Chapter 4
"Family"
“Good morning maam.” Bati sa akin ng isang staff. Tumango naman ako.
Kapag umaga ay umiikot talaga ako sa hotel para masigurong maayos ang mga bagay bagay bago magbabad sa opisina ko para sa mga paper works at kung ano pa.
Huli kong pinuntahan ang pool area. Iilan lang ang nandito. Ang mga guest na kasali sa MusiKamp ay sa function hall nag-aalmusal. Nilibot ng paningin ko ang area at tumigil nang may mamataan. Agad na kumunot ang noo ko pero umismid din kalaunan.
Sa isa sa mga sun lounger nakaupo si Juancho at may kalandiang babae. Nakahawak ang kamay nito sa hantad na bewang ng babaeng naka yellow bikini. Aba, ki aga nga namang lumandi. Hindi pa nga masyadong tirik ang araw.
I rolled my eyes saka nagmarcha paalis.
“Good morning po maam.” Bati ng staff na in-charge sa pool.
“Walang good sa morning.” I said flatly at pumasok na.
Nakasalubong ko pa si Miss Garen ang papunta na ako sa office. I ask her about the first night of the event. Sinagot niya naman ito at inanyayahan pa akong manuod nga ng mga performance. I said yes pero wala talaga akong balak na manuod, maybe if Alstheur will be watching baka pwede.
Masaya naman talaga ang MusiKamp kaya lang may panira lang kasi.
Halos salubongin ko ng yakap si Als sa pagdating niya. Para bang sa wakas ay nandito na ang karamay ko. Well, that’s true. Karamay ko nga siya sa lahat ng stress sa buhay ko. Tumatawa naman niya akong niyakap saka kumalas.
“Miss na miss ah.” Sabi niya. Umirap ako.
Sunod niyang niyakap si Satheryn. “I miss you Popshi.”
“Namiss din kita sweetie. May pasalubong ako sayo.” Mas lalong lumawak ang ngiti ni Satheryn. Spoiler talaga!
“Oh siya tara na.” Tawag ko sa kanila at nauna ng maglakad.
“Alstheur!” Napahinto kami nang may tumawag sa kanya. Recognition immediately plastered on Als face nang makalapit ang isang morenang babae na may tuwid na tuwid na buhok, na akala mo modelo ng rebond sa salon.
“Kamusta?” Nakangiti nitong bati. Hindi naman nakatakas sa akin ang pagpasada niya ng tingin kay Satheryn na buhat ni Als at sa akin.
“Good. I’m good. Ikaw Zenny?”
“Ayos lang. Didn’t know you’re already married.”
Ngumiti lang si Als at hindi na nagkomento doon, instead she introduce us. “This is Satheryn…” Kumaway naman si Satheryn. “And this is Santina. She’s also the manager her.” Plastic akong ngumiti. Hindi kasi maganda ang nasasagap kong awra sa babae.
Hindi naman nagtagla ang usapan nila. Nagpaalam din agad si Als dito.
“Bet ka non.” Bulong ko. He rolled his eyes.
I can’t blame the girl. Alstheur has the looks, the body and of course mapera. Iyon nga lang…
“s**t!” Mura ko na nagpalingon kay Satheryn sa akin. Tinampal naman ako ng mahina ni Als.
“Sorry.” Sabi ko.
Nasa tapat namin ang Kampo Juan. Huli na para umatras dahil nakita na nila kami. Wait, bakit kailangan naming umatras. Praning ka na talaga Santina! Kaya sa halip na umtras ay tumigil kami sa harap nila.
“Uy!” Akward kong bati sa kanila. “Walang session?”
“Katatapos lang.” Si Dacer ang sumagot.
Silang apat ay na kay Alstheur ang tingin.
“Pare.” Bati ni Als kay Rufus. Si Rufus lang ang kilala si Als. Nagkausap sila noong nagbakasyon si Rufus kasama ang pamilya niya dito.
Nakakunot ang noo ng tatlo, maybe they find him familiar. Hindi na siguro nila maalala. Madalas ko kasing kasama si Als noon. After their concert sa University ay naging magkaibigan na kami ni Alstheur. Madalas nga kaming magkasama nagpupunta sa mga gig nila.
Tumikhim ako. “Siya nga pala this is Alstheur. Hindi niyo na siguro siya naalala but he used to go with me sa mga gigs niyo noon.”
Tumango tango si Dacer na parang naalala nga ang sinabi ko. Si Lourd ay walang reaction habang si Juancho, ewan.
“Tss…” Iyon lang at tumalikod na siya. Agad naman siyang sinalubong ng isang babae. Hindi iyong kasama niya sa pool kahapon kung hindi si Zenny! Sinasabi ko na nga ba hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa babaeng iyon. Ito namang si Juancho, higad talaga. Ano iyon habang nandito siya iba-ibang babae, kada araw or worst, kada oras?!
Kinuha ng staff si Satheryn. Sasali kasi ito sa isa sa mga session ng MusiKamp. Naiwan kaming dalawa ni Alstheur dito sa opisona. Nakahalukipkip ako habang kaharap si Als na nakangisi.
“Huwag mo akong simulan Ba.” Babala ko sa kanya.
Tumawa naman siya. “Ano?”
Hinampas ko siya dahil sa pagmamaang-maangan niya. Alam na alam ko na ang ganyang hilatsa ng mukha niya. Tuwang tuwa talaga siyang asarin ako.
“Pero, in all fairness mas gumwapo pa si Juancho. Tapos ang muscles, don’t make start about it.” Exaherda niyang sabi at ipinagdaop pa ang mga palad. I can almost see hearts in his eyes.
“Peste. Ang halay mong bakla ka!” Sinabonotan ko na lang siya sa inis dahil para may mental picture ako sa mga pinagsasabi niya. Damn it! May gana pa siyang pagpantasyahan ang gago.
“Ay Ba, iyo? Makapagdamot to!” Pumilantik pa ang daliri niya.
Actually, kaya kami naging malapit ni Als ay dahil fan din siya ng Kampo Juan at parehas kaming baliw kay Juancho noon. Nakakaloka diba? Sa macho at gandang lalaki ni Als, papabols din ang hanap.
Sa katunayan nga ay naging myembro pa kami ng fans club ng banda noon. Kaya lang tumigil na din kaming maging fan niya nang lumabas ang tunay na kulay ng tarantado. Ay, sandali hindi naman pala niya tinatago ang pagiging womanizer niya. Nagpabulagbulagan ka lang Santina!
“Pero aminin, ang hot niya talaga.”
Totoo naman pero mamatay na ang umamin.
“Ba, anong gagawin ko?” Konsume kong tanong sa kanya. Ngumiwi naman siya.
“Anong ibig mong sabihin Ba?”
“Anong gagawin ko kay Juancho.”
Umikot ang bilog sa mga mata niya. “Wala! Wala kang gagawin.”
I frown. “Anong wala.” Hindi ko naman gets ang point niya.
“Wala dahil sabi mo nga move on ka na sa kanya. Duh. Huwag ka ngang OA Ba. Malapit na din naman silang umalis.”
Humalukipkip ako. May point talaga ang baklang ito. Masyado akong nago-overthink sa hindi naman dapat na pagisipan pa. Praning lang talaga ako.
Kinabukasan ay naghanda na kami para sa photoshoot. Bakit ba naman kasi naisipang kami pa ang magmodel. Well, sa gandang lalaki ni Als, why not? Kahit pa nga ba x-men ang isang ito. Maganda din naman ako at syempre ang anak ko. Family kasi ang ipo-portray kaya heto kaming tatlo.
Nasa pool area kami. After nito ay sa beach na. Nakasuot ako ng navy blue one piece bikini na katerno ng kay Satheryn. Si Alstheur naman ay naka swimming trunks. Bakat na bakat tuloy ang ano niya. Nakakapanghinayang talaga ang lahi ng isang ito.
“Akin na Ba.” Kinuha ni Als mula sa akin ang bote ng body oil. Nahihirapan kasi akong abotin ang likod ko. Kailangan daw kasing may ganitong kaartehan pa. Siya na mismo nagapply sa likod ko.
“Wait Ba…” Hindi ko mapigilang matawa dahil nakikiliti ako. Sa may bewang ko kasi siya naglalagay malakas pa naman ang kiliti ko doon. “Huwag diyan!”
He just rolled his eyes at tinapos na ang paglalagay ng oil. He handed me the bottle para siya naman ang malagyan ko sa likod. Pinasadan ko muna ng tingin ang burning abs niya bago siya pinatalikod.
“Sayang talaga.” Bubulong bulong ko na narinig niya naman. Maarte niya akong tinampal. Ang lakas ng loob niyang lumamya dahil wala namang nakakakita sa amin.
I put enough amount of liquid in my hand and rub it on his back. “Bakit ka pa nag gi-gym Ba?” Tanong ko sa kanya.
“Duh. Syempre maraming lalaki sa gym.” Napahagalpak naman ako ng tawa dahil sa sinabi niya.
“May point ka naman.”
Aside sa sekreto ang pagiging girl by heart ni Als, hindi din kasi pro sa cross dressing. Kaya lalaking pa din ang porma niya. Tuloy ang daming nabibiktima. Kung alam lang talaga ng mga babae ang sekreto niya.
“Start na po!” Tawag ng isang staff kaya natigil kami sa harutan at napalingon. Lumundang yata mula rooftop hanggang dance floor ang puso ko nang makasalubong ang mga mata namin ni Juancho kahit pa sa malayong distansya.
Inakbayan ako ni Als saka pa lang ako nataohan. s**t! Bakit ba siya nandito?
While the shoot is on-going hindi talaga ako mapakali. I can feel the stare of Juancho bore on me. Ngayon ay mas malapit na kami sa kanya. Ang sarap niyang paalisin pero hindi naman kasi siya kuha sa camera kaya hindi niya kailangang palayasin.
“Ba, umayos ka para kang constipated.” Bulong ni Als sa akin.
“Sorry naman.”
Hindi ko alam bakit may solo pa pero hindi na ako umangal at hinayaan na ang gusto ng photographer at videographer. I posed the best as I can. Sina Als at Satheryn ay effortless na pomorma. Satheryn seems to enjoy posing. Giliw na giliw tuloy sa kanya ang photographer.
“Lapit ka pa kay Als, Santi.” Sabi ng photographer na mabilis ko namang ginawa.
“Then put your hand again on her waist.”
Binalingan ko ng tingin si Als. I glared at him. May kiliti nga kasi ako doon.
Buhat-buhat ni Als si Satheryn sa isang niyang kamay. Nagflex tuloy ang muscles niya sa katawan. The photo grapher counted and started clicking his camera.
“Give me a candid laugh. Happy family.” Turan nito.
Dahil diniin ni Als ang kamay niya sa bewang ko kaya natawa nga ako. Humagikhik si Satheryn at mas kumapit pa kay Alstheur. Sinukan kong galingan ang pagarte. Nakakahiya naman sa mga kasama ko.
Umalingaw-ngaw ang nabasag na bagay kaya natigil kami at napalingon kung saan nanggaling ang tunog. Nanlalaki ang mga mata ko nang makitang sa banda iyon ni Juancho. Nasalubong ko ang madilim niyang tingin. His jaw is clenche. Ito ang madalas na anyo niya kapag galit. Agad akong nagiwas ng tingin at binalingan kasama niyang si Lourd hanggang kay Rufus. Mukhang nagulat din ang mga ito.
“Santi…” Tawag sa akin ni Als pero hindi ako lumingon.
Mabilis na dumalo ang isang staff sa nabasag. May dala itong panglinis. Tumayo si Juancho mula sa pagkakaupo at umalis na parang walang nangyari. Tinawag siya ni Dacer pero hindi ito lumingon o tumigil man lang.
What the hell just happened?