Chapter 5

1858 Words
Chapter 5 "Nalunod"   Nagpatuloy ang shoot hanggang sa beach. Masasabi kong mas naging madali na ang shoot nang wala na si Juancho na nakatingin. Mas komportable na akong gumalaw. I don't why am I being tensed. Eh, ano naman ngayon kung nakatingin siya?   After the shoot we proceed to cabin para magpalit ng damit.   Lunch came at naanyayahan pa kami ni Miss Garen to join her. Iyon nga lang hindi lang pala siya ang kasama sa lunch. Kasama din ang Kampo Juan and it's too late to decline dahil pumayag na si Alstheur. Malaki ang ngiti ni Miss Garen nang papalapit na kami sa lamesa.   "Alstheur, it's good to see you again." Sabi ni Miss Garen kay Als.   Als pulled a chair for Satheryn and made her sit. "Thank you Poshi."   Umupo na din ako. Nasa gitna namin ni Als si Satheryn. Binati ko naman si Rufus na katabi ko.   "It's good to see you too Miss Garen. Pasensya na at wala ako dito nang dumating ka. I was out for some family business." Sagot ni Als.   Tumango naman si Miss Garen. "It's alright. Kamutsa naman ang papa mo?"   Dama ko ang paninitig ni Juancho kaya naman todo iwas akong mapatingin sa kanya lalo pa at katapat ko siya ng pwesto. Damn it!   "Maayos naman na po ang lagay niya."   Nagkabatian pa si Als at Rufus.   "I believe you know each other." Ani ni Miss Garen.   "Opo." I smiled pero nanginig ang ngiti ko nang di inaasahang magtagpo ang mga mata namin ni Juancho. Tumikhim naman si Als at mabilis na kinuha ang atensyon ko.   "Magkaibigan na po kami noon pa." Si Dacer na ang sumagot.   "Really? That's great." Manghang turan ni Miss Garen.   Pigil ko naman ang hininga ko at baka may maungkat pa dahil sa naging topic. "I was a fun. Mula din po kami sa iisang university." Sabi ko.   Pasimple akong siniko ni Als. Siniko ko naman siya pabalik. Naguusap kami through gestures and I contact. I know exactly what is he trying to say.   "Was. So, hindi na ngayon?" Dinugtungan iyon ng tawa ni Miss Garen.   It was a joke pero sandali akong natigilan at ngumiti na lang sa kawalan ng sagot. Inabala ko ang sarili sa pagaasikaso kay Satheryn kahit hindi naman na kailangan. She can eat by herself, pero kasi mas mabuti na ang may mapagkaabalahan.   They talk about music, showbiz and business. Alstheur's brother has a recording company kaya nakakasabay siya sa usapan. I listened while paying attention to Satheryn. My daughter enjoyed her food silently. Mabuti na lang at hindi umaandar ang pagkamadaldal niya.   "Juancho, no plans of settling down?" Tanong ni Miss Garen. Hindi ko alam paanong napunta sa ganoon ang usapan. My eyes unintentionally flew to him.   Isang ngisi lang ang naging sagot niya. His gaze move to me pero lumipat din kay Als nang pasimple na naman akong siniko nito. Nakakainis din itong si Als. Kung manunudyo ay kailangan pa talagang dito. Pinanlakihan ko siya ng mata. Tumawa naman siya.   Mamaya talaga sa akin ang baklang ito.   "Eat the borcolli Satheryn." Sabi ko sa kanya. Tinabi niya kasi ito. She hates vegetables. Hindi naman ako papayag na hindi siya kumain ng gulay kahit pa magpilitan kami.   Umiling naman siya. "Diba, bawal mag iwan ng food sad plate?"   "Popshi." She called Als na binalingan naman siya. Naghanap pa talaga ng kakampi.   "Just eat it sweetie." Sabi ni Als nang binigyan ko siya ng masamang tingin na huwag magpapadala sa drama ng bubwit.   "But it taste awful." Reklamo niya pa.   May binulong si Als kay Satheryn. Hindi ko alam kung ano iyon pero napapayag niya itong kumain. I want to roll my eyes. Ano na naman kayang paningsuhol niya dito? Kaya din talaga tumitigas ang ulo ng anak ko dahil sa dami ng nagspo-spoiled dito.   Matiwasay na natapos ang tanghalian. I was so uncomfortable the whole time dahil kahit hindi ako nakatingin ay dama ko ang nakakapasong tingin ni Juancho. Tuloy, panay ang siko ni Als sa akin.   "Ba, have you seen how Juancho stared at you the whole time?" Exaheradang sabi ni Als. Nasa opisina kami ngayon at naguusap ng tungkol sa gagawing bagong gimik sa isla.   Inirapan ko siya. Paanong napunta doon ang usapan gayong seryoso kaming nagpaplano dito.   "Hindi." Sagot ko. Inilipag ko ang hawak na ballpen at tumingin sa kanya. "Hindi naman kasi ako tumitingin sa kanya." Pasimple lang.   "Baka naman may feelings pa iyong tao sayo."   Napaismid ako. Kalokohan! Feelings? Eh, kaliwa't kanan nga ang babae dito sa isla. Kanina lang ay iba na naman ang kasama. Hindi na iyong Zenny at iyong isa pa.   "Ewan ko sayo Ba."   "Seryoso Ba. Ang sama nga ng tingin sa akin kanina."   "Baka naman kasi na halatang naglalaway ka sa kanya." Napatawa na lang ako, remembering how Juancho dislike gays. May masamang experience daw siya. Hindi naman niya sinasabi kung ano. Noon ay tinutukso ko pa siyang may naging ex na gay kaya ganoon. In the end mapipikon siya kaya pagkatapos kong humagalpak ng tawa ay susuyuin ko siya.   "Hoy!" Pinitik ni Als ang daliri niya kaya pumutok ang bubbles sa utak ko.   "Ano?" Pambawi ko sa pagkakatulala.   "What if pagselosin natin. Let's see if may something pa talaga."   Napangiwi ako pero hindi nakatakas sa akin ang paglundo ng puso ko. Damn it! "Ayoko nga!"   "Bakit ayaw mo?"   "Ayoko lang." Sandali pa akong nagisip ng idudugtong pero wala na talaga kaya sinarado ko na bibig ko. Kung ano ano na namang naiisip nitong si Alstheur.   "Titingnan lang naman natin. Sige na Ba!"   Hindi na naming natapos ang plano para sa isla dahil sa pagpupumilit niya. Siraulo din itong si Als. I didn't agree with his plan kaya piniste niya ako hanggang maggabi. Para sa akin kabaliwan ang naiisip niya.   Juancho still harboring feelings for me? That's plain bullshit!   "Ayoko." I said with finality and emphasis with every syllables.   "KJ naman nito." Reklamo niya.   Naghaponan kami sa restaurant at tumuloy na pagkatapos sa cabin. Hindi na kami na nanood pa ng presentations sa MusiKamp. Si Satheryn naman ay agad na nakatulog pagkatapos ng dinner dahil sa pagod sa maghapong pakikipagkulitan sa mga guest. Nagising ako nang bandang eleven thirty. Nakaidlip pala ako sa tabi ni Satheryn.   Bumagon ako at naginat. Pumanhik ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama pero hindi na makabalik sa pagtulog. Pagkalipas ng ilang sandal ay tumayo na lang ako. Kinuha ko ang isang asul na balabal at lumabas ng cabin. Maglalakad-lakad na muna ako.   Paya ang gabi. Tanging hampas ng alon lang ang maririnig. Tiningala ko ang maliwanag na buwan. Sobrang ganda nito.   Naglakbay ang isip ko kasabay ng marahang paglalakad sa mga pinagsasabi ni Alstheur kanina. Napapailing na lang ako. Imposible. A man like him, won't possible have feelings for me. Noon nga ay niloko niya ako, what change now?   Mabuti na lang talaga at malapit ng matapos ang event. Dalawang araw na lang ay aalis na sila. Babalik na din sa dati ang lahat. My heart beat and my mind will be in peace again. I can't deny how his presence brings turmoil inside me. Siguro nga naka move on na ako, but I would rather not see him. Natatakot akong baka traydorin ako ng puso ko.   Medyo nakalayo na ako sa hotel at sa cabin pero hindi naman ako nangangamba. This place is safe and secured. Isa pa ay sanay na akong naglalakad-lakad dito lalo na kapag hindi makatulog.   I halted when I saw something, no, someone lying on the sand. Napakurapkurap pa ako para siguradohing hindi ako pinaglalaruan ng isip at mga mata ko. Juancho is lying on the sand topless. Nakapikit ito at may hawak na alak sa isang kamay. He's wet too!   Hindi na ako nagisip at mabilis itong dinalohan. Anong ginagawa nito dito? Is he drunk? Naligo ba siya sa dagat ng lasing? My mind raced. Damn it!   "Juancho!" Niyugyog ko ang balikat niya.   Tangina! Nalunod ba siya? Nasaan sila Dacer... ang mga kasama niya? Hindi ko alam bakit ako nagpapanic. Gusto kong magtawag ng staff pero ang layo pa ng hotel.   He didn't move. "Juancho! Gising!"   Nalunod ba siya? Nanlalaki ang mga mata ko. Nilakasan ko ang pagyugyog sa kanya kahit pa nadi-distract ako sa nagmumura niyang abs. Ugh! Focus Santina! Focus.   Wala talaga.   I tried to calm myself. Huminga ako ng malalim. s**t! Mapapalaban pa ako sa CPR. I tried to recall what I learned. Ano ba naman kasing nakain nitong si Juancho at naligo sa dagat lasing? Gago talaga!   I put both of my palms on his chest and pumped it. He did not move. Still no response. Hinawakan ko siya sa mukha. I have to part his lips pero natigilan ako. CPR? Edi, parang hinalikan ko na siya non? Punyeta, importante pa ba iyon? I've kissed him countless of times before. This is a matter of life and death. But that was... before.   Nasabunotan ko pa ang sarili ko. Sa huli, I shut my eyes tight and leand forward. My heart boomed as bring my lips closer to his mouth. 'I can do this!' I chanted in my head.   Abot't abot ang tahip ng dibdib ko nang maglapat ang mga labi naming. Kinalma ko ang sarili ko at binigyan siya ng hangin.   Wala parin siyang naging response kaya muling kong pinump ang dibdib niya. Napalunok ako nang kailangan ko uli siyang bigyan ng hangin. I shook my head and blew air into his mouth. I am just doing this to save him. Darn!   My eyes widen when he started kissing me. I stopped in shock and was about to step back but strong hands held my face in place. Napaawang ang labi ko nang masalubong ang mga mata ni Juancho. His awake! Dahil sa awang nang labi ko, he easily slid his tongue inside my mouth.   Hindi ako nakagalaw while the bastard claimed my lips. Nang mataohan ay nagpumiglas ako. I pushed his chest but he stopped me using his one hand. Mas lalo niya akong diniin sa kanya. His aggressive kisses stifled my words of protest.   "Juancho!" I exclaimed, horrifies, pagkatapos niya akong halikan.   "Gago ka!" I punched his chest pero ako din ang nasaktan dahil sa tigas nito. Padabog akong tumayo. "What the heck... Why... Ugh!" Sumigaw na lang ako sa frustrasyon. I can't even construct a proper sentence. Nawindang ako!   "Are you just pretending?" Nasapo ko ang noo ko. Bumangon naman siya na parang walang nangyari, kalmante habang ako halos sumabog na.   "My goodness!" Halos mamatay na ako sa pagalala and here he is laughing like something funny just happened. Oh, funny nga naman ang reaction ko. Nagngitngit ang kalooban ko. Ang pagalala at napalitan ng inis at galit.   "Damn you! Akala ko nalunod ka na. And, I-I even performed a CPR. Damn it!"   He smirked. "No one told you to do that... or you did that on purpose."   Nagsiakyatan yata lahat ang dugo sa utak ko. "What did you say?"   Now he is grinning like an idiot.   "Putang ina ka!" I punch him pero mabilis niya naman itong nasalag. He chuckled. Kita niya sa siguro ang panggigilgil kong saktan siya pero hindi ko naman magawa.   I swear. I can see red.   I kicked his jewels and left him enduring the pain. Tumakbo ako pabalik sa dinaan ko kanina. Hindi ko na siya nalingon kahit anong tawag niya sa akin. I doubled my pace sa takot na baka makahabol siya.   Nang makapasok sa cabin ay humilig ako sa pinto. Nanghihina ang mga tuhod ko. Mabilis ang t***k ng puso ko, dadag pa ang pagiinit ng pisnge ko. I can still feel his lips on my lips. Bwesit! Gago talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD