7

1817 Words
MAAGANG-MAAGANG nagising si Mabel. Halos hindi siya nakatulog sa magdamag. Kinakabahan siya sa unang araw niya sa trabaho. Panay ang panalangin niya na sana ay maging maayos ang lahat sa araw na iyon. Sana ay hindi siya gaanong mahirapan. Tila nahawa sa stress ni Mabel ang mga kawaksi sa mansiyon. Ang dami kasi niyang iniutos. Hindi lang yata limang beses siyang nagpaplantsa ng damit dahil hindi niya mapagdesisyunan ang isusuot. Sa bandang huli ay napagpasyahan niyang magsuot na lang ng makapal na cotton sweatshirt na hindi na kailangang plantsahin. Nagpabago-bago rin si Mabel ng gustong kainin sa almusal. Noong una ay gusto niya ng tapang usa. Ngunit nang matikman ang tapang usa ay napagpasyahan niyang gusto talaga niya ng pork tocino. At nang maihain na sa kanya ang tocino ay tila hindi rin iyon nagustuhan ng kanyang dila kaya nagpaprito na lang siya ng chicken hot dog. Sa bandang huli ay hindi rin siya makakain. Nagising nang maaga si Berry at ito ang umubos ng lahat ng almusal na ipinahanda niya at hindi nakain. Paalis na sana si Mabel ngunit nang kalkalin niya ang bag ay nalaman niyang naiwan niya ang cell phone sa kuwarto. Pinaakyat niya ang isang kawaksi upang kunin ang kanyang cell phone. Nang iabot ng kawaksi sa kanya ang cell phone ay muli niya itong pinabalik sa kanyang silid dahil nakalimutan niyang magdala ng panyo. Ibinilin niya na siguruhin nitong plantsadong-plantsado ang panyo. “Papasok ka ba sa trabaho o hindi?” tanong ni Berry. “Mahuhuli ka na, oy!” “Wait lang naman. Hindi pa ako prepared.” Bumalik na ang inutusan ni Mabel na kawaksi at ibinigay sa kanya ang panyo na mainit-init pa. Tila pinadaanan pa nito iyon sa plantsa bago ibigay sa kanya para siguradong-sigurado na hindi na siya mang-uutos uli. Kinalkal uli ni Mabel ang bag. Ang sabi niya sa sarili ay nais lang niyang masigurong dala na niya ang lahat ng kailangan, ngunit alam din niya na hindi iyon gaanong totoo. “Sisipain kita palabas ng bahay, Mabel.” Napatingin siya kay Berry. Mukhang seryoso ang kapatid sa banta. “Nagsasayang ka lang ng panahon dito. Sige na, alis na. Mahuhuli ka na sa trabaho.” Napabuntong-hininga si Mabel. Inamin na niya sa wakas sa sarili na talagang naghahanap lang siya ng mga dahilan upang hindi pumasok sa trabaho. Hindi pa man nagsisimula sa trabahho ay stressed-out na siya. Isinukbit niya sa balikat ang bag at dahan-dahang tinungo ang pintuan palabas. Sana ay bumagyo. Sana ay magkalindol... “`Papakabait ka!” pasigaw na bilin ni Berry. “`Wag mong kalilimutan ang pasalubong ko!” Hindi na pinansin ni Mabel ang kapatid. Paglabas niya ay naghihintay na ang driver sa kanya. Sumakay na siya bago pa man kung ano-ano ang mahiling niya. Kinonsola niya ang sarili na matatapos din ang araw na iyon. Pagdating sa Sagada Weaving ay sinalubong siya ni Manang Gina, isang ginang na may mabait at palakaibigang mukha. Sa tantiya niya ay nasa kuwarenta pataas na ang ginang. Nakalma nang bahagya ang kanyang loob. In-orient siya ni Manang Gina sa magiging trabaho niya. Ikinuwento nito sa kanya kung paano nagsimula ang Sagada Weaving. Sinimulan ni Andrea Bondad ang habian noong 1970 upang ma-preserve ang weaving tradition ng bayan. Kilala ang Sagada Weaving sa pagbibigay ng trabaho sa mga babae at differently abled. Sagada Weaving produced quality hand-woven products. Ibinigay kay Mabel ang isang electric sewing machine na nasa isang sulok ng showroom. Tatahi siya ng maliliit na coin purse. Simple lang buuin ang isang coin purse kaya kaagad siyang natuto. Isinama siya sa likurang bahagi ng showroom kung saan naroon ang mga humahabi ng tela at ipinakilala siya sa kababaihang naroon. Mababait ang lahat sa kanya. Noong kausapin nila ni Attorney Ferrer ang may-ari, ipinakita na nito sa kanya ang lugar na iyon. Na-fascinate pa rin si Mabel kahit ikalawang pagkakataon na niyang makatapak doon. Fascinated siya sa intricate weaving process. Mas fascinated siya sa wooden weaving looms. Nais niyang matuto kung paano iyong gamitin upang makabuo ng magagandang pattern sa fabric. Ipinaliwanag kay Mabel ang ibig sabihin ng mga original geometric pattern na nagpasalin-salin na sa ilang henerasyon. Zigzag lines represented rivers, and triangles represented mountains and rice paddies. Mabilis na namemorya ni Mabel ang kulay ng mga finished fabric. Pagkatapos ng orientation ay naupo na siya sa harap ng makina. Marunong naman siyang gumamit ng electrical sewing machine kaya kaagad niyang nakagamayan ang makina. Hindi gaanong perpekto ang unang coin purse niya kaya siya na lang ang bumili niyon at itinabi para kay Berry. Natuwa naman si Mabel sa kanyang trabaho. Napakabait ng mga kasamahan niya. Kahit na ang ilang turista na pumapasok sa showroom ay mababait din. Unti-unting nabura ang takot na nararamdaman niya. Everything was doing well. Halos hindi namalayan ni Mabel na tanghalian na pala. Kung hindi pa nagpaalam ang katabi niyang mananahi ay hindi pa niya mamamalayan ang oras. Hindi sabay-sabay ang tanghalian upang may matirang tao sa shop. Noon lang niya natanto kung ano ang nakalimutan niyang dalhin. Packed lunch.  Ano ngayon ang kakainin niya? Kaagad niyang tinawagan si Ate Vera. “Ate, wala akong pagkain!” kaagad niyang sabi pagkasagot na pagkasagot ng kapatid sa tawag niya. “Ha?” “Wala akong baong lunch. Kailangan pala, may baong lunch. Hindi naman nila sinabi sa `kin.” “O, eh, ano ang gagawin natin?” “Ate...” Hindi sigurado ni Mabel kung umuungot siya o umaangal. Kaya nga siya tumawag para resolbahin ni Ate Vera ang problema niya, pagkatapos ay tatanungin siya nang ganoon? “O, sige, saglit lang. Relax ka lang diyan. Makakakain ka ng tanghalian.” Napangiti na siya at nakahinga nang maluwag. Problem solved. Inakala ni Mabel na magpapadala ng pagkain ang Ate Vera niya sa isa sa mga diver kaya inabangan niya sa labas ang pagdating ng sasakyan. Nakita niya ang isang pamilyar na lalaking nakasando, denim shorts, at rubber slippers na naglalakad palapit. Napatingin siya sa suot niyang makapal na sweatshirt. Pagtingin niyang muli sa lalaki ay nakita niyang nakangiti na ito sa kanya. Ramdam niya ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Kinawayan siya ng lalaki. Gumanti si Mabel ng kaway nang makilala niya si Kellan. Nag-ahit ang lalaki kaya naman hindi niya kaagad nakilala. Hindi niya maalis ang mga mata sa binata habang naglalakad ito palapit sa kanya. Mas batang pagmasdan si Kellan ngayon na walang buhok sa mukha nito. Mas naging boyish ang features. Nang mas lumawak at mas tumamis ang ngiti sa mga labi ng binata, tila nagkaroon ng munting kaguluhan sa kalooban niya. Lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso. Tila may kung anong kakaiba sa tiyan niya na alam niyang hindi dahil sa gutom. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Ano ang nangyayari sa kanya? “Hi!” Napapitlag si Mabel nang marinig ang tinig ni Kellan na prominenteng-prominente ang accent. Hindi niya namalayan na nakalapit na sa kanya ang binata. “H-hi. Ano ang ginagawa mo rito?” Dumaan lang marahil ang binata upang bumati. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Patuloy ang kaguluhan sa kanyang kalooban at tila lalo iyong lumalala. Napatingin siya sa kalsada. Sana ay dumating na ang driver na magdadala ng pagkain niya. Baka gutom lang ang dahilan ng lahat ng iyon. Itinaas ni Kellan ang isang paper bag. Nagtatanong ang mga matang napatingin siya rito.  “I live near here. Dinalhan kita ng pagkain.” Napatitig si Mabel sa paper bag na dala ng binata at napakurap-kurap. Bahagya lang rumehistro sa isip niya ang pagta-Tagalog nito. “P-paano?” “Your sister called me. She told me about yer situation. So here I am. The knight in shining armor ready to save the damsel in distress,” wika ni Kellan sa nagbibiro at magaang tinig. Hindi nabura ang ngiti sa mga labi nito. “P-pero—” Hindi na naituloy ni Mabel ang nais sabihin dahil hinila na ng binata ang braso niya at pinaupo sa malapit na concrete bench. “Tara, kain na tayo. Gutom na ako.” Nababaghan si Mabel habang pinapanood si Kellan na inilalabas ang mga dala mula sa paper bag. May tatlong patong na plastic na baunan at may isang malaking clear plastic canister itong dala. Naglabas din ang binata ng dalawang bottled water at dalawang piraso ng saging. Binuksan ni Kellan ang magkakapatong na baunan na pulos kanin pala ang laman at iniabot sa kanya ang isang baunan at isang kutsara. Halos wala sa loob na tinanggap iyon ni Mabel. Binuksan ng binata ang clear plastic cannister na may lamang pork adobo. Kumutsara ang lalaki ng dalawang hiwa ng karne at inilagay sa ibabaw ng kanin niya. Parang timang na napatitig siya sa mga hawak. Nangyayari ba talaga ang bagay na ito sa kanya sa kasalukuyan? “You look funny,” puna ni Kellan. Napatingin si Mabel sa binata. “I look funny?” He giggled. It was the sweetest sound in the world. Tipikal ba iyon sa lahat ng may accent? His eyes turned into cute slits. Nagliwanag ang buong mukha ng binata. She was suddenly convinced he was the most gorgeous man alive in the entire cosmos. Napapitlag siya at muntik nang mahulog ang mga hawak nang abutin siya ni Kellan at banayad na pinisil ang kanyang pisngi. “You’re so cute.” Bahagyang nadismaya siya sa narinig. Cute? She thought he was the most gorgeous and he thought she was cute. Hindi niya alam kung paano iyon tatanggapin. “Kain na,” anang binata habang nasa proseso ng pagsubo. “You sound funny,” ani Mabel bago pinagtuunan ng pansin ang pagkain. “Maraming salamat nga pala.” Bahagya siyang nakadama ng hiya dahil kinailangan pa siyang dalhan ni Kellan ng pagkain. Hindi niya sigurado kung maiinis sa Ate Vera Mae niya o magpapasalamat. Mahirap aminin sa kanyang sarili na gusto niyang makasama at makasalo sa pagkain si Kellan. Gusto talaga niyang makita at makausap uli ang lalaki. Ang totoo ay sumasagi sa isip ni Mabel ang binata sa gabi mula nang unang beses silang magkakilala. Tuwing ayaw niyang isipin ang mga kinakaharap na problema, hinahayaan niya ang sarili na isipin si Kellan. Nais niyang maniwala na curiosity lamang ang nararamdaman niya at wala nang iba. He was a good distraction. Sa palagay ni Mabel ay mapapangiti siya tuwing maaalala ang binata mula sa araw na iyon. Aaliwin niya ang sarili sa pag-alala ng nakakatawang pagta-Tagalog nito. “No worries. Like I said, I’m near and I just finished cooking for lunch.” Tinikman niya ang adobo. “Masarap. Ikaw ang nagluto?” Tumango si Kellan. “I love adobo. Also sinigang. That’s our ulam for tomorrow.” Nginitian siya nito nang matamis. Natigil siya sa akmang pagsubo. “Tomorrow?” “Yeah, tomorrow. You’ll see me again tomorrow.” Supil-supil ang ngiti na sumubo si Mabel. Tuwang-tuwa siya sa sinabi ni Kellan. Makikita uli niya ang binata bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD