Chapter 6 "Don't Fall" "Talaga po?" Mangha at excitement ang nararamdaman ko habang ibinabalita sa akin ni Sir Brynt kung sino ang special guest namin bukas, Sabado. "Tuwa ka naman." Sabi nito. Ngumisi ako. We usually have band playing here in the restobar every Saturdays. At bukas nga ay Kampo Juan ang tutogtog. Isang buwan na mula noong tumugtog sila sa Foundation Day ng University and since that mas lalo pa akong nabaliw sa kanila, specifically to Juancho Casrojas. Umaga pa lang hindi na maitago ang excitement ko. Biro mo, makikita ko ulit siya? I have always wanted to go to their gigs pero hindi pwede dahil may trabaho ako. Friday and Saturday dito ako sa resto bar hapon hanggang gabi. Kapag naman Monday to Thursday sa isang laundry shop ako nagtatrabaho nang 4:00 pm t

