KINALADKAD ni Mabel si Kellan sa fire escape. Nanginginig ang buong katawan niya sa galit. Hindi pa rin niya gaanong mapaniwalaan na nasa Tarlac si Kellan kahit hawak-hawak na niya ang braso nito. Kanina ay hindi siya kaagad nakahuma sa presensiya ng lalaki. Mahabang sandali siyang napatitig habang nakatitig din sa kanya ang hinayupak. Nang tumimo na sa isip niya ang lahat, hindi pa rin niya makompronta ang lalaki dahil ibinalik na sa silid ang kanyang ina. Naging abala na si Mabel at pilit na itinuon ang buong atensiyon sa may sakit na ina. Pagod na pagod at nanlalata ang kanyang ina ngunit nagawa nitong ngitian muna ang mga bisita bago nagpahinga. Siniguro ni Mabel na nasa ayos muna ang kanyang ina bago niya hinawakan ang braso ni Kellan at kinaladkad palabas ng hospital suite. ‘“Hey,

