa dami ng mga banda sa Pilipinas at sa buong mundo ito talaga ang paborito niya. I have no doubt with their talent and potential but...
Giniya na ni Miss Garen si Satheryn sa VIP table. They sat side by side. Hinintay ko munang makapwesto sila bago tumalikod. Tinawag ko ang isang staff para pabantayan si Satheryn. I am going back inside. Babalikan ko na lang ang anak ko kapag oras na ng tulog niya.
I was busy looking at may shoes while walking. Para kasing may mali. Tuloy hindi ko na namalayang may nabunggo ako. Maagap ang pahinga ko ng paumanhin. "Sorry."
Nagangat ako ng tingin only to be surprised. Tumalon ang puso ko. Surely, my reaction was comical. Mabilis kong inayos ang expression ko.
"Juancho!" I said recovering from my shock.
Bahagya siyang yumuko at pinakatitigan ako. My smile quivered with the way he stared at me. My mind tells me to move aside but I remained rooted in place. Nagkatitigan kami. My breathing became uneven dahil narin siguro sa bilis ng kabog ng dibdib ko.
Naputol ang titigan naming nang marinig ang boses ni Rufus sa kanyang likuran. Para naman akong nataohan at gumilid. Ang tingin ng kanyang mga kagrupo ay bumaling sa akin.
For a moment nagpalipat lipat ang tingin nila sa akin at kay Juancho. Nanatili siyang nakatalikod sa mga kabanda pero hindi naman naglakad paalis.
"Oh Santi. Hindi ka manunuod?" Tanong ni Dacer nang tuloyang makalapit.
I shook my head. "Hindi na."
"Sayang naman." Isang tipid na ngiti lang ang naging tugon ko.
"Enjoy the night guys. Papasok na ako." Tumango sila at hinayaan akong makapagpatuloy sa paglalakad. Sila naman ay tumuloy na sa seaside.
Bago tuloyang makapasok sa hotel ay nilingon ko muna ang seaside. Muling lumundo ang puso ko nang magtagpo ang tingin naming ni Juancho. He was staring at me, alam ko iyon kahit nasa malayo na sila. Mabilis akong nagiwas ng tingin at nagmamadaling pumasok sa loob.
Saka pa lang ako huminto nang hindi ko na gaanong tanaw ang sea side. Hinihingal ako hindi naman ako tumakbo. Ipinilig ko ang ulo ko. Ang isang kamay ay nakahawak sa dibdib ko sa may bandang puso. I can feel the fast beating of my heart. What the hell!
"Maam, ayos lang po kayo?" Tanong sa akin ng isa sa mga bellboy.
"I'm fine." sabi ko at tumuloy na papuntang elevator.
Tumunog ang elevaotor hudyat na nasa tamang palapag na ako. Kahit bumukas na ang elevator nanatili akong tuliro. Nanghihina ang tuhod ko. Ambang papasara na ang lift saka pa lang ako humakbang palabas. Napapailing na lang talaga ako.
Binuksan ko ang pinto ng opisina ko at pumasok. Padarag akong umupo sa swivel chair ko at marahang sinabotan ang sarili ko while cursing myself how pathetic I acted a while ago.
Don't tell you still something over that bastard Santina?
I groaned in frustration. Natigil lang ako sa paggulo ng buhok ko nang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Alstheur. Nakanguso akong sinagot ang tawag niya.
"Kamusta diyan Ba?" Pambungad niya.
"Ba nandito siya!" Hysteria ko. Sandaling natahimik ang kabilang linya.
"Si Juancho?" Pagkumpirma niya nang makuha ang sinabi ko.
"Oo! Nagkita kami."
"O tapos?" Sinundan ng tawa ang tanong niya. Napairap ako.
Ako naman ngayon ang natigilan. Ano nga ba? Hindi din ako makasagot. Napanguso na lang ako at nagpapadyak. Naiinis ako na ewan. Ang hirap i-explain nang nararamdaman ko ngayon. Basta magulo!
"Hay nako! Don't stress yourself too much Ba. So what if he is there?"
"Tama ka naman." I sighed.
"Kailan ka babalik?" Tanong ko na lang.
"Sa Wednesday siguro. Isa pa I have to be there para sa shoot."
Oo nga pala we have a photo shoot para sa gagawing advertisement nitong Isla. Lunes palang ngayon, isang araw pa bago siya makakabalik. After a few talk ay nagpaalam na siya. I hang up. Tiningnan ko ang oras at napagtantong dapat ay sunduin ko na si Satheryn.
I have to go down. Lumabas ako ng hotel. Habang naglalakad ay panay ang kausap ko sa sariling kumalma. Habang papalapit ay mas malinaw kong naririnig ang kumakanta. Binaling ko ang tingin sa stage a petite girl with big glasses is strumming her acoustic guitar while singing. Must be one of the participants dahil hindi ko naman ito kilala.
Kailan, kailan, kailan mo ba mapapansin
Ang pusong bitin na bitin
Kahit anong aking gawin
Di mo pinapansin
Napangiwi ako as I listen to the song. Shaking the thoughts away, mabilis kong hinanap ang anak ko sa VIP table. Wala na ito dito. Hindi na ako nagtaka. Hindi din kasi mapirmi ang isang iyon. Sunod kong hinanap ay ang staff na inutosan kong tumingin kay Satheryn. Lumapit ako nang mahanap ito.
"Where is she?"
"Nasa harap po."
Nagpasalamat ako at nagtungo na paharap. Umikot pa talaga ako para lang hindi mapadaan sa lamesa ng coaches kung nasaan ang Kampo Juan. Pagdating ko nga sa harap ay nandoon si Satheryn naka indian seat katabi ang dalawang babaeng familiar sa akin. Sikat sila sa mga social media sites. They are also here last year.
Nilapitan ko ang anak ko. Nginitian ko ang mga kasama niya. "Satheryn, let's go now it's way pass your bed time."
Ngumuso naman ang bata. Tanda na ayaw pa nitong matulog. Umiling ako. Nakuha niya naman na hindi na pwede kaya wala na siyang nagawa. Nakanguso siyang nagpaalam sa dalawang artist. "Bye po."
"See you tomorrow baby girl." Ani ng artist na may highlights ang kulot na buhok. Nagwave naman ng kamay ang nginitang singer.
Muli ay nginitian ko sila bago hinila ang anak ko.
Sa halip na umikot para makaiwas sa dapat iwasan ay doon nga kami banda dumaan dahil sa mabilis na paghila sa akin ni Satheryn. Wala na akong nagawa. I squared my shoulder and ready a smile.
Nang papalapit na kami sa table ng mga coach specifically, sa table ng Kampo Juan, silang apat ay napatingin sa amin. Kumaway ang anak ko sa kanila. I badly want to roll my eyes. Satheryn really love their group. That's odd because she's young and their songs are not really for children. Ewan ko ba dito sa anak ko.
"Hi kiddo!" Nakangiting bati ni Rufus.
"Papatulogin ko na. Gabi na kasi." Usal ko.
Ang supladong si Juancho ay muling binalik ang atensyon sa stage. Again, I want to roll my eyes.
Tumango naman sila.
"Good night po." Kumaway pa si Satheryn.
I turned the lights nang makapasok sa Cabin.
Mabilisang paglilinis ng katawan at pagbibihis ng damit ni Satheryn ang ginawa ko. Pagkatapos, I tucked her to bed. May sariling kwarto siya, perks to Alstheur na masyadong spoiled ang bata. Tinabihan ko siya at sinuklay ang kanyang buhok habang pabulong na kumakanta.
Nagangat siya ng tingin sa akin. "Mommy..."
"What is it?"
"You have a terrible voice." Malambing niyang sabi saka humagikhik.
Napailing na lang ako. Walang hiyang batang ito. Mahina kong kinurot ang ilong niya.
"Pasalamat ka hindi ka sa akin nagmana." Muli siyang humagikhik at yumakap sa akin. Hindi naman nagtagal ay nakatulog na siya sa tabi ko.