ESTÉE POINT OF VIEW Mag-aalas tres na ng madaling araw nang magising ako. Pawis na pawis kahit malamig ang simoy ng hangin sa labas. Hinaplos ko agad ang pisngi ni Lumi na mahimbing na natutulog sa tabi ko, banayad ang hinga, parang maliit na anghel sa ilalim ng kumot. Pero ako, gising na gising. Hindi dahil sa lamok o ingay ng mga palaka sa labas kundi dahil sa panaginip. Hindi ko man aminin agad, alam kong si Alec na naman ang nasa panaginip ko. Hindi ko na matandaan kung kailan ko siya huling nakita. Parang multo na lang ang alaala niya. Bigla na lang nawala. Walang pasabi. Walang paliwanag. Iniwan ako. Iniwan kami. At ang sakit, hindi lang basta masakit. Para siyang lason na unti-unting kumakalat sa laman. Tumingin ako sa kisame ng aming maliit na kwarto. Kahit anino niya, hindi k

